watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2  (Read 137375 times)

khayzee

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #480 on: August 26, 2013, 05:34:11 pm »
^sis, sakit yan ng mga puro yabang lang, they tend to be forgetful. Forgetful of the things na niyabang nila pero hindi naman pala totoo at dahil hindi totoo, nakalimutan na nila un mga napress release nila dati. Sana kinamusta mo yung kinuha niyang house and lot before. Nyahaha.. :D

Actually kasi sa text usap namin that time when she ask how much. Nung tinanong ko na ano nangyari sa house and lot nya, di na nagreply hehe  :)

izabelle

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #481 on: September 24, 2013, 03:25:21 am »
I saw a comment nga din sa kanya saying "kahit gano pa kamahal ang suot mo, mukha ka paring palaka"

LOL promise natawa ako dito.

Although syempre facebook account naman nila yun, pwede nila ipost kahit ano gusto nila pero minsan nakakairita talaga, sobra kasi minsan, teenager lang ang peg? haha buti sana kung teenager e hello mag trenta anyos na ganon pa din ugali.

Tapos kapag may naiinis sa kanila sasabihin hater daw nila hahaha ganon ba yun, kapag naiinis sayo hater agad, hindi ba pwedeng sadyang may nakakainis lang talaga sayo, check out what you are posting muna diba.

kaya ako unfollow nalang talaga kesa mainis ako everyday dahil maraming sobrang papansin, nagkakahitsura lang dahil sa make up at pag edit ng picture LOL

lisse

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #482 on: September 24, 2013, 03:34:52 am »
^haha, bakit na-miss ko yata yung palaka comment na yan sa thread na to? :)

Anyway, madami na din akong na-unsubscribe pero now hindi na. hindi na din ako madalas nagla-log in eh. pag lang need ko ng laugh trip or matatawanan saka ako nagla-log in at tinitingnan ko mga posts ng mga "friends" ko na ganyang-ganyan umasta. dati na-stress ako pero now source of aliw na lang for me.

solepurplelife

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #483 on: September 24, 2013, 09:36:55 am »
^Haha tumpak sis. Natutuwa ako kapag nasa mood ako pero kapag naku natyempuhan masama ang timpla ko binabara ko yung mga mayayabang kong friends sa FB. Katulad nung isa kong friend nag status tapos paenglish english pa. Something like " Im FIST". Ano daw? hahaha Di ko matiis pinatulan ko talaga haha  nagcomment ako sabi ko "Who pissed you off?". Hindi naman nag comment back haha laughtrip langs.  ;D

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #484 on: September 24, 2013, 10:16:58 am »

kaya ako unfollow nalang talaga kesa mainis ako everyday dahil maraming sobrang papansin, nagkakahitsura lang dahil sa make up at pag edit ng picture LOL

I agree! Masyado na ngayon hype ang camera360 sa mga walang hitsura... ngayon nagiging maganda na sila at mega pose ng mga selfies nila.

I don't have any issues naman with selfie pero sana in moderation saka kung talaga physically may improvement. Pero kung alam na edited sa Iphone/Ipad/Android apps yung mga mukha nila at pag nakita mo naman in person eh ibang iba... alam na...

Ewan ever since asar na asar talaga ako sa mga nag ppost sa FB ng kada kibot na ginagawa nila. Kahit kakain lang ng siomai sa tabi tabi kelangan pa talaga naka post or magluluto lang ng piniritong isda talaga kelangan pa ipost. I mean nothing wrong with FB posts account naman nila yun pero sana in moderation... hindi yung minu-minutong updates...

