watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2  (Read 137374 times)

trendy

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #440 on: July 04, 2013, 05:16:04 pm »
^i think so too. or they were deprived of a fine life when they growing up. siguro puro inggit sila sa mga classmates/friends nila na well-to-do kaya nung nakakaafford na sila, ayun picture galore to prove to others na kaya na rin nila.

Myealexis21

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #441 on: July 04, 2013, 08:53:35 pm »
^haha I remember when I was in HS inggiterang frog ako kase my allowance is just enough for projects, so yearly lang ang new shoes, clothes, etc minsan wala pa.  buti na lang now medyo naalis ko na yang inggit :)  But I do love buying clothes kase I think yan yung di ko magawa dati dahil kulang sa budget.  Kaibahan ko lang I don't like posting things I bought.

May nakwento sa akin yung friend ko, may kakilala raw sya sa FB ang post parang "Finally, 5 digit salary" (AED yan ha so around 100K pesos if i-convert) something like that.. sabi ko, ayy baka happy lang naman kase achievement yun di ba :) 

Sabi nung friend ko buti nga daw kung yun lang, eh maya't maya ang post ng kayabangan. like yung bagong tv, or kung ano ano pang mga gadgets, tapos meron pang post daw na "sakit ng paa ko, kakapagod kase magshopping"  Nung una daw nakakatuwa pa...tapos nakakatawa na... ngayon uber nakakainis na LOL!

Hide hide hide na lang sa newsfeed :)


Ms.Practical.88

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #442 on: July 05, 2013, 04:45:59 pm »
I had a good laugh reading all your post mga sis and mejo duguan din ako hehe.  ;D

stacies83221

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #443 on: July 06, 2013, 06:52:39 pm »
Hahaha i had a good laugh reading the posts here. Nakakainis talaga minsan yung mga mayayabang, pero at the same time, ang pathetic din nila lalo na pag nakita mong mas nayabangan mo rin sila. Hahahah I had an aquaintance who is boasting all the time about their 4M home and that they own a fishing business daw sa Pinas, and im sure sa province niya... I just kept my mouth shut and prefer not to stoop so low. Then I had a friend who prolly couldnt bear it anymore. Note na may kaya ang family nya but she doesnt tell evryone she meets about it and she is simple and keeps a low profile. She and told the mayabang girl, "ay ang ganda na na bahay yun pag 4M. Ilang sqm ba yung bahay at saka saan sya nakatayo? Kasi kami, yung house namin sa qc, worth 45M and mga nasa mga 600sqm." Nakita ko sa mukha nya na nagulat sya and biglang natameme for about a few seconds. Tapos sabay sabi, ay maliit lang bahay namin kesa sa inyo. Hahahaha what a loser. :)

solepurplelife

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #444 on: July 09, 2013, 07:34:01 pm »
Hahaha ang dami ko dito nababasa na actually napupuna ko to my friends and office mates. Theres just some people na so full of themselves noh? Meron akong office mate na girl na everyday of her life na gusto ang topic ay herself and her boys. Well I've got to say pretty sya kaya siguro she has many boys na iniisip. She's the newest to our group back then so I didnt notice noon na ganun nga mga gusto nyang usapan. Then napansin ko lang yun when she's talking to our barkada sa office na boy pa hah about how long na daw na wala syang boyfriend and everything. What really amaze me is when this boy is nag comment ng pasimple na "desperada" sya. Well, I laughed really hard that time. Simula noon I noticed na nga how often she makes kwento of boys daw na may crush sa kanya, this boy daw na may gf na nagpaparamdam to her, etc. Like hello? Its okay to make kwento of your personal life pero yung lahat na lang ng lumalabas to your bibig is how many suitors and ka-flirt you have medyo irritating na.  ;D

