watch now

Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS  (Read 55957 times)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #40 on: October 12, 2012, 10:01:52 pm »
Mama, thank you for being so loving and patient to my daughter. Mas patient ka pa kesa saken, sabagay, if you managed to contend with me for 30 years, I'm sure this is easier for you :P

Thank you for being so supportive of how I raise my daughter too, and how you give me so many wonderful insights. I really wouldnt know what to do without you. Thank you for always being here for us and I want you to know that I'm here for you all the time too. Let's go out to lunch tomorrow :)

ReservoirDogs

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #41 on: October 13, 2012, 08:25:48 am »
Ma, please listen to your children ok?  You plan to go to Egypt next month, eh meron ngang bagong protests dun.  Tapos sasabihin nyo na "if it's meant to be, it's meant to be?". Ano ba naman yan, ma. I warned you not to go there now.  Hay, tigas talaga ng ulo nyo.  ::)

wowry

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #42 on: October 13, 2012, 09:09:10 am »
Hay I wish I can easily type it here:( kay hubby ko lang nasasabi lahat ng sama ng loob ko about them. ipagpasa Diyos ko na lang. :-\

mumay04

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #43 on: October 14, 2012, 08:30:10 pm »
Nay - wag naman masyado matigas ang ulo.  Mahina na nga ang katawan mo, nagpapagod ka pa.  Palagi mong tatadaan, mahirap magkasakit at magastos.  Alagaan mong mabuto ang sarili mo at maggamot ka para lumakas at maalagaan mo ang apo mo.

Tay - sana naman makaintindi ka.  Binawasan ko lang ang allowance mo tapos ganun pa ang sagot mo?  Masakit man isipin, pero sa tingin ko, kaya ka in-touch sa akin dahil sa sustento mo.  Di ba, hindi mo naman ako mahal, hindi mo nga ako hinanap nun bata pa ako.  Ni hindi mo nga alam kung nasan lupalop ako at kung buhay pa ako dati.  Ngayong alam mo na kumikita ako, saka ka nakikipagclose sa akin.  Sana maisip mo na may pamilya na ako ngayon, umintindi ka naman!

Sa mga nagpalaki sa akin - Lola J at Tatay T - maraming salamat sa inyo.  Kundi dahil sa mabubuting pangaral nyo malamang wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. Pasensya na kayo at hindi ako masyadong nakakatulong.  Babawi ako, I promise :)

qlet

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #44 on: October 16, 2012, 05:47:00 pm »
Tatay please lang wag mo pag-isipan ng masama ang mga tao sa paligid mo.  Sa lahat may isyu ka. Kay nanay may isyu ka, sa akin mukhang may isyu ka din, at maging sa mga kapitbahay na wala naman ginagawa at di ka naman kilala may isyu ka.  Wag puro negative masama un.  Pati bata pinag-iisipan mo ng masama.  Unang-una di ka nila pag-aaksayahan ng panahon at gagastusan para matyagan ka lang.  may sarili silang buhay at di iikot ang buhay nila sau para siraan ka lang.  Sana lawakan mo isip mo.  Hindi lang ikaw ang tao sa mundo na feeling mo eh ikaw na lang laging topic ng mga tsismosa at tsismoso...  Kung pinagtsitsismisan ka [textspeak!]... eh ano... di naman titigil ang mundo mo everytime na bangitin nila ang pangalan mo.  Sana maisip mo kung ano mga pinag-gagawa mo. sinisira mo lang ang sarili mo.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #45 on: October 16, 2012, 08:34:53 pm »
To my stepfather - Thank you for sharing your words of wisdom the other day. You made me realize a very important thing. I've never thanked you for all these years of being there for us, especially for mama. I know it's not perfect but I appreciate your role in the family. Thank you very much.

super bratinella

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #46 on: October 19, 2012, 07:46:45 pm »
Sana marealize ninyo na meron din kayong naging kasalanan sa akin dahil until now hindi nyo pa binabalik ang anak ko sa akin dapat hindi ninyo kinonsinte at ngayon pregnant ako at nagbedrest hindi nyo man lang ako nakuhang kumustahin sa kalagayan ko..

