watch now

Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS  (Read 56201 times)

hidinginseoul

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #240 on: November 24, 2015, 07:22:26 pm »
Mudra,

Pwede mo naman akong di sigawan lagi diba? Bakit kasi parang ako na lang lagi ang nakikita mo at ang mga kapalpakan ko? Hindi naman sa nangungwenta ako pero sa aming apat na magkakapatid, ako lang naman iyong madali niyong mapasunod dahil iyong tatlo kagaya nga ng sabi niyo, may mga kanya-kanyang katigasan ng ulo. Pero bakit ako na lagi namang sumusunod sa inyo, parang di pa rin enough iyong ginagawa ko? Ako na iyong t*nga, ako na iyong walang alam sa buhay, ako na iyong tamad.

Minsan sumusobra na kayo eh. Kaya minsan hindi ako makatagal sa bahay at gustong-gusto ko nang magtrabaho uli dahil halos lagi na lang tayong nagka-clash. Alam niyo iyong pakiramdam na hindi ako komportable kumilos sa sarili nating bahay kasi hindi ko na alam kung anong gagawin minsan. :(

Kapag magsasabi naman ako ng point ko, isha-shut up niyo ako dahil sasabihin mo walanag kwenta ang point ko, at ikaw lang lagi ang tama. Kaya nga ata iniiwasan ko na lang makipag-argue sa ibang tao (kahit alam kong may point ako) dahil nagreresonate sa pagiisip ko na baka ma-shut up din nila ako kagaya ng ginagawa niyo sa akin. Kaya takot akong makipagusap sa ibang tao dahil natatakot ako na lumabas iyong katangahan na nakikita mo sa akin.

Minsan sa bahay kapag tutulong ako, nagagalit ka kapag hindi ko magawa sa gusto mong paraan iyong pinapagawa mo sa akin. Eh paano naman ako matututo kung lagi niyo na lang akong pinipigilan? Kung magkakamali man ako, bakit di niyo ako hayaan nang matutunan ko? Hindi iyong hindi ko pa nga nasisimulan, pipigilan mo na kaagad?

Alam ko sabi nila di dapat sumasagot sa mga matatanda. Pero pasensya na kung minsan nasasagot ko kayo. Kasi minsan hindi ko na talaga kayang magtimpi eh. Minsan sobrang napupuno na talaga ako at hindi ko na alam ang gagawin ko para lang di ko maramdaman iyong sakit na binibigay niyo sa kalooban ko. Oo, Ma. Nasasaktan din ako. Pinapalampas ko na lang dahil di niyo naman maiintindihan. Kasi para sayo ikaw lagi ang tama.

Alam kong mothers know best pero sana lang Ma, matuto rin kayong makinig. At sana ibahin niyo rin ang tingin niyo sa akin. Magtiwala naman kayo kahit minsan lang. Try niyo lang.

Purple_Power

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #241 on: November 30, 2015, 01:56:23 pm »
I showed you last night all the freebies and the things that I won,  then now you want me to give that to other people just like that? Wow you are now dictating me to be a Santa Claus? Hindi naman sa nagdadamot ako pero It is up to me to decide on my own now since I have my own family and in the right age to do whatever I want as long as alam ko namang hindi mali ang decision ko. I know you are generous to other people pero please lang ha? Huwag mong idikta sa akin kung ano ka? Huwag mo na akong manduhan. If I want to give I will give. Kasi your suggestion is actually pushing me much. Tuwing lalapit na lang ako sayo parang parati mo na lang ako emotional blackmail, at lahat mali yet you are letting me feel to be guilty most of the time. Huwag mo na akong diktahan on what to give kasi mawawalan talaga ako ng gana.

Baka naman next time manalo ako ng kotse, bahay at lupa, TV, imac or any gadgets, you are going to obligate me na magbigay to other people. Sad to say I won't let you  know anymore. Lahat na lang gusto mo ipamigay ko eh! Sa init ng ulo ko imbis na gustuhin ko mamigay parang gusto ko na lang itapon.

Even though I explain and talk to you, you will never listen yet you will start again an argument. It is always been like that. Kapag nawala ang sincerity ko hindi ko gagawin ang isang bagay na pilit ako.
« Last Edit: November 30, 2015, 02:14:06 pm by Purple_Power »

duhyan

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #242 on: December 06, 2015, 12:06:09 am »
I missyou both everyday. Sana diyan nalang kami nakatira sa bahay natin. Masarap ka kasi magluto ma.  :-\

swtgrl_bee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #243 on: December 06, 2015, 09:53:08 pm »
Mama, thank you for treating me a princess today :)

