watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2  (Read 137476 times)

bubblepop

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #240 on: October 15, 2012, 01:20:17 am »
.,hahaha natawa ako sa inyo ang hirap kase sa mga ibang kababayan natin basehan ata nila ng yaman ay ang kulay at height,haayy

naranasan ko na rin yung kay sis rapids jewelry shop naman ayaw akong i entertain katatapos ko lang manganak nun at sobrang taba ko pa,hehe

alam nyo ba yun ang nagiging reason ng pagiging  impulsive buyer ko minsan kase mafi feel mo na parang china- challenge ka niya na di mo kayang bilhin at ako naman na t*ng* eh nagpapadala sa emotions ko,hehe ;D

leelou

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #241 on: October 15, 2012, 02:36:27 am »
For me mas off naman yung kuntodo porma ka tas wala ka naman palang pera!  ;D

sis worse, maraming utang! grabe dito sa amin, abroad na ha, daming mayabang. bili ng SUV, on auto loan, tas mga 2 years pa lang, plano daw palitan ng mas bagong model. kung di ko pa alam, minsan yung pang montly amortization, pinapangutang pa. at tumataginting ang balance sa credit card at may personal loan na re-loan ever pa. meaning hindi pa tapos ang current loan, nagrere-loan na. at ang latest chizmax, magbi-birthday ang anak at ang ginawa daw, nag-join ng cooperative just so she could get guess what? a LOAN! pang-handa! kaloka!

summersong

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #242 on: October 15, 2012, 05:33:53 am »
Amusing thread. :D

Hindi talaga mawawala ang mga taong ganyan. Hayaan na lang sila, it's their money (or the lack of it). Let them get buried in debt dahil sa kayabangan, pinili nila yun eh.
« Last Edit: October 15, 2012, 05:36:36 am by summersong »

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #243 on: October 15, 2012, 12:03:07 pm »
^right. good for them if they have something to show. and good for them too if they all acquire it in honest means and without debt. nothing wrong with buying stuff, eating out, and whatnot. i do all of those. that's what makes life enjoyable. but in sticking to the title of the thread, i talked about the examples i see in my own facebook wall. and with all the posts that bombard my wall everyday, for me there is a line between plain sharing and blatant showing off.

I also knew people who bragged not only in social networking sites but also in real life. Tipong 2 Blackberry nila plus Iphone at Macbooks... pero my gas naman! 3 Credit card at buwis buhay kung magbayad ng monthly...


there's another acquaintance of mine who married rich, who posts everything on facebook with the Chanels and LVs and weekend five-star hotel getaways, all courtesy of wealthy hubby. i would have been impressed if they were acquired out of her own capability as a career woman or whatever. but yeah, a case of thanks hubby.



Hindi kaya iisa lang friend natin? hahaha. Just kidding. I know someone din na mega post sa FB about her recent hauls and out of town trips courtesy of rich hubby kuno... andami dami nya na-flaunt sa fb pero ang ending kabit pala si ate kasi the guy is not yet annulled. At nakatira daw sila kuno sa posh subdvision in Ayala built houses in Laguna, yun pala sa foursquare nya lang nilalabel na taga Ayala subdivision sya pero milya milya layo ng bahay nila dun at kapitbahay lang namin sa subdivision! Kalowka! :P

flutterfly

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #244 on: October 15, 2012, 04:12:10 pm »
For me mas off naman yung kuntodo porma ka tas wala ka naman palang pera!  ;D

hahahaha. THIS! ;D

akireyhoj

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #245 on: October 15, 2012, 04:24:28 pm »
question mga sis: porket ba mag check in sa mamahaling resto, mayabang na? admitted ako lagi ako nag che chekin sa kinakainan namin ni bf,kasi date namin yun eh gusto ko makita ng mga tao kasama ko si bf lagi. kaso parang nung madami nang aasar o pumupuna parang ako pa nahiya sa kanila.. parang care ba nila? can afford kami eh. tsaka hindi naman porket kumain don libo na halaga ng kinakain namin no! kumakain kami don kasi gusto namin ma experience, yung oorderin namin sakto sa pang 2 tao kasi mahina kami kumain ni bf kaya hindi naman lumalagpas sa libo kinakain namin..

