watch now

Author Topic: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores  (Read 133433 times)

simplybrilliant

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #20 on: September 03, 2012, 11:54:59 am »
^nakakatuwa din naman may sari-sari store sis.

nanay ko may store din sa loob lang ng bahay pero dami din bumibili.  Siguro nasa 2k din gross nya daily.  di pa full-time yun kasi sinasara nya pag naghahatid sundo ng mga kids ko or pag nagluluto siya sa bahay -- magkaharap lang kami ng bahay.  sa super 8 lang kami namimili pero sabi ni mama mura daw talaga dun.  every week iba ibang items and nakasale.  so pag tyempo yung mga fast moving items nakasale e mega hoard kami.  minsan dami pa nakakabit na free items dun sa mga items na binibili namin.  Then pag naka 3k ka slash Php50 pa.  Usually more than 10k binibili nya every week.  Kakatuwa nga kasi ganito ginagawa namin:

1.) Charge everything into my citibank cash back card and I get 5% rebates.  So sa 10k na pinamili nya I get Php 500 na rebates na.
2.) May suki card kami ng Super 8 --> every 200 gives us 1 point which is equivalent to 1 peso.  So sa 10k may Php 50 cya sa ipon sa suki card. 
3.) I slash pa ng Php 50 per 3k na nabili mo so Php 150 pa matatanggal na sa total bill nya sa 10k
4.) Credit terms pa sa citibank so yung pambayad ni mama pinapatulog ko muna sa bank till sa time na due date na which also earns interest kahit super minimal lang. :)

That's on top of the murang presyo at free items.  Malapit lang din kami sa Super 8, baka wala pa Php100 ang gas.  Bonding time na namin ni mama at ewan ko ba pero enjoy ko din. :)

mommynic

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #21 on: September 04, 2012, 12:34:24 am »
Ako din gusto ko ng sari-sari store business... Nakaka engganyo na tuloy umuwi ng pinas para masimulan na ang business..Haayy...

CmomS

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #22 on: September 07, 2012, 03:43:51 pm »
May sari-sari store din kami dati. As in kumpleto yung supplies mula sa delata, mga noodles, sigarilyo, sabon, school supplies, softdrinks and alak. Maganda rin kasi yung nalipatan namin. Matao talaga. Lumipat kami dun na tricycle lang ang meron kami. Then nagkaron kami ng taxi, another tricycle, single na motor, mountain bike. Masasabi na umunlad talaga buhay namin dun. Kaso nainggit yung may ari ng bahay sa amin at lagi hinahamon ng away papa ko. Kaya kesa mapaaway papa ko lumipat na lang kami nang biglaan. (Sorry OT).

fidz

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #23 on: October 10, 2012, 01:36:35 pm »
when it comes to this kind of business mostly ito yung kinacopy cat ng mga kapitbahay or kung sino man sa paligid. at kinaiinggitan talaga madalas pag nakikitang umuunlad yung negosyo. ewan ko ba nature na ata ng pinoy yan, kahit tingnan nyo nalang sa kapaligiran nyo.

sweetsorrow

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #24 on: November 23, 2012, 10:27:05 am »
I'm thinking din to put up a sari-sari store. from per kilo na bigas at takal takal na asukal at mantika, load at gamot na mga ibebenta. inaalok ng friend ko dati nilang bigasan. 5000 ang rent monthly. malaki din ang lugar nila. meron doon sari-sari store open 24/7 matagal na din ang tindahan. balak kong tapatan kasi malayo.naman siya sa magiging place ko. is 5000 rent kaya? saan ba makakakuha ng coca-cola products? sabi nila mahal daw ang ref ni coca-cola.

vanaliscious

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #25 on: November 23, 2012, 03:00:56 pm »
San ba mura na pwedeng pagbilhan ng stocks? Mura na ba sa mga supermarkets?