At sa darating na birthday ko hindi ko na kayo inexpect.. :(

france0220325143

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #47 on: October 19, 2012, 08:20:37 pm »
sana kahit wala na ako jan sa bahay, aalagaan nyo sarili nyo. miss ko na kayo kaya lang hindi kami pwede ni baby jan. masyadong maraming aso at pusa, magkakasakit si baby. palagi ko kayo naiisip. sana wag nyo isipin na kinalimutan ko kayo. mahal ko kayo, nay, tay.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #48 on: October 20, 2012, 01:23:31 am »
Ma, ang saya mo jan. Uwi na :)

chedz.03

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #49 on: October 20, 2012, 02:50:28 am »
Nay,tay- sana maipundar ko na yung LED tv para sa inyo...soon.makaluwag lang kami sa gastos then ipapadala ko din sanyo yun. Surprise nalang ha! :)

any@ang

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #50 on: October 20, 2012, 12:58:43 pm »
Ma baket  ganun? Ako ang bunso at nagiisang babae pero iba trato mo sa akin mula't mula pa. Ilang araw na ako nagtatanung sayo kung dumating na ba si Tiyo (bading) kasi magpapagupit ako. Nakita mo naman minurder [textspeak!] buhok sa parlor papaayos ko sana kay Tiyo kasi sya ang hiyang nito. Nalaman ko sa pamangkin ko pumunta sya kagabi, siya at mama nito nagupitan pero ako di mo man lang pinahintay. Ganun na ba talaga? ATM lang ba ako sayo? Porke bat may trabaho ako di mo ako pinahintay kasi libre? kaya ko naman sya bayaran. Masakit pa nito tinanung kita sabi mo di pa nagpunta. Buti na lang ang bata hindi nagsisinungaling.
Ma [textspeak!] ba kasalanan ko sayo? Yung namatay si Papa pinalipat mo ako kay Kuya para kahit panu makatulong sa upa nito. Kahit yung binabayad ko kaya na ng isang magandang tirahan pinagbigyan kita. Gusto din kasi kita makasama. Yun pala gagawin mo lang ako ATM pag may kelangan mga Kuya ko nagagalit ka pag di ako nakabigay. Pag ako na ngailangan wala man ako makunan sa inyo. Mga Kuya ko sila. Hindi ko kasalanan kung mga batugan sila Ma. Hinayaan mo silang ganun. Hindi porke wala akong anak iuukol ko na kita ko sa inyo. May asawa din ako na lay off kaya ako nalang nakayod. Tuwing pinamumukha mo sa akin wala akong anak na pinagkakagastusan nasasaktan ako. Kakulangan ko yun baket lagi mo nalang sinsampal sa akin. Nanay ka ba talaga? Nanay ba kita?
Ma pilit ko iniitindi ka. Kahit ilang beses mo na ako sinasaktan kasi alam ko yun ang gusto ni Papa.
Ma miss na miss ko na si Papa. Kasi yung nabubuhay siya ramdam ko may magulang ako.
Ma hindi ako galit sayo. Hindi din ako nagtatago ng sama ng loob laban sayo. Iintindihin kita hanggan sa huling hininga ko.  Mamahalin kita alangala kay Papa.
Sana isang araw ako naman alalahanin mo  :(

Purple_Power

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #51 on: October 20, 2012, 02:14:22 pm »
To my father: Walang akong maisip na dapat ko ipag-thank you sayo. I only had bad memories of you as a child. And now na malaki na ako and have my own family, palagi mo pinapamukha saken na mashado akong naka-depend sa husband ko. Na dapat magwork ako at sustentuhan ka? No way! I finished school without your help and I dont remember anything na nai-contribute mo sa buhay ko so why should I bother? Do not push me na ipamukha sayo lahat ng pagkukulang mo kasi malapit na malapit na akong mapuno sayo.

Same pet peeves here with a father. I have so much bad memories as well lalo na nung nagdalaga na ako. Until now dala ko pa rin yun. After what he did he is asking utang na loob pa? What the heck?  ??? He even introduced any malicious content verbally that he became too personal tapos napapahiya pa ako sa harap ng maraming tao because of what he did. He is forcing me to respect whereas he never earned it from me as a daughter. Ang hilig niya mambastos ng babae eh! Wala siyang sense of decency. And now ang lakas pa ng loob na magalit sa akin ng matindi yung may tampo effect na mashadong cold as if naman I would give sympathy to him. Kung siya nga buong buhay ko kinaya niyang walang hiyain ako lalo na sa mga tao. My morality and dignity suffered so much because of him. Ikaw ang ama obligasyon mo talagang magsakripisyo at kumayod para sa mga anak dahil desisyon mo yan. Sana nag Single ka na lang kung ayaw mo rin naman magpamilya. Lahat na lang utang na loob ko, pati yung pagiging failure na tatay mo utang na loob ko pa?

pretty_in_white

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #52 on: October 21, 2012, 03:28:26 am »
:)  Having bursts of anger towards me or my other siblings does not help cultivate our relationship for the better.  I wish we could be better as a family, and I hope our relationship improves because I am quite disappointed with how things are going.  One minute we're good, then the other, you would have those uncontrolled moments again that will lead me to anger, Then you go back to being normal, it's becoming a cycle.

gripfast

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #53 on: October 21, 2012, 06:43:26 am »
Mommy, kailangan mo tiisin sya tiisin pag nagta-tantrums. its for his own good din to.