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #244 on: December 12, 2015, 02:28:34 pm »
Nakakapagod ka ng intindihin pa Ma, gusto ko sa Hong Kong, kina Tita.  Mas na a appreciate nila ako doon, kesa dito sa iyo.  Dito, ako na driver, utusan mo, dependent ka nga sa akin, pero kung makapag salita ka, akala mo wala akong karapatan masaktan at dapat tanggap lang ng tanggap sa mga sinasabi mong  di maganda. I will choose Tita over you... Everytime and Anytime! Sana nga siya na lang Nanay ko.  Utang ko buhay ko sa iyo, pero sa mga pinagsasasabi mo sa akin? Sa mga nagawa ko na rin para sa iyo, and sa mga naririnig ko sa pinagsasasabi mo? Bayad na bayad na ako!

slickchick

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #245 on: December 14, 2015, 10:57:07 pm »
dear mama and daddy, i really appreciate the birthday-and-christmas-all-in-one-gift.. hahaha!  :D  i'm really touched na at my age (mid-30's) naisipan nyo ako bigla bigyan ng birthday and christmas present - at yung gusto ko talaga ahhh which is a pair of vans sneakers. it's one of the coolest presents i'll be receiving.. hahaha!  ;D daddy, naniniwala na ako na daddy's little devil mo talaga ako.. you seem to know my taste in shoes - especially in sneakers and rubber shoes. hahaha! thanks sooo much for your gift. kesehodang combined birthday and christmas gift yun, i appreciate it.. mwaah! *hugs*  :) :)

Ninjamomi

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #246 on: December 16, 2015, 01:30:47 am »
Ma grabe ka naman,  di naman ako pupuntang america para mag ofw, mag aasawa ako dun at bubuo ng pamilya.  Ngayon pa lang di pa nga kami nag aapprove ng visa nangangarap kana sa ipapadala ko at ipapa ayos ko ang bahay.  Di nyo ba naiisip ang tagal nyo kong di makikita,  at saka may anak ako na kasama ko din dun,  na kelangan ko alagaan at protektahan, 6 palang ang anak ko ma at babae,  hindi ako para kumayod ng todo dun at iwan na lang kung kanino ang anak ko. At alam nyo na may sakit ako sa puso at ang dami kong gamot na iniinom,  ano iaasa ko lahat yan sa mapapangasawa ko para mapadalhan kita,  dalawa kapatid kong lalaki na walang asawa na nagtatarbaho naman pero wala silang binibigay sayo, okay lang.  Pero ako dito sa bahay inaabuso nyo ako na lang nagbabayad sa lahat,  3 kayong malaking tao tapos kami lang ng anak ko pero halos ako bumibili lahat ng pagkain, keso pihikan yung anak ko kumain kesyo ako malaki sahod,  walang libre sa inyo pati chichirya na kakainin ng apo nyo sinisingil nyo sakin lahat.  Tinitiis ko kasi mas mahirap kung bubukod kami ng anak ko,  mas di ako makakatarbaho. Nakakasama lang ng loob,  wala man lang kayong concern saming mag ina,  ang alam nyo lang yung para inyo,. Wala kayong paki kung may pambili pa ako ng gatas ng anak ko basta kelangan bayaran ko lahat ng bills on time.


Dati iniisip ko nalulungkot ako mapalayo sa pamilya ko.  Pero ngayon pa lang ganyan na, haaaayyyy...

argento

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #247 on: December 16, 2015, 11:02:22 pm »
to my mom,
                  sorry sa mga nasabi ko sa yo i regret it hindi ko alam na iyon na lang ang kasiyahan mo ang manood ng tv at kahit napanood mo na panoorin mo ulit.
                  salamat sa pag aruga mo sa amin nung kami ay bata pa lalo na ako na sakitin madami tayong pinuntahan doktor at albularyo para lang gumaling ako, ganun pala ang pagiging isang ina gagawin lahat hindi matutumbasan yun kahit kelan. naalala ko pa din nung binilhan mo ako ng laruang robot galing tayo sa doktor nun sobrang saya ko nun kasi uso nun ang transformer.
                  mas masaya talaga tayo nun nung buhay pa si daddy dahil ang galing niya sa pagplano sa buhay sana kasama pa natin sya. ngayon matanda ka na nalulungkot ako kasi wala na yung lakas mo pati na rin sina auntie at tito mahihina na rin ang katawan. bakit kaya ganun?  :(
                  huwag ka magalala nandito kami nila kuya para alagaan ka. mahal ka namin. 

hidinginseoul

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #248 on: December 17, 2015, 02:23:18 pm »
Minsan iniisip ko kung nanay ba talaga kita eh. Minsan kasi sobrang sakit mo na magsalita. Oo nga, alam ko mga magulang masakit magsalita dahil para sa ikabubuti ng mga anak nila. Eh kayo ho wala na akong narinig kundi lahat ng gawin ko mali.

