watch now

Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS  (Read 55928 times)

Purple_Power

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #60 on: October 25, 2012, 10:05:59 am »
^ ;D I've read your post from other thread. Buti hindi niyo nakuha yung ugali ng parents mo.

Geeglee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #61 on: October 25, 2012, 05:46:59 pm »
@Purple_Power - dami ko lang sama ng loob diba? haha Well, may mga ugali sila na nakuha ko.. good and bad. May mga bad attitude ako nakuha na nabago ko. Nung una i wasnt aware na nakuha ko yung mga bad attitude nila kahit paulit ulit ko sinasabi sa sarili ko na hindi ako magiging katulad nila. Pero iniwan ako ng BF ko nun because of my attitude. Parang naging wake up call. So unti unti ko inayos with the help of friends and prayers. Now I can say na im a better person.  ;D

ayami

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #62 on: October 25, 2012, 05:53:48 pm »
MA bat ang tamad tamad mo na ngayon magluto? Pag pinupuna na kita, sasabihin mo lang na, HINDI pero OO! Jusko, kung ako naman magvolunteer magluto, keri sana e kaso AYAW MO NAMAN. Pano tayo mabubuhay sa mundong ibabaw kung walang matinong ulam at puro tira na lang ng linggong ito? Oo, sige na batch ka na kung magluto pero AYOKO NG TIRATIRA. Kaya mas peg ko ang fast food kahit buntis ako ngayon. Kung hindi tiratira, de lata! Hay. Ayaw mo rin na kami mag grocery. E ANO NA?! Busy pa man din ako sa trabaho. Kami na nga nagbabayad ng Kuryente and ako na nagaalaga sa anak ko kapag umaga, kesyo FB ka ng FB at gusto mo de kotse pa pag mamalengke. Di naman palaging nandyan yung asawa ko kasi may pasok din siya. At may Palengke naman kasi parang di ka dun namimili dati. Pag kami naggrocery, makakarinig kami sayo kesyo di maganda yung kinuha namin at di kasing sariwa pag ikaw kumuha etc. Naririndi na ko ha. Pag may bisita ka lang nagluluto, e ngayon wala na siya BACK TO NORMAL ang peg mo? Hay naku. Hay naku talaga.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #63 on: October 25, 2012, 09:52:09 pm »
Ma, favorite ka talaga ni God. That's because you're a good person and you dont hesitate to help out kahit na it puts you in a difficult situation sometimes.

beatrize zuri

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #64 on: October 26, 2012, 03:39:15 am »
ma, i miss you so much! cant wait to see you na pasensya kana super busy ako sa work tapos nag exam week pa yung mga bata. bawi na lang kami sa birthday ni dada! love you ma  :-*

snowflakes

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #65 on: October 26, 2012, 08:43:10 am »
mommy, sana nandito na lang kayo. para wala ng problema. para di nyo na iisipin kung san kayo kukuha ng pambayad sa kuryente at tubig at pangkain. miss ko na kayo...

gil12

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #66 on: October 27, 2012, 08:06:31 pm »
mommy,

kung magbubuhat ka lang din ng sarili mong bangko gawin mo sa sarili mong FB wall wag sa status ko! post ako ng status sa FB saying na I'll be a good mother to my son, rereply ka na naman na kesyo you're a good example of etc.. tseh! yang pagka-defensive mo umiiral na naman kaya kung maka post ka sa sarili mo akala mo butihang ina ka?! mahiya ka naman sa friends ko sa fb na nakakabasa nun.. mahiya ka naman sa sarili mo.. ilan taong ka walang paki samin tas ngayon nagbibigay ka pangkain ng mga kapatid ko mabuting ina ka agad? tseh!!

papa,

kung pwede lang i-dedeny talaga kitang ikaw ama ko, biruin mo nakita ni hubby sa newsfeed niya sa FB na may viniew kang malaswang pics ng babae.. yuck!!! tanda mo na maniac ka pa rin! mabuti't nakahanap kang mauuto mong mag-aalaga sayo sa pag tanda mo.. goodluck sa inyo! isa pa pala, tuition kong pinadala ng tita ko, ate mo galing US, sakto na nga kinupitan mo pang P1k?!

thank God makakawala na ko sa inyo!! salamat din sa inyo magiging mabuti akong magulang hindi tulad ninyo na napaka-selfish!!

chedz.03

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #67 on: October 27, 2012, 08:51:14 pm »
Nanay and tatay- sobrang miss ko na kayo... Sana Dec 2013 na makauwi na ulit ako dyan.

super bratinella

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #68 on: October 30, 2012, 01:27:44 pm »
To mama, nung birthday ko sa lahat ng tao hindi ko iniexpect na ikaw pa ang hindi babati sa akin dahil ikaw nagdala sa akin ng 9months, nakakatampo talaga at hindi lang yun sobrang obvious na guilty ka dahil kinuha mo ang eldest daughter ko... so sad. I am not getting any support from you sa pregnancy ko.

