Author Topic: financial problem naming mag asawa/samahan mo pa ng pakialamerang in-laws  (Read 13375 times)

phatgirl

  • Guest
Hi! di ko alam kung anong title ang dapat na ilagay dito..super naguluhan lang ako..minsan kasi kahit sabihin mong pera lang yan,materyal na bagay lang yan,di ka naman talaga magiging happy pag wala ka niyan di ba paano ka bibili ng food kung wala ka pera di ba?

si hubby kasi okaynaman ang trabaho niya dito.malaki rin naman ang salary niya at nakaka survive naman kami..pero ang ayoko ko kasi,laging sakto yung salary nya for monthly expenses..samahan mo na yan ng sa vaccine ng bata..dapat kasi 4 months ago pa-abroad na siya eh,nakakuha na dapat siya at tanggap na siya sa work niya sa Sg.alam ko magastos rin sa Sg,pero kahit na mag rent siya dun at sabayan ng mag re-rent kami mag ina dito,may masa-save pa rin kaming atleast  25k a month,dagdagan pa kung ma sideline siya dun..nasayang kasi dahil sa ka-dramahan nilang magpa-pamilya..kesyo raw malayo,ganito,ganyan..sa akin naman malungkot talaga..naluha nga ako nung sabhin niya noon na balak niya mag abroad kasi alam ko mahirap yun lalo na sa part niya kahit na may mga kakilala siya dun na former officemates niya..pero di kasi tayo mabubuhay sa puro drama at isip na baka ganito or baka ganyan..malungkot,malayo..3 company ang tumanggap sa kanya sa Sg,pero kahit isa dun di na siya natuloy.kasi nakialam ang ate niya at parents niya..

inis na inis ako kasi buti sana kung sila ang naghihirap pag wala kaming pera..minsan nga delayed na ng 1 month yung check-up ng baby dahil hihintayin pa sweldo niya..renta ng condo 15k wala pa bills at dues..groceries pa..di naman pwede i-cut yung expenses dahil wala naman dapat bawasin..lahat  ng binibili needs naman eh..ang hirap sa pamilya niya masyado mga ma-drama na pakialamera..puro balak tumulong di naman matuloy..saka ayoko ng aasa kami sa kanila..isa pa yumaman man yung ate niya,dahil naman yun sa mayaman naging asawa at lagi nga rin nasusumbatan ate niya pag nalalaman na nagbigay ng pera sa kanila eh..naiinis kasi ako,laging ganyan,sakto yung sweldo,minsan kulang pa..di naman ako makapag work dahil ayaw rin ng  hubby ko walang mag aalaga sa baby namin,ayoko rin naman iwan sa yaya..pilit niya kasi inisip na aasenso pa siya dito sa Pinas na imposible naman..

sa dami ng gastusin namin unahin mo renta ng condo,groceries,pang gas sa kotse,pocket money ni hubby,bills namin,halos nasa 45k ang gastos namin..ilang taon na lang mag aaral na anak namin,lalo ng walang chance maka ipon..so sinasabi ko nga sa hubby ko na sinayang niya kasi yung opportunity..di ko lang siya ma-diretso na kasi yang pamilya niya nakikialam pa sa desisyon niya,buti sana kung sila yung nahihirapan,,di naman..saka kahit na sabihin natin na may kaya sila,di okay yung lagi kami aasa kasi marami rin naman sila nasasabi..takot na ako humingi sa kanila ng tulong kasi sanay sila na pag tumulong sila sayo,akala naman katulong ka na kung ano-ano ituturo sayo..yung dining set na binigay dito,bigay na,,dadalawin pa para palitan ng mantel..lukaret rin na MIL eh..nung na dengue ang anak niya ako pa nasisi.at wag raw ako magkasakit kasi wala raw ako pampagamot gaya sa anak niya..madami talaga sila sinasabi at nasisita basta nakatulong..kaya ako plastikan na lang kami pag nagkita kita..ultimo facebook pinakikialamn nila kaya mga posts ko nakatago sa kanila pati sa bilas ko..ang pag aalaga ko sa anak ko pinakikialaman kahit na ang layo na ng bahay ko sa kanila..


