watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191969 times)

Geeglee

  • Guest
mahirap talaga magpalaki ng parents. =) Tapos sasabihan ka pa na masama ugali mo kasi hindi ka nagbibigay or naiirita ka pag parang fnoforce ka magbigay sa kanila. Bakit kaya sila ganun noh?

Girltalker2

  • Guest
^Mabuti pa parents mo ganyan mentality for sure naman gumapang rin sila sa hirap ng pagtrabaho para pag-aralin rin kayo.

yup, they experienced the japanese war.  they got married late because they also have to provide for their siblings.  sila ang nagsustento sa grandparents ko (father side lang naman) and ALAM NILA GAANO KAHIRAP FOR THEM - THAT's WHY THEY MADE SURE WE WONT EXPERIENCE IT (all caps sana mabasa lahat ng magulang na ine-expect anak nila ang bahala sa kanilang retirement).

in fact, they had to set their priorities straight. pag sa kanila nangyari sakin yun, di ko rin alam anong gagawin ko. una una, they were working students. itinaguyod din nila ang mga kapatid nila (hanggang college lang naman, wala yung pamangkin na kelangan ng tuition etc). 

during their 40s, they had to juggle my dad's parents retirement, their own retirement, and our education.  Kasi they want to put a stop to the tradition na anak ang bahala sa pagtanda ng magulang. 

What do you mean na parang malaki ang bearing ng words ng parents niya?

Parang hirap sya deadmahin. pag sinabi ng mom nya, ang kuripot mo naman, parang super affected sya and she needs to prove otherwise.


tapos sabay sasabihin malas sa buhay blah blah!

sis! naku, parang narinig ko nanga iyan!  grabe noh? it is as if they are wishing their kids to have a bad life.   :(

Kasi kapag ginawa ko yun hindi na ako sincere nun kasi at the back of my mind kaya ko ginawa yun kasi diniktahan na ako eh!

hays, totoo iyan.  bakit mo naman gagawin, eh naasar ka nanga, nabawasan pa budget mo.  at least kung hindi ka nagbigay, maasar ka lang hehe


Girltalker2

  • Guest

one thing napansin ko, pag parents ka kasi matutuwa ka talaga pag nagbibigay sa iyo ang anak mo.  pero sakin ha, parang mas matutuwa ako kapag kasama ko sa pagtanda ang mga anak ko and seeing them independent, living their lives the way they want it.  physical presence nila would be more important for me kesa bigyan nila ako ng money - assuming they fend for themselves ha! ayoko nang may pinapakain pa during my golden years! 

the other thing pa, most Pinoy parents na nakikita ko, mahilig sila ibida sa mga amiga nila ang mga anak nila na binigyan sila nito at nyan.  I think this is one of the reasons kaya minsan pine pressure nila mga anak nila - so that they have somthing to flaunt/boast to their friends. hindi kaya?


summersong

  • Guest
Hindi naman obligasyon ng anak na buhayin ang magulang sa pagtanda, pero hindi ba napakasarap ng pakiramdam na nakakapag-provide ka ng maiging buhay para sa loved ones mo lalo't mahina na sila?

Kung ang mga kaibigan mong nagkakasakit o nagigipit nakukuha mong tulungan, what more kung magulang mo ang nangailangan? Sila pa ba ang pagkakaitan mo?

Meron kasing ibang magulang na sa kagustuhan na maiangat ang buhay ng anak nila, wala talagang natitira sa kanila. Meron kasing pamilya na talagang salat sa buhay, maitawid lang sa pag-aaral sa public school ay hirap talaga. They work two, three jobs at tuluyang napapabayaan ang sariling kalusugan. Alam man nilang kailangang may maiwang pera para sa sarili nila, hindi nila magawa dahil wala na talaga silang maitabing reserba.

Obligasyon nga ng magulang na bigyan ang mga anak nila ng pinakamabuting buhay na kaya nila, pero hindi rin dapat ituring na negosyo o investment ang pagkakaroon ng anak. Dahil katulad ng ibang investment, hindi masasabi kung ano ang kahihinatnan ng buhay ng mga anak nila, o kung willing tumulong ang mga anak sa kanilang pagtanda.