simplepink

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #26 on: January 06, 2013, 10:05:04 pm »
karamihan yata sa puregold bumibili eh.. ok lang kaya na start ako sa 5k para sa sari sari store?

sweet31

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #27 on: January 08, 2013, 09:26:02 am »
Hi mga sis may tindahan then ako general merchandise. Its almost a year na and unti unti namang kumikita. DAti halos lagi nalang akong nag aabuno. Ngayon naman kumikita na ako ng 7k pag weekdays abot naman ako 12 k pag weekends. LAst newyear and christmas naka abot then ako ng 27k. May tauhan ako tatlo. Then yung tinitinda ko lahat ng pampalengke. Groery, manok, baboy, isda, gulay , may niyog ako , prutas basta  kung anong mayron sa palengke.

yanmae

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #28 on: January 08, 2013, 09:37:43 am »
Hi mga sis may tindahan then ako general merchandise. Its almost a year na and unti unti namang kumikita. DAti halos lagi nalang akong nag aabuno. Ngayon naman kumikita na ako ng 7k pag weekdays abot naman ako 12 k pag weekends. LAst newyear and christmas naka abot then ako ng 27k. May tauhan ako tatlo. Then yung tinitinda ko lahat ng pampalengke. Groery, manok, baboy, isda, gulay , may niyog ako , prutas basta  kung anong mayron sa palengke.

Ganyan din yung tindahan ni MIL ko sis, ang gross naman nila 12k to 13k weekdays at umaabot ng 16k sa weekend. Nung Holiday, christmas and new year umabot daw sila accdg. to hubby ng 50k :) Super dami kasi ng tao dito sa kanila kaso pagod pagod naman ang abot.

Tip lang sa mga may gusto sa business na ito malaki ang kita at mabilis ang benta sa M-gas, gaas, bigas, softdrinks, mantika saka yung nirepack na tag pisong asukal. Sabi ni MIL nakaka 100 sacks sila 1 month at minsan di pa umaabot ng 1 month kelangan na nilang mag replenish ng stocks. ang kita per sack is 100 to 160 depende sa pricing ng bigas. Tapos sa asukal ang ginagawa ni MIL kumukuha sya ng isang sako na asukal kasi mas mura nyang makukuha tapos sya na magrerepack na tag 1/2, 1/4 saka yung mamiso. sa tag pipiso ang 1/4 kilo ay 20 pcs so 20 pesos na kaagad yun, kapag 1/4 na repack 13 pesos lang ang benta nya kaya laki talaga ang kita sa tingi.

Kung magstastart kayo at seryoso sa business na ito mga around 200k to 250 kasama na bigas, softdrinks, basta kumpleto na kayo ;) Imagine nyo kung maka 10k naman ang kita nyo everyday, in one month ROI na kayo may kita pa kayo na 50k :) syempre paikot yan at di naman lahat yun sold out. Maitatabi nyo na ang 50k ;)

fidz

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #29 on: January 08, 2013, 12:56:46 pm »
I'm thinking din to put up a sari-sari store. from per kilo na bigas at takal takal na asukal at mantika, load at gamot na mga ibebenta. inaalok ng friend ko dati nilang bigasan. 5000 ang rent monthly. malaki din ang lugar nila. meron doon sari-sari store open 24/7 matagal na din ang tindahan. balak kong tapatan kasi malayo.naman siya sa magiging place ko. is 5000 rent kaya? saan ba makakakuha ng coca-cola products? sabi nila mahal daw ang ref ni coca-cola.

ang pagkakaalam ko sis may dealer silang nagiikot at nagaalok ng ganyang negosyo sa mga tindahan. like yung friend ko na may sarisari store din sa labas ng tahian nya. inalok sya ng coca cola ng free na ref as long as coca cola products lang ang ibebenta mo. not sure nga lang kung may quota kasi ilang years na din dun yung ref ng coke and coke products nya.

fidz

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #30 on: January 08, 2013, 01:04:38 pm »
karamihan yata sa puregold bumibili eh.. ok lang kaya na start ako sa 5k para sa sari sari store?

