Nay, Tay, mahal ko kayo, pero ako kaya mahal nyo rin? O mahal nyo lang yung achiever side ko? Palibhasa nasanay kayo na either may honors ako or mataas ang grades ko mula noong elementary hanggang college, kaya nitong may bagsak akong subjects sa law school, ganoon na lang kung pagalitan nyo ako. Walang masamang pagsabihan ako, pero sa ngayon hindi yun ang kailangan ko -- ang kailangan ko ay reassurance na makakabawi pa ako sa kabiguan ko ngayon.
Wag nyo rin namang isisi ang madalas kong pagla-laptop at sa pakikipag-boyfriend ko sa failure ko. Unawain nyo rin naman sana na may iba pang factors kung bakit hindi kagandahan ang performance ko sa school. Ang gusto nyo kasing mangyari, magkukulong ako buong araw at idi-disconnect ang sarili sa buong mundo para mag-aral. At kahit sem break at bakasyon gusto nyo nag-aaral ako. Tingin nyo uubra sa 'kin yun? Tingin nyo ba mas tataas ang grades ko kung magpapaka-Rapunzel ako? Oo siguro makakatulong, pero pagkatapos noon wala na ako sa sarili ko. Kung ang Diyos nga, nagpahinga sa ika-pitong araw, ang tao pa kaya?
Sana tigilan nyo na rin ang pagku-compare nyo sa akin sa ibang tao sa school. Sila yun, hindi ako. Iba ang style nila sa pag-aaral, iba yung sa akin. Iba rin ang level ng learning nila, iba rin sa akin. Teacher pa naman kayo, dapat alam nyo kung [textspeak!]-ano ang mga factors na nakaka-apekto sa pag-aaral ng isang tao. At sa law school, hindi importante kung mataas o mababa ang grade mo -- ang pinaka-importante eh yung makapasa ka sa bar.
Another thing, pwede bang tanggapin nyo na lang muna ang katawan ko? Tigilan nyo na ang panlalait sa akin na kesyo mataba ako, mas mukha akong nanay kesa sa inyo, na walang babagay na damit sa akin, etc. Unang-una, wala sa priority ko ngayon ang magpapayat. Stressed na nga ako sa work at sa law school (pati na sa paninibak nyo sa mababa kong grades), iintindihin ko pa ba ang pagpapapayat? Tama na muna yung nagwo-workout ako para hindi naman ako sedentary.
Tay, tayo ang madalas mag-usap. Akala ko pa naman naiintindihan nyo yung pinagdadaanan ko ngayon. Yun pala pareho lang pala kayo ni Nanay na mahal lang ang achiever side ko. Mas malakas pa kayong manglibak sa pagiging mataba ko.
Kung tutuusin, sa sitwasyon ko ngayon, dapat kayong family ko ang primary support system ko. Hindi eh, kayo pa ang nagda-down sa akin. Dapang-dapa na nga ako, tinatapakan nyo pa ako hanggang sa humalik na ako sa lupa. Said na said na ang self-worth at self-esteem ko dahil sa inyo. Kung minsan, nawawalan na ako ng ganang mag-aral pa ng law, kahit ako ang may gustong mag-aral ako nito. Nawawalan na rin ako ng ganang mag-work kahti na kailangan para matustusan ang pag-aaral ko. Sagot ko nga ang studies ko, pero kung makapagsalita kayo, parang kayo ang nagbibigay ng grades ko. At oo, kayo ang magulang at nakatira pa rin ako sa inyo, pero ang hinihingi ko lang naman eh yung freedom na gumawa ng mga desisyon ko sa buhay, pati na ang mga gusto kong gawin sa buhay. Paano ako matututong gumawa ng desisyon ko kung everytime na gagawin ko yun kokontrahin nyo ako o igi-guilt trip nyo ako para kayo ang masunod?