ayan ngayon sweldo na naman..wala na naman matitira kasi papunta laha tsa bayarin namin..yun ang kinaka inis ko..ayoko naman pangunahan asawa ko..pero ang point ko kasi sana lakasan niya loob niya,at wag sya masanay na mabuhay sa aasa sa utang pag naubos yung pera..kung malaki lang tong anak namin baka ako na lang nag abroad,titiisin ko para lang may maipon kami..kaysa naman ganito,wala kang pera,sakto lagi o kulang pa..walang naipon..ewan ko naguguluhan ako pasensya na kayo kung mahaba yung posts ko..ang hirap kasi,.ngayon nga may sakitrin ako di ako makapuntasa derma,paano na infect naman fingernails ko kaka laba ngdamit kasi wala na kami maid.ang hirap talaga.

zee87

  • Guest
kame nga sis, dalawa na kame nagtatrabaho, sapat sapat lang din talaga.
Kung ako sayo sis, kausapin mo na yung asawa mo.
Wag mo na sumbatan kasi sa totoo lang mahirap talaga mahiwalay sa pamilya.
Sabi ko nga sa sarili ko bago pa ko magpamilya, di bale na sapat lang ang kinikita dito wag lang mahihiwalay sa pamilya ang isa sa amin na mapapangasawa ko.
Hanggang ngayon, ganun pa rin naman stand ko.

Pwede naman ulet mag apply ang asawa mo sa SG.
At pwedeng pwede nya kayong dalhin dun.
Madami na Pinoy sa SG na nagwowork tapos kasama rin nila family nila.

Yung iba naman, nandito yung family pero nakakauwi sila like once a month or once every quarter.
Nag aabang lang ng sale na ticket. Tipid pa rin.


1choi_ko9

  • Guest
^ yes sis tama si sis zee87...tamang stand na mahirap magkahiwalay...hindi sa kadahilanan na baka magkaroon ng third party or whatevs....but the fact na mahiwalay isa isa sainyo sa isat isat plus sa mga anak naku napakahirap. Kailangan ng anak ang magulang all through out. Hindi lang pera o marangyang buhay ang kailangan nila...physically need nila magulang nila to be with them -- complete! :)

Oo tama ka sis phatgirl, kung dito lang din naman si hubby ubos at pantay na pantay ang gastusin.. walang ipon...in short walang mangyari... i know also iniisip mo lang pamilya mo... pero to be honest hindi pa problema macoconsider yan. Kase kung gusto mo talaga may ipon maraming paraan...kahit na pa we think puro needs naman ang gastos natin...pero if we looked into the fine print...magastos pa rin at maiisip na luho na rin. Renting a condo? If you want to save talaga, maraming other ways to find a better living na hindi mahal. Pang gas? pwede naman hindi mag car often. Or if hindi naman need lumabas wag lumabas ng bahay...kase pihado gastos yun. Imbis na kumain sa labas, sa bahay na lang. :)

Like what sis zee87 said pwede rin naman mag SG si hubby na kasama kayo. Try to consider that also. 1 point for that atleast malayo na kayo sa pamilya nya na sabi mo nakikialam. Yes malaki sweldo sa SG pero mahal din ang cost of living dun, take into consideration mo rin yun sis. May friend ako, sa SG hubby nya then sumama na rin sya, pareho sila work don. Yung mga bata may time na naghire sila ng yaya from here dinala nila don. Pero may time din na sila ni hubby nya bantay, alternate sila... you make adjustments naman talaga...hindi lahat sweet life....may times na mahirap and part ng marriage yun.

Bottom line, you and your hubby needs to talk on the things na gusto nyo mangyari with your family...tell him what you want and let him tell you rin what are his plans... and stick to it...

goodluck

Princess_Chill

  • Guest
sis agree ako sa mga sisses natin...

mahirap talaga na malayo sa pamilya...kami sis mas mahirap sitwasyon namin...kung baga ako pinaka bread winner sa pamilya namin... nawalan ng trabaho si hubby last year and ever since ako na bumubuhay sa family namin...sumasideline sideline siya so talagang sapat lang or kulang pa...Nag pla plan din siya na mag abroad kaso we are looking into options na makahanap ng income dito para hindi na siya lumayo dahil mahirap din dahil babae anak namin..

now property consultant siya sa avida..honestly hindi enough ang allowance siya dahil mas malaki pa gastos pamasahe etc. kaya sobrang dami naming utang ngayon kasi exhausted na ang sweldo ko dahil nga nadagdagan expenses namin...

pero sopprta parin ako sa kanya...hanggat kaya...tipid kung tipid nalang din kami makakaraos din naman kami...

sis tama si 1choi_ko condo? 15k? naku napaka mahal noon kung pwede kayo hanap na mas mura matirahan...there are ways para makatipid...kung kami nga monthly income na pumapasok samin is almost 21k lang a month

7k bahay namin , kuryente, water, grocery, pamalengke...transpo pa ... sobrang nagigipit na kame kaso tiis lang talaga pag nakabenta naman si hubby makaka luwag luwag din kami...