5k for a start ok na yun sis, medyo malaki na din yan kung magstart ka muna sa maliit na sari sari store like kung sa harap lang bahay mo yung pwesto at free ka na sa rent, i guess, that would be enough.  yun iba sa grocery lang din kumukuha, yung kakilala ko sa puregold din, shopewise, sa rustans i heard parang mura din ang grocery. sayang wala na yung makro and uniwide.

San ba mura na pwedeng pagbilhan ng stocks? Mura na ba sa mga supermarkets?

sis, may mga bagong supermarkets na nagsusulputan ngayon aside sa puregold and shopwise, try mo magscout and compare prices. Goodluck

dazzle

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #31 on: January 19, 2013, 11:35:57 pm »
Ganito rin ang business ng mama ko dati. Nagstart lang sa paisa isa ang tinda niya, siguro 3 yeas old pa lang ako noon. hanggang sa lumaki yung tindahan namin, napilitan magresign ang papa ko sa work niya para tulungan ang mama ko.
Kelangan lang talaga masipag ka and matiyaga. Naalala ko pa nga, bata pa lang ako tumutulong na ko sa pagtitinda and pagrerepack ng uling, asukal and kung ano ano pa. For us, ok yung naging result niya kase nakapagpatayo ang parents ko ng 5 storey na building, nakabili ng sasakyan, napagaral kami lahat sa private school and nabibili ang lahat ng gusto namin. nakapundar din ng ibang negosyo ang parents ko.
pero dahil nakakapagod nga, nagstop na ang mama ko since [textspeak!] kapatid ko na lang na bunso ang nagaaral.
Pero parang gusto kong buhayin ang business niya na yun. :)

zarilei

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #32 on: January 21, 2013, 11:02:47 am »
Natuwa ako sa topic... I am dreaming/ planning also to have this, baryo naman samin and medyo tago ang bahay namin,pero mangilan ngilan lang tindahan dito at kadalasan mga tao dito sa bayan pa makakabili ng mga goods,so like ko sana magtayo dito,pero nag aalala ako sa lugar kasi nga medyo looban tong samin,baka malugi lang kami,5 to 10k plan kong capital, may pwesto nakami kahit sa balcon lang, pero I am wondering sa income... Puro gross ang pinag uusapan, how about sa net income? Kadalasan mentioned 3k a day gross income for small store, pero mga magkano naman yun if net income ang pag uusapan? Parang magkano per day na net income kung sabihin na nating 3k per day ang gross. Kahit estimated lang mga sis, alam ko naman na it depends sa mga naitindang goods... Pero please give me an idea kung magkano din kita sa ganito...

simplybrilliant

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #33 on: January 23, 2013, 03:00:25 pm »
^depende yan sa mark up mo sis. pwde ka mag mark up ng 10% up to 20%. sa 3k na gross sales, pag 10% mark up mo eh di Php 300.00 ka dun, kung 20% eh Php 600.00. nga lang di pa pala yan net talaga kasi you have to factor out yung pamasahe mo and pagod ng nagbabantay.... pero from experience, not bad naman ang kita sis, lalo na kung nanay mo lang nagbabantay sa bahay -- gaya ng nanay ko, tapos wala naman cya gastusin kasi kami naman lahat + may allowance pa cya from us -- ayun, mas madami cya pera kesa sa amin..hehe
« Last Edit: January 23, 2013, 03:02:12 pm by simplybrilliant »

zarilei

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #34 on: January 23, 2013, 05:38:14 pm »
Thanks simplybrilliant:

 Ako din lang ang magbabantay, may 2 months old baby ako and 6 yrs old daughter, since dito lang naman ako sa bahay nakatunganga lang, bantay lang ako sa baby ko,and may kasambahay naman kami to do the households, and parang feeling ko masaya ang magbenta sa tindahan. Madami pa ako dapat malaman since first time ko gagawin to.

