watch now

Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS  (Read 56070 times)

minnie99

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #200 on: November 17, 2014, 02:18:10 pm »
I don't like it when someone calls me "Hoy". It sounds bad enough if someone else says it, how much more if you do.
I tiptoe around your room when you're asleep, don't go slamming doors in the morning and shouting at us.
Don't wonder why I talk back, you speak haughtily yourself.

I am never gonna raise my future children the way you raised me.
« Last Edit: November 17, 2014, 02:21:48 pm by minnie99 »

Red Rack 21

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #201 on: November 20, 2014, 01:58:22 pm »
dad i really want to take care of you but i am living here in the south. i really really want to be with you  now while you are still okay (though with minor health issues). i will work on it and convince hubby so i could  check on you daily and drive you to your regular check-ups. love you dadeh ko.

glacy_rein

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #202 on: November 22, 2014, 03:50:53 am »
it wouldn't hurt to sit down and talk.

chedz.03

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #203 on: November 23, 2014, 06:02:24 pm »
I miss you so much tay nay. Sana pagdating ng panahon na kailangan nyo na ng mag aalaga sa inyo makauwi na ako kasi gusto ko ako yun gagabay at mag aalaga sa inyong dalawa. Loobin din sana Ni Lord na magawa ko maipasyal kayo sa isang lugar na magiging masaya kayo para kahit sandali makabawi ako sa lahat lahat ng sakripisyo nyo samin. Mahal na mahal ko po kayo 😥

swtgrl_bee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #204 on: December 09, 2014, 09:49:43 pm »
Pa and Ma, ingatan niyo sarili niyo.

slickchick

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #205 on: December 10, 2014, 01:12:18 pm »
Dear daddy, I really appreciate the concern.. Pero at my age (in my mid-30s), and in this age and time, siguro naman you can lower your expectations sa mga dapat ginagawa ng bf ko. There are times na you expect him to do things kahit naman hindi na practical (e.g. gusto mo lagi sya naka-pants kapag lalabas kami, and gusto mo sunduin nya ako kami - ako and my son - dito sa bahay kapag may date kami). C'mon dad! I don't find anything wrong with guys wearing walking shorts on a date especially in a humid and tropical country like the Philippines! Isa pa, sa layo ng house nya at sa traffic sa byahe, kung aantayin ko pa sya na sunduin ako, hapon na, di pa kami nagkikita at nakakalabas. It is but practical that I just meet him halfway.. There was also an instance na kailangan na matulog sa bahay si bf kasi sobrang late na if pauwiin ko pa sya. Naging issue pa sa 'yo, to think na ako naman ang nagmi-maintain at nagbabayad ng lahat sa unit (sa iyo lang naka-pangalan yung unit). At sa liit naman ng couch natin, at sa size namin ni bf, I don't we can do "anything" there. If we have any plans for sexy time, mag check-in na lang kami sa hotel or motel - mas comfortable pa kami... Minsan naman you have to open your eyes and open your mind, and stop being a prude and being too traditional.. Taong 2014 na po ngayon...

swtgrl_bee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #206 on: December 10, 2014, 10:00:16 pm »
Papa, sa ginagawa mo. Mauubos talaga pera natin. Nakakaiyak na talaga minsan. Nakakaiyak sa galit.

twix01

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #207 on: December 10, 2014, 10:13:42 pm »
thank you and sorry for everything! i miss and love you both :'(

harley18

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #208 on: December 29, 2014, 12:18:56 pm »
Sana ok lang sa inyo na bawasan yun budget na binibigay ko, no hard feelings.... Intindihin nyo, I have family na of my own, we need to save for our family.

We, my sister, my brother, and tita gives you enough, I think more. Hindi kelangan pantayan ng gastos yun perang binibigay sa inyo.

Tipid tipid din.. please...

krystalB

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #209 on: January 02, 2015, 06:45:19 pm »
Sobrang nahihirapan ako makita ka kanina na hirap na hirap :( Hindi ko kaya. Please wag ka bibitaw Tatay sa lahat ng pagsubok. Lalakas ka pa.

insanelypurpleprincess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #210 on: February 09, 2015, 10:50:25 pm »
Well, thanks for raising us with privileges to enjoy. However, just because we were entitled to such a comfy life doesn't mean we can't question, right?

ivy u.

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #211 on: February 11, 2015, 02:47:06 pm »
Ma, take care always and i love you po.

