Hi mitch! :-) HAPPY BIRTHDAY!
kaye, palawe neh. hehe.
balamu i jay. nung baby daw siya, maputi siya, parang anak ng amerkano. umitim lang daw siya habang lumalaki. hehe. e kasi diba maputi sila jing at jade, lalo na si jing nung baby, sobrang blonde ng buhok. may pinost yata si jing nun na picture niya nung baby siya. nakita niya sa kwarto namin nung nagbakasyon kami sa pinas.
mommy, kami naman, gumala nung friday and saturday. hehe. friday nag mirdif kami tsaka arabian center. maganda din pala dyan. nadiscover ni jay kakahanap ng pambasketball. :-)
tapos nung saturday, nagdubai mall kami. sobrang traffic. sinara nanaman nila yung ibang floors sa carpark. tagal naming ikot ng ikot. lahat halos ng entrance na pinuntahan namin nakasara.
haha. meron nga mga pinoy dito na mababait tapos meron din yung mga bwisit kung umasta.
nung minsan sa mall, naka-sale kasi sa american eagle. e walang nakasulat na sale dun sa estante na tinitingnan ko, akala ko yung nakita ko na naghahalukay ng mga panty at bra e saleslady, tinanong ko, "ate, naka sale din ba dito?", with matching smiling face ako siyempre. aba kasagot sagot ba naman sakin e, "ewan ko!". edi gets ko na. sabi ko nalang, "ah...".
napapagkamalan din ako na saleslady minsan, pinagtatanungan ng dapat sa saleslady tinatanong, pero hindi ako sumasagot ng ganyan, ke anong lahi pa siya. nginingitian ko pa nga kasi namali sila nagsosorry sakin.
sabihin ko sana dun sa babae, "hindi ka na nga kagandahan, dinamay mo pa yung ugali mo.." :-)
may bago nanaman kayo kabubusitan. kanina kinausap namin yung principal kasi ipapakiusap sana namin na wag na mag school bus si jing. umpisa palang ng diskusyon e, sumablay na si principal.
me: kakausapin lang po sana namin kayo ng F i l ko.
P: tungkol saan?
me: yun po kasing anak ko naka school bus.
P: sino, anong grade?
me: si jing po, grade7
P: ah siya. tsaka yung kg1 na kapatid niya.
me: ayaw na po kasi niya magschool bus kasi masyadong maaga sinusundo. tsaka dalawa na po sila ngayon, kaya hinahatid nalang po namin. makikiusap po sana na wag na mag school bus.
P: E DAPAT PALA HINDI NA NAMIN KINONSIDER YUNG KG1 MO. kontrata kasi ang school bus. kahit hindi kayo sumakay, babayaran niyo pa rin.
me: kaya nga po makikiusap sana....
P: ganito nalang, para hindi kayo malugi, ihatid niyo sa umaga yung mga bata kung ayaw sumakay sa school bus, tapos kami na mag uuwi. isakay mo din ng bus yung kg1 pauwi, ganun din yung grade7.
no comment na kami. pati si f i l hindi na rin kumibo kasi napaka unprofessional daw sumagot ni principal. kaya useless makiusap.
yung sinasabi niya na pagconsider niya kay jade para maka enroll, totoo yun. kasi closed na talaga, kaya nagpalista din kami sa waiting list. e gustong gusto na talaga ni jade, kaya kinausap ko yung isang friend ko baka may kakilala sa school para mapakiusapan namin. kaswerte ko naman, kadikit pala niya si principal kaya naging priority kami sa waiting list.
pero hindi naman niya pwede isumbat pa sakin yun. kung hindi pwede magbackout sa bus, edi hindi pwede. hindi yung sasabihin pa niya na ganun. akala ko nga kanina sasabihin pa na "sige wag na siya magbus pero tatanggalin ko sa klase yung kg1." oa ha!
kaya school bus na din si jade pauwi, para lang maconsume nila yung 350/month. sa kanila lang pumayag na 1way ang sakay. sa iba kasi pag nag avail ng bus, babayaran yung full month, ke papasok o pauwi lang ang sakay. so another consideration nanaman pala ito ni principal?! hehe.
buti nalang e type talaga ni jade sumakay sa bus. kanina dun kami sumakay pauwi para masanay si jade. enjoy naman siya kasi kasama niya mga classmates niya. tsaka una kami hinatid. kaya bukas, hindi na ako sasama sa school. hihintayin ko nalang siya pauwi. nakausap ko naman na yung assistant sa bus, pinakabilinan ko para kay jade.