i remember 1 time, may relative ako.. pumuna, kumakain daw ako sa sosy na resto puro branded damit, kung san san kakapunta, nagulat ako after that sya ganon din..inis to death talaga ko. umabot pa sa punto na hindi daw ako tumutulong sa parents ko, duh alam ba nya story? napaka one sided.

isa pang kinakainisan ko, yung yabang ng yabang na branded lahat ng damit ng anak, eh bigay lang naman ng ibang tao? or lets say kaya sila nakaka afford ng ganon kasi may tumutulong sa kanilang ibang tao. buti sana kung pinagmamayabang nila eh sa kanila mismo galing.

chefron

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #246 on: October 15, 2012, 04:42:35 pm »
Ako i dont mind, asar lang ako dun sa mga tao na alam kong dami nilang bayarin, nakukuha pang kumain sa labas para lang maipakita sa ibang tao na eto na level nya. Kumbaga pinoproject nya na "can afford" sila, di pa din makapag move on na wala na silang anda talaga.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #247 on: October 15, 2012, 08:03:54 pm »
meron akong kakilala dito mayabang din kaso may edad na sya, sya yung tipong di patatalo sa lahat ng bagay, example bumili ako ng damit then sasabihin nya kami din bumili mga anak ko ng damit last week naku malulula ka sa presyo ginastos namin so and so....then sasabihin ko ginastos ko lang ay $20 pero dami ko nabili kasi ukay yun. (hahahaha....lam mo yun!) then sasabihin nya, ay naku di mo mapagsusuot ukay mga anak ko blah..blah...blah...

ok eto na ngayon, kelangan nya ng pera, kahit singko sa mga anak nya di sya pinautang kesyo maraming dahilan, so kwento sya sa akin....kung makabili ng damit ang mamahal ang mamahal saka di magsusuot yun ng kung ano2 lang saka ayaw nilang may kaparehas na damit tapos so and so lang di nila ako mapahiram babayaran ko naman sila...eto sabi ko "eh papaano ate kahit 100 mahalaga sa kanila yun...kung talagang may pera sila kahit papaano magbibigay yun sainyo." alam mo yun super pagmamalaki nya sa mga porma ng anak nya dapat ipagmalaki nya ugali hindi porma, madaling makabili ng pang porma pero ugali kahit na mayaman ka hindi mo mabibili yan.

snikity

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #248 on: October 16, 2012, 08:29:41 am »
my opinion on this is...

ano ba ang mga bagay na dapat pang i-share sa facebook/twitter/instagram at yung mga dapat ay pribado na lang?

walang masama kung nakaka afford ng mamahaling mga damit, kung nakakakain sa mamahaling restaurant, at kung marami ka nang lugar na napuntahan.

masarap mag share sa mga friends, oo lalo na kung nasa malayo silang lugar and you want to keep in touch.

pero is it just plain sharing? or gloating? or do you just need attention?

real friends will talk to you, give you a call or send you an email, they won't feel the need to stalk you on facebook. yun lang. bow. :)

akireyhoj

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #249 on: October 16, 2012, 08:55:56 am »
and facebook and twitter is your OWN account. :)

chefron

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #250 on: October 16, 2012, 09:10:45 am »
Its also how people perceive your post....also meron naman talaga, aminin natin, na nagpopost lang para magyabang....pero yun nga if you know the person, di kana magugulat sa mga post nya ;)

rapids

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #251 on: October 16, 2012, 09:13:59 am »
^^^sis  akireyhoj - bakit kailangan malaman ng lahat na palagi kayong magkasama kayo ng bf mo? in my opinion lang naman sana wag kang magalit sakin, hindi naman kasi lahat interested na malaman ang activities natin, minsan annoying na. saka we know naman if nagyayabang lang ang isang tao or if they just happy to share important moments ng buhay nila.  ako naman kung teenager medyo mahaba pa ang pasensya ko, syempre takaw attention pa sila.

