Author Topic: Nagiging Bad Temper si hubby..  (Read 20123 times)

yummy05

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #40 on: August 29, 2012, 12:56:55 pm »
iba na talaga mga guys ngayon, minsan kahit sobrang tagal nyo na magkasama may malalaman at malalaman ka talagang ugali nya na panget.. hayyyy... unlike tayong mga girls kung ano talaga tayo, yun na talaga.

YanYanYanYanYan

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #41 on: August 31, 2012, 08:19:38 am »
^ hay naku nanggaling din ako sa ganyan. pero oks na yung porn kesa yung ginawa naman nya sakin na nakikipagflirt sa mga kaklase nya.

I totally agree. napakainsensitive nila. ang ginawa ko, binawian ko sya pagkapanganak ko. ewan ko ba kating-kati akong gumanti so inalila ko sya. I told him 10 years ang bawi para masolb ang pagkalugi ko during my 10-month pregnancy. nung nabuking ko talaga sya, nagwala ako and all that. hirap na nga ako magtiwala e.


Bumabawi sya now, magbbirthday kase ako tomorrow. Nakaksad lang kase need pa magbirthday ako para lang magbago sya...  :-[

megansmomma

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #42 on: August 31, 2012, 09:05:21 am »
^^natawa naman ako sa kating kati ako makaganti! naaasar na din ako sa pagiging bad temper ni hubs. nakakasuya na lately, malapit na kami magsapakan.. konting bagay lang bilis nia uminit ng ulo! hays mahirap intindihin pero kailangan!

YanYanYanYanYan

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #43 on: August 31, 2012, 09:16:55 am »
^^natawa naman ako sa kating kati ako makaganti! naaasar na din ako sa pagiging bad temper ni hubs. nakakasuya na lately, malapit na kami magsapakan.. konting bagay lang bilis nia uminit ng ulo! hays mahirap intindihin pero kailangan!

Tama pa kaya [textspeak!] ganitong relationship [textspeak!] tipong gigil na gigil na kayo sa isa't isa and then there's no room for forgiving na...

Hay...

ayami

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #44 on: August 31, 2012, 12:20:35 pm »
Inisip ko din yon na wala nang patawaran. Took me 2 years bago medyo ako humupa sa galit. Minsan may triggers pa rin, or nanunumbat ako. Haha. May instances nung bagong kasal kami na ang violent ko tapos di naman sya gumanti. Pinpigilan nya lang ako manapak or manuntok lol. I bet dala nga ng guilt. Pero nung ok ok na like now pag may away kami (madalas nga sa loob ng kotse) sigawan na kami! Tapos pag magalit sya bibilisan nya magdrive delikado kaya. Mamaya matsugi pa ko (nasa driver's seat kasi yun air bag so mabubuhay sya I guess). Although ok din na nagsisisigaw na sya kasi mas takot naman ako sa galit na nananahimik baka rin may masamang balak haha.

YanYanYanYanYan

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #45 on: August 31, 2012, 01:01:28 pm »
Inisip ko din yon na wala nang patawaran. Took me 2 years bago medyo ako humupa sa galit. Minsan may triggers pa rin, or nanunumbat ako. Haha. May instances nung bagong kasal kami na ang violent ko tapos di naman sya gumanti. Pinpigilan nya lang ako manapak or manuntok lol. I bet dala nga ng guilt. Pero nung ok ok na like now pag may away kami (madalas nga sa loob ng kotse) sigawan na kami! Tapos pag magalit sya bibilisan nya magdrive delikado kaya. Mamaya matsugi pa ko (nasa driver's seat kasi yun air bag so mabubuhay sya I guess). Although ok din na nagsisisigaw na sya kasi mas takot naman ako sa galit na nananahimik baka rin may masamang balak haha.

Korek sis mas ok ng ilabas nya galit nya kesa malaman mo nalan one day na paggising mo kutsilyo ka na sa leeg. Hehe bayolente lang  ;D

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #46 on: September 01, 2012, 01:43:44 am »
Ang dami pala natin ditong may asawang mainitin ang ulo! ;D Ganun ata talaga karamihan ng lalake. Kahit Dad and yung isang brother ko ganun din eh, mainitin ulo. Sabi ng mom ko, kasi raw ang mga lalake, hindi nir*r*gla, kaya hindi nila nailalabas yung init ng ulo nila, hahaha!

