Author Topic: Nagiging Bad Temper si hubby..  (Read 20076 times)

yummy05

  • Guest
Nagiging Bad Temper si hubby..
« on: June 14, 2012, 09:52:29 am »
mga sis help.. lately napapansin ko nagiging bad temper and hot temper asawa ko...  :'( konting bagay lang kinakagalit nya na.. like nung my pinapaayos ako sa ipad eh tumawag ako sa viber kaya nawala yung inaayos nya, ayun nagalit na siya.. tapos pag may nawawala siyang gamit, ako agad sinisisi nya and naiinis na agad siya.. pati cellphone nya hindi ko nacharge, nainis na siya saken.. madaming maliliit na bagay na kinaiinisan nya agad.. sobrang babaw.. minsan nasasaktan nako.. pero tumatahimik na lang ako, tapos in the end ako parin maglalambing.. hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya na gumagaspang at pumapanget na ugali nya.. naasar nako sa attitude nyang yun... di ko alam kung yun talaga attitude nya at lumalabas lang yung totoo.. 2yrs. na kami mag asawa, pero now ko lang nakikita yung bad temper nya.. hindi naman siya ganyan dati although sabi ng iba bumait pa nga daw asawa ko so I wonder baka bumabalik na ugali nya.. Gusto ko bumalik ulet yung attitude nya na mabait pero sa ngayon nakikita ko na parang yumabang si hubby..  :'(

don em

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #1 on: June 14, 2012, 10:35:14 am »
Yung hubby ko dati may pagka-bad temper din. Dati pag medyo naiinis na rin ako kasi nga sobrang mainitin ang ulo nya, sasabihin ko, "galit ka? or bakit ka nagagalit?" sa mild lang na tone. Tapos nun tatahimik sya, he's not the type din kasi na magsosorry. Pero I know na narealize nya na mali sya. Minsan naman, may lambing na parang bata ang gagawin ko. Malambing na sasabihin ko " Hani naman, para ganun lang eh sinisigawan mo ko... nasasaktan naman ako" Sasabihin nya, "E kaw kasi eh!", kaya nga, sorry na, wag ka ng magalit... sana wag mo kong sinisigawan. Yung bang bagay na yan eh kailangan pa nating pag-awayan na dalawa?"

Naniniwala ako sa sa bawat relationship, very important talaga communication. Not the type of communication na nagpo-probe or wanting answers. Basta masabi mo ng maayos sa kanya how he made you feel.

My specific example is lately lang nangyari. We were inside the car (kung car nga yun.. hehe), and I asked him to buy milk for our kids. Medyo nagtagal sya sa pharmacy, so bumaba na din ako. Though I told my son not to lock the door, ni-lock pa din nung bata. Siguro because of that, uminit ulo nya, sabi nya sa akin, "Bakit kasi bumabababa ka pa?! O eto (sabay abot ng pera) ikaw na! (bumili ng milk). Syempre napahiya ako kasi may ibang tao dun pero di ko na lang pinansin. Bumalik ako sa sasakyan, buti naman at na-unlock nung anak ko, kasi medyo hirap sya ialis yung lock nun. Sabi ko sa kanya nung nakasakay na kami, "Bakit mo nman ako ginanun? Napahiya ako." Di sya kumibo. Di ko din sya kinibo on the way pauwi sa parents ko. Nung kami na lang, sabi ko sa kanya, "Hani, hindi ka ba marunong magsorry?" So yun, nagsorry sya sa akin. Then, sabay sabi ako nung naging feeling ko. Sabi ko pa nga hindi ko feel na sincere sya sa sorry nya. Then syempre, harutan na. Nag-aasaran na lang kaming dalawa. End of the story :)

aquacharly

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #2 on: June 14, 2012, 11:35:32 am »
I grew up being told that: Lahat puedeng  pag-usapan ng  mahusay.... My Lola says that all the time.
If my Lolo is around when Lola sys that, he adds:  Oo! Kung kaputahan nga napaguusapan  ng maayos, eh di lahat, puede.

