watch now

Author Topic: Sarah Geronimo Thread 2  (Read 155729 times)

abby_08

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #440 on: February 05, 2013, 12:14:13 pm »
I read na kasama siya sa The Voice as a mentor then magkakaroon yata siya ng sitcom after her movie with JLC.

abby_08

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #441 on: February 06, 2013, 02:56:11 am »
SHOW MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated February 6, 2013 - 12:00am


Last episode na ng Sarah G. Live sa darating na Linggo. Mismong si Mr. Vic del Rosario, manager ni Sarah ang nagkumpirma ng balita. “Kasi pag sinagad pa, baka magsawa na ang tao,” paliwanag ng henyo pagdating sa pag-aalaga ng mga artista.

“Kaya mas ok na habang mataas ang rating niya, iba naman ang gawin niya,” dagdag nito kahapon nang makatsikahan ko sa telepono.

At nasa plano talaga na tapusin na ito. “Wala nang dapat patunayan si Sarah sa pagkanta. Mas kailangan niyang umarte, kailangang makilala rin siyang aktres,” sabi pa ni Boss Vic.

Isang drama anthology ang papalit na pagbibidahan ng Pop Princess. Thirteen weeks tatagal ang drama anthology kung saan iba-iba ang makaka-partner niya. “Lalabas dito ang acting ni Sarah. Iba-iba ang concept,” dagdag ni Boss Vic.

“Baka makalimutan na ng tao na artista rin siya. Kailangan na siyang makitang umaarte na hindi nagpapa-cute, talagang drama,” dagdag pa ng boss ng Viva Group of Companies nang makatsika ko sa telepono kahapon.

Pero three weeks muna siyang (Sarah) mamahinga bago tuluyang sumabak sa drama anthology. Kaya middle of March na uli mapapanood si Sarah.

Bukod sa 13 weeks drama anthology, magiging mentor din siya (Sarah) sa local version ng The Voice imporma ni Boss Vic. Pero ayaw i-reveal ng manager kung sino ang mga makakasama nitong mentor sa prog*rama na ang magiging host ay sina Toni Gonzaga at Robi Domingo.

After ng drama anthology and The Voice, gagawa na rin si Sarah ng soap opera – romance-comedy – na ayaw pa ring pangalanan ni Boss Vic kung sino ang makaka-partner.

“Marami siyang gagawin sa TV. Punung-puno siya this year. Kasi ‘di ba last year puro concert at album lang ang kanyang ginawa. Kaya this year, marami siyang gagawin na aarte siya,” dagdag ng bossing ng Viva Films.

After din ng It Takes A Man and A Woman, ang third movie nila ni John Lloyd Cruz na showing na sa Sabado de Gloria (March 30), may gagawin pa raw ang alaga niya na pelikula hindi na pa-cute cute. “Malamang horror,” maiksing sagot nito.

Pahabol na tanong. Babalik ba siya sa ASAP?

“Baka hindi na muna.”

Umabot din ng halos isang taon ang Sarah G. Live at base sa ratings ng Kantar Media, isa ang programa sa mga nangunguna at sinusubaybayan tuwing Linggo.

Ibinalita rin nga pala niya na naghahanda rin ang kanyang alaga para sa isang malaking concert para sa celebration ng kanyang 10th anniversary sa showbiz.

http://www.philstar.com/psn-showbiz/2013/02/06/905330/gagawing-totoong-aktres-sarah-g.-live-papalitan-na-ng-drama-anthology

gab54

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #442 on: February 07, 2013, 01:45:58 am »
Im glad Sarah is gonna try something new. She has to grow as an artist. Di pwede laging pare pareho, para hindi magsawa ang mga manunuod...

etxetera

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #443 on: February 07, 2013, 10:33:49 am »
Boring na ang Sarah G live tapos ang outfits niya balot na balot na parang lumpia lagi considering she is not getting any younger conservative drama effect pa din  ::)


Mag-guest kaya si Gerald sa drama anthology   ;D

funky f

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #444 on: February 07, 2013, 11:28:56 am »
I'm excited to see her drama anthology and her horror flick as well!

megansmomma

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #445 on: February 07, 2013, 02:07:29 pm »
Kaka excite ang career twist ni Sarah, good for her! Sana lang talaga wag sya ma inlove sa magiging ka pair nia, sana non showbiz na..