Pretty_ava

  • Guest
hay naku mga sis, ako din ganyan ngayon, kasya lang lahat.  we are both working pa ha with a pre schooler.

gastos namin every month:rent 8500: electric bill:2500 water: 700 yaya fee: 2500 ava's school: 1500

plus groceries, baon namin mag asawa...wala din kami ipon sakto lang talaga ang kita namin mag asawa.  makakaipon din kami in time, pero we are surviving, mahirao pero kaya naman.   

don em

  • Guest
I think sis, konting tiis at support kay hubby ang kailangan. Talagang madaming bayarin. Maybe you can find ways kung paano makakatipid at mababawasan ang gastos sa bahay. I have a baby also, and his pedia na rin nagsabi kung wala namang problem ok na si baby. My pedia recommended na sa center na lang ako magpavaccine para mas makatipid. Not that wala akong pambayad sa vaccine ha, pero sa tingin ko tama si pedia ko. I love her kasi nga hindi sya mukhang pera. She told me na yung binibigay sa center is enough na for the baby lalo na kung normal naman sya.
Tungkol sa gastos sa bahay, minsan may mga bagay na hindi [textspeak!] natin kailangang bilhin. I agree with 1choi_ko9, na kailangan din iadjust natin the way we live para mas lesser ang problema. We do not need to keep up with everybody else.
Ang importante buo ang pamilya. Hangga't kaya natin, parents should be physically present to guide the kids.

dimplesgon

  • Guest

renta ng condo 15k wala pa bills at dues..groceries pa..di naman pwede i-cut yung expenses dahil wala naman dapat bawasin..lahat  ng binibili needs naman eh..

sis, 15K for a condo is really too much, if gusto nyo talaga mag cut at magbawas ng expenses, kayang kaya pa sis. talagang magtitiis nga lang, siguro list down mo yung monthly expenses nyo, i-detail mo if possible, then from there, makikita mo na madami pang pwede na tanggalin na muna ang mga ibang items, - for sure malaki ang matitipid nyo.

momai

  • Guest
hi! kami din both working pero tama lang ang sweldo. hindi namna kasi malaki ang sweldo namin. 2 ang anak namin, yung isa nag aral na. pero kahit medyo hirap kami okay naman kami kasi sama sama kami. naniniwala din kasi ako mas masaya pag buo ang pamilya. lalo na mga lalaki ang anak ko, so mas gusto ko na nandito ang daddy nila habang lumalaki sila. actually si hubby gusto niya try sa ibang bansa pero ako ang may ayaw. alam ko maka survive naman kami dito eh.

kung gusto mo talaga na sa abroad magwork si hubby, sama na lang kayo ni baby kung san siya mag work.

agree din ako, madaming pwedeng gawin para mabawasan ang expenses. like yung sa condo, kung pwedeng hindi na lang sa condo para mas tipid. kasi bukod sa rent may association dues pa kayo. sabi mo may car p akayo so ibang bayad ang parking nun? sayang din yun. kung 3 lang kayo, pwede na siguro sa apartment. may mga mas mura naman sa 15k pero maayos din nag bahay.

phatgirl

  • Guest
mga sis thanks sa reply!

ang problema kasi sa hubby ko,medyo maluho siya.ayaw niya ng apartment na may ipis,ayaw niya ng di bago..kaya ako naman,kung saan siya,dun ako.kasi di ko naman siya mapipilit tumira sa medyo mura..yun kasi medyo mama's boy,sanay sa pa easy-easy,ayaw mag commute.kaya nga raw siya binilan ng ate niya ng kotse para gawin niyang service sa work niya.todo support naman ako sa kanya.minsan sinasabi ko sa kanya na positive lang kami at mag dasal lagi.minsan nga tumutulong pa ko mag send sa mga company ng demo reel niya,baka kasi incase na maka kuha siya sideline,malaking bagay na yon.kaso tamad naman kasi siya.parang kung anong meron,pwede na yan,kulang yung pera?uutang na lang.ganun lagi kasi siya..