Isang malungkot na kwento -- may kilala akong mag-asawa na salat man sa buhay, napagtapos nila ang kanilang mga anak, matapos ng maraming sakripisyo. Lahat ng mga anak ngayon ay professionals na. Ni isa man hindi o sobrang bihirang kusang mag-abot ng pera sa kanila. Hindi nila inoobliga ang mga anak nila na bigyan sila, at hindi sila humihingi. Ang buhay ng mag-asawang ito ay tuwid at simple. Wala silang luho sa buhay.

Pero ngayon, may prostate ca ang tatay at humina ang puso ng nanay. Pero kahit kulang sa gamot, hindi sila humihingi ng pambili sa mga anak. At dahil sa katandaan at karamdaman, hindi na rin makapagtrabaho. At ang masama, nakuha pa ng bunso nila na sigawan siya na sila ay "tamad, bakit hindi sila lumabas at magtrabaho." Ang sarap lang hambalusin at bawiin ang mga degrees ng mga walang awang anak.

Paminsan ako ang tumutulong humanap ng pondo para makatulong sa kondisyon nila. Minsang nag-confide yung matanda sa akin, ang lungkot lungkot ng boses, "Iha, mabuti ka pa, mas naaalala mo kami kesa sa mga sariling anak ko..."   :(

 

Purple_Power

  • Guest
mahirap talaga magpalaki ng parents. =) Tapos sasabihan ka pa na masama ugali mo kasi hindi ka nagbibigay or naiirita ka pag parang fnoforce ka magbigay sa kanila. Bakit kaya sila ganun noh?

Paano kasi some of the parents lalo na yung from old generations yung may mentality na makakabawi rin sila sa mga anak nila kapag nagtrabaho sila and they are setting expectations. Mind set rin nila na may utang na loob ang anak kasi binuhay sila rito sa mundo, as if naman napakahirap gumawa ng buhay.  ;D

Girltalker2: Actually sa akin may bearing rin sa akin ang mga sinasabi ng magulang. Ang pinagkaiba lang hindi talaga ako sumusunod. Case to case basis pero in terms of asking gifts eh hindi ko na nga sinunod. Sige humingi sila ng tulong sa akin pero huwag silang mangonsensya or else maturn off na naman ako nyan.

Alam mo kanina umatend ako ng seminar that is about money management and they even mentioned about sa retirement na dapat talaga mag-invest. Tapos natawa ako sa mention ng facilitator namin na inexample niya eh! meron ibang tao na mentality is "Maubos na Yaman ko huwag lang Yabang ko"  ;D which is totoo yun, dahil sa mga luho like branded clothes, luxuries, and other more.

summersong Maitanong ko lang kung naging maayos ba ang treatment nung mga magulang sa mga anak? Hindi naman sa naninisi ah! Pero kasi at times dyan nagrereflect kung paano pinalaki mga anak eh.

summersong

  • Guest
^ sis, yung mag-asawang yon, they're two of the most mabait at masipag na people I know, and through the years since childhood I've seen them be good parents to their kids. Yung matandang lalaki ay pastor, so how he lived his life is pretty much exposed to his christian community. Karamihan ng mga tumutulong sa kanilang mag-asawa ngayon ay mga kaibigan or part of the congregation. Minsang gusto nang kausapin ng family friends nila ang mga anak niya, pinipigilan na lang ng ama. Ang mga anak, they're active sa church, sa youth groups. But the persons close to this family know ang totoong asal ng mga anak sa magulang nila. It's really quite heartbreaking.

So there really are exceptions to the pinoy parents na nag-oobliga sa anak. May ibang parents na ginagawang investment ang anak. Meron din namang gusto lang mapabuti ang buhay ng anak na hindi naghahanap ng kapalit. Pero ang buhay kasi parang bagyo, paiba-iba ang ihip. May parents nga na nag-prepare, nagpursigi, o nag-ipon, pero minsan bumabaligtad bigla ang kapalaran at mawawala ang naipundar. At sa maraming pagkakataon, ang mga anak ang manhid at nagtuturuan.

summersong

  • Guest
Mukhang sa ibang circumstances dito, miscommunication ang nangyayari. Ang mga magulang kasi minsan naglalambing lang. Hindi naman lahat inoobliga ka na bigyan mo sila ng auto o dalhin sila sa bonggang shopping spree. Madalas maipakita mo lang na naalala mo sila masaya na sila.

Like the 10-peso christmas card, I don't think the mom meant that she literally wanted a christmas card. She just wanted a little show of caring coming from the kid she nurtured for so many years. Nga lang, some parents can't stop from being nags. :P

Di ba may mga kids na nagta-tantrum pag di sila dinalhan ng mommy/daddy ng pasalubong? And they say words like they hate mom/dad and that they don't love him. Pero actually matandaan mo lang na uwian siya ng simpleng lollipop masaya na siya.