Then, if there is just 1 lesson learned fom my marital experience, it is:  Do not tolerate/ignore your husband's bad/abusive behavior.  Put it on the table for immediate discussion/clariification. But do not be combative/argumentative/accusing in your manner/approach.





mrs.S.

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #3 on: June 14, 2012, 11:42:04 am »
In my case hindi pa naman nangyari yung mga ganito but I know hubby has a short fuse. Even naman hindi ako mapahiya or sinigawan niya may nasasabi din siya sa akin na hurtful sa akin. When this happens i make it to the point that i tell him that i didnt like what he said. It also comes to a point that when i tell him these things i sometimes blurt out things that can be hurtful to him also. So even if my intentions is to straighten Things out we end up having a big fight instead.

We dated for almost 7 years and we're married for 6 years now, if there is one thing that I have learned in those years is that communication is KEY. Men are wired so differently. If he said something I didnt like I would tell him right away, then if i notice that something is off with his actions i also ask if there is something wrong. Men try to bottle up their emotions and they are less likely to share how they really feel. With hubby, i encourage him to open up to me this way I will understand him better if he gets moody or his behavior changes.

Usap kayo sis, this will really help.


yummy05

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #4 on: June 14, 2012, 11:56:53 am »
thanks mga sis,,pero nakakalungkot lang talagag isipin na nagbabago talaga mga lalake.. gusto ko siya kausapin pero ginawa ko na dati in a nice manner ang ending minasama nya lang and nauwi sa galitan,, ayaw nya may napupunang panget sa kanya, maybe because galing siya sa broken family.. kaya ngayon tumatahimik nalang ako pag ganun situation pero pag napupuno na ko sinasabihan ko siya na sumosobra ka na ha..,pero ewan wala lang din naman sa kanya..

hedonista

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #5 on: June 14, 2012, 01:37:50 pm »
 I can relate sis. I am trying to approach the situation positively. I did not stop doing whatever I was doing as a wife or partner. Pero I make sure na ta-timing ako para masabi sa kanya nafefeel ko. So last weekend, I sent him an email.Dun ko nalaman sa reply nya yung mga hinain rin nya sa akin.

don em

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #6 on: June 14, 2012, 01:53:07 pm »
I grew up being told that: Lahat puedeng  pag-usapan ng  mahusay.... My Lola says that all the time.
If my Lolo is around when Lola sys that, he adds:  Oo! Kung kaputahan nga napaguusapan  ng maayos, eh di lahat, puede.

Then, if there is just 1 lesson learned fom my marital experience, it is:  Do not tolerate/ignore your husband's bad/abusive behavior.  Put it on the table for immediate discussion/clariification. But do not be combative/argumentative/accusing in your manner/approach.

very well said!

yummy05

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #7 on: June 14, 2012, 02:49:01 pm »
I can relate sis. I am trying to approach the situation positively. I did not stop doing whatever I was doing as a wife or partner. Pero I make sure na ta-timing ako para masabi sa kanya nafefeel ko. So last weekend, I sent him an email.Dun ko nalaman sa reply nya yung mga hinain rin nya sa akin.

sis buti pa sayo atleast nag open up.. saken tahimik lang.. pero siguro nga nasa timing din,,,thanks sis!

minicake

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #8 on: June 14, 2012, 03:42:47 pm »
Naku mga sis tama yung ibang sissies natin kelangan talaga pinag-uusapan at huwag magpapasindak sa mga hubby natin na tipong di na lang magsasalita kahit mali naman talaga sya. Kami dumadaan din kami sa ganya,what I constantly did is hihilahin sya sa kwarto to talk it in private and in a good manner, kung di pa din nya narerealize mali nya I will just tell him Ok just try to think about it at lumapit ka na lang kapag ready kana pagusapan ulit natin. Then mamaya maya magsosorry na sya and say yung thoughts nya.. And also hwag makikipagsabayan ng init ng ulo,kung mainit sya try to cool down..

