Author Topic: Husband loses interest in lovemaking..  (Read 29671 times)

kurengkeng

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #20 on: June 30, 2012, 05:55:21 pm »
mga sis, di ko naman ipinipilit sakanya na may ibang babae. sa ilang linggo nyang pagshe share sakin, once ko lang yata nabanggit na BAKA lang may babae at this was during the first day na nagkwento sya. at hindi ko na ito inulit ulit. i listen to her eveyry single day na magkukwento sya. im sure she doesnt expect me naman to solve her problems. i believe what she wansts e someone to listen to her lalo nat super sensitive ng topic na to. at the end of the day i always tell her na wag na nya muna isipin masyado, at pag ready na sya e talk to her husband. sa ngayon kasi nakikipag matigasan na rin sya kay husband e. e hindi naman nya kaya kasi iiyak sya magdamag tapos pagdating office halos di nya maimulat mata nya sa sobrang paga.


in fairness to me, hindi ko iniinsist sa kanya na may babae ang husband nya. promise yan. tamaan man ako ng kidlat, once ko lang sinabi yun ;-) and tulad ng sinabi ko sa kabilang thread, hindi din naman ako nahanap ng kakampi dito. i just want to know your views dahil married din tayong lahat dito. 

but all your views - kasalungat ko man or hindi -  i very much appreciate. :)

mojitayanipot

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #21 on: July 06, 2012, 09:45:23 pm »
It could very well be erectile dysfunction... I agree with sis Mai's post. Mukhang gusto din naman ni guy. Yun nga lang, ayaw ni junior. At 35, it's not impossible (Pardon the double negative). :)

Your friend's hubby should make time to go to a Urologist. He might need a supplement like Viagra or Robust or something.

My hubby and I went through a similar phase and I can relate when you said that your friend was always distraught. It can be quite depressing and there's a point pa when you feel like you're not attractive to your husband anymore. Na para bang, "May kulang ba sa 'kin kaya ayaw magalit ni Junior?".

And then we found out that it was because of the medicine that he was taking for his hair loss (Propecia). Loss of libido was the side effect. He took it for several months and even when he stopped taking it, the problem was still there. Right now, Robust works real well for us (Well, it's just him who takes it, but I also reap the benefits. Haha!).

Oh, and don't forget to urge your friend to talk to her husband. Just because they can't "get it on" right now doesn't mean they shouldn't continue building their relationship. There are other things that they can do during their "bonding times". It's important that she be there for her hubby because her hubby might also be affected real bad by the situation. I'm sure her husband knows that it's his duty to to make love to his wife. Not being able to do so is a big blow to his ego and pride (Is that redundant?).

Communication is really important to get a marriage to work. They should open up to each other about how they both feel about the situation and should agree on a course of action. :) Marriage is team work after all. :)
« Last Edit: July 06, 2012, 09:48:06 pm by mojitayanipot »

agape

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #22 on: August 03, 2012, 05:12:40 pm »
this is either a HEALTH issue or a HEART issue (emotionally detached, emotional affair, etc...)

SassyAngelOnTheGo

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #23 on: August 03, 2012, 06:25:17 pm »
Walang matigas na tinapay sa mainit na kape! Baka konting initiative lang kelangan--sexy lingerie, red lights, music at latigo..hehe. Kasi sometimes, gusto din ng guys na sila ang nilalandi, walang masama mag-asawa naman kayo. Especially sa mga matagal ng married, dapat may konting spice to keep the love alive =)

design21

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #24 on: August 05, 2012, 09:26:49 pm »
yayain kaya niya magvacation, kapag tinangihan padin siya ibang usapan na yun

FayeP

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #25 on: August 06, 2012, 10:42:02 am »
baka talagang pagod sa kakapuyat si Mr. kaya ganun, pero kun mejo mga one month na nightshift si hubby dapat parang nasanay na un body nya sa ganun kaya di na pwede un reason na puyat kasi magbabago ang body clock parang ganun...

pwede din naman na di nakaka L un paligid, like pag dating ni hubby may mga problema agad na sasalubong sa kanya or negative agad un aura ng bahay...

raspberryglace04

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #26 on: August 06, 2012, 11:37:59 am »
kailangan sumagot ako dito! ay kelangang-kelangan talaga!  ;D

my husband just turned 42 and around 8years na siyang night shift. and for the longest time eh pinag-aawayan namin itong issue na ito kasi nga sobrang nakaka-insulto naman saken as a wife na hindi nya ako dine-desire. halos maloka kaya ako sa kakaisip kung panget na ba ako talaga, mabaho ba ako, sobrang taba ko na ba to the point na nakakadiri na ako, may sakit ba siya, bading ba siya, nagmi-midlife crisis ba siya at kung ano-ano pang kalokahan.

ilang beses na akong nagwala at minumura-mura ko na siya for making me feel cheap dahil parang kelangan ko pa bang magmakaawa para lang galawin nya ako? tapos ang hilig nyang bumili ng FHM at nag-view ng porn.

