ging, buti nga hindi siya nagbubusit kahit ginigising ko ng maaga. :-) pag uwi namin sa tanghali, plakda ang berat. tulog. hehe. pareho kami.
ganyan din style nila mil at ate ni jay. pag kumukuha sila ng katulong, sasabihin susubukan muna siya for 1month, tsaka sila maguusap ulit kung evict or stay. hehe.
mommy, okay naman sa school. palagi ako nasa registrar's office kasi yung canteen nila dun walang upuan. bawal standby. bibili ka lang talaga ng food tapos sa room na kakain. para siguro walang nagka cutting classes. hehe.
gusto ko na nga magvolunteer sa office, kesa naman nakatunganga lang ako dun. dinadala ko pa ipad para hindi ako mainip. sabi pamo ni jay, dalin ko daw laptop ko at manood nalang ako ng movie. hehe. pag nagsawa ako sa ipad, dadalin ko talaga yung laptop ko dun, maliit lang naman din.
pwedeng pwede na iwan si jade dun for 3hours kasi hindi talaga ako hinahanap. pero hanggat hindi ako nakakapagdala ng kotse dun, hindi ako pwede umuwi. kasi paano siya sa uwian. pag uwian kasi may sinasabayan kami na carlift dito din nakatira sa ajman. malapit lang samin. ayoko nga pasakayin si jade dun mag isa kahit mabait pa yung driver. problema naman ngayon, paano nanaman ako kukuha ng lisensya kung palagi ako nakabantay sa school. hehe.
yun pamong mga nasa registrar's office, hindi mo maintindihan kung mababait o mataray. pag nagsmile ako, smile din sila. e nung 2nd day na nagstay ako sa office, aba, super lamig! baka kako nilakasan na yung aircon para ginawin ako at hindi na ako magstay dun. sabi ni jay, magdala daw ako ng jacket. haha! kaya kanina nakalongsleeves ako. anak ng pating, katerno ko pa lahat ng teacher sa school. violet din pala ang color of the day. sabi ni jay, pagalitan ko daw yung mga batang nagtatatakbo sa school, kunwari teacher din ako. hehe. buti nalang medyo stylish yung suot ko. :-)
ay si jing, pumayat nga. todo diet. nako-conscious na nga siguro. :-)
kamamahal ng vaccine na yan. si jing nga kahit ngayong dalaga na, pati siya may mga followup vaccine pa sa pedia. pero maganda na rin yung kumpleto sa bakuna kesa magkasakit sila.
mitch, kung ako siguro, gagawa ako ng daily task niya. para madami nagagawa. pero kami naman nung nasa angeles pa kami. may schedule yung ibang gawain dun. kaya kapag sa hapon wala na masyado gawain, pwede na sila magchikahan at manood ng tv. actually, pati ako kachikahan nila. ganun kami ka close nung 2 na naging katulong namin. yung isa nga "baluga" pa pero malinis siya sa katawan. boss nila ako nun, pero ate naman turing namin sa kanila. pinagpapansit ko pa silapag birthday nila kaya lalong tuwang tuwa sakin. pag kami kami lang,kung ano pagkain ko, yun din sa kanila kasi sabay sabay kami kumakain. pero pag andun sila mil, iba na setup hehe.