don em

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #9 on: June 14, 2012, 04:03:39 pm »
I suggest din to read Secrets of Fascinating Womanhood, I do not agree with the book 100% but marami akong narealize at natutunan sa book na ito with regards to my relationship with hubby.

rapids

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #10 on: June 14, 2012, 04:13:38 pm »
hay sa amin naman ako ang nagiging bad temper, kaya siguro I can represent your hubby here. Ilang araw na din medyo napapansin ko na madaling uminit ang ulo ko. naging nagger na ako this past few days. My reason naman medyo stressed, Last few days we had financial difficulties, sabay sabay ang gastos, in 1 week almost 50k ang lumabas na pera because of bayarin, for an average earner like us, malaking halaga na yun, specially our business needs money everyday to run.

I think about it alone, paano ang diskarte in order for the business to keep running without having problems. Ayokong dalawa kaming mamroblema ng hubby ko, ang reason ko kasi para may isa naman sa aming relax lalo na pasukan ng kids namin and they are adjusting pa. Saka ako ang mas marunong sa amin in terms of money matters. nagpapasalamat ako kasi napakabait ng asawa ko, hindi niya ako pinatulan or sinigawan kahit minsan talaga badtrip na badtrip ako, minsan pagtahimik ako, he hugs me tapos sasabihin niyang wag akong masyadong mag-isip kasi andito naman siya.

Give and take, there are moments na isa maging listener and someone who would keep the harmony in the family. Communicate, baka di niyo alam something bothers your spouse pala.

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #11 on: June 14, 2012, 04:39:00 pm »
kahit ang hubby ko, may mga times na mabilis mag init ang ulo katulad last week. ako, hindi ko sinasalubong ang galit niya. pinipigilan ko rin kasi ang sarili ko baka may masabi akong hindi kanais nais, tapos hindi ko na mabawi. pag medyo kalmado siya, mag uusap na kami and i initiate it kasi gusto ko ipaalam sa kanya yong ginawa niya. aminado siya minsan na sinasadya niya yon, na mainis ako ng sobra.nakikinig ako habang pinapaliwanag niya or nagjjustify siya ng side niya, pero my last words to wake him up is  to let him know na sumosobra na kasi siya. tapos, pansin ko na lang na biglang bumawi siya nitong nagdaang linggo lang. yeah, importante talaga ang communication. hindi superman ang mga asawa natin para basahin ang iniisip natin or sama ng loob na mayroon tayo sa kanila mga sis.

yummy05

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #12 on: June 14, 2012, 05:20:30 pm »
pansin ko kasi mga sis sa hubby ko gumagaspang na ugali nya.. di ko naman masabi na stress siya or what kasi very maluwag naman sched nya sa work.. as far as I noticed kasi medyo yumabang hubby ko i don't know why.. kahit kasi kausapin ko siya, di nya padin tatanggapin pagkakamali nya.. my act siya minsan na nayayabangan ako.. di ko naman yun nakikita before sa kanya.. sa iba kasi nakikinig siya, naisip ko din pakausap siya sa sister ko pero sasama naman image nya sa side ko,, ang hirap kasi minsan nakaka trigger na yung ugali nyang yun..

hedonista

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #13 on: June 14, 2012, 06:26:54 pm »
yummy05

una i tried sending text message kahit nagkikita kami sa bahay at sa office. dedma.
then i tried bbm, then facebook chat.
then email.

I think trial and error basta mahalaga mapagusapan nyo na both of you ay hindi mainit ang ulo.

i saw this post in fb, share ko lang: medyo inspiring eh.