naalala ko lang sa family ko kasi walang mahilig magpost ng kung ano ano sa fb. yung brother ko complaining about my teenager cousin na kada bukas niya ng fb puro picture na lang nun ang nakikita niya. eh yung  wife ni brother ko recently nahihilig sa instagram(pics of herself na nageemote), sabi ba naman ni kuya kay SIL. "isa ka pa puro ka rin picture sa fb pag naiinis ako sayo i aunfriend kita."

akireyhoj

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #252 on: October 16, 2012, 09:20:08 am »
^thank you for your comment sis, it my FB din kasi. meaning my online diary. if i have a blog lang don ko nalang ipopost lahat ng activities namin. actually 1 year planning na yung online food blog namin ni bf but because wala kaming time, hindi namin magawa :D kaya yung FB KO ang nagsisilbing online diary ko muna. kaya if someone comments nga na ganon, i told then dont look at my profile. sinabi ko ba check nyo profile ko?

on the other hand masarap din pakinggan yung iba asking sakin uy ano masarap na menu dyan? :D

summersong

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #253 on: October 16, 2012, 09:42:30 am »
Ok lang naman sa akin if a person posts about things bought or places that person went to. Everybody naman has a right to a good life and kung i-post man sa account nya or ikuwento sa lahat ng amiga nya, that's perfectly fine. If nice stuff/travels/whatever is what makes him/her genuinely happy, walang basagan ng trip. Some may perceive that as kayabangan, but there are some folks who really just want to share their experiences.

But it's another thing if this person has a tendency to put a price or brand on everything she/he or anybody else owns, or if that person is sooo trying hard to keep up with the Joneses. The person lets materialism or illusions of power/fame/prosperity take over his/her life. Halata naman when that person wants to establish an illusion na nakakaangat sila than everybody else, kahit minsan hindi naman. They're only fooling themselves. One can only sustain that illusion for so long, even if you do have the moolah. Worse if what the person is bragging about is an outright lie. Those kinds of people nakakaawa na. Money cannot buy class, or kagandahang loob. Ipagdasal na lang na sana magising at magbago din sila.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #254 on: October 16, 2012, 10:37:36 am »
Its also how people perceive your post....also meron naman talaga, aminin natin, na nagpopost lang para magyabang....pero yun nga if you know the person, di kana magugulat sa mga post nya ;)

agree ako dito :)

Ok lang naman sa akin if a person posts about things bought or places that person went to. Everybody naman has a right to a good life and kung i-post man sa account nya or ikuwento sa lahat ng amiga nya, that's perfectly fine. If nice stuff/travels/whatever is what makes him/her genuinely happy, walang basagan ng trip. Some may perceive that as kayabangan, but there are some folks who really just want to share their experiences.

But it's another thing if this person has a tendency to put a price or brand on everything she/he or anybody else owns, or if that person is sooo trying hard to keep up with the Joneses. The person lets materialism or illusions of power/fame/prosperity take over his/her life. Halata naman when that person wants to establish an illusion na nakakaangat sila than everybody else, kahit minsan hindi naman. They're only fooling themselves. One can only sustain that illusion for so long, even if you do have the moolah. Worse if what the person is bragging about is an outright lie. Those kinds of people nakakaawa na. Money cannot buy class, or kagandahang loob. Ipagdasal na lang na sana magising at magbago din sila.

tama naman personal account natin ang FB. And it is our right to post kung ano gusto natin or share our experience while foodtripping or travelling. Pero minsan kasi yung iba sumosobra na. Tipong pinipilit maging "IN". At tama rin yung isang sis natin na nagsabi na nakakainis naman talaga makita yung mga posers na mayaman kuno pero mababalitaan mo nangangailangan ng malaking pera dahil sa CC bill, walang ipon or kulang nalang ibenta na ang internal organs para lang ma-finance yung luho nila which for me is a NO-NO.