Jhandz

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #212 on: February 19, 2015, 11:04:23 pm »
Share:

I left home when I was 20y/o and I'm 29y/o now. Mom died when I was 14y/o. From Valenzuela nilipat lahat ng gamit sa Pampanga. During college mag isa lang ako sa dorm baon ko 500php a week kulang sa pangkain at pang projects. I was accused pa nga na nagbubulakbol. I stopped school. During my pampanga days para akong others. Ginupit ng kapatid ko mga damit ko kasi ginasgasan ko daw boombox nya pero hindi ko ginawa. Pinagbintangan ako magnanakaw ng sarili kong pamilya. So umalis ako. Alam nyo guys ang sakit2x. Nabuhay ako mag isa for 9years nang walang hinihingi sa father ko. Ni hindi man lang ako hinanap, kinamusta. Na co-confine ako mag isa. A friend told me na baka ako may problema. Napaisip ako. Nung time na ako nalang hindi ako nag drugs at hindi din ako naging party girl at alcoholic. I don't hate my father. Sobrang sama lang ng loob ko sa naging sitwasyon ko.  :-\

swtgrl_bee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #213 on: February 21, 2015, 07:53:51 pm »
Papa and Mama, huwag lang na kayo ang masasaktan. Kasi talaga naman. May mayayari sa akin!  ::)

Amusedme124

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #214 on: February 28, 2015, 09:12:17 pm »

Mommy,

Pagod na ako. Pagod na akong intindihin ka. Pagod na akong sumunod sa mga gusto mo. Pagod na ako sa pakiki alam mo sa everyday life ko. Pagod na ako sa pag trato niyo sa akin na lahat na ata ng nagawa kong mali sa buhay ko ay ipinamumukha niyo. Gustung Gusto ko ng umalis and i know for sure gagawa ka na naman ng paraan para bumalik ako sayo but for once sana maisip mo you can't keep me as if i'm your property.

miminibebe

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #215 on: March 31, 2015, 11:30:56 am »
Ma,

Wag ka gumawa ng kwento.  Sabihin mo sa kin ng diretso yan wag ka nagiimbento may masabi ka lang sa ibang tao.

ieiky

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #216 on: March 31, 2015, 01:33:08 pm »
Mommy,

Mahal na mahal kita. Alam ko na mahal na mahal mo din ang anak ko. Pero ayoko sa way ng pagpapalaki mo saknya. Kami nga hindi mo insipoiled. Sana wag mo din masyado iniispolied ang anak ko. Mamahalin ka pa din naman niyang kahit strict ka. Ngayon ang formative years ng anak ko, I have no choice kundi iwan siya sa inyo. Sana naman po, maisip mo na hindi ikaw perpekto. Ayoko na iwan mo ang anak ko na spoiled at nakaasa sa yaya. Sana palakihin mo siya gaya ng pagpapalaki mo sa amin. Huwag mo siya sana turuan maging bastos sa akin. Huwag mo siyang kinakampihan pag pinapagalitan ko. Lumalayo ang loob ng anak ko sa akin dahil kala niya tama siya at ikaw lang ang may mahal sakanya.

Sana po makisama kayo mommy. Mahal natin ang anak ko kaya sana makiisa ka sa goal natin na habang bata pa malaman niya ang tama at mali.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #217 on: March 31, 2015, 01:58:44 pm »
Mahirap ka talaga pakisamahan, wag mo ng i-deny yan.

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #218 on: March 31, 2015, 03:42:00 pm »
noon at ngayon, near or far, you never fail to hurt me with your words.

Vans

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #219 on: March 31, 2015, 09:54:36 pm »
Ma, i still appreciate all the sacrifices you've made for us. Pero masakit mang sabihin, mukha kang pera.

Ilang beses mo n ba ako inaway dahil sa pera. Di na nga ako nakatira dyan, naabot pa rin ako ng claws mo.

Humingi naman ako sayo ng pasensya ng Ilang beses kasi hinto muna temporarily ang regular na pagabot ko sayo. Pero sinabi ko rin na mag abot ako pag may extra. Nakiusap pa ako sa kapatid ko na sya muna. Sinabi mo OK lang, naiintindihan mo sitwasyon ko.

Yun naman pala nagdrama ka sa kapatid ko na kesyo wala akong silbe.
Nun andyan pa ako nakatira sa inyo, 2 lang kaming magkapatid ng aabot sayo. 4 kmi diba? Di lang ako makapagbigay ng buwan buwan, wala ng silbe?

Wag ka kasing makipagkompetensya sa kapitbahay.

Nung kinausap kita para tanungin bat mo sinabing wala akong silbe, naging defensive ka agad at ikaw pang may ganang magalit.

Ang dasal ko lang ay wag akong tumandang katulad mo.
------------------------------
Pa,
alam kong masaya ka, kung asan ka man. Kung wala lang akong sariling pamilya, sunod na ako dyan para sama sama tayo ni lola.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close