Author Topic: on being a good wife  (Read 8248 times)

pinkpotato

  • Guest
Re: on being a good wife
« Reply #20 on: June 07, 2012, 09:22:20 am »
^ i posted on FB too. :)

^^ thanks sis.

btw, i wake up early pala talaga like 530AM kasi i got work at 7 so wala talaga akong choice. but during offs sana makapag gising ng maaga pra maging ideal na asawa at ina pero wala e.nauuna pa nga husband ko magising.  LOL kasi bumabawi lang siguro ako since aga gising every day

super bratinella

  • Guest
Re: on being a good wife
« Reply #21 on: June 08, 2012, 04:22:42 pm »
Support group to be a good housewife pala tayo dito, although I am still striving, good thing hubby understands me pagdating sa house chores, pero paghanda ng baon niya sa morning I see to it magawa ko yun sa kanya, at pagligpit ng documents niya ako ang nagliligpit, masinop naman ako sa gamit kaya he appreciates it.

The other night, he is really asking me to attend prayer meeting, kasi laki ako sa Catholic family so prayer namin is memorized (like holy rosary sa school) he told me that pag ang nanay or wife na prayerful talagang mas magiging successfull ang family, so he wants me to attend prayer meeting para I can pray the Christian way, which is I am really willing to do.

kaiz

  • Guest
Re: on being a good wife
« Reply #22 on: June 09, 2012, 10:47:52 am »
ako naman i want to serve my husband but nasa system na yata nila, as in buing family, na pag may kailangan, tawag agad si helper. if hubby wants coffee, automatic tatawag ng helper. nung first year pa lang naman, talagang na ooffend ako pag hindi saakin nagpapatimpla ng coffee. haha!

aquacharly

  • Guest
Re: on being a good wife
« Reply #23 on: June 09, 2012, 12:45:55 pm »

I disagree that it is only your husband who can assess if you are a good wife  or not.  Others can do that too:  your MIL (hehe), your own mom too, and your adult children.  What  if you are burdened with an
unappreciative husband?  You don't become a good wife  until he declares you're one?

IMO, "good" is as good as you can get if you connect/communicate with his "language of love".  I do not mean verbally, but through acts.   Refer to the book: Languages of Love. 
The "good" label may also be highly influenced by his expectations. Some men -- their expectations are easy to deliver on; others -- well, you may need to hang fom the chandeliers. 

Among other traits/qualities others have mentioned,  for me -- a good wife is not only faithful & respectful -- but must also always be supportive, specially when the going gets rough.  They say don't kick a dead
dog.  So when a husband encounters a set back --  ease back on demands, on recriminations.   

Given the challenging times nowadays, and the evolving definition of what a complete woman is -- a good
wife is also one who is financially independent. IMO, that lifts some of the heavy burden off the padre de
familia, & gives the family an edge versus relying solely  on 1 breadwinner for the family's future.    It is also a good role model for daughters. 

What else?  A good wife does not strive for nor expect Perfection.  Aiming for The Feasible Best is good
enough/realistic -- but that's just my opinion.   Striving for Perfection ruins a lot of people's days.  All that tension! 
Expecting Perfection? Lolz.  The Buddhists state:  To be happy, expect nothing.   

Does a good wife serve her husband hand and foot? Heck no, that's slavery, not a marriage.
Does a good wife always give way to her husband, pose no opposition, never argue nor fight with her husband?
Heck no, unless she's retarded.  Hello, in any relationship -- there will be moments of discord.  Human nature.

A good wife is an imperfect person who enters into a marriage contract with deliberateness and the intention to build the best feasible life with her spouse,  based on a Joint Life Master Plan within the
bounds of good morals & with the objective of developing into better persons.  A good wife is one who is realistic; and thus, will not crumble when Life throws curved balls... & will not mistake the trees for the forest. 

Most important of all, a good wife seeks & listens to Divine Guidance.   

So, am I a good wife? Of course!  Otherwise, what's  the point of  staying married?  If you are not convinced you're doing enough to be one.. Why suffer facing failure each day?   

So there, do your best & be kind, always.

i_v_y

  • Guest
Re: on being a good wife
« Reply #24 on: June 09, 2012, 04:02:16 pm »
^^ like  ;)


justin3

  • Guest
Re: on being a good wife
« Reply #25 on: June 10, 2012, 06:17:07 am »
aaaah basta! panindigan ko pa rin ang first post ko dito. ;D that only husbands ang makapagsabi na goody-goody si wifey. sundin nyo man lahat ng tips ng ibang tao, at the end of the day, si hubby mo pa rin ang makapagsabi na GOOD wife ka.

of course, kahit sino can evaluate if you are a GOOD wife or not. eh ano, maniwala ka agad kung sabihin nilang masama kang asawa? layasan mo ang hubby mo pag sinabi ng katulong ng kabit ng ninong ng anak ng kapitbahay ng MIL mo na walang kwentang asawa ka? bah!

hey! where are the guytalkers here! concur with me. ;D

of course, hindi sasabihin ng mga asawa nyo yan na GOOD wife nga kayo. (parang "I Love You" yan eh, sino ba sa inyo dito sinasabihan ng I Love You ng oras-oras, araw-araw? Weeeeh! nung nangliligaw pa lang siguro ang mga lolo nyo, OO. eh ngayon? beeeeeh! :P)

pero the mere fact na
          araw-araw umuuwi at tumabi sa pagtulog nyo ang mga  asawa  nyo
          nirereto ang buong sahod, bonuses, pati payslip
          ayaw kang makitang nalulungkot o nakasimangot
          kinakain ang niluluto mong sunog na itlog at hindi sinusuka
          binibili ka ng mga PAMPA
          sinasama ka sa mga social functions, dates
          sumisiping pa sa yo kahit na mukhang Butanding ka na at amoy suka

hey congratulations! you're still a good wife!