Lahat na lang ng makita mo sa akin mali. Ibang nanay nga nagtataka na rin kung bat ka ganyan magsalita eh. Pero sinasabi ko na lang na di niyo naman mine-mean iyong mga masasakit na sinasabi mo sa akin kasi ayaw kong may ibang taong nagsasabi sayo ng masama.

Pero bakit ganun? Kapag kausap ko kayo, parang personal attack na talaga. Ano bang ginawa ko sa inyo?

Nagkamali lang ng pagkwenta, bobo na kaagad. Sana naman mag-ingat kayo sa pananalita niyo. Hindi niyo alam ang dami niyo nang nasasaktan sa pananalita niyo. Sana intindihin niyo rin na hindi lang pag-iisip niyo ang paraan para maituwid ang mga mali. Marami pang ibang paraan na mas maganda.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #249 on: December 19, 2015, 10:52:49 am »
Ma,

Kaunti pa, nararamdaman kong mag sna snap na ako. Di malayong mangyari na magdilim na paningin ko sa galit sa iyo. Huwag mo akong subukan, mangyayari yun. Iam telling you, it will happen. Nawawalan na ako ng amor sa iyo. Isang araw baka pag nangisay ka diyan, deadma na ako sa iyo. Dont push me to my limits. You've been hurtful both physically, verbally and mentally sa akin eversince Iam a kid. Tapos, ngayon nagtataka ka pa kung bakit kita sinasagot? Di ba nag occur sa iyo na PUNONG PUNO na ako?  Kung dati puro tanggap na lang ako ng mga sinasabi mo sa akin nung di pa ako  makalaban para sa sarili ko. Ma, natututo na ako lumaban para sa sarili ko. Gusto mo laging tanggapin ko na lang lahat lahat ng pasakit mo sa akin. Ano pa ba ang di mo nasasabi sa akin? Wala na ata.Pinu pu&¥€+@ mo ako, bata pa lang ako, sinasabihan mo na ako ng ganyan. Expect mo, hanggang ngayon, tatanggapin ko pa rin pag püpün¥€+@ mo?  Sino ba ang nagdadala sa ospital sa iyo kung tumataas presyon mo? Di ba ako? Tapos, kung makapagsalita ka, parang binabayaran mo ako!  Isang araw, mawawala na lahat ng pakialam ko sa iyo, at pababayaan na kita diyan! Etong sinasabihan mo ng " palibhasa matandang dalaga ka kaya ka cranky" ang dahilan kung bakit buhay ka pa ngayon!  Di mo ba naisip na ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa ako asawa? Ni THANK YOU nga di ko narinig sa iyo. Puro di magagandang salita ang narinig ko sa bibig mo. Nag uumpisa na akong kamuhian ka.  Isang araw, iiwanan na kita.

Nakakainggit nga yung ibang mag ina eh.
Close na close. Yung ibang ina naman, mas nanay pa sila sa akin kesa ikaw sa akin.I appreciate yung kindness nila na pinapakita kasi di ko kailanman naramdaman yun sa iyo! Tapos, alala ko sinabi mo sa akin, bakit ako mas nagpapaka anak sa kanila. Eh, mas nanay sila sa akin eh!  Natural, maganda pinapakita sa akin, maganda rin sinusukli ko sa kanila. Ikaw, lang naman ang maganda na nga ginagawa ko, sinusuklian mo pa ako ng masasakit na salita!  The difference lang, masaya akong gumagawa ng kabutihan sa kanila at taos sa puso. Sa iyo, CHORE ang ginagawa ko. 
« Last Edit: December 19, 2015, 11:35:40 am by hazelbrown_eyes27 »

annd

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #250 on: December 26, 2015, 06:04:09 pm »
Ma, sana huwag mo na ako kulitin kung kelan ako magbboyfriend or asawa. darating din yan. :)

red_yesha

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #251 on: December 27, 2015, 11:51:40 pm »
Ma kahit minsan pakiramdam kong pineperahan mo ako e nagpapasalamat pa rin ako sayo ng lubusan dahil ipinagtatanggol mo ako kay Papa kapag napapagalitan nya ako at gusto na akong bigwasan.
Mahal kita Ma.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #252 on: January 02, 2016, 12:47:45 pm »
Papa