Ngayon kasi reversed na ang roles. Ang magulang na ang parang anak. At kahit malakas pa sila at nakakapagtatrabaho pa, a little show of respect or appreciation for them goes a long way. Madali rin silang magtampo.

May magulang talaga na mali ang pananaw sa buhay at makapal ang mukha. But you as their kid, you're not perfect either. And they stuck it out with you until you finished school, with all your pagrerebelde, kaprichos, endless requests for the latest toys and gadgets, etc. Kung may sabihin man silang nakaka-offend sa 'yo, don't go immediately ballistic. Back then, they had been patient enough to tolerate things that you've said na offensive sa kanila. When a friend helps you out, it's just right to say thank you or try to return the favor. Your parents, even without them saying it, deserve the same thing and more.

Girltalker2

  • Guest

Meron kasing ibang magulang na sa kagustuhan na maiangat ang buhay ng anak nila, wala talagang natitira sa kanila. Meron kasing pamilya na talagang salat sa buhay, maitawid lang sa pag-aaral sa public school ay hirap talaga. They work two, three jobs at tuluyang napapabayaan ang sariling kalusugan. Alam man nilang kailangang may maiwang pera para sa sarili nila, hindi nila magawa dahil wala na talaga silang maitabing reserba.


So, what is the moral of the story? 

Shouldn't we first prioritize our retirement over our kids' education?  Kahit anong education kasi, may public school naman.  Puede din tumulong ang HS/college students sa pag earn for his/her tuition. 
Para kahit anong mangyari sa kahihinatnan ng mga bata, we as parents can be financially independent once we retire. 

Tapos by allowing your kids (of course during their teenyrs na ito) to help in earning money, it also teaches them character and how to earn money early in life at hindi lang ito hinuhugot saan saan.  In the long run, magpapasalamat sila sa iyo kasi ma realize nila ang ginawa mong sakripisyo is not only for yourself, but especially for them to lead their lives the way they want it.










angelnurse

  • Guest
hello gfs! according sa isang huwarang magulang na naka-usap ko tungkol dyan, hindi daw obligasyon ng anak na buhayin ang kanyang magulang. obligasyon daw nila yung mga magulang na buhayin ang anak kaya hindi daw dapat manghingi ng kapalit ang mga magulang pag dating ng araw. pero ako personally, kung may pang-buhay naman ang anak sa kanyang magulang, bakit hindi. pero kung may sarili ng pamilya ang isang anak, sa palagay ko nararapat lang na ang sarili ng pamilya ang maging prayoridad ng isang anak... kaya maiging mag-ipon din ang mga magulang para sa kanilang retirement years para hindi sila maging kawawa pag hindi sila kayang buhayin ng anak nila pag nagkaron na ng sariling pamilya.


summersong

  • Guest
^ Ideally, kung kayang pagbalansehin na mag-prepare sa retirement, support the kids, and teach them early on to value independence and money smarts, then that will be really awesome. :) Ang importante nasa tama ang goals, priorities, at tibay ng loob ng magulang. It's just that not all Filipino households can maintain that balance kahit gustuhin, pero kung kaya, then great.

Regarding money smarts, this is where I admire the chinese, because they teach their children early on about finances and business. And the western culture as well, for imbibing the value of independence especially when the kids reach 18. This way, the parents aren't burdened so much and can live their lives the way they want to, and at a relatively young age, after their kids leave the home. They also have more time to build their nest egg prior to retirement.

Many first world countries also provide better health care and benefits to seniors, so that essentially makes them less dependent on relatives during their twilight years. That is not the case sa bansa natin. Filipinos have to work harder to pay for expensive private health care premiums, because our government are too incapacitated to provide adequate care for its people. So we have to work triple time para pagtanda natin, hindi tayo nakanganga at umaasa sa iba, lalo kung lampa ang gobyerno at walang malasakit ang mga tao sa paligid.
« Last Edit: October 28, 2012, 03:30:09 am by summersong »

Purple_Power

  • Guest
I agree the thought also counts but then it shouldn't be dictated to the kids that they must be like that kasi kusang gagawin naman ng anak yun. What if naisipan na ng anak na magbigay tapos biglang napangunahan na ng magulang? Iba iba ang stand ng mga tao dyan sometimes it can be bearing or not. In my case natuturn off na agad ako sa ganun.