- paano ko ba ipapamalita sa mga tao dito na may tindahan ako since nakatago paninda dahil nga sa balcon lang muna nakalagay, hindi sya magiging visible kasi ang gate namin e nasa gilid pa.
- Paano nga ba mamomonitor kung magkano ang kinita ko,or kung kumikita nga ba ako? Anong dapat na gawin ko para di malugi o para mapalago ko pa kung mag start muna ako sa 5000.try ko muna kung malakas nga ba dito samin, and kung makita kong malakas nga,saka ako magdagdag another 5k to make it 10k in total as my capital...
 - [textspeak!] ano ba mga in demand na ibenta? Be specific po sana...
- paano ang arrangement sa tindahan? I mean need ko ba sampayan para sa mga sachets? Cabinet? Garapons? Para sana di langgamin o dagain?  Halimbawa yung mga canton noodles? Asukal etc,
-  mga ilang araw muna bago bumili ulit ng paninda para sana di sayang gas kung maramihan na kung bumili?
- may mga tips po ba kayo para sa pag go grocery? Kung ano ang mga wise na pamimili ng goods na makakamura ganyan
- mga magkano ba ang patong sa mga paninda? May pagbabasehan ba para sa pricing?
- tips din kung paano ba maiiwasan na halos kami na rin lang ang makakaubos ng paninda namin mismo? Halimbawa, yung anak ko madalas kumuha din ng paninda, and sa mga araw araw namin?need ko ba bayaran sarili kong benta?
- need ba every now and then lilista ko mga nabenta?everyday mag iinventory?di ba hussle yung lista ng lista twing may bibili?
- and paano nyo hina handle yung mga nangungutang?

Pls mga sis, take time to answer my questions... Every answers are highly appreciated... ;)

redpickles

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #35 on: January 25, 2013, 12:33:54 am »
sis zarilei. sana may sumagot ng mga questions mo.

It would be so helpful to us. Im planning din to put up a business like this kapag nakalipat na ko sa new house ko this year. kapag naging okay i will resign:D

Mga sisses,

I hope magshare pa ko. nakakainspire talaga sya!


TIA


escapee

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #36 on: January 25, 2013, 03:51:18 am »
Quote
hindi sya magiging visible kasi ang gate namin e nasa gilid pa.
I'm sorry but right location is critical in retail business.
Quote
Paano nga ba mamomonitor kung magkano ang kinita ko
You're right na mag simula ng maliit and see if it's ok. But you need a POS or manual monitoring for each sale, refund, etc. The more accurate the better.
Quote
ano ba mga in demand na ibenta?

Check your competitor at kung ano tinda nila, that's a clue. Also, tanungin mo target market mo kung ano need nila na wala sa kalaban mo.

Quote
mga ilang araw muna bago bumili ulit ng paninda

Depende sa sales mo. May mga product that you need to buy regularly or have more stock.
Quote
mga magkano ba ang patong sa mga paninda? May pagbabasehan ba para sa pricing?
Sa typical na sari sari, wala kang choice but to price it like your competitor. If you sell something na wala sa kalaban, then you can charge more.

Quote
tips din kung paano ba maiiwasan na halos kami na rin lang ang makakaubos ng paninda namin mismo? Halimbawa, yung anak ko madalas kumuha din ng paninda, and sa mga araw araw namin?
First, consider it as a business and not just sideline. Second, discipline sayo at sa anak mo. If you let them get what they want, mauulit at mauulit lang un.
Quote
need ko ba bayaran sarili kong benta?
Yes, that's the point of starting a business.

Quote
- need ba every now and then lilista ko mga nabenta?everyday mag iinventory?di ba hussle yung lista ng lista twing may bibili?
Madugo man but inventory is critical in retail.

Quote
- and paano nyo hina handle yung mga nangungutang?