Sana buhay ka pa rin hanggang ngayon. Ikaw lang ang savior ko kay Mama. Naaalala ko mga araw na papaluin na lang ako ni mama, bumaba ka at si mama ang pinadapa mo at siya ang pinalo mo. Ayaw mo kaming sinasaktan, habang si mama, ewan ko kung saan pinaglihi. Ikamamatay ata kung di siya makapanakit. Even if you are older than her by 20 years, mas nakakaintindi ka than her. You never said any harsh words sa amin. Whereas mama, walang preno. Kailangan ng brake fluid para matigil sa pag sasabi ng di maganda. Maaalala ko siya as someone na mean, monster mom. Whereas you, I will always remember you as a loving Dad. Yan ang tinatak mo sa akin, you always treated me fairly. Never said any derogatory words to me, you always choose your words when you talk to your children. I will always remember mama as someone who doesnt think and just says things she wants to say, even if that means hurting us, me most specially. pa, magpakita ka naman po kay mama. Pagsabihan mo naman po siya, wala na naman sa hulog ang sinasabi. Baka sa iyo pa, baka makinig si mama. I even remember you na kahit may sakit ka na, allowance pa rin namin iniisip mo. So selfless.. Had mama treated me nicer when I was little, baka iba rin ang treatment ko sa kanya pa, baka mas mabait din ako sa kanya. You're such a fair dad. You even told her na to respect my privacy na and Iam not a kid anymore when she took all my stuff and she wants to sell my magazine na nananahimik sa drawer ko sa ilalim ng bed ko. She even wants me to look for a place to stay and told me kung di ko kaya  mag follow sa rules niya, na lumayas na ako.College pa ako nun.. Buhay ka pa and baka nakakalimutan niya, bahay mo yun pa, hindi kanya.

duhyan

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #253 on: January 02, 2016, 08:25:13 pm »
I miss you both already! Feeling ko tumaba ako lalo nung stay ko jan sa inyo during holidays. Hehe masarap ka pa din magluto ma. Maasikaso ka pa din Pa. Namimiss ko yung ganun everyday. I keep on praying na sana magkaron kami ng bahay near your house para mabilis ko kayo mapuntahan. Mahirap makitira sa inlaws at alam kong sinabihan mo na ako about this Mama. I thank God for the both of you everyday. I am beyond blessed to have you both as my parents. Though hindi kayo perfect at mayaman, but still naiprovide nyo saming magkakapatid lahat ng needs namen. I love you both so much. Sana pahabain pa ni Lord ang mga buhay nyo. See you both again soon.  :)

iam_me

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #254 on: January 08, 2016, 10:41:06 am »
miss ko na kayo sobra , miss ko na yung mga sermon , yung tampururut mo sa kin nay , yung pang aasar ko sa tatay ko miss ko na  :'(

snowkeis

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #255 on: January 15, 2016, 01:22:24 pm »
Kung kelan ka naman wala trabaho saka ka nag-luho ng todo. Alalahanin mo naman ang mga taong na sa paligid mo na syang gumagastos. Para naman nagpaka-ama ka samin ng sunod kong kapatid. Maaring sa iba oo pero sa amin hindi.

kutitapkiss

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #256 on: January 15, 2016, 02:38:52 pm »
hindi nyo ako pinalaki sa showy and affectionate na environment. di tayo ganun eh, natatandaan ko pa dati pag tinatry ko magpaka-showy, nadidismiss ako. kaya hirap ako sa mga ganyang galawan pagdating sa inyo. kaya pag may kailangan, may nararamdamang kakaiba, magsabi nalang para madali ang buhay. hindi yung parang nagpapakiramdaman tayo na pa para bagang mga kaluluwa. at hindi rin ako manghuhula! may mga bibig naman tayo, magsabi nalang ng diretso. uunahin pang sabihin sa ibang tao yung mga problema ang labas tuloy, wala akong concern sa inyo kasi wala akong alam, kasi hindi ako nagtatanong. haaaaaaaaaaaaaay.

ikaela

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #257 on: January 20, 2016, 06:44:10 am »
Thanks for the knock upside the head, mom. For shaking me back to reality. I was in desperate need of it and you were the only one who could do it.

simang

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #258 on: January 21, 2016, 12:22:35 am »
Miss ko na kayooooo!!! Buti na lang at malapit na ang weekend, uuwi na kami dyan. Miss ko na bulalo mo. See you sa weekend!

babyluvs_78

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #259 on: February 05, 2016, 10:15:22 am »
mommy, bakit ka ganyan? porke ako lang ang kaya mo kaya ganyan ka sakin. giagawa mo akong gwardya, secretary, utusan lahat na!! pag gusto ko umalis magagalit ka pa! ano ba ako sa paningin mo? laki ng problema mo!! pag yun gusto mo lahat pwede pero pag gusto ko di pwede!!! sana mayaman nalang kami sigurado d ganyan ang tingin mo samin mag asawa! nakaka puno sobra!!! oo mabait ka, mapagbigay ka pero lahat yun may sumbat! walang hindi!!! isang araw mawawala nalang ako paningin nyo , wag nyo ko hahanapin at wag kayo mag sisi pag nangyari yun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close