Ma,
Kaunti pa, nararamdaman kong mag sna snap na ako. Di malayong mangyari na magdilim na paningin ko sa galit sa iyo. Huwag mo akong subukan, mangyayari yun. Iam telling you, it will happen. Nawawalan na ako ng amor sa iyo. Isang araw baka pag nangisay ka diyan, deadma na ako sa iyo. Dont push me to my limits. You've been hurtful both physically, verbally and mentally sa akin eversince Iam a kid. Tapos, ngayon nagtataka ka pa kung bakit kita sinasagot? Di ba nag occur sa iyo na PUNONG PUNO na ako? Kung dati puro tanggap na lang ako ng mga sinasabi mo sa akin nung di pa ako makalaban para sa sarili ko. Ma, natututo na ako lumaban para sa sarili ko. Gusto mo laging tanggapin ko na lang lahat lahat ng pasakit mo sa akin. Ano pa ba ang di mo nasasabi sa akin? Wala na ata.Pinu pu&¥€+@ mo ako, bata pa lang ako, sinasabihan mo na ako ng ganyan. Expect mo, hanggang ngayon, tatanggapin ko pa rin pag püpün¥€+@ mo? Sino ba ang nagdadala sa ospital sa iyo kung tumataas presyon mo? Di ba ako? Tapos, kung makapagsalita ka, parang binabayaran mo ako! Isang araw, mawawala na lahat ng pakialam ko sa iyo, at pababayaan na kita diyan! Etong sinasabihan mo ng " palibhasa matandang dalaga ka kaya ka cranky" ang dahilan kung bakit buhay ka pa ngayon! Di mo ba naisip na ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa ako asawa? Ni THANK YOU nga di ko narinig sa iyo. Puro di magagandang salita ang narinig ko sa bibig mo. Nag uumpisa na akong kamuhian ka. Isang araw, iiwanan na kita.
Nakakainggit nga yung ibang mag ina eh.
Close na close. Yung ibang ina naman, mas nanay pa sila sa akin kesa ikaw sa akin.I appreciate yung kindness nila na pinapakita kasi di ko kailanman naramdaman yun sa iyo! Tapos, alala ko sinabi mo sa akin, bakit ako mas nagpapaka anak sa kanila. Eh, mas nanay sila sa akin eh! Natural, maganda pinapakita sa akin, maganda rin sinusukli ko sa kanila. Ikaw, lang naman ang maganda na nga ginagawa ko, sinusuklian mo pa ako ng masasakit na salita! The difference lang, masaya akong gumagawa ng kabutihan sa kanila at taos sa puso. Sa iyo, CHORE ang ginagawa ko.