good wife? ang daming parameters nun ah. yung good sa iba, baka hindi naman applicable sa yo.
good in bed ka nga, good in kitchen, good in the sala, the garage or in the attic, pero pag dating sa mga bata burara ka... sauce! baka maumbag ka lang.
isa pa, walang ibang makapagsabi na GOOD spouse ka except your spouse alone. not even the kids.
dito sa GT, maraming kwento dito na kung tingnan mo living hell talaga, but nandyan pa rin. magkasama pa rin. meron namang, tingin mo napaka-perfect na ng spouse/partner, tapos mabasa mo na lang ang thread na naghiwalay na.
i've never been married but i could relate based on my personal observations sa parents ko, grandparents, aunts and uncles. LAHAT blissful marriages yon hanggang sa nauna na lang ang isa.
for a hubby or a wifey to be GOOD, you need an open, HONEST communication in the first place. para que at nagsama at nagpakasal pa kayo kung hindi pala kayo mag/nag-uusap? ano yon, sex lang o kayamanan foundation ng marriage nyo?
why don't you ask your hubbies yourselves? wag yung general question naman. be specific.
gawin kung kayang gawin. wag ipilit kung hindi talaga pwede. pag-usapan.
kung dati gusto nya nagso-somersault ka, ngayong mahina na ang tuhod mo at pag tumbling na lang ang kaya mong gawin... pag-usapan! mag-usap kayo. wag kayong mag-bulagaan, maghulaan, mag sorpresahan.
pag narating nyo ang 50th wedding anniversary nyo, sa tingin nyo active pa ang sex life nyo? makapagmasahe ka pa sa kanya? makapagluto? makapag-malling? mawala na lahat yon. but at the end of the day, habang inaantay nyo na lang na tawagin na kayo ni Lord, you'll find yourselves talking to each other. reminiscing the good old days.
eh, kung sa ngayon pa lang wala kayong open and honest communication sa isa't-isa, baka di nga kayo abutin ng 5yrs.

marami dito sa GT, di nga inaabot ng 3yrs eh.
lastly, to be a good spouse, don't forget to be a good Christian or a good Muslim, or a good Jew, or kung anong relihiyong kaanib ka man. dapat ganun rin ang spouse mo, kahit na magkaiba pa ang paniniwala nyo.
have you seen the Pacman lately sa mga news? una, napapangiwi ako when he talks about God. leche! Bible ambassador daw? haneeeepz! kung anong pakulo na naman kaya yon. but hey! even the people around him could attest. dati after traning magka-casino na (at mambabae) sya, but now he spends it sa mga prayer churva eklavu kasama si Dyengkee.
so, you want to be a good wife?... don't forget to be good to your God as well. Mwaaaah!
