kailangan sumagot ako dito! ay kelangang-kelangan talaga!

my husband just turned 42 and around 8years na siyang night shift. and for the longest time eh pinag-aawayan namin itong issue na ito kasi nga sobrang nakaka-insulto naman saken as a wife na hindi nya ako dine-desire. halos maloka kaya ako sa kakaisip kung panget na ba ako talaga, mabaho ba ako, sobrang taba ko na ba to the point na nakakadiri na ako, may sakit ba siya, bading ba siya, nagmi-midlife crisis ba siya at kung ano-ano pang kalokahan.
ilang beses na akong nagwala at minumura-mura ko na siya for making me feel cheap dahil parang kelangan ko pa bang magmakaawa para lang galawin nya ako? tapos ang hilig nyang bumili ng FHM at nag-view ng porn.
100% sure akong wala siyang babae kaya that is out of the picture.
nung kalmado na ako iniisip ko kung pano ba kami dati. before pa kami ikasal nakwento na ni hubby na ilang years na siyang celibate at it was not hard for him to do... so di talaga siya ganun ka-L. he can probably live without the actually doing the deed at okay na siyang magkamay na lang. ang point nga lang eh baket ka magkakamay eh may asawa ka naman, di ba?!
tsaka nag-night shift din ako dati at sabay kami lagi ng sked, so alam ko din yung feeling na mas gusto kong matulog kesa gumawa ng kahit ano pa.
believe me kahit 8 years na siyang nightshift eh hindi pa din siya maubusan ng antok. sadyang antukin ang asawa ko... mahina talaga siya sa puyatan kaya kelangan nyang bumawi. siya yung tipo na kahit me sunog eh hindi magigising sa sobrang antok... lalo kung sunod-sunod yung days na kulang sa 8hrs ang tulog nya.
at iba pa din ang effect sa katawan ng gabi ang tulog... kaya all the more na bumaba ang libido niya.
i-add pa na ang 4yo na anak namin eh nasa gitna namin matulog... at maramdaman lang nya na hindi namin siya yakap eh nagigising na.
ang ginagawa namin eh iwan ang anak ko sa lola nya at nagche-checkin kami sa sogo pag talagang feeling ko eh sobrang oppressive na itong nangyayari saken. ayun, nagpe-perform naman si hubby.
kaya ang tip ko eh imbes mangunsume eh mag-checkin din kayo! pero i-tyempo mo naman na nakatulog ng maayos si hubby kasi talagang sasabihin ko sa 'yo na malaki ang effect ng puyat sa katawan lalo pa kung sadyang mahina sa puyatan ang asawa mo.
alamin mo din what turns your husband on/off. asawa ko kasi gusto maganda at makinis ang legs. eh may time na tamad na tamad akong magshave o magpluck ng legs out of katamaran, pagod or yung feeling na napaka-inconvenient lang sobra na magmaintain ng hair-free legs... so ayun, turn off pala siya.
sunugin mo na din ang mga panting bacon na ang garter o butas-butas, pati na yung sobrang comfy na lumang pambahay mo. ang mga lalake eh visually stimulated, so make sure na laging kaakit-akit ang suot mo pagdating nya. kung di maganda ang katawan like me eh wag ka ng matulog ng hubad... lalong matu-turn off unless type nya yung malusog at mabilbil.