mdy

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #69 on: November 02, 2012, 08:11:09 pm »
Thanks forthe surprise visit and for bringing my yaya here :) I love you so much nanay! Sa payday ko, treat kita :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #70 on: November 02, 2012, 08:23:10 pm »
Mama, thanks for cooking my favorite food :)

Daddy, it felt good to visit you today. I miss you everyday :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #71 on: November 05, 2012, 10:53:37 pm »
Hay naku Mama, your strength is also your opportunity. Masyado ka maawain, eh sila naman hinde naawa na i-take advantage ka. Wag mo na pabalikin yan please kungdi ilalampaso ko palabas ng bahay yan, I swear. Super haba na ng pinasensya ko sa kat@ngahan nyan, abuso na sa pagka-t@nga and pagkasinungaling. Pabayaan mo silang magutom and magdusa.

mommylyn

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #72 on: November 06, 2012, 12:17:34 pm »
Ma, Pa, salamat sa pagintindi nyo sa akin at sa pag respeto nyo sa decision ko sa buhay. I really feel guilty na hindi ko narating yun gusto nyo na marating ko. I hope one day maging proud kayo sa akin. Di ko man natapos yun Law degree ko, sana one day ma-appreciate nyo na lang yun pagtulong ko sa business natin. Mahal ko kayo, and one day, ipinagdadasal ko na matupad yun pangarap nyo na pangarap ko rin dati. :)

jenie0519

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #73 on: November 06, 2012, 02:36:17 pm »
In fairness sa yo ma ang galing mo magpadinig...

Pasensiya ka na kung kuryente na lang ang nacocontribute namin sa expenses ngayon, malaking utang na loob naming magasawa ang mga tulong niyo sa min... Kung nagkataon lang na malaki ang sahod ko gaya ng mga pinsan ko na kinaiinggitan mo dahil inaabutan nila ang mga parents nila, bibigyan din kita, sobra sobra pa.  Pero ma, mag-isa lang akong anak mo na nagtatrabaho, hindi ko kayang magabot ng sobra pa sa inaabot naming magasawa sa yo. Isa pa, mas malaki ang kita ng asawa mo ngayon kaya wala akong makitang rason para mainggit ka sa mga kapatid mo.  Madami silang anak na tulong tulong, mag-isa lang ako.  Pasensya ka na, makaluwag luwag lang kami ng asawa ko sa mga obligasyon namin susubukan kitang abutan buwan buwan kahit alam kong di mo naman kailangan.

ysa.belle

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #74 on: November 06, 2012, 03:46:23 pm »
mommy and daddy,

sorry. sorry if i am stubborn and very busit every now and then. sorry if i made more than my share of mistakes a child should have. hindi ko lang alam if ilang beses ako dapat magpasorry BUT i know na mas madaming times dapat akong magpathank you.

thank you mommy and daddy for accepting me even after ALL, all and all my mistakes in life. thank you for taking good care of us. minsan nagkakatalo tayo but i never loved you less, and in fact i am loving you more and more and i appreciate both of you.

kung sa swertihan lang ng parents, nanalo na ako sa lotto.

i love you mommy and daddy.

beatrize zuri

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #75 on: November 09, 2012, 02:20:34 am »
ma,
 
kahit na minsan hindi tayo nagkakasundo sa mga bagay bagay, kahit na super daldal mo minsan  ;D , kahit na hindi tayo magkasundo paminsan minsan sa pag didisiplina sa mga anak ko kasi lagi mo iniispoil, kahit na over over ang luho na binibigay mo sa mga kapatid ko na madalas nating pag awayan, super proud ako na ikaw ang mom namin kasi naiinspire mo kaming magkakapatid wala kang kadamot damot sa katawan kahit na sino na lang lumapit sayo sige sige ka sa pagbigay madalas kitang sabihan about dyan pero sabi ni husband if that's makes you happy bat naman kita pipigilan, and yeah tama siya kita mo naman ma ang blessing sayo ma doble doble ang balik. im so greatful na ikaw ang mama namin. pero sana naman ma, wag masyado ang luho sa 2 lalaki natin, hayaan mo naman na pag hirapan nila yon, reward system muna ha? see you on sunday ma, i miss you.  :-*

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #76 on: November 09, 2012, 02:47:30 am »
Ma, umiral na naman pagka-one day millionaire mo. Hirap kase sayo you dont earn your money kaya you dont know its value. Pag kelangan mo na, saka mo hahanapin and iinit ulo mo. You're a good and generous person kaya you're blessed but you need to value your blessings and not spend it on unnecessary things like BINGO. You think I dont know, pero hello, I do, ano ba. Hinde ka na nadala. Chaka Ma, hinde kame kagaya mo na naghihintay lang ng money. We work for our money, yan ang difference natin kaya masinop kame sa pera. Sana naman matuto ka na.