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #446 on: February 07, 2013, 03:34:08 pm »
Buti naman final episode na Sarah G.ayoko na sa kanya...

stylishmomy

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #447 on: February 08, 2013, 06:12:27 am »
I really dont like this girl... there's something about her that's so "fake"

peaches

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #448 on: February 11, 2013, 12:05:58 am »
mamimiss ko ang SGL!

SnowBall

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #449 on: February 11, 2013, 05:54:30 am »
nanood kami ng last episode ng sarah g live...

nawindang ako sa last comment ni sarah bago magtapos yung show:

"salamat sa lahat ng mga nanakit sa akin, pinagkakakitaan ko siya" tapos tawa ng tawa na parang ewan na siya lang naman natawa.

lol. ano ang nangyayari kay sarah bitter pa rin ang lola mo. hahahaha


also nung interview nila ni john lloyd, may comment si sarah dun na :

" nung mag start tong show sabi lang nila sa akin, just be yourself. bagamat maraming hindi nagustuhan yung pagpapakatotoo ko,
naging totoo lang po ako. "


hindi pagiging totoo kahit kelan na magparinig ka sarah, unang una, ikaw ang hindi maipaglaban sa mga magulang mo ang puso mo.

25 years old pa tweetms pa din lol.

merchee

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #450 on: February 11, 2013, 10:02:15 am »
touching yung last song ni sarah kagabi. paiyak na ko eh kaso biglang she said about "nanakit" or something ayun, naudlot pagiyak ko hahaha.

exciting ang the voice! i wonder how she mentors other singers. kaso sana talaga mag-move on na sya. tee hee!

SnowBall

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #451 on: February 11, 2013, 10:52:54 am »
^ ako din sis, na touch na ako eh, awww... tapos biglang ganun. LOL.


ewan ko sayo Sarah.

megansmomma

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #452 on: February 11, 2013, 11:09:48 am »
Happy for her but sad kase hindi man lang sya ma i guide nan mga nakakasama nia on how to handle yun mga ganyan.. go go go SG pa din!

funky f

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #453 on: February 11, 2013, 12:16:49 pm »
Ang galing nya magdance!

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #454 on: February 11, 2013, 12:21:41 pm »
nanood kami ng last episode ng sarah g live...

nawindang ako sa last comment ni sarah bago magtapos yung show:

"salamat sa lahat ng mga nanakit sa akin, pinagkakakitaan ko siya" tapos tawa ng tawa na parang ewan na siya lang naman natawa.

lol. ano ang nangyayari kay sarah bitter pa rin ang lola mo. hahahaha


also nung interview nila ni john lloyd, may comment si sarah dun na :

" nung mag start tong show sabi lang nila sa akin, just be yourself. bagamat maraming hindi nagustuhan yung pagpapakatotoo ko,
naging totoo lang po ako. "


hindi pagiging totoo kahit kelan na magparinig ka sarah, unang una, ikaw ang hindi maipaglaban sa mga magulang mo ang puso mo.

25 years old pa tweetms pa din lol.

kaka turn off naman si SG.final ep.na nga nagpaka bitter pa rin.ano ba yan anong petsa na ano?what a looser

SnowBall

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #455 on: February 11, 2013, 12:53:29 pm »
^ ganyan din malamang ang tingin ng abs cbn sis, kasi sa umagang kay ganda this morning, hindi nila
sinama yung linya na yun ni Sarah sa report nila.


Hahahaha.

merchee

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #456 on: February 11, 2013, 01:18:02 pm »
naisip ko lang baka may kinalaman kaya yung actions (pagpaparanig at pagpapatama kay G.A.) ni sarah kung bakit nagtapos agad yung SGL?! Tapos ni-reason na lang ng ABS yung the voice? Kasi parang ang bilis. Hindi man lang umabot ng 1 year. Ang ganda pa naman.

mitcha15

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #457 on: February 11, 2013, 01:22:23 pm »
^ pwede... hindi ba sa June pa naman ang The Voice (tentative) Hindi ba nag-sorry na siya nun tungkol dun sa " womanizer" kesyo lapse of judgement tapos ginawa na naman nya uli.  >:(

ampere

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #458 on: February 11, 2013, 01:29:16 pm »
^i dint think about k G.A. ang reason.. Mababa rating ng show nya yun lang yun..

funky f

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #459 on: February 11, 2013, 02:06:03 pm »
May drama anthology daw sya sa march, sis.  If i'm not mistaken, yun ang papalit sa timeslot ng SGL.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close