When asked how they managed to stay together for 65 years, the woman replied , "We were born in a time when if something was broken, you fix it...not throw it away."

bettyboop1322

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #14 on: June 15, 2012, 11:22:44 am »
Minsan short tempered din si hubby over petty things, but after a few minutes/ hours narerealize nya & nagsosorry sya sa akin. Di ko agad inaaccept ang sorry nya right away i made him taste his own medicine. Yun lang ang gusto ko kay hubby di issue sa kanya ang pagsosorry if nagkakamali sya.

yummy05

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #15 on: June 15, 2012, 03:31:57 pm »
sis hedonista i talked to him yesterday in a nice way and even send him a [textspeak!] pero nairita lang siya, ang sabi niya lang "ewan ko sayo" nakakaasar na mga sis.. he doesn't even know how to say sorry..  :'( ako palagi unang pumapansin.. sumasama na loob ko lalo na ngayon pregnant ako naghahanap ako ng lambing which I do not feel towards him..

hedonista

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #16 on: June 18, 2012, 03:11:16 am »
omg pregnant ka pala sis, first baby ba? lalo ako naka-relate!
naranasan ko yan last year... and I found out na kaya ganun attitude nya towards me kasi na-pepressure sya and also may isang officemate na ka-flirt nya. alam mo naman pag pregnan di na natin nagagawa lahat no more if not less sexy time...

probe a little. let him be muna. wag ka paka-stress isipin mo rin yung baby kawawa naman. eat and sleep. :)

yummy05

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #17 on: June 18, 2012, 12:22:46 pm »
omg pregnant ka pala sis, first baby ba? lalo ako naka-relate!
naranasan ko yan last year... and I found out na kaya ganun attitude nya towards me kasi na-pepressure sya and also may isang officemate na ka-flirt nya. alam mo naman pag pregnan di na natin nagagawa lahat no more if not less sexy time...

probe a little. let him be muna. wag ka paka-stress isipin mo rin yung baby kawawa naman. eat and sleep. :)

yup sis first baby.. :( feeling ko wala nag aasikaso saken since dalawa lang kami sa house tpos nsa work siya madalas.. and yes nagiging paranoid ako kasi tumataba na ko.. madali pang uminit ulo nya..

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #18 on: June 18, 2012, 01:27:05 pm »
hehe, parehas pala tayo sis. kagabi nagka iringan na naman kami over a small issue. minsan susubukan talaga ang pasensya mo anoh. umuwi kami kagabi na hindi magkasundo. galing pa naman kami sa simbahan. usapan sa bahay kakain tapos biglang gusto niya magpunta sa mall. the minute he told me na pupunta sa mall e iniisip kong nagbibiro siya.kasi siya pa itong nagsabi na magastos kumain sa labas. nainis siya sa akin at nakasimangot na nung huminto si bus . i apologized then told him tara sakay tayo taxi. tapos hanggang sa makauwi na kami ng bahay, di niya ako iniimik. i invited him to eat with me but he turned down my offer. i was there, eating alone.iniisip ko na lang na kailangan ko kumain kasi magugutom ang baby ko. grabe, ang liit lang ng issue. pero di ko na  sinalubong. after all, kaming dalawa pa din naman ang mag aayos niyan tonight.

yummy05

  • Guest
Re: Nagiging Bad Temper si hubby..
« Reply #19 on: June 20, 2012, 08:43:22 am »
hehe, parehas pala tayo sis. kagabi nagka iringan na naman kami over a small issue. minsan susubukan talaga ang pasensya mo anoh. umuwi kami kagabi na hindi magkasundo. galing pa naman kami sa simbahan. usapan sa bahay kakain tapos biglang gusto niya magpunta sa mall. the minute he told me na pupunta sa mall e iniisip kong nagbibiro siya.kasi siya pa itong nagsabi na magastos kumain sa labas. nainis siya sa akin at nakasimangot na nung huminto si bus . i apologized then told him tara sakay tayo taxi. tapos hanggang sa makauwi na kami ng bahay, di niya ako iniimik. i invited him to eat with me but he turned down my offer. i was there, eating alone.iniisip ko na lang na kailangan ko kumain kasi magugutom ang baby ko. grabe, ang liit lang ng issue. pero di ko na  sinalubong. after all, kaming dalawa pa din naman ang mag aayos niyan tonight.

sis ang hirap talaga pag guy nag iinarte.. buti pa tayo mga girls nagpapakumbaba.. so far umokey na kami ni hubby, pag mainit ulo nya naglalaro na lang ako ng games.. hayyy..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close