YanYanYanYanYan

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #47 on: September 02, 2012, 09:39:25 am »
Ang dami pala natin ditong may asawang mainitin ang ulo! ;D Ganun ata talaga karamihan ng lalake. Kahit Dad and yung isang brother ko ganun din eh, mainitin ulo. Sabi ng mom ko, kasi raw ang mga lalake, hindi nir*r*gla, kaya hindi nila nailalabas yung init ng ulo nila, hahaha!

Napaisip ako dito, Oo nga noh kaya iba sila kapag umiinit ang ulo. May point ka sis.  ;D

yummy05

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #48 on: September 07, 2012, 09:58:26 am »
Nakakainis talaga mga asawa natin, dapat sa kanila bigyan ng isang matinding Leksyon. Yung hubby ko kahit sya pa my kasalanan, minsan kasi sarcastic sya sumagot sken, hindi marunong mag sorry. Kaya no choice ako palagi naglalambing para lang my peace of mind ako.. Nakakaasar talaga dati hindi sya ganyan.. Nag iiba talaga ugali pag tumatagal na i guess..

BallBreaker

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #49 on: October 01, 2012, 02:17:09 pm »
My husband is known for having a nasty temper. As in HellBoy. What makes things worse is he owns a gun. However, no matter how badass his character is, he still has to face the wife when he gets home. Like what they say, I am the only person that can subdue his temper. :D

RuChe

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #50 on: October 01, 2012, 03:25:07 pm »
Grabeh, can relate to this thread.  Eto kakatawag lang sa phone and me sinasabi sha na di ko na-gets agad. Nagalit na. Kala mo naman magaling mag explain. Tatawag tawag dito sa ofc tapos magagalit. Ano bah yan. Tinext ko nga na "bat sa ibang tao ang tyaga mo mag explain???".  ::)  As usual, deadma yun. Lam ko namang di magrereply yun.

Last week naman sinigawan din ako sa phone. Sinabihan ko nga ng "walang kang galang. Sige na, bye". amf!

maiandra

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #51 on: October 02, 2012, 06:21:16 am »
^Wow sis he owns a gun? I'd get scared bec seriously san naman nya gagamitin yun? Unless police sya or military.

Ako if he'd buy one, I'd call it quits. No questions asked

redgirln

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #52 on: October 03, 2012, 01:33:50 am »
hirap nga ng may asawang mainitin ang ulo kala mo sinasapian, parang lagi mong tatantsahin ang mood. Hay naku pag wrong timing, ayun away- kakaloka! Ayoko namang nasasanay na pinagbibigyan siya, umaabuso parang malapit na ako sa emotional abuse ang datingan nito. But I wont allow it. mahal ko ang sarili ko at mahal ko rin siya pero dapat umaayos siya. Marunong din ako magalit! ;)

iflipcess

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #53 on: October 05, 2012, 01:46:36 pm »
kakapost ko lang dun sa kabilang thread, gaano kabait ang hubby mo lol, ngaun ang init ng ulo nya, he was like that nung bago pa lang relationship namin, nagsusungit kasi, sabi ko, bakit ang sungit mo? para kang may pms, hala ang dami ng sinabi, normally, papatulan ko na yan, ay dinedma ko na lang, saka ko na lang siya kakausapin kapag malamig na ulo, saka ako reresbak lol