di naman sa ma-pride akong tao.ayaw ko lang kasi ng lagi naka takbo sa kanila pag talagang wala ng mahiraman,kasi may ugali talaga sila na pag tumulong,akala mo na kung sino..kaya masama rin loob ko dahil sawa na ko kaka lunok ng pride sa family niya matapobre.

di ko naman siya gusto gumaya sa mga dati niyang officemates na nasa Sg,kasi di naman lahat ng mangyayari kay Juan,mangyayari kay Pedro.pero ilan sa mga naging officemates niya na nasa abroad na,maliit lang sweldo pero naka survive sila sa Sg,tipid-tipid lang nga talaga..asawa ko kasi pihikan sa food,ayaw ng gulay,sa isda 2 klase lang kinakain.mahilig sa chichirya,choosy kasi kaya di kami makatipid..kung matutuloynga raw siya sa Sg noon,gusto raw niyang upahan may sariling cr,ayaw niya may ka-share,eh mahal nga yung ganun sabi sa kanya..sayang kasi minsan na kasi dumating yung opportunity,anong ginawa ng hubby ko?inuna yung panonood ng Avengers kasama ng officemates niya sa halip na mag skype for interview.malungkot lang kasi ayaw niya mag seryoso..4 months ago,nandun na eh..2 steps na lang,okay na..nag backout pa.dahil mahina nga ang loob niya.ang snasabi niya kasi raw gusto niya ma kasama sia officemate dito,hahatakin niya para sabay sila papunta dun.iniisip niya na nanjan ang family niya,,di naman siya matutulungan ng mga yon,dahil asa lang rin sila sa negosyo na binigay ng ate nila sa parents nila.maliit na negosyo lang rin naman sa palengke.

dati kasi okay pa,nabibili pa yung mga kailangan dito sa bahay,ngayon hindi na..kahit nga kotse niya,sira na,di niya mapagawa,maliit o malaking bagay na kailangan namin di na mabili kasi kulang na kulang na.yun lang ang ayoko,walang wala kami naiipon.nag compute na kami,nasa 41k ang gastos namin monthly.lagi pa siyang late kaya may kaltas rin siya sa sweldo.di ko na alam paano ko siya kakausapin kasi pag nag uusap kami ang lagi niya sinasabi maghintay lang ako..sa isip ko naman anong hihintayin ko ayaw rin naman niya kumilos..sabi ko sa kanya paki ayusin niya yung resume niya,tutulungan ko siya gaya dati,.meron kasi ako ilang ka-batch nung college na sa Sg rin ngayon kasama famly nila,dati nagpa bigay ako resume dun,for interview na rin siya,,ayaw raw niya kasi di naman raw niya kilala yun,ako lang naman raw ang kakilala nun,,ayaw raw niya ng "refer-refer"na ganyan,,gusto niya sariling hanap niya,,kaso ayaw naman niya mag apply..inuuna pa yung facebook games..ang sinasagot niya di siya marunong..ayoko naman pilitin kaya ayun,dito ko na lang sinabi yung problema namin..

cutiemom5775

  • Guest
naku sis mahirap nga kung ganyan ang hubby mo. Try to explain to him na kelangan nyong magtipid lalo na may baby kayo. Mahirap din kasi kapag nasanay ka sa mga luho parang ang hirap mag adjust pero sa umpisa lang naman yan. Kami nga magdadalawa na anak namin preggy kasi ako ngayon yung eldest ko grade one na and last year nawalan ng work hubby ko sobrang adjustment ang ginawa naming mag asawa buti nalang kahit papaano may computer shop kami doon namin kinukuha lahat ng expenses namin wala rin kasi akong work ayaw nya rin iwan sa yaya ang anak namin. Plan nya rin mag abroad pero  honestly mas gusto ko na nandito lang sya,kasama ko sa pagpapalaki ng kids namin.
Kelangan lang talaga na kausapin mo ang hubby mo konting adjustment lang talaga ang dapat nyong gawin at e give up ang ibang luho. goodluck :)

don em

  • Guest
I can relate to you sis. Hindi naman sa ma-pride ako pero ayaw ko din ng humihingi ng tulong sa iba. Syempre buhay na naming mag-asawa yun, dapat maging self reliant at self sufficient kami. Better kausapin mo si hubby. Goodluck!

brattybrat01

  • Guest
Haha sis nakakarelate ako. akala ko mga inlaws ko lang ang mahilig makielam sa facebook status ko kaya delete ko nalang sila para walang gulo. Sa amin nga sis walang naitutulong puro sumbat pa. hay ewan ko ba sa mga inlaws.