Kaya minsan sa sobrang dami ko na na-hide eh closest friends ko nalang natira sa news feed. Hehe :)

friendlyneighbor

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #485 on: September 24, 2013, 10:27:54 am »
Pansin ko kang yung mga taong may karapatan mgayabang, sila pa yung tahimik. Yun namang iba, ultimo pancit canton na kinkain, pinopost pa. Haha! Kakaloka lang..

izabelle

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #486 on: September 27, 2013, 05:42:01 am »
I agree! Masyado na ngayon hype ang camera360 sa mga walang hitsura... ngayon nagiging maganda na sila at mega pose ng mga selfies nila.


naman e pati kulay ng skin nababago kapag sa pics pero sa personal hindi naman talaga ganon. Kapag naka make up may hitsura, try tanggalan ng make up ay goodluck! hahaha

Ako talaga, i don't mind yung mga selfie posts sa FB and kahit ano pang posts, kasi katwiran ko lagi may karapatan silang mag post at ginagawa ko din yun pero yun nga pwede in moderation naman, feeling artista kasi yung iba.

Minsan binabagay ko din sa edad ng nag popost kapag alam ko na teen ager or early 20's like naiintindihan ko pa bakit ganon, pero kapag late 20s na jusko umarte naman ng tama.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #487 on: September 30, 2013, 10:57:16 am »
^ agree! pero I noticed a lot of over 20s na ngayon lumalabas yung pagka vain. Or siguro di pa naka get over??? :P hehe. Kasi naman nung time noon Friendster palang at di pa uso selfie except sa camera phone noon na nakatilt mga mukha nila. :D


izabelle

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #488 on: October 03, 2013, 05:12:46 am »
^true! actually sa akin ok lang selfie posts e, huwag lang sobra.

I think kasi depende talaga yan sa tao e. Meron kasing OA talaga yung parang daig pa artista, gandang ganda lang sa sarili or feeling marami syang fans lol

meron naman na nagshare lang talaga or tamang nagpopost lang.

malaki difference nun e.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #489 on: October 03, 2013, 12:05:20 pm »
^ meron talaga OA sa pag post ng selfie. Tipong gandang ganda sa sarili at mega compare pa kay victoria beckham yung family nya. Feeling maka ideal family pero in reality hindi naman sila yung first family at hindi rin sila kasal pero OA sa pag selfie. :P

Ako rin I have no issues sa paminsan minsan na selfie. Pero yung tipong araw araw parang ako na yung nagsasawa sa mga pagmumukha nila. Minsan nga mapapansin mo sa instagram or fb posts nila iilan lang ang nag llike and the rest mukhang umay na rin sa selfie nya.

nicola_juliano

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #490 on: October 03, 2013, 01:37:40 pm »
Dati ganito ako way back 2012. Nagpopost ako ng mga pinuntahan, travel pics, family outings, get together, food trips, at kung ano ano pa sa FB kasi para ma-itag ko friends ko. Then I realized one thing, parang iba na dating sa iba. Parang pinagyayabang ko na. I know for my self na di ako nagyayabang dahil kilala ko sarili ko pero ako kasi yung tao na naiisip ko yung damdamin ng iba. Hindi ako selfie. At sa tingin ko nayayabangan sila sa akin. Simple naman ako manamit, shirt at pants lang. Isa lang bag ko. Wala ako makeup at powder lang nilalagay ko sa fez ko when I go out.

When I realized it, I decided to lock lahat ng albums ko. I make all things private. Hindi ako nag-instagram, hindi ako nag-checheckin, hindi ko ginagamit kahit ano pa. I thought FB is used to communicate with friends, not to brag of what you have. Ang tanging pictures na lang nakikita sa FB is yung mga naka-tag sa akin. Hinayaan ko na lang dahil mahirap mag untag isa isa e.

Sa ngayon, kapag may recent outing, I just upload pictures to Facebook, tag the friends, then telling them to get those pictures coz I'll make the album private after a week. Kung pwede sanang yung mga naka-tag na lang makakita ng Albums ko. Kaso walang ganun si FB. Meron ba?