purpleiacious

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #54 on: October 07, 2012, 09:20:20 pm »
pa join mga sis,naka relate ako dito..Last 2 nights ago gumawa ako ng sauce para sa ulam namin and sasalin ko sa isang saucer,since pagod na ko sa pagluto tinamad ako kumuha ng serving spoon so bowl to saucer ang pagsasalin ko eh ang nangyari natapon yung sauce sa table,sumigaw si h2b na "ano ba yan,anong kabobohan yan"i was shocked talaga na parang tumigil yung mundo ko,weve been together for 4 years and never nya ko nasabihan ng ganyan,at first pinipigilan ko yung luha ko kasi kaharap si soon to be mil at si bil,pero ayun hindi ko kinaya takbo ako sa kwarto at dun ako humagulgol,sinundan nya ko and magsasalita pa sya pero narinig nya ata na umiiyak ako,ayun niyakap nya ko at sorry ng sorry,nabigla lang daw sya,sabi nya alam ko na daw ang feeling ng sinasabihan ng ganun.(kasi medyo prangka din ako magsalita sa kanya,siguro nga minsan nasasaktan ko siya,may times na sinabihan ko sya ng bugok ka,para kang bugok na itlog which is nasaktan siguro siya pero hindi nya sinabi sa akin) good thing na nangyari din yun kasi i become mindful of my language sa kanya,kinabukasan he was extra sweet sa akin and promise to take me out on a date and he will treat me ng spa..

Priceless

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #55 on: October 07, 2012, 10:44:45 pm »
Talagang maraming tao, hindi lang mga lalake ang short tempered. I learned at an early age na dapat girls know when to use "lambing" because sugary sweet can be annoying, especially when you've already had a bad day and you hear this "lambing" tone which can sound "whiny". Also be careful of your own actions and words kasi if you take a certain tone or language with others, including hubby, they will assume that's it's an acceptable language and tone with you.

Tapos pag nag bad temper si hubby, while sometimes it's best to keep quiet until he calms down, there are also moments where you need to quickly call his attention there and then. Like tipong calmly say, "you are raising you're voice at me - i don't understand why" or "don't raise your voice at me" or "talk to me when you're over your tantrum". Then walk away and wag yung ikaw pa ang susuyo because it reinforces his habit and he'll think what he did is okay.

iflipcess

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #56 on: October 07, 2012, 10:51:08 pm »
nice input sis priceless, LDR kasi kami, so naisip ko, baka stress lang sa work, medyo matagal na din kasi buhat ng ma badtrip yun sa akin, normally papatulan ko talaga init ng ulo niya kaya world war 3 lang ang peg namin, good thing wala din ako sa mood makipagtalo, yun nga lang 3 days na kami di naguusap, wala pa akong planong kausapin siya sa ngayon

mrsdee

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #57 on: October 08, 2012, 12:57:31 am »
ganito yung ex ko, hot-tempered (at aminado naman sya) and what's worse, ang sakit magsalita at mang-insulto. he's sobrang sweet and all that pero pag tinamaan ng topak, verbal abuse to the highest level aabutin mo. buti na lang di kami nagkatuluyan. hekhek.
exact opposite naman nya ang napangasawa ko, ikaw na lang maiinis kasi  di marunong magalit. magtampo, yes, but he never said something that hurt me in any way. sa sobrang quiet lang pahirapan mag-extract ng saloobin nya, pero he's improving.
anyway, I still believe women can influence man in many ways. sabi pa sa isang thread ni sis i_v_y: "men are like dogs, they can be trained." :)

peninsula

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #58 on: October 12, 2012, 02:15:15 am »
My husband has tendency to be like that. noong una, pinapalampas ko lang. pero noong di ako nakatiis, sinigawan ko rin sya. [textspeak!] ko pwede, wag mo ako sinisigawan. di mo ba pwedeng sabihin ng maayos. so medyo tumino pero ngayon bumabalik na naman. Malapit ko na ulit sya gulatin at sigawan para paalalahanan. Minsan gulatan lang yan :)

she29

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #59 on: October 15, 2012, 09:07:41 am »
si hubby din napaka bugnutin kahit yung maliliit na bagay nagagalit minsan hindi ko nalang pinapatulan minsan nga hinde ko alam saan ako kumukuha ng pasensya dahil numero uno din akong bugnutin pero hinde katulad nya tapos minsan sarcastic pa sya magsalita kaya talagang nauubos pasensya ko gusto ko nalang syang patulan pero pianapakalma ko nalang sarili ko kasi kung patulan ko pa sya baka mag sabong kaming dalawa.masama pa pag sya ang may kasalanan sakin parang wala lang sa kanya.tapos minsan sya na may kasalanan sya pang mahirap amuin kaasar sarap layasan!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close