Kung gusto mo ng kaaway at malugi ang negosyo mo, magpa utang ka. Magpa utang ka lang ng isang beses, simula na yan nang marami pang pangungutang.

Wala ka sa lending business, nasa retail ka.

Unless, bumbay ka...sabihin mo, sa bumbay sila mangutang.


maika14

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #37 on: January 25, 2013, 05:19:53 am »
hmm.. this topic is interesting. :)

question: pano nyo hinahandle yung expired or close to expiration na products nyo? someone mentioned that they sometimes get their goods from the grocery. and yes, ako, addict din ako sa mga value pack ng SM. although for household consumption lang kami. still big help yung mga value packs esp kung mabilis gumalaw sa bahay. however, if you'll look closely, either yung naka promo yung malapit nang mag expire or yung freebie mismo ang malapit mag expire. let's say in 2-3 months time. swerte kung non-perishable yung product like soap, tissue, etc..

we have a friend. grocery ang family business nila. in fact, they already own quite a handful of branches na in the south. he told us na binabalik nila sa suy sing. pero sa small sari-sari store, how do you handle things?

yanmae

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #38 on: January 25, 2013, 10:31:21 am »
I agree kay sir @escapee ;)

Try ko din sagutin questions mo sis @zarilei



- paano ko ba ipapamalita sa mga tao dito na may tindahan ako since nakatago paninda dahil nga sa balcon lang muna nakalagay, hindi sya magiging visible kasi ang gate namin e nasa gilid pa.

>>> Sis kung gusto mo pong malaman ng mga kapitbahay nyo na may tindahan ka dapat sa labas o kahit sa gate mo ilalagay ang paninda mo.. Kapaga sa balcon nyo yan, tingin ko baka magdalawang isip pa yung bibili sayo kasi nasa looban nyo pa.



- Paano nga ba mamomonitor kung magkano ang kinita ko,or kung kumikita nga ba ako? Anong dapat na gawin ko para di malugi o para mapalago ko pa kung mag start muna ako sa 5000.try ko muna kung malakas nga ba dito samin, and kung makita kong malakas nga,saka ako magdagdag another 5k to make it 10k in total as my capital...

>>> Sa tindahan lalo kung maliit lang naman, di mo kaagad agad malalaman kung magkano ang kinikita mo. Kung maliit lang naman, di mo kailangan ng POS to monitor your inventory. I don't recommend POS kung di naman grocery type yung tindahan. Yung MIL ko, malaking tindahan na yung kanya pero di sya nag iinventory, ang ginagawa nya, di nya ginagalaw ang sales nya hinihintay nyang mag ROI sya tapos yung sosobra dun sa puhunan nya yun na ang kinoconsider nyang kita nya.
>> malalaman mong malakas ang tindahan sa inyo kung lagi mong kailangan magreplenish ng stocks, kung madalas kang nag rereplenish that's the time na dapat taasan mo o damihan mo yung ginogrocery mo for your sari sari store. Saka kung di umaabot sa point na inaalikabaok yung mga paninda mo sis lalo na yung mga best sellers. ;)

>>> always rememer sis na di malaki ang kita sa tindahan lalo kung maliit lang naman, mamiso lang usually mong tinutubo dito kaya don't expect na sa 5 thousand na puhunan ang balik 10k agad.




 - [textspeak!] ano ba mga in demand na ibenta? Be specific po sana...

>>> yung mga in demand na product kasi sis depende yun sa area ehh, depende sa needs ng mga tao jan sa inyo. Malalaman mo yun kapag nakapag umpisa ka na ;)
>>> kung talagang gusto mong makuha  yung best sellers before ka magstart, mag observe ka nalang kung anong wala sa inyo na common needs ng mga tao jan sa area nyo. Example walang mabilihan ng mantika, malayo pa bibilihan ng mga tao. Hint na yun sis, na BAKA malakas mantika sa inyo. Or kaya madaming bata sa inyo, BAKA malakas yung mamisong junk foods o kaya candy.