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #491 on: October 03, 2013, 02:54:34 pm »
Actually unlike other "vain" people, hindi ako ma-selfie na tao. First of all, I basically do not consider myself that beautiful unless naka-makeover ako ng bongga! Kung sino pa ang good-looking sa mata ng ibang tao, sila pa ang bihirang mag-selfie since there's a sheer difference between feeling maganda vs. 'yung talagang confident ka sa sarili mo.

izabelle

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #492 on: October 05, 2013, 03:16:10 am »
^ oo di bale sana kung kasing ganda ni Kristine Hermosa Or Marian Rivera haha! e kaso nagkakahitsura lang dahil sa kaartehan at make up. Try nya walang make up, jusko, patawarin! lol

To add, ayoko din sa tao na lahat nalang ng binibili e kailangan pa ipost. Lahat ng paperbag. Mapatunayan lang shopaholic sila. Sa akin kasi walang masama bumili pero hindi mo na kailangan literal lahat ng binibili e popost mo tapos mag cacaption na shopaholic ka kasi.

Kayabangan ang dating for me. :P Again ok lang mag post pero yung as in PALAGI ipopost mo, hay nako ate, mayabang ka talaga.

solepurplelife

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #493 on: October 05, 2013, 09:11:54 am »
^Lol sis, buti nga kung marami talagang pinamili ee kaso yung iba isang paper bag lang pinamili makailang post pa sa FB. Di mo alam kung maiinis ka o maawa ka ee hahahaha

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #494 on: October 05, 2013, 09:28:06 am »
Pero agree ako kay sis nicola_juliano, people will really judge you based on your FB posts. Such for instance, showing your gadgets online. Kapag Class B or C (no offense ah) school pa 'yan, mataas na ang tingin sa'yo. In other words, you're a superstar. Pero kapag Class A school 'yan, expect more crab mentality because they think it's a form of arrogance.

solepurplelife

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #495 on: October 05, 2013, 09:49:38 am »
Ako naman I don't usually consider na mayabang kung ang post/ pics naman is talagang may gimik/outing, and  may new naman talagang gadget ( maybe too happy or excited lang). Pero ang nakakainis is yung magpopost ng pics ee napadaan lang naman sa isang lugar e.g starbucks, or yung gadget one month na pinagyayabang mo pa, or bumili ka lang ng mahal candy pinost mo pa.  ;D

budzwhiz

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #496 on: October 08, 2013, 09:35:41 pm »
Plus your FB posts greatly reflect kung may class kang tao. I have these so-called sosyal Facebook friends na lahat ng kasosyalan things pinopost, these you'd never see sa mga talagang rich or well-off peeps. Kahit naman pag-ggrocery sa S&R kailangan i-post? Ha! Buti sana kung kahit ka-cheapan na bagay nabibigyan nila ng effort na ipagmalaki e. Ako naman kasi, kahit jollibee post pa yan kung feel ko i-insta ilalagay ko hahaha! Pero yung alam mong puro hangin at filtered talaga ang posts? I like calling these people social climbers. Harsh but yeah.

AnneMP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #497 on: October 09, 2013, 08:37:35 pm »
IMO social networks is a gateway in recreating yourself.  If people seem to be better in the cyber world than they truly are in real person, I don't see any problem with that.  They are free to do so.  I only find it "maya bang" only when they start being negative about other people.  I am not a fan of people putting down others just because they are not like them.  That is the time, I think they are maya bang. 

Somehow, people might find it maya bang when I post stuff that I enjoyed so much that I want to share with the rest of the cyber world.  I usually do it in instagram where people there don't really know me.   I don't know if they appreciate the same things that I do.  They could just unfollow anytime.

little_princess

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #498 on: October 19, 2013, 03:55:56 pm »
I have a friend who posted this in FB.. Medyo nayabangan ako  :o

"I am not the type of person who needs to brag to feel secure. I always believed I am blessed whether I have a lot or less of anything.

I always thought that life is beyond what humans can explain. Call it deep, I won’t mind.

(Talks about how her birthday was..)

Eh kaso may bonus pa ang birth month ko…As we landed Manila from our trip, who could have thought hubby will fetch me with his extra gift (besides his hubby LOVE), the car I personally chose, top-of-the-line Sxxxxx xx."

alice_alice

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #499 on: October 21, 2013, 07:04:27 am »
I have a friend like this lahat yinayabang braces niya, bagong tablet niya, nagpatattoo siya pero 800php na utang niya saken di mabayaran. Puro yabang lang sa FB  >:(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close