100% sure akong wala siyang babae kaya that is out of the picture.

nung kalmado na ako iniisip ko kung pano ba kami dati. before pa kami ikasal nakwento na ni hubby na ilang years na siyang celibate at it was not hard for him to do... so di talaga siya ganun ka-L. he can probably live without the actually doing the deed at okay na siyang magkamay na lang. ang point nga lang eh baket ka magkakamay eh may asawa ka naman, di ba?!

tsaka nag-night shift din ako dati at sabay kami lagi ng sked, so alam ko din yung feeling na mas gusto kong matulog kesa gumawa ng kahit ano pa.

believe me kahit 8 years na siyang nightshift eh hindi pa din siya maubusan ng antok. sadyang antukin ang asawa ko... mahina talaga siya sa puyatan kaya kelangan nyang bumawi. siya yung tipo na kahit me sunog eh hindi magigising sa sobrang antok... lalo kung sunod-sunod yung days na kulang sa 8hrs ang tulog nya.

at iba pa din ang effect sa katawan ng gabi ang tulog... kaya all the more na bumaba ang libido niya.

i-add pa na ang 4yo na anak namin eh nasa gitna namin matulog... at maramdaman lang nya na hindi namin siya yakap eh nagigising na.

ang ginagawa namin eh iwan ang anak ko sa lola nya at nagche-checkin kami sa sogo pag talagang feeling ko eh sobrang oppressive na itong nangyayari saken. ayun, nagpe-perform naman si hubby.

kaya ang tip ko eh imbes mangunsume eh mag-checkin din kayo! pero i-tyempo mo naman na nakatulog ng maayos si hubby kasi talagang sasabihin ko sa 'yo na malaki ang effect ng puyat sa katawan lalo pa kung sadyang mahina sa puyatan ang asawa mo.

alamin mo din what turns your husband on/off. asawa ko kasi gusto maganda at makinis ang legs. eh may time na tamad na tamad akong magshave o magpluck ng legs out of katamaran, pagod or yung feeling na napaka-inconvenient lang sobra na magmaintain ng hair-free legs... so ayun, turn off pala siya.

sunugin mo na din ang mga panting bacon na ang garter o butas-butas, pati na yung sobrang comfy na lumang pambahay mo. ang mga lalake eh visually stimulated, so make sure na laging kaakit-akit ang suot mo pagdating nya. kung di maganda ang katawan like me eh wag ka ng matulog ng hubad... lalong matu-turn off unless type nya yung malusog at mabilbil. ;)



 


kurengkeng

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #27 on: August 06, 2012, 09:41:22 pm »
Natawa naman ako sis sa post mo hehe. Actually, madami ng nangyari sa friend ko and her dilemma. Yun Lang, nakakatamad Lang mag post dahil binabara ka na agad nung iba na kesyo imaginary Lang daw si friend. Nag post din kasi ako dun sa male thread, may humirit lang din sakin dun, gusto ko Lang daw kumuha ng affirmation na Tama ang hinala ko. E para namang ikakayaman ko ang mga comments na kapareho ko hehe. I know we have our own views. Siguro it,s just a matter of how you say it.


Sis raspberry, I copy/paste your post. Ipapabasa ko sa kanya.:)

raspberryglace04

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #28 on: August 06, 2012, 10:48:51 pm »
ahahaha! nung nakita ko sis ang name mo as threadstarter na ito nga ang topic eh talagang kailangan kong mabasa at makisawsaw. feeling ko kasi pareho tayo ng level ng kabaliwan at paghuhuromentado pagdating sa mga isyu natin sa mga asawa natin. hahaha! ;D

actually, tinanong ako ng asawa ko kung ano yung tinitipa ko sa computer... sabi ko me sinasagot lang akong thread. ano daw yun at talagang ang haba na daw ng tina-type ko. sinabi ko talaga na kelangan kong magreply kasi ang topic eh 'husband loses interest in lovemaking' syempre expert level na ako dyan at 7 years na akong nagtitiis. bwahahaha!