Kung keri naman nila bumili ng luho at pera naman nila, eh di GO! Ang hindi ko lang talaga keri sa FB posts at newsfeed kaya nga hina-hide ko or dine-delete ko or in real life eh deadmaru na ako eh yung nagpapanggap ka na mayaman pero hindi naman. Walang masama maging proud sa mga nagagawa natin sa buhay lalo na pinaghirapan natin so deserve mo talaga yun. Ang panget lang sa iba, ang yabang yabang pero at the expense of other people or umaasa sa ibang tao.

ayka

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #255 on: October 16, 2012, 04:50:34 pm »
Its also how people perceive your post....also meron naman talaga, aminin natin, na nagpopost lang para magyabang....pero yun nga if you know the person, di kana magugulat sa mga post nya ;)

^correct! because everybody has his own perception and opinion, and we're entitled to those things. let's say if your rich (or even filthy rich) friends saw your posts on expensive stuff, holidays, check-in's, etcetera, they might not care at all, because definitely they have those as well, and vice-versa. diba? though for your middle class friends (or if you have friends struggling financially), this might connote "kayabangan", which is but a natural reaction. so kanya-kanyang pananaw din talaga. any perception can arise from a single photo or status post! may it be acceptance, happiness for the person, envy, sour-graping, etcetera!  facebook, eh! :)

leelou

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #256 on: October 16, 2012, 05:20:32 pm »
almost always kasi, we know the background of the person we perceived as mayabang. kaya nale-label natin silang mayabang :D

regarding check-in or foursquare, i think i posted this in fb pet peeves thread that i get annoyed by this friend na laging naka-post location thru foursquare. in just a mtter of few hours, nakapost ng ilang locations - from getting off from work, to a resto where they had dinner, shop in a mall, casa (auto service), bakery, pati gasoline station. i really find it OA. parang nag-iinvite lang ng stalker or kidnapper hehe. pero safe naman here. pero parang she's sort of in a game na kelangan may ma-surpass na maging mayor or something.

pero one time, i saw her post na she's in a shop na matagal ko ng plan puntahan coz i wanna check out a bag yata if available. so yun, i had to ask her if may nakita syang ganun na hinahanap ko. although late nya nakita yung post ko kaya hindi nya na-check. pero i realized, useful din pala for others kahit papaano. same case with restos. we can ask them for reviews.

pero OA pa rin pati gasolinahan. ano ba pwede natin matanong about gasolinahan?  ;D

chefron

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #257 on: October 16, 2012, 06:39:49 pm »
Kung magkno na pero liter ng gas hahaha

manhattanite

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #258 on: October 17, 2012, 07:33:54 am »
kaaliw ang thread na to!

may friend ako na talgang best in yabang in terms of material stuff.  simula ng umangat angat ang sweldo at nakaranas na mag abroad, bawat minuto ng trips nya may picture sa fb.  shempre with matching status updates pa yan.  lalo na nung pinadala sha sa europe for a business trip.  talgang may i document si ate!  ang ending, nasira yata yung usb nya or some other technical glitch, andaming nawala sa photos nya.  laking tawa namin kasi parang nakarma tuloy sa kakayabang.  sa mga magcocomment na baka proud lang kasi first time nya to travel, mga sis, kilala ko ang ugali nya at pagyayabang talga yun on her part hehe.

nung time na bibili na sha ng car, shempre hanap sha ng way para mai-announce sa fb ever so subtly na magkaka-car na sha.  yung post nya was something like, "friends, how long does it take to get your driver's license?"  ang daming nagcongrats sa kanya pero sa dulo ng thread, may isang nagcomment na, "wow, talgang kelangan sabihn na may kotse na?" 

manhattanite

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #259 on: October 17, 2012, 07:44:16 am »
i noticed lang ang mga true blue  rich invidual hindi nagyayabang sa facebook. My Team Leader before from AYala Alabang konti lang pics  sa bahay meron man di mo ma sight gaano kalaki ang house  nila..kahit mga travels nya abroad di nya pinopost ....napaka low profile. mas admirable [textspeak!] ganun.

so true!  may friend dn ako na ganyan.  hinde sha nagyayabang via status updates and posts on fb, pero pag tiningnan mo ang albums nya, puro travels abroad.  hinde nya pinupublish talga.  sinasave lang nya dun.  ni hinde nga nya tina-tag mga kasama nya.  sinsabihan nalang nya na tingnan nyo nalang dun yung pics natin. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close