>> dito sa area nila hubby, ang malakas sigarilyo, mantikang tingi, asukal na tingi, junk foods na mamiso, candy, bigas, gaas, saka uling.
>> sigarilyo, chichirya saka candy ang pinaka mabili dito kasi sobrang daming bata saka sunog baga. hehe ;)



- paano ang arrangement sa tindahan? I mean need ko ba sampayan para sa mga sachets? Cabinet? Garapons? Para sana di langgamin o dagain?  Halimbawa yung mga canton noodles? Asukal etc,

>> oo sis kelangan mo ng mga nabanggit mo. Or kaya sis mag tingin tingin ka po ng mga tindahan paano ang set up nila para mas maimagine nyo po kung ano ang kailangan nyo sa pag set up :)





-  mga ilang araw muna bago bumili ulit ng paninda para sana di sayang gas kung maramihan na kung bumili?

>>> Walang specific time or date kelan kailangan magreplenish, mararamdman mo yun sis kasi madalas hanapin sayo yung mga wala na or out of stocks na o kaya wala na halos laman tindahan mo. Saka kung almost ROI ka na din. ;)




- mga magkano ba ang patong sa mga paninda? May pagbabasehan ba para sa pricing?

>>> usually kasi 1 to 2 pesos lang patong minsan nga  .50 cents lang, magtanong tanong ka nalang sis sa mga competitor mo or mag-spy ka magkano ang pricing. Ganyan ginagawa ni MIL pag di nya alam magkano ipaprice nya sa isang item nya. Binebase kung magkano ang pricing sa market, kung di ka kasi lalaban matatalo ka, walang bibili sayo ;)






- tips din kung paano ba maiiwasan na halos kami na rin lang ang makakaubos ng paninda namin mismo? Halimbawa, yung anak ko madalas kumuha din ng paninda, and sa mga araw araw namin?need ko ba bayaran sarili kong benta?

>>>  Sis kung papayagan mong mangyari to para mo na ring pinayagang malugi ang tindahan mo. As much as possible wag po ninyong galawin goods ng tindahan nyo. Mag allot po kayo ng budget nyo para sa personal consumption lang. Yung baby nyo po kung mahilig syang kumain ng mga candies etc. bilihan nyo rin sya ng pang sarili nya para kung maghanap sya ng pagkain may ibiibgay po kayo.






- need ba every now and then lilista ko mga nabenta?everyday mag iinventory?di ba hussle yung lista ng lista twing may bibili?

>>> Tingin ko di naman kailangan kasi mahirap iinventory ang goods sa tindahan pero kung talagang gusto nyo pong mamonitor sales nyo saka mainventory na rin goods nyo, go po kayo ;)





- and paano nyo hina handle yung mga nangungutang?

>>> Maganda yung umpisa pa lang ipamulat nyo na sa mga kumare, kaibigan, tita, tito nyo na walang utang para di sila mamihasa. Pag utang nako, iconsider nyo na yan na pinamigay nyo nalang paninda nyo.
>>> Tip lang, kung nahihya kayong wag magpautang ipalabas nyo nalang na di sa inyo yung tindahan na yun, o kaya may kasosyo kayo dun na sabi ng kasosyo nyo bawal ang pautang. Sabihin nyo na kasosyo nyo bestfriend nyo o kaya ka-officemate ni hubby. hehe ;)


whinx

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #39 on: January 25, 2013, 10:52:33 am »
Hi mga sis meron din ako mini sari-sari store... just started 3rd quarter last year... gusto ko sana mgdagdag ng paninda, meron ba kayo alam na pwede mgdirect na kuha ng coca-cola products? alam ko ngpapahiram din sila freezer pero dpende sa orders... gusto ko din mging dealer ng san mig products kaso di ko pa alam panu... Also, yung loading ng smart and globe hit din ba? TIA

 

Latest Stories

Load More Stories
Close