Princess_Chill

  • Guest
@phat

sis mahirap nga iyan pag si hubby ang maselan masyado..talk to him and tell him na hindi nga kayo makaipon dahil sa dami nyo gastusin...if hindi siya maka pag adjust he needs to do something to live up with that lifestyle diba?

sis good luck! andto lang GT family to listen.. :)

1choi_ko9

  • Guest
i think sis you need to tell your hubby na hindi na pwede ang set-up nung binata pa sya. Ngayon kase pamilyado na sya at may anak. Pano pa in the future? Mahirap din habang lumalaki ang mga bata, lumalaki ang pamilya nyo eh lalaki rin ang bayarin nyo. Mahirap malubog sa utang at saksi ang mga anak nyo. Dahil pag laki nila mapapass on nyo rin yon eventually sakanila. Wag sanang ganon.

Tama sis sis Princess_Chill, kung ang asawa mo eh gusto ang ganyang lifetsyle, then he needs to work more and earn more for his family...and drowning yourself to more debts is NOT the answer for financial support.

You and your hubby needs to talk this out, this is not a small issue.

But like we said before, as of now maybe you need to adjust with your lifestyle. You are blessed na malaki kinikita ng asawa mo. Sabi nga ng pastor namin one Sunday, "pag kumikita ka ng P10,000 then P10,000 din ang pangangailangan mo. Ang 10,000 na kinikita mo mapupunta lang din sa mga bayarin. Hanggang lumalaki kita mo, yun din ang gastos mo". True! That's human nature e. We think we have more than enough that's why we spend more. Thinking may makukuhaan naman each month or yung thinking na "may mga makakatulong naman sakin". Tsk maling thinking! But that's what is happening...kait sakin nangyari na rin yan...and mahirap.

Yun na lang siguro maadvise ko sayo sis, aside from pag usapan nyo mag asawa yan. Better tell your hubby na rin it is not best din na gantong set-up. Habang lumalaki ang pamilya nyo eh lumalaki din kinakautangan nyo...not good.

Try to adjust your lifestyle now pa lang. A little makakatulong for you to save. With that much amount your hubby gets in a month is a big thing....but yun nga you need to adjust your lifestyle. :)

Pretty_ava

  • Guest
^galing ng mom mo sis...ako naman naisip ko nga ayaw ko na mag baby ulet kasi baka di namin maibigay yung naibigay namin kay ava, tapos we are still renting, walang balak ang asawa ko kumuha ng bahay sa dito, kasi daw may bahay naman sa probinsya, inaaya ko sya na dun na lang kami for good, pwede naman sya magpatulong sa tatay nya to become a police kasi may position si father in law sa pulisya sa bayan namin, pero ayaw nya. wait na lang daw namin retirement ni tatay para sa makatayo kami ng negosyo dun.  and I think maling thinking yun kasi pera nila yun di naman samin yun.  pero okay naman kami dito no savings and sakto lang ang sweldo per we are surviving at least magkakasama kaming 3.  sana lang magkabahay kami ng sarili para all is well na, big chunk of our earnings kasi dun mapupunta sa rent namin.

Project60

  • Guest
I agree what sis Amethyst! hehe :) Nowadays kasi talagang halos impossible na maging SAHM dahil sa mahal ng mga bagay bagay sabay ang hirap din naman igive up lahat ng luho kasi nakakadepress din naman yon. I think mas mabuti if both are working kasi for example.. what if.. may mangyari sa guy or mawalan ng trabaho (recession) pano na yon? di naman basta basta makakahanp ng trabahong maganda diba lalo na ngayon napaka competitive na talaga.... I recall yung officemate ko nga mega yaman sila non stay at home [textspeak!] mom yung dad lang nagwowork + businesses... eh biglang nagkasakit yung dad.. nawalan ng trabaho hindi mapatakbo yung business nung mom kasi di naman sya familar dun.. ang ending sobrang na lugmok sila... sooo i think just to be safe at para na din may pera tayo mga sis hindi lang para sa needs and wants dapat mag work din tayo kahit pa simple lang....