pero yun nga natuto na lang akong tawanan at hindi personalin. kasi nga 42 na si hubby at sadyang hindi siya yung ma-L type... lagi pang puyat at feeling ko eh me bara-bara na mga ugat nya ng kolesterol.

mapayapa na kami ngayon kasi i know that it's not me who has a problem... it's him! sa babae naman kasi sex is more of an emotional/psychological validation na mahal pa tayo ng mga asawa natin. hindi naman ito puro ka-L-lan lang para sa babae.

nga pala, masagot ko lang yung isang male na parang nagtaka pa na kaya nating sabihin sa bestfriend natin ang ating mga sexual problems... naku FYI nature ng babae yun! ako nga dine-discuss pa namin ng aking ex-bff ang aming sex lives at pati size at sexual styles ng aming mga asawa eh napagdiskusyunan na. walang off-limits sa mga babae lalo na kung sanggang-dikit mo.

sa sobrang awa nga saken ng ex-bff ko eh niregaluhan na nya ako ng vibrator! pero yun nga mas nakakawala naman ng self-esteem gumamit nun kasi nga may asawa ka naman, buti sana kung wala o nasa abroad! mas pathetic ang dating ng nagdedepende sa de-bateryang kaligayahan, eh sabi ko nga hindi naman sex per se ang habol natin kundi yung validation at emotional satisfaction at connection sa mga asawa natin.

sige sis copy and print away!

kurengkeng

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #29 on: August 06, 2012, 11:13:31 pm »
O nga sis. Pero di na ako nakipag argue. Sya na ang Tama. ;-)


jhenpretty

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #30 on: August 08, 2012, 01:44:27 pm »
Sa situation ko naman hindi si hubby ang nawawalan ng interest sa lovemaking, kung di ako. Ewan ko ba. Naisip ko lang kasi na hindi kaisa-isang way ang lovemaking para maipakita o maiparamdam na mahal namin ang isa't isa. Sa simpleng bagay na hugs and kisses lang, okay na ako. Sa simpleng concern at pag-aalaga, okay na ako. Sa simpleng asikaso, okay na ako. Sa simpleng paminsan siya naman ang gumawa ng household chores, okay na ako. Basta ganun. Tsaka para sakin yung lovemaking hindi pinipilit, nasa mood yan. Dapat okay kayo pareho para pareho kayong nagbebenefit sa lovemaking. ^_^

raspberryglace04

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #31 on: August 08, 2012, 05:57:59 pm »
^korek ka dyan sis! sabi ko nga nasa pagtanggap at pang-unawa na lang yan. depende din siguro sa level ng relationship nyo ng asawa mo. dati ako muryot na muryot kasi nga feeling ko naiinsulto ako, pero these days dedma na lang. secure naman ako sa asawa ko.

although sabi naman talaga ng mga marriage counselors at relationship specialists eh dapat daw talagang may intimacy ang mag-asawa.

mas often nga daw may intimacy eh mas mae-enhance ang need na magkaron nito lagi. kumbaga magiging part na ng systema nyo ang lovemaking. conversely, pag wala kayong intimacy eh malamang sa hindi eh mawawala na talaga ito sa routine nyo. ang advice ng mga experts eh talagang mag-effort at mag-make time for it.

pero yun nga, wag ng pilitin. kasi hindi ka din masa-satisfy at lalo kang madidismaya kasi nga ramdam mo naman kung napipilitan lang. well, at least ako ramdam ko. tawag ko nga sa ganun eh 'pity sex'... parang naawa lang o nakunsensiya kaya pinagbigyan ka. mas nakaka-offend naman yun for me.

purpleangel11

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #32 on: August 08, 2012, 07:53:30 pm »
Sa situation ko naman hindi si hubby ang nawawalan ng interest sa lovemaking, kung di ako. Ewan ko ba. Naisip ko lang kasi na hindi kaisa-isang way ang lovemaking para maipakita o maiparamdam na mahal namin ang isa't isa. Sa simpleng bagay na hugs and kisses lang, okay na ako. Sa simpleng concern at pag-aalaga, okay na ako. Sa simpleng asikaso, okay na ako. Sa simpleng paminsan siya naman ang gumawa ng household chores, okay na ako. Basta ganun. Tsaka para sakin yung lovemaking hindi pinipilit, nasa mood yan. Dapat okay kayo pareho para pareho kayong nagbebenefit sa lovemaking. ^_^