It is true when we were a kid nagtatantrum tayo when we were not given the things that we want. But then there are other ways that can prevent the kid para hindi masanay na every tantrum niya may mabibigay agad. Doon papasok yung responsibility or duty ng parents to discipline the child para maiwasan rin maging spoiled. Dahil ang bata natural talaga na magtatantrum yan kapag wala kang naibigay kasi hindi pa niya naintindihan ang moral values. Yun ang isa sa mga gagawin ng magulang on how to teach them the moral values dahil bago lang ang mga bata sa mundo. Yan rin ang dadalhin nila paglaki. The problem with others it is either magbibigay nga pero the parents are already setting expectation, meron naman bigay luho talaga thinking it can be the way to solve the problem, meron naman kasi for the sake na tumahimik lang yung bata, at meron naman dinadaan sa pagsisinungaling. Iba iba ulit ang stand ng magulang on how to deal with their kids who are having tantrums.

All people naman nakakaranas at nakakaramdam ng pagtatampo kahit ang sigang tao na matigas ang puso meron ring tampo factor yan. But then if naisipan nilang magtampo o naramdaman yun sana lang they have to think otherwise rin kung bakit nga ba ganun. Iba iba rin kasi ng klase ang tampo. May tampo na nakakaawa talaga na mabibigyan mo na ng simpatya but at the same time may tampo rin na nakakairita.

Honestly pagiging mabait is not really enough hindi porket bigay ng bigay ng gusto at kailangan niya ay magiging sapat sa pagiging magulang o hindi enough yun para maging mabuti at maayos mapapalaki ang anak. Maraming responsibilities ang pagiging magulang, hindi lang sa pagbibigay kundi sa pagdidisiplina, mabuting impluwensiya in terms of moral values and give them also respect. Kasi meron nga bigay ng bigay sa anak pero hindi naman rin niya nirerespeto so what's the use?

Now in regards with the kids na bakit iba ang ugali nila samantalang napakabait ng magulang nila, have you ever talk to them regarding their problems with their parents? Baka lang talaga kasi meron pang hindi nalalaman of what is inside the house.

Just like my dad, ibang iba ang ugali niya sa labas kaya nga sinasabi ng mga tao napakabait niya even my cousin kinakalaban na kami sinasabi my mom has the problem kung bakit ganyan ang tatay ko. What they don't know is I've experienced especially during teenage life on how my dignity and morality as a person suffered because of how he treated me. The same way of what my mom is experiencing now. Hindi alam yun ng mga tao worst case when hearing our problems people don't bother to believe how worst he is.

gil12

  • Guest
nakakatawa nga dito sa Pinas, ang mas mahirap mas madaming anak papano ineexpect nilang mga anak nila bubuhay sa kanila pag tanda nila. hindi ba nila naisip na kailangan muna nila buhayin mga anak nila bago sila buhayin sa pag tanda nila?? yun ay kung makatapos man anak nila or hindi talagang expected nila na anak nila bubuhay sa kanila.. kainis talaga Pinoy mentality minsan! Ang sakin naman, kung naging madamot magulang ko sakin bat ako magiging mapagbigay sa kanila kapag tanda nila? kung ano lang pinaramdam nila sakin nun bata ako ganun yun treatment na babagay din sa kanila pag tanda nila. Saka isa pa, di naman nila ako napagtapos sa school, para silang wala tiwala sakin na makakatulong ako if ever naka-graduate akong college. Isang taon na lang yun gagraduate na ko. Selfish silang magulang kaya magiging selfish din akong anak. Ganun lang ka-simple. Saka isa pa, wag nila isusumbat na kung di dahil sa kanila wala ako sa mundo, duhhhh... kung may choice lang ako na mapunta sa ibang magulang dbaaa....

Purple_Power

  • Guest
^I totally agree with you mula umpisa hanggang dulo ng post mo.  ;D Yun nga yung exact point run there are Filipinos talaga kadalsan mahihirap pa sinasadyang magpadami ng anak para pagtanda nga may kapalit. Huh really?  :o Paano makakapagtrabaho yan kung hindi mo pinag-aral? Pwera na lang kung naging madiskarte silang lahat. Paano rin nakakasigurado na tutulong lahat ng mga anak? Chances are most of them nagiging basag ulo and worst case criminal pa. Unless na lang if magaling silang mag-impluwensiya sa mga anak ng moral values and respect, or especially how to value their dignity.

