Ma,
ang sama sama ng loob ko sayo. di ko alam kung ano pa bang pwede kong gawin para patunayan na
mabuti akong anak sa yo. di ko alam kung anong ginawa ko sayo, bakit sa araw araw na lang na ginawa ng diyos ang init init ng ulo mo sa akin. pag tinatanong kita kung ano bang ginawa ko hindi mo ako masagot, bigla bigla ka nalang sisigaw sa akin.
tatlo na nga lang tayo sa bahay ganito pa ang palaging nangyayari sa atin, ako n nga lahat gumagastos sa food, groceries, water, nagsha share ako pambyad sa kuryente para lang di mo masabi na pabigat kame sayo, pero ano palagi ang pinaparamdam mo sa akin.
ang sakit sakit na isipin na yung taong lagi mong kasama sa lahat, karamay mo ko sa lahat di kita pinapabayaan kasi magulang kita, at dahil wala si pa tayo lang ang magiging magkaramay sa lahat pero di ko na kaya lahat ng masasakit na sinabi mo sa akin, kinuwestiyon mo ang pagiging ina ko sa anak ko.
sorry di ko napigilan at lahat ng sama ng loob ko nasabi ko sayo, to the point na nasaktan mo ko, at un intentionally diko alam na nasipa kita. di ko gusto yun, pero punong puno na ako.
hihintayin ko lang maayos ang lahat aalis din kame dito, ayaw lang kita iwan kasi alam kong mag-iisa ka dito sa bahay, pero pilit mo akong pinapalayo sayo. mahal na mahal kita ma, kung alam mo lang kasi ikaw ang nag-alaga at nagpalaki sa akin, pero di ko na kaya lahat kung aaraw arawin mo ko. 6 yrs na akong married at 6yrs mo narin sa akin ginagawa to. hindi mo man lang naapreciate lahat ng gingawa ko sayo.
dapat nga mas ikaw pa ang makakaintindi sa akin dahil dumaan ka rin sa gantong sitwasyon, paano ako makakaipon, kung alam mo na kapag may ipon kame, lahat ako ang pinapagastos mo. kung sa tutuusin yung sweldo ng asawa ko putal lang ng sweldo ni papa, pero lahat yun iniintindi ko, binabaliwala ko para lang maging mabuting anak sa yo.
kahit kelan hnd ko kinkalimutan ang pinanggalingan ko. pero tuwing mainit ang ulo mo, lagi mo sa akin pinapaalala yun. ang sakit kasi lalo ko nararamdaman na kaya ganyan ang trato mo sa akin, dahil alam mong hindi ako galing sayo.
unang una sasabihin ko, di ko kayo pinili, ginagawa lahat maging mabuti lang sa paningin mo, sana bago mo kwestyunin pagiging ina ko, itanong mo muna sa sarili mo kung naging mabuti ka sa akin, bata palang ako sawang sawa na ako sa bugbog, pahiya, para akong walang magulang, pinapatulog mo ako sa labas ng bahay, latay dito latay doon, sana nga noon pinatay mo nalang ako, kasi higit pa doon ang gingawa mo sa akin.
pero lahat yun kinalimutan ko. pero bakit hanggang ngayon ganyan parin ang gingawa mo sa akin, aalis din ako dito tandaan mo yan, at mag iisa ka, don mo malalaman na importante pala ang anak para mabuo ang pamilya. salamat parin kahit papano, tinuruan mo akong lumaban sa buhay sa lahat lahat ng naranasan ko sayo natuto akong maging matapang.