Ako nga kahit hirap ako iwanan baby ko binuo ko talaga loob ko na mag wowork ako dahil para rin naman sa kanya yon at naiisip ko kahit papano ayoko din naman iburden anak ko sa future pag di ko na kaya magtrabaho.. so im saving...

luckymommy88

  • Guest
sis phatgirl don't give up on your hubby sis. been to that situation sis na sobrang hirap talaga.parating pa lang yung sahod ni hubby naka-allot na sa bayarin.although si hubby naman nun sobrang sipag at hindi mapili sa work kaso as in ang liit ng sahod niya sakto lang sa rent ng apartment namin that time. Never ko siya nag or nagcomplain ako. I just always encourage and support him kasi kaming dalawa lang talaga ang magkakampi.Maraming dumating na offer sa kanya to work abroad. May client pa sila na pinapirate siya to work sa SG with really great benefits pero ako ang humahadlang kasi ayoko ng malayo siya sa amin ng anak niya and knowing him titipidin niya sarili niya just to send all his money to me.Lagi din ako on look-out for opportunities to augment our family's income. Kung [textspeak!]-anong sideline ang ginawa ko. Yung families namin both doesn't know na sobrang hirap na hirap kami that time kasi never sila nakarinig sa amin ng problema. Akala nila ayos lang kami talaga. Fast forward, now si hubby earns six digits net with a lot of perks sa company nila. Ang layo ng background ni hubby sa work niya now. I am also earning almost six digits a month and we have apartments for rent. Til now simple pa din ang lifestyle namin. Check mo ulit expenses niyo sis am sure there are are fats that needs to be cut pa din. Kung mahilig kayo kumain sa labas, google mo na lang copycat recipes para ikaw na ang gumawa nun. Laking tipid at bonding nyo na din ni hubby.

Now, lagi sinasabi ni hubby na super thankful siya at supportive ako sa kanya. Kasi sa totoo lang sis pag nega ako sa kanya, nasisira ang diskarte niya pero pag supportive ako super inspired siya. Most importantly, pray sis.

Princess_Chill

  • Guest
@luckymommy88

sis honestly pinagdadaanan namin mag asawa ngayon ang pinagdaanan mo...sana dumating narin kami sa point na nalagpasan na namin and earning 6 digits narin! :)

supportive lang ako ke hubby...kasi totoo na masisira diskarte nya pag nega ako...honestly minsan naiiyak nalang din ako sa sitwasyon namin...kasi minsan di na ako kakain ng lunch sa office para may pamalengke ako kinabukasan...

malalagpasan din namin to..

phatgirl

  • Guest
supportive naman ako,at hanggang kaya magtipid ginagawa ko.kaso nakikita ko sa hubby ko na ayaw naman niya mas mag effort pa..kung ako lang pwede mag trabaho talaga,gagawin ko.sabi ko nga sa kanya gusto ko mag sari-sari store tapos magtitinda ko ulam.kaso sa inuupahan namin di pwede yung ganon.masaya naman kami,nakaka survive,.naghahanap nga rin ako ng work at home dito sa sulit,para kahit nasa bahay ako may pagkakitaan naman ako..

basta  di naman ako nawawalan ng pag asa,kung kayo nga naka survive,kami pa kaya..basta kailangan nga lang tipid..matuto mag higpit ng sinturon at wag kalimutan mag Pray..ito kasi si Hubby tamad mag simba :( :(

luckymommy88

  • Guest
^nice sis...am sure makakahanap ka din ng sideline...benta mo mga used clothes/things ni baby na hindi na niya kailangan.mabenta sa sulit mga beauty products and kids things.pede ka din maggawa ng multiply account mo or try work at home jobs, maraming thread dito niyan sis.Sana maencourage mo si hubs na magsimba soon sis :)

Princess_chill am sure sis darating din yun sa inyo mag-asawa.Just stay intact. Yung mom-in-law ko and lola ni hubby laging yun ang sinasabi sa akin na kapag ang mag-asawa magkatuwang sa kabuhayan nila at nagkakaunawaan there's no way kundi ang umasenso talaga. Support mo lang si hubby and enjoy each day as you reach your dreams. Kung ano ang meron pagkasyahin pero sis wag naman na hindi ka na kakain kasi mas lalong mahirap pag nagkasakit ka. Baon ka na lang from breakfast meal niyo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close