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #445 on: July 18, 2013, 07:31:17 am »
Juice ko po! Mag post ba ng malaki niyang pagmumukha? Naka lipstick and naka frame pa ah! Katabi niya yung lipstick na gamit niya na Mac daw.( nakatwist bottom para nakataas ang lipstick!Gandang ganda sa sarili!!
Omg!! Up close and zoomed talaga! Lahat na lang ng lipstick na ginamit, may instamag siyang post. Nagpapadiscover ka? oo na! Ikaw na ang may mac, may chanel may dior. Wag mo na please ipost mukha mo, nakakaumay mukha mo!eyesore! Mag eye roller ka muna para di yoda ang peg ng eyebags mo!
« Last Edit: July 18, 2013, 07:36:06 am by hazelbrown_eyes27 »

izabelle

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #446 on: July 19, 2013, 04:33:21 am »
^ meron akong friend sa facebook nag popost ng outfit nya everytime na umaalis sya. Fashionista daw kasi sya.. LOL

feeling yata nya kasing ganda nya si Anne Curtis haha!

alexsy

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #447 on: July 19, 2013, 06:44:00 am »
natatawa ako sa posts nyong lahat.  feel na feel ko ang inis nyo  ;D

saka na ko magshe share. enjoy magbasa e. page 19 pa lang ako

budzwhiz

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #448 on: July 20, 2013, 01:41:31 pm »
Marami akong ganitong friends at kakilala lalo na sa Facebook... LOL TOP 3:

Isang bading na schoolmate ko nung highschool. Kung makapag-stat tagging [his] friends pa on how he misses na daw mga lakad nila out of the country. And how he misses shopping blah blah blah. (Can't even see his pics abroad.) Tapos lahat yata ng status nya about sa mga ganong bagay at mga kung [textspeak!] anong panlalait... hehe. Pero hindi naman ako naiinis. Di naman kasi dapat kainisan mga ganon, nakakatawa lang eh. Parang di ako affected and convinced sa posts nya, ikaw ba naman pagnakawan ng phone nung highschool.  :D

Girla na dati kong kaklase. Ayun, parang ganon din. Kung makapagstat, itatag pa nanay nya at lola nya na parang nagpapahiwatig ng.. "bilan nyo ko nito ha... :p" Yung ganon? hahaha.

Isa sa pinakamatindi, guy friend ko. May pagka-metrosexual. Lahat, as in lahat ata ng pwedeng ipost ilalagay nya. Ultimo pagshoshopping sa SNR, with pics pa. hahaha. Lahat ng ginagawa nila sa (culinary) school... And kahit anong bagong gadgets ilalagay pa. (iPad mini, with caption: Welcome to my Apple Family) lol! Nakakatuwa na mejo nakakairita. hehe.
Isa sa mga pinakakinaiinisan ko is yung pagyayabang nya talaga about sa culinary.. Kala alam na alam lahat even sa baking. Well he's studying culinary kasi and I am a pastry arts graduate. One time nagbake kami sa bahay nila, and asked me kung nakagawa na ba ko ng french macarons. Yun kasi yung sinuggest kong ibake namin. Then while ginagawa ko, kung magcomment na iba daw procedure ko... blah blah blah. Haha tapos nasira yung macarons. Sinisi ako overbeaten daw batter ko?? Ang sabi ko, yung [gas] oven nya yata may problema, kasi kung over yun, hindi magiging ganon ang end result. Lol, baking student here?

Pero di naman dapat kainisan, kasi what they're showing... proves what kind of people they are, and hindi sila dapat kainggitan o bigyan ng pansin. Intindihin nalang. Mga K-S-P eh..  :)
« Last Edit: July 20, 2013, 01:51:14 pm by budzwhiz »

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #449 on: July 21, 2013, 01:09:08 am »
For me, bago mag post ng lipsticks at  itabi makapal niyang leps ( she calls her lips as LEPS!)eh, sana mag invest muna siya sa eye roller! Unahin niya muna ang pagpapaliit ng eyebags. Lahat na lang ng nilalagay sa mukha nilalagay sa Ig, shared pa sa Fb! Pati ba naman pagpapa rebond naka paskil! Habang nakabalabal! Sinusuklay at inuunat buhok niya? Kailangan documented? Pati gamot na gamit? Please!! bago ka mag hashtag ng loreal or kerastase.. Mag #etude #eyecoolingpads #eyebagsallgone ka muna?
« Last Edit: July 21, 2013, 01:13:01 am by hazelbrown_eyes27 »

jeune

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #450 on: July 21, 2013, 08:51:15 am »
This is the reason why I hardly go to Facebook. Hindi ko naman ma deactivate kasi si MIL laging gusto akong mag post ng current pics namin. Anyway, meron din akong friend na pinost nya sa fb na hindi daw sha gumagamit ng ibang restroom kasi OCD sha tsaka lagi daw sha linis ng linis. One time pumunta kami sa bahay nya to hang out then come dinner time, I offered to cook sinigang. Pagpunta ko ng kusina, my gulay! nagkalat yung trash, hugasin, left over food sa pot, in short kadiri. So I told her kung gusto Nya akong magluto maglinis muna sha hindi yung pinangangalandakan nyang OCD sha. :D