pink_saphire

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #77 on: November 15, 2012, 11:11:05 am »
Ma,


 ang sama sama ng loob ko sayo. di ko alam kung ano pa bang pwede kong gawin para patunayan na
mabuti akong anak sa yo. di ko alam kung anong ginawa ko sayo, bakit sa araw araw na lang na ginawa ng diyos ang init init ng ulo mo sa akin. pag tinatanong kita kung ano bang ginawa ko hindi mo ako masagot, bigla bigla ka nalang sisigaw sa akin.

tatlo na nga lang tayo sa bahay ganito pa ang palaging nangyayari sa atin, ako n nga lahat gumagastos sa food, groceries, water, nagsha share ako pambyad sa kuryente para lang di mo masabi na pabigat kame sayo, pero ano palagi ang pinaparamdam mo sa akin.

ang sakit sakit na isipin na yung taong lagi mong kasama sa lahat, karamay mo ko sa lahat di kita pinapabayaan kasi magulang kita, at dahil wala si pa tayo lang ang magiging magkaramay sa lahat pero di ko na kaya lahat ng masasakit na sinabi mo sa akin, kinuwestiyon mo ang pagiging ina ko sa anak ko.

sorry di ko napigilan at lahat ng sama ng loob ko nasabi ko sayo, to the point na nasaktan mo ko, at un intentionally diko alam na nasipa kita. di ko gusto yun, pero punong puno na ako.

hihintayin ko lang maayos ang lahat aalis din kame dito, ayaw lang kita iwan kasi alam kong mag-iisa ka dito sa bahay, pero pilit mo akong pinapalayo sayo. mahal na mahal kita ma, kung alam mo lang kasi ikaw ang nag-alaga at nagpalaki sa akin, pero di ko na kaya lahat kung aaraw arawin mo ko. 6 yrs na akong married at 6yrs mo narin sa akin ginagawa to. hindi mo man lang naapreciate lahat ng gingawa ko sayo.

dapat nga mas ikaw pa ang makakaintindi sa akin dahil dumaan ka rin sa gantong sitwasyon, paano ako makakaipon, kung alam mo na kapag may ipon kame, lahat ako ang pinapagastos mo. kung sa tutuusin yung sweldo ng asawa ko putal lang ng sweldo ni papa, pero lahat yun iniintindi ko, binabaliwala ko para lang maging mabuting anak sa yo.

kahit kelan hnd ko kinkalimutan ang pinanggalingan ko. pero tuwing mainit ang ulo mo, lagi mo sa akin pinapaalala yun. ang sakit kasi lalo ko nararamdaman na kaya ganyan ang trato mo sa akin, dahil alam mong hindi ako galing sayo.

unang una sasabihin ko, di ko kayo pinili, ginagawa lahat maging mabuti lang sa paningin mo, sana bago mo kwestyunin pagiging ina ko, itanong mo muna sa sarili mo kung naging mabuti ka sa akin, bata palang ako sawang sawa na ako sa bugbog, pahiya, para akong walang magulang, pinapatulog mo ako sa labas ng bahay, latay dito latay doon, sana nga noon pinatay mo nalang ako, kasi higit pa doon ang gingawa mo sa akin.

pero lahat yun kinalimutan ko. pero bakit hanggang ngayon ganyan parin ang gingawa mo sa akin, aalis din ako dito tandaan mo yan, at mag iisa ka, don mo malalaman na importante pala ang anak para mabuo ang pamilya. salamat parin kahit papano, tinuruan mo akong lumaban sa buhay sa lahat lahat ng naranasan ko sayo natuto akong maging matapang.  :'( :'( :'( :'( :'(

jenie0519

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #78 on: November 15, 2012, 02:08:58 pm »
^sis naiiyak naman ako sa post mo, somehow nakakarelate ako pero mas grabe naman ang naexperience mo lalo nung bata ka pa... hugs sis...

pink_saphire

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #79 on: November 15, 2012, 02:46:20 pm »
^ thanks sis huh,,, ang hirap kasi sa pakiramdam na galit ka sa taong pinaka importante sa buhay mo, alam mo yun, yung taong dapat nakakaintidi sayo siya pa yung nagpaparamdam na di ka niya kailngan, sabagay oo nga pala may pinaghuhugutan siya dahil hindi nya ako tunay na anak.Oo sis bata palang ako namanhid na ako sa palo, bugbog, sampal dito sampal don, naalala ko pa dati na inabutan ko na siya ng kutsilyo para patayin nalang ako kasi hirap na hirap na ako non.

ang di ko lang kasi alam kung ano pa bang kelangan kong gawin para maging mabuti lagi akong ngdadasal kay god na gawin nya akong mabuting anak sa magulang ko pero kulang parin. lahat ng ginawa niya sa akin simula nung bata ako pinipilit kong intindihin at kalimutan nalang ang lahat.. kaya kailangan ko na rin ipaparanas  sa kanya kung pano ang mag isa, malayo ang asawa at walang anak.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close