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #54 on: October 21, 2012, 10:39:53 am »
To my dad:

Daddy ano ba, naiinis at naiiyak na ako. pinagseselosan na nga ni mommy yung b**** nurse na yan. sinugod na, sinigawan na at lahat-lahat ayaw mo pa rin tigilan. tinetext mo pa rin. ano ba? totoo ba talaga na nagkaaffair ka or ano? alam mong mahal kita. ikaw ang side na pipiliin ko anytime, pero if ganito ka ewan ko. nalilito na ako.

so fine, di totoo, pag tinigil pa ang communication mo with this b****, dun magmumukhang may something fishy talaga. pero i dont think that's freaking important now. what matters is your wife is really really very jealous and i think the more important problem to address is that. that you have to lessen that jealousy. DO SOMETHING TO LESSEN AND NEGATE THE JEALOUSY. and i'm so disappointed. Ikaw pa naman ang role model ko sa buhay. I look up to you and i want to be something like you when i grow up. Pero parang di ka man nga lang gumagawa ng effort para malessen to. hinayaan mo lang ng hinayaan, kahit dati pa. i kept telling you that. may kasalanan ka kahit di totoo na may ka-affair ka kasi wala kang ginawang paraan to make mom not jealous. At ngayong sira na ang lahat, wala ka pa ring ginagawa.

Ikaw pa naman ang hero ko, i've always believed you can make anything better. that you'll have the solution to anything. all my life, it's your assurances that give me peace and calm me down. now look at you.  you cant even manage this. YOU CANT EVEN STAND UP AND MAN UP FOR MOM AND FOR US. :'(

If it isn't true, if wala ka man lang gagawin, alam mo ba kapakanan mo pa rin iniisip ko. Wala ng trust between you and mom. there'll always be this distrust and doubt sa mind niya. i dont think things will be as they were. So this will always be your life. si mommy doubting you and questioning you about your whereabouts, who you're talking and texting with in the phone, lagi niyang isisingit sa buhay niyo yung nangyayaring to. I feel really sad and naiiyak ako. So this will be your life till the end? ok na yun sayo? kasi sa akin di yun ok. ayoko ng ganitong buhay para sayo. Ako ang naiiyak tuwing naiisip na ganito na lang buhay mo. you deserve so much better. you actually deserve a much better family dahil alam ko mahirap din kami imanage. i want you to be happy. between mom and you, ikaw ang "mas parent" namin, from waking us up ng 4 in the morning, cooking us breakfast, driving us to school, cooking dinner, closing my windows kasi natatakot na akong iclose pag gabi. ikaw  lahat yun. i dont want "that" kind of life for the number one man and person in my life. i want you to be happy. live a long life. actually mas gugustuhin kong maghiwalay na lang kayo ni mommy instead of your living this kind of hell till the end.

Kala ko naiyak ko na lahat ng pwede kong iiyak with this, pero nakakainis, niiyak pa rin ako. Naiiyak talaga ako daddy. Gusto ko talagang maging masaya ka. Talagang yun lang.

Sinusulat ko palang to daddy naiiyak na ako. Ngayon binasa at inedit ko i cried again. Ayusin mo na to ha. :')
« Last Edit: October 21, 2012, 12:39:17 pm by iwannabeasupermodel »

snowflakes

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #55 on: October 21, 2012, 11:41:59 am »
alam mo na ngang wala ako pera nanghihinge ka pa... i know wala kayo matatakbuhan pero naman san din ako tatakbo? sabi mo gawan ko ng paraan??? ano magnanakaw ako???

donselle

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #56 on: October 23, 2012, 08:35:28 am »
Nay, Tay, mahal ko kayo, pero ako kaya mahal nyo rin? O mahal nyo lang yung achiever side ko? Palibhasa nasanay kayo na either may honors ako or mataas ang grades ko mula noong elementary hanggang college, kaya nitong may bagsak akong subjects sa law school, ganoon na lang kung pagalitan nyo ako. Walang masamang pagsabihan ako, pero sa ngayon hindi yun ang kailangan ko -- ang kailangan ko ay reassurance na makakabawi pa ako sa kabiguan ko ngayon.

Wag nyo rin namang isisi ang madalas kong pagla-laptop at sa pakikipag-boyfriend ko sa failure ko. Unawain nyo rin naman sana na may iba pang factors kung bakit hindi kagandahan ang performance ko sa school. Ang gusto nyo kasing mangyari, magkukulong ako buong araw at idi-disconnect ang sarili sa buong mundo para mag-aral. At kahit sem break at bakasyon gusto nyo nag-aaral ako. Tingin nyo uubra sa 'kin yun? Tingin nyo ba mas tataas ang grades ko kung magpapaka-Rapunzel ako? Oo siguro makakatulong, pero pagkatapos noon wala na ako sa sarili ko. Kung ang Diyos nga, nagpahinga sa ika-pitong araw, ang tao pa kaya?

