Iba-iba nga ang sitwasyon ng bawat pamilya at hindi natin maaaring husgahan ang mga aksyon ng bawat myembro ng pamilyang hindi naman tayo kabilang.
Totoong may iresponsableng magulang, may iresponsableng anak, may masama, materialistic, mabait, halo halo na yan dulot ng maraming factors sa pamumuhay ng isang tao. Ang puntong gusto ko lang makarating, based sa tanong ni TS, ay hindi obligado ang anak na buhayin ang magulang, at hindi dapat ipinipilit ng magulang na buhayin sila ng kanilang anak. Raising children should be a process of paying it forward. Ideally, the parents will, during the course of their lifetime, have the capacity and the foresight to amply support their children as they grow up, as well as themselves during their twilight years. It's the latter that's skewed sa Philippine culture.
The kids are not obliged to support their parents after finishing college. Hindi ka naman makukulong kung kalimutan mo sila ng tuluyan. Ang punto ko lang din dito, kung base sa naging buhay ninyong pamilya, hindi naman sila nagkulang sa iyo, binuhay ka nila sa paraan na tingin nila ay sa pinakamabuting paraan, bilang anak at bilang isang tao, tumulong ka rin kung nakikita mong nahihirapan na ang iyong magulang lalo't may karamdaman. Pera lang naman ang mawawala. Mababawi rin yan.
Kung naging malaki ang pagkukulang nila sa iyo, tulungan mo pa rin kahit sa anong paraan, hindi man dahil sa gusto mo silang tulungan, pero dahil ito ang gusto ng Diyos. Mahirap na suklian ang mali ng isa pang kamalian. It will be a vicious cycle. At ang galit na kinikimkim mo sa walang kuwenta mong magulang ay magdudulot din ng kabigatan sa kalooban mo habangbuhay habang bitbit mo ito. And this anger, if you're not careful, will also affect the way you treat your future children as well as their growth.
Pero totoo nga na kung sino ang mahirap, sila ang maraming anak. Nakakagigil nga kapag sinasabi nila na ang mga anak nila ang bubuhay sa kanila sa pagtanda. Ito ang isa sa sakit ng lipunan natin, na sana nga ay mawala at mabago. Ang sarap lang na i-mandatory hysterectomy at vasectomy ang kahit sinong lintang walang trabaho at hindi nagbabayad ng taxes, nang hindi na dumami ang lahi nila. Ang mapagsamantala, taklesa, materialistic, at baluktot ay mananatiling ganoon sa buhay nila kung hindi nila gustong magbago. Kung ganito ang iyong magulang, just try to balance your life and finances the best way you can, and move on.