And same here ayoko yung sasabihin sayo ng magulang na kung hindi dahil sa kanila wala ako rito sa mundo as if naman pinaghirapan nila nang husto kung paano ka mag-eexist sa mundo.  ;D Naisip ko na rin yan eh! Mas maigi pa nga hindi na lang ako nag-exist sa mundo wala pa silang kahirap hirap, o di kaya napunta na lang sana ako sa ibang magulang kung ayaw nila, o di kaya rin eh di sana binigay na lang ako sa bahay ampunan para hindi na sila mamroblema sa gastusin.

summersong

  • Guest
Iba-iba nga ang sitwasyon ng bawat pamilya at hindi natin maaaring husgahan ang mga aksyon ng bawat myembro ng pamilyang hindi naman tayo kabilang.

Totoong may iresponsableng magulang, may iresponsableng anak, may masama, materialistic, mabait, halo halo na yan dulot ng maraming factors sa pamumuhay ng isang tao. Ang puntong gusto ko lang makarating, based sa tanong ni TS, ay hindi obligado ang anak na buhayin ang magulang, at hindi dapat ipinipilit ng magulang na buhayin sila ng kanilang anak. Raising children should be a process of paying it forward. Ideally, the parents will, during the course of their lifetime, have the capacity and the foresight to amply support their children as they grow up, as well as themselves during their twilight years. It's the latter that's skewed sa Philippine culture.

The kids are not obliged to support their parents after finishing college. Hindi ka naman makukulong kung kalimutan mo sila ng tuluyan. Ang punto ko lang din dito, kung base sa naging buhay ninyong pamilya, hindi naman sila nagkulang sa iyo, binuhay ka nila sa paraan na tingin nila ay sa pinakamabuting paraan, bilang anak at bilang isang tao, tumulong ka rin kung nakikita mong nahihirapan na ang iyong magulang lalo't may karamdaman. Pera lang naman ang mawawala. Mababawi rin yan.

Kung naging malaki ang pagkukulang nila sa iyo, tulungan mo pa rin kahit sa anong paraan, hindi man dahil sa gusto mo silang tulungan, pero dahil ito ang gusto ng Diyos. Mahirap na suklian ang mali ng isa pang kamalian. It will be a vicious cycle. At ang galit na kinikimkim mo sa walang kuwenta mong magulang ay magdudulot din ng kabigatan sa kalooban mo habangbuhay habang bitbit mo ito. And this anger, if you're not careful, will also affect the way you treat your future children as well as their growth.

Pero totoo nga na kung sino ang mahirap, sila ang maraming anak. Nakakagigil nga kapag sinasabi nila na ang mga anak nila ang bubuhay sa kanila sa pagtanda. Ito ang isa sa sakit ng lipunan natin, na sana nga ay mawala at mabago. Ang sarap lang na i-mandatory hysterectomy at vasectomy ang kahit sinong lintang walang trabaho at hindi nagbabayad ng taxes, nang hindi na dumami ang lahi nila.  Ang mapagsamantala, taklesa, materialistic, at baluktot ay mananatiling ganoon sa buhay nila kung hindi nila gustong magbago. Kung ganito ang iyong magulang, just try to balance your life and finances the best way you can, and move on.

molybdenumstudios

  • Guest
OT: Reminds me of Sarah Geronimo.

snix

  • Guest
hindi ko alam kung maiinis o maaawa sa kuya ko na siyang halos bumubuhay samin ngayon.. maliit kasi sweldo ko and konti lang ang naiaabot ko sa magulang ko..

nagsalita ng masakit kuya ko na pagod na pagod na siya at wala siyang naiipon ayun sumama tuloy loob ng nanay ko..iyak ng iyak.. wala naman ako maitulong..

obligasyon ba talaga? para sakin oo kasi ginapang nila pagaaral ko, pinilit nila kong makatapos..wala naman ako magawa dahil ang liit mg sweldo ko..lungkot na lungkot tuloy ako ngayon.

Purple_Power

  • Guest
^Ang tanong ko naman dyan kasi bakit nga ba parang Kuya mo ang breadwinner niyo? What happen to your parents? Saka bakit hindi na sila nagwowork?

Single ba Kuya mo or may pamilya na?

I think lang kasi uminit ang ulo niya tapos sabayan mo pa yung fact na bata pa siya, may mentality rin yan na he wants to enjoy life habang bata pa saka makaipon muna. Baka ang nangyari kasi agad he is obliged agad to help your family.