Sana tigilan nyo na rin ang pagku-compare nyo sa akin sa ibang tao sa school. Sila yun, hindi ako. Iba ang style nila sa pag-aaral, iba yung sa akin. Iba rin ang level ng learning nila, iba rin sa akin. Teacher pa naman kayo, dapat alam nyo kung [textspeak!]-ano ang mga factors na nakaka-apekto sa pag-aaral ng isang tao. At sa law school, hindi importante kung mataas o mababa ang grade mo -- ang pinaka-importante eh yung makapasa ka sa bar.

Another thing, pwede bang tanggapin nyo na lang muna ang katawan ko? Tigilan nyo na ang panlalait sa akin na kesyo mataba ako, mas mukha akong nanay kesa sa inyo, na walang babagay na damit sa akin, etc. Unang-una, wala sa priority ko ngayon ang magpapayat. Stressed na nga ako sa work at sa law school (pati na sa paninibak nyo sa mababa kong grades), iintindihin ko pa ba ang pagpapapayat? Tama na muna yung nagwo-workout ako para hindi naman ako sedentary.

Tay, tayo ang madalas mag-usap. Akala ko pa naman naiintindihan nyo yung pinagdadaanan ko ngayon. Yun pala pareho lang pala kayo ni Nanay na mahal lang ang achiever side ko. Mas malakas pa kayong manglibak sa pagiging mataba ko.

Kung tutuusin, sa sitwasyon ko ngayon, dapat kayong family ko ang primary support system ko. Hindi eh, kayo pa ang nagda-down sa akin. Dapang-dapa na nga ako, tinatapakan nyo pa ako hanggang sa humalik na ako sa lupa. Said na said na ang self-worth at self-esteem ko dahil sa inyo. Kung minsan, nawawalan na ako ng ganang mag-aral pa ng law, kahit ako ang may gustong mag-aral ako nito. Nawawalan na rin ako ng ganang mag-work kahti na kailangan para matustusan ang pag-aaral ko. Sagot ko nga ang studies ko, pero kung makapagsalita kayo, parang kayo ang nagbibigay ng grades ko. At oo, kayo ang magulang at nakatira pa rin ako sa inyo, pero ang hinihingi ko lang naman eh yung freedom na gumawa ng mga desisyon ko sa buhay, pati na ang mga gusto kong gawin sa buhay. Paano ako matututong gumawa ng desisyon ko kung everytime na gagawin ko yun kokontrahin nyo ako o igi-guilt trip nyo ako para kayo ang masunod?

Jihan_Sr

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #57 on: October 23, 2012, 09:27:41 am »
ma, pa, i miss both of you so much.

before gustong gusto ko makawala sa bahay, to live on my own, to make it on my own. my mind was blind before na hindi ko maintindihan ang relevance kung bakit kayo sobrang strikto sa akin at sa mga kapatid ko.

but, now, seeing myself, looking at my siblings, grabe kahit papano napalaki nyo kami ng maayos. mga kapatid ko, bless them, sana maging successful pa silang lalo. papa, pangako, i will be the one whom you want me to be. mama, you are the best mother. i miss you and papa. take care
« Last Edit: October 30, 2012, 07:21:54 am by Jihan_Sr »

quaker13

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #58 on: October 23, 2012, 11:40:40 am »
Dear mother and father,

Thank you sa lahat ng love ninyo! But please help us and help ourselves!
Tumatanda na kayo! Wag masyado gawing dependent si kuya hindi natututo yung tao eh!
May asawa't anak na sainyo pa umaasa? Save up for your future alam ninyo naman na walang hiya rin yun. Baka pag tanda ninyo eh wala kayo pang finance sa sarili ninyo.kawawa naman kayo. Tapos kawawa rin ako baka tumandang dalaga ako dahil dun. Huhu.

Geeglee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #59 on: October 25, 2012, 01:46:29 am »
To mom and dad - What the **** is wrong with you guys. I duno kung san planet kayo galing. The only thing that's making you guys happy is money. You don't care about your kids. You only care if bibigyan namin kayo ng pera. Whatever is happening to you guys right now, baka karma yan. Kasi sobrang matapobre nyo nung may pera kayo. Gusto nyo tingalain kayo ng mga tao dahil may pera kayo. hanggang ngayon sobrang yabang nyo pa din, e nasan ba kayo? anong stado nyo sa buhay ngayon? mahirap pa kayo sa daga. Sana magkaron ng miracle at matuto kayo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close