(ngayon, if there are 2-3 sa ni-enumerate ko na taliwas ang sagot nyo. aba sister, mag-imbestiga ka na. malamang may ibang kinahuhumalingang GOOD ang mister mo. ;D)

eh ano pakialam ng magaling mong MIL kung hindi mo na pinapadede sa tsupon ang anak nya?
ano pakialam ng kapitbahay mo kung ayaw mo maglaba ng brief ng asawa mo? eh, sa masira ang french-tip manicure mo eh.
ano ngayon kung ayaw mo mag attend ng school activities ng anak mo? kesyo hindi ka nagpa rebond.
bakit, sa kanila ba tumatabi ang asawa nyo pag matulog? sa kanila ba nirereto ang sahod?
you may be a BAD DIL, a bad neighbor, a bad mother, but that does not mean na BAD wife ka na.

aba, kahit na araw-araw ka pang binabatukan at inuumbag ng ung4s mong asawa, basta pasok pa rin ang 2-3 sa ni-enumerate ko... GOOD wife ka pa rin nyan para sa kanya... of course, sa ibang tao, t4ng4 wife ka kasi hindi nila alam na therapy pala ni mister ang pambubugbog. ;D


ngayon, wag ka nang mag-iinarte na gusto mo pang marinig ang mga PAPURI ng asawa mo in everything that you do. mas delikado nga yan (ibang kwento naman to ;))

TRUE STORIES
sa line of work ko, male -dominated, sa tagal ko na dito, hindi bababa sa 20 hubbies ang masasabi mong (hindi lang ako but lahat ng nakasama rin sila sa work) napaka-malas sa mga wives nila. well, assessment/evaluation naming mga miron yon. isama ko na rin ang mga in-laws at mga anak kasi makikita mo ang mga actuation nila during social activities eh. yung mga in-laws, merong hindi kinikibo, merong bastos makipag-usap sa wifey. yung mga anak naman, merong ayaw sumunod sa nanay, merong sumasagot as if di nya nanay ang kausap.

yung mga hubbies na to, tampulan palagi ng mga tukso yan sa office kasi...
    merong natutulog sa office kasi pinalayas ni wifey
    merong pumapasok kinabukasan na may mga kalmot
    merong parang basang sisiw pag kausap si wifey sa phone
    merong hourly chini-check ang whereabouts sa texts
    merong nagdadala ng labada sa office
    merong pag patak ng 5pm, sibat-uwi agad
    merong nagbi-babysit ng mga anak (sa office) kasi wala si wifey
    merong nagpapaalam pumuslit sa school para sa activity ng anak (si wifey nasa bahay man lang)

before i continue with my story, SA MGA NAGBABASA ng post ko ;D ... how do you assess the wives sa kwento ko? NOT GOOD di ba? ;) (stop reading my post if you think the wives are GOOD at ginagawa/nagawa ng mga hubby nyo ang sinabi ko)

ok, ituloy ko... etong mga hubbies, Andres na o Under o T4ng4 man ang itawag sa kanila, sila na nga ang may sahod, malaki ang kinikita, pwede silang magloko, mangaBitbahay, pero sila pa yung walang pera kadalasan. kung meron man, pamasahe lang. yung mga ATMs nasa wives. dati, nung cash pa ang sweldo, nauuna pa ang mga asawa kumuha sa finance namin.

kami sa ofc, tinuturuan naming magloko sila kahit na minsan lang, ayaw! kung tutuusin, kaya naman naming mga ka-opisina pagtakpan kung anong kalokohan man gawin nila. alam naman ng mga wives nila ang nature ng work namin.

to make it short, these <20 hubbies, bagamat sa tingin ng karamihan mga BRUHA ang mga wives nila, but you bet, to date, wala akong nabalitaan na hiniwalayan nila ang wives nila. yung iba nabisita ko, retired na, nasa piling pa rin nila ang mga MALDITANG wives nila. to think na mga milyonaryo na sila at kayang maghanap ng batang NEW wife. ;D
yung dalawa, sa awa ni bathala, mga widower na.

THEREFORE i conclude my dear sisters: ONLY A HUBBY ang makapagsabi na GOODY si wifey. ;D
kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao. kahit na nagbabatuhan pa kayo ng plato araw-araw. binubugbog ka bago mag something-something (THERAPY nga eh) ;D ...you're a GOOD WIFE!... you'll be the BEST WIFE kung wala o natigil mo pa ang mga BISYO ni hubby.

AGREE o DISAGREE?

sa ngayon, may 4 pang naiwan sa office namin na may mga asawang IMPAKTITA. ;D yung 3 more than 15yrs nang magsama. yung 1 mga 3yrs pa lang.

sadly, sa mga officemates ko, kung sino pa yung mga nakapag-asawa ng masabi kong "IDEAL WIFE", sila pa yung maraming kab00lastugan. niloloko ang mga asawa.. GOOD wife na nga sana, T4NG4 naman. Pweh! >:(

pinkpotato

  • Guest
Re: on being a good wife
« Reply #26 on: June 11, 2012, 08:37:13 am »
ako naman i want to serve my husband but nasa system na yata nila, as in buing family, na pag may kailangan, tawag agad si helper. if hubby wants coffee, automatic tatawag ng helper. nung first year pa lang naman, talagang na ooffend ako pag hindi saakin nagpapatimpla ng coffee. haha!

ang iba nga may bell pa pantawag ng maid. hahaha. :)

^I think for me si husband lang din talaga makakapagsabi kung good/ideal wife ka. and of course yourself, you can assess din naman.

so far ako, 50-50. LOL

 

Latest Stories

Load More Stories
Close