I agree kay sir @escapee

Try ko din sagutin questions mo sis @zarilei
- paano ko ba ipapamalita sa mga tao dito na may tindahan ako since nakatago paninda dahil nga sa balcon lang muna nakalagay, hindi sya magiging visible kasi ang gate namin e nasa gilid pa.
>>> Sis kung gusto mo pong malaman ng mga kapitbahay nyo na may tindahan ka dapat sa labas o kahit sa gate mo ilalagay ang paninda mo.. Kapaga sa balcon nyo yan, tingin ko baka magdalawang isip pa yung bibili sayo kasi nasa looban nyo pa.
- Paano nga ba mamomonitor kung magkano ang kinita ko,or kung kumikita nga ba ako? Anong dapat na gawin ko para di malugi o para mapalago ko pa kung mag start muna ako sa 5000.try ko muna kung malakas nga ba dito samin, and kung makita kong malakas nga,saka ako magdagdag another 5k to make it 10k in total as my capital...
>>> Sa tindahan lalo kung maliit lang naman, di mo kaagad agad malalaman kung magkano ang kinikita mo. Kung maliit lang naman, di mo kailangan ng POS to monitor your inventory. I don't recommend POS kung di naman grocery type yung tindahan. Yung MIL ko, malaking tindahan na yung kanya pero di sya nag iinventory, ang ginagawa nya, di nya ginagalaw ang sales nya hinihintay nyang mag ROI sya tapos yung sosobra dun sa puhunan nya yun na ang kinoconsider nyang kita nya.
>> malalaman mong malakas ang tindahan sa inyo kung lagi mong kailangan magreplenish ng stocks, kung madalas kang nag rereplenish that's the time na dapat taasan mo o damihan mo yung ginogrocery mo for your sari sari store. Saka kung di umaabot sa point na inaalikabaok yung mga paninda mo sis lalo na yung mga best sellers.

>>> always rememer sis na di malaki ang kita sa tindahan lalo kung maliit lang naman, mamiso lang usually mong tinutubo dito kaya don't expect na sa 5 thousand na puhunan ang balik 10k agad.
- [textspeak!] ano ba mga in demand na ibenta? Be specific po sana...
>>> yung mga in demand na product kasi sis depende yun sa area ehh, depende sa needs ng mga tao jan sa inyo. Malalaman mo yun kapag nakapag umpisa ka na

>>> kung talagang gusto mong makuha yung best sellers before ka magstart, mag observe ka nalang kung anong wala sa inyo na common needs ng mga tao jan sa area nyo. Example walang mabilihan ng mantika, malayo pa bibilihan ng mga tao. Hint na yun sis, na BAKA malakas mantika sa inyo. Or kaya madaming bata sa inyo, BAKA malakas yung mamisong junk foods o kaya candy.
>> dito sa area nila hubby, ang malakas sigarilyo, mantikang tingi, asukal na tingi, junk foods na mamiso, candy, bigas, gaas, saka uling.
>> sigarilyo, chichirya saka candy ang pinaka mabili dito kasi sobrang daming bata saka sunog baga. hehe

- paano ang arrangement sa tindahan? I mean need ko ba sampayan para sa mga sachets? Cabinet? Garapons? Para sana di langgamin o dagain? Halimbawa yung mga canton noodles? Asukal etc,
>> oo sis kelangan mo ng mga nabanggit mo. Or kaya sis mag tingin tingin ka po ng mga tindahan paano ang set up nila para mas maimagine nyo po kung ano ang kailangan nyo sa pag set up

- mga ilang araw muna bago bumili ulit ng paninda para sana di sayang gas kung maramihan na kung bumili?
>>> Walang specific time or date kelan kailangan magreplenish, mararamdman mo yun sis kasi madalas hanapin sayo yung mga wala na or out of stocks na o kaya wala na halos laman tindahan mo. Saka kung almost ROI ka na din.

- mga magkano ba ang patong sa mga paninda? May pagbabasehan ba para sa pricing?
>>> usually kasi 1 to 2 pesos lang patong minsan nga .50 cents lang, magtanong tanong ka nalang sis sa mga competitor mo or mag-spy ka magkano ang pricing. Ganyan ginagawa ni MIL pag di nya alam magkano ipaprice nya sa isang item nya. Binebase kung magkano ang pricing sa market, kung di ka kasi lalaban matatalo ka, walang bibili sayo

- tips din kung paano ba maiiwasan na halos kami na rin lang ang makakaubos ng paninda namin mismo? Halimbawa, yung anak ko madalas kumuha din ng paninda, and sa mga araw araw namin?need ko ba bayaran sarili kong benta?
>>> Sis kung papayagan mong mangyari to para mo na ring pinayagang malugi ang tindahan mo. As much as possible wag po ninyong galawin goods ng tindahan nyo. Mag allot po kayo ng budget nyo para sa personal consumption lang. Yung baby nyo po kung mahilig syang kumain ng mga candies etc. bilihan nyo rin sya ng pang sarili nya para kung maghanap sya ng pagkain may ibiibgay po kayo.
- need ba every now and then lilista ko mga nabenta?everyday mag iinventory?di ba hussle yung lista ng lista twing may bibili?
>>> Tingin ko di naman kailangan kasi mahirap iinventory ang goods sa tindahan pero kung talagang gusto nyo pong mamonitor sales nyo saka mainventory na rin goods nyo, go po kayo

- and paano nyo hina handle yung mga nangungutang?
>>> Maganda yung umpisa pa lang ipamulat nyo na sa mga kumare, kaibigan, tita, tito nyo na walang utang para di sila mamihasa. Pag utang nako, iconsider nyo na yan na pinamigay nyo nalang paninda nyo.
>>> Tip lang, kung nahihya kayong wag magpautang ipalabas nyo nalang na di sa inyo yung tindahan na yun, o kaya may kasosyo kayo dun na sabi ng kasosyo nyo bawal ang pautang. Sabihin nyo na kasosyo nyo bestfriend nyo o kaya ka-officemate ni hubby. hehe