Girltalker2

  • Guest
@Summsersong - "Ang importante nasa tama ang goals, priorities, at tibay ng loob ng magulang. It's just that not all Filipino households can maintain that balance kahit gustuhin, pero kung kaya, then great."

Ang question is why most (I think this is more accurate kesa sa 'some') households cannot maintain the balance? But pagdating ng pasko, nagsisikipan ang mga pabilihan, lahat bago ang damit at sapatos, tuwing xmas may party, tuwing birthday, may salo salo? Perhaps Filipinos in general prioritize these things first over the long term - like kids' education and saving for their retirement.

One time yung maid namin, nangungutang kasi birthday daw niya at manlilibre daw sya ng ice cream.  Bakeeeet? Kung wala kang panlibre, bakit ka mangungutang? 
« Last Edit: October 30, 2012, 09:59:02 am by Girltalker2 »

Girltalker2

  • Guest
@snix - "hindi ko alam kung maiinis o maaawa sa kuya ko na siyang halos bumubuhay samin ngayon.. maliit kasi sweldo ko and konti lang ang naiaabot ko sa magulang ko.."

Sis, ilan ba kayo na kelangan buhayin ng kuya mo? Kung may sweldo ka na, kahit gano kaliit pa man din iyan, u have to be self sufficient nang di maging pabigat, that's the least you could do.

Sa pov naman ng kuya mo, ang bata pa nya para bumuhay ng pamilya. What if gusto narin nya mag asawa? Paano? Gusto nya makipagdate man lang, paano mangyayari yun kung lahat ng kita nya binibigay sa inyo.

Alam mo, naalala ko, kinwento sakin ng mom ko, na pinagdaanan din ng dad ko buhayin ang 6 nyang kapatid at parents when he started working. May 2 elder sisses din pala sya (bale 8 siblings) na hindi nakapag-aral.he felt privileged na nakakuha sya ng scholarship kaya sya nakappag aral. When he graduated, all his earnings went to my lola to budget the money around. Ending the story, my dad married late. And you know what's the outstanding thing my grandma did? She did not spend ALL of the money given to her by my dad. All those yrs, my dad never questioned his mom bakit ito lang, bakit kulang, etc. Basta kung ano na hain para sa magkakapatid. Yun lang. Nung ikakasal na dad ko, problema sila kasi syempre san sila kukuha ng pangkasal. Then it was my grandma who came into the picture. Di man nakapag-aral, di nakapagtrabaho, she only knows household work, and yet may utak sya para ibudget lahat at alam nya darating ang time kakailanganin ng dad ko kahit konting money to get married.

Sorry ang haba ng nang post ko. Swerte lang siguro yung mga anak na may mga magulang na namulat sa pagmanage ng finances ng maayos. Kahit mahirap man, di yun reason na wala ka ma-save.
In the case of your kuya, work sya ng work, hirap na hirap sya kasi di man lang sya makagalaw, and yet di nya nakikita na umaayos kayo or umaasenso. That is very frustrating. Ano ang na contribute ng mom mo habang nagw work ang kuya mo? Puede di monetary, puedeng in terms of maintaining the house, etc. 

So sis, in your case, you won't mind taking the responsibility of a breadwinner kung hindi maliit sweldo mo. Pero what is maliit? How do u know your kuya's pay is not small?

If you think it is the obligation og the children to fend for their parent's retirement all because 'ginapang sila sa pag aaral' then ano naman ang reward ng mga anak kung ginapang din nila sa retirement ang mga magulang nila? Isn't it unfair? So ang lagay, igagapang ulit ng mga anak sa education ang susunod na generation at sisingilin ito? And the cycle goes on until someone suddenly can have a change of fate - at biglang madiscover sa pag-aartista and he/she can probably raise the whole clan?
« Last Edit: October 30, 2012, 07:18:37 am by Girltalker2 »

Purple_Power

  • Guest
^I totally agree with your post. We have to understand ang pinapasa natin sa next generation o magiging anak ay usually yung matitirang finances natin aside from that yung legacy kung paano natin sila pinalaki ng maayos. Some people are worrying much kung paano na sila pagtanda. Ni minsan ba nagreflect sila or nag-isip rin ng family planning lalo na kung ilan ang kaya nilang mag-anak? Honestly parang nakaugalian talaga ng karamihan ang singilan system.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close