            Korektus ka dian Sis! like na like ko ito..kc pareho tayo...magkatulad tayo..ganyang ganyan din ang pananaw ko.. :)

nylanig

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #33 on: August 09, 2012, 03:22:07 am »
eto din nafi-feel ko ngayon. iniiwasan ni hubby ang sexy time. Ang kwento, kakapanganak ko lang last june 09 via CS at sabi ng OB after 3 years pa namin sundan. Medyo high risk pregnancy ko. At eto ang reason bakit daw ayaw muna niya. Sa November na lang daw. Nakakainis lang. >:( >:(

hindi ko maiwasan tuloy hindi magduda. ano ba naman kung bumili siya ng condom. saka kung gusto may paraan kung ayaw madami dahilan di ba?

naiiisip ko nga siya iwan ngayon. ang babaw na reason kaso nabibwisit kasi ako. >:(


raspberryglace04

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #34 on: August 09, 2012, 12:16:04 pm »
^sis baka naman super mega over na-trauma ang husband mo sa high risk pregnancy at CS mo.

jhenpretty

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #35 on: August 09, 2012, 01:44:30 pm »
Thanks sis raspberryglace04 and sis purpleangel11. Tsaka naisip ko kasi pano kung tumanda na kami? So kapag ba totally wala ng lovemaking, does it mean nakakabore na yung relationship mo and hindi ka na love ng partner mo? Hindi dapat dun nakadepende yun di ba? Dapat we should love each other and appreciate it kahit in simple ways lang napapakita na natin yung love natin sa partner natin. Dapat talaga pareho yung mood niyo para gawin yung lovemaking. At dapat din maintindihan natin kung wala sa mood yung partner natin.. Just my opinion.. ^_^

iluvmysoldier

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #36 on: August 09, 2012, 01:56:59 pm »
share ko lang kami ni hubby minsan lang magkita, mga every 3 months siguro. bata pa naman si hubby pero mahina talaga siya sa puyatan. ok naman ang sex life namin pero pag puyat siya hindi talaga siya mapipilit. kahit pumatong pa ko walang effect, hindi ungol ang maririnig mo kundi hilik. lol  ;D dati naasar ako pero ngayon ok na lang, kasi may times din naman na ayaw niyang tigilan, yung tipong pahinga lang ng onti, go na ulit. so ako naman, i learned to live with it nalang, anyway hindi naman mauubos yan eh. hihi

raspberryglace04

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #37 on: August 09, 2012, 10:00:23 pm »
hehe natawa naman ako dun sa ayaw ka tigilan part. o di ba, bumabawi naman pala pag kaya ng katawan! ikaw na ang sumusuko.  ;)

me lalake lang talaga sigurong hindi masyadong ma-L at hirap sa puyatan. eh matuk mo ba asawa ko, halos 8yrs nang graveyard, talagang mahina pa din sa puyatan. kelangan talaga matulog ng kalahating araw para makabawi sa puyat. pag kulang 8hrs tulog nun talagang makikita mo ang tumutubong eyebags at nagluluha talaga mata!  :D talagang iba ang tulog sa gabi, kahit 6hrs lang okay na.

ako din i've learned to live with it. minsan lang pag me katok ako eh talagang nakaka-irita. nakabusangot galore na ako maghapon at parang lagi akong naghahanap ng kaaway. must be the hormones. hahaha!  ;D

 

reb_woods072683

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #38 on: August 16, 2012, 03:06:17 am »
pasali ako mga sis ha. Ako naman, hindi magtugma ang mood namin ng husband ko. May times na nagyayaya siya pero wala ako sa mood. Minsan naman vice versa. Grabe talaga. Iniisip ko tuloy baka maghanap to ng iba kapag lagi akong natanggi eh. Tsaka ang taba ko daw, grabe ang hirap magpapayat ha. Gusto niya palaging mabango. kaya ako napabili ng asian secret lulur eh. Haha.

ayami

  • Guest
Re: Husband loses interest in lovemaking..
« Reply #39 on: August 16, 2012, 10:50:43 am »
yung husband ko minsan nawawalan ng gana kapag nadedepress sa Diablo 3. nadadala ng frustration nya sa online game. nakakainis. yung tipong akit-akitin ko na sya para lang mag do kami e wala namang katao-tao sa bahay nila. si baby naman binabantayan ng katulong nila. dinadramahan ko na lang tuloy, tapos naaawa ata sakin lol. pero iniiyakan ko sya pag gusto ko pero ayaw nya kasi pag gusto naman nya, wala akong hesitation ee. ang pathetic ko tuloy tingnan

 

Latest Stories

Load More Stories
Close