Eto din ang babaeng lahat ng kilala nyang lalaki may gusto sa kanya ;D

solepurplelife

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #451 on: August 02, 2013, 04:02:29 pm »
^Haha sis pati ba naman sakit ginamit para makapagyabang? Over sa pagkaKSP  ;D

Anyway this officemate of mine strucked again. Hindi lang pala eto mayabang social climber pa ang lola mo. Biruin mo kung makabandera ng bago nyang smartphone ee malamanlaman ko nicredit card pala. Makapag compare pa ng samsung nya sa blackberry ko.  ;D I have nothing against naman sa pagbili ng gadget either cash or through credit card pero dapat iniisip mo muna kung kaya mo.  What really shocked me is nung nangungutang sya sakin pantuition daw ng sister nya. Like what is she thinking? Para makapagyabang ka kukuha ka ng gadget tapos may iba ka palang necessities iuutang mo pa rin sa iba? Naiinis ako kapag kaharap ibang tao naku kala mo may pera ee pag kulang pera nya sakin nangungutang. Isang beses sabi ko wala kong dalang cash I told her mangutang muna sa iba. Naku ayaw daw nya at nahihiya sya. Eee ang sakin naman nahihiya ka pala mangutang ee bakit hindi mo ibudget? Naku simula nun lagi ako nagdadahilan para hindi ko sya mapautang. Hindi ko na rin sya sinasabayan sa break dahil I can't take her attitude. Kaso nakakaloka si Ati she made a big fuss about it at pinagtatanong iba naming officemates kung galit daw ba ako sa kanya. Naku sinabihan ko nga syang wag syang wag gumawa ng issue. Nakakasira ng brain cells mga gantong tao JUICE ko po.  ;D

happyfemme

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #452 on: August 03, 2013, 10:33:54 am »
May kilala akong palaka, gorabelle sa boracay. Pityur pityur sa Shangrila, yun paley sabi ng isa nilang kasama pumapasok sila sa 5-star hotel tapos nagpapa-picture lang sila sa loob ng hotel. Chilax kuno sa lobby, liyad-liyad sa pool tapos sibat na after pictorial.





pretty_in_white

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #453 on: August 03, 2013, 07:42:37 pm »
:)  I'll join in narin!  Well, I feel like one of my friends in facebook, who I used to work with, is full of yabang.  Same as some of the posts here, she has a lot of selfie shots.  I don't even know why some people bother to like her pictures, ultimo picture ng food and every simple trip she has, nakapost every single detail.



kikaygimikera

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #454 on: August 03, 2013, 09:19:37 pm »
Yung Jeane Napoles ba yun, kawawa bumalik lahat sa kanya pagyayabang niya sa internet.

manhattanite

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #455 on: August 05, 2013, 09:06:32 pm »
Kalurks naman yung Napoles na yun.  Ginoogle ko because of this thread.

solepurplelife

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #456 on: August 06, 2013, 01:00:36 pm »
Naku tama mga sis kawawa namn yung jeane napoles nabubully tuloy. Kasi naman bawat suot nya ibabandera ang brand. Isa sa pinakamalalang comment na nabasa ko is yung kahit gano pa daw kamahal isuot nya mukha pa rin daw social climber.  :P

happyfemme

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #457 on: August 06, 2013, 02:33:36 pm »
I saw a comment nga din sa kanya saying "kahit gano pa kamahal ang suot mo, mukha ka paring palaka"

kikaygimikera

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #458 on: August 06, 2013, 07:16:48 pm »
Kaya it pays to be humble. :)

Myealexis21

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #459 on: August 07, 2013, 01:28:46 pm »
Its ok naman to be proud of what you have and what you have achieved...just don't overdo it :)

Saka you don't need to flaunt it in the social networking site, IMHO makaka-attract pa lalo ng negative vibes when you do that.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close