watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191978 times)

Myealexis21

  • Guest
^I was in a somewhat same situation with you when I was about your age.  My then BF was working sa Pinas, ako walang work.  Nung nameet ni mama bf ko it was ok at first, then may isang incident na from then on inayawan nia na si bf.  They also treat me like I'm a child (well, I'm dependent on them so yeah they could think of me that way haha), and since only girl ako extra protective sila..add mo pa na eldest so mataas expectation nila from me. I even wanted magtanan na lang that time kase di ko makayang mahiwalay sa bf ko, and he was earning quite well na.

Let me tell you the things I did wrong:
-I did not try to understand them and see where they are coming from
-Nagrebelde ako ng kaunti (I don't talk to them)
-My ex bf did not do his part of convincing them that we are meant for each other, when he finally got the guts to talk to my mom, naging very defensive naman sya so lalong nagalit si mother.

What I should have done:
-talked to my parents and listen to what their reasons are, the more na nagrebelde ako, the more that my mom thought that my ex bf is not a good influence sa kin
-my ex bf should have talked to them too, at dapat di sya nagrarason. dapat take lang sya ng take kung ano sabihin sa kanya (well for the first 2-3 talks dapat tahimik lang or dapat super galang) para naman makita na worthy sya maging BF ko. At nag-exert din dapat sya ng effort na intindihin parents ko. Inassure nya din sana na di pa kami papakasal, etc.

So if I were to turn back time, kakausapin ko talaga ng masinsinan magulang ko.  And also hindi ko rin ibabad-mouth sya sa ex bf ko, ako sana ang way na maintindihan din ng ex bf ko yung damdamin ng parents ko. (But even if given a chance, I wouldn't want to turn back time kase I am happy with my hubby right now, and my parents love him and felt he at ease with him the moment they met him)

And dear Lastly (this is the only right thing I did) - find a job, be independent.  One of the reason your parents are treating you like a child is because you haven't proven to them yet na you can take care of yourself.  Lalo na yung reason pala ng pagresign mo is bf mo.

Your parents just want the best for you...and believe me in time you would understand...coz I've been there.  My parents did not stopped me into get into that relationship because they want me to pay back whatever na ginastos nila sa akin, they just wanted that I have a good life.

« Last Edit: October 24, 2012, 09:10:17 pm by Myealexis21 »

Priceless

  • Guest
Hi mga sis, bago lang ako sa thread na to. Gusto ko lang share experience ko. Dalawa lang kami na anak ng mom and dad ko. Yung kapatid ko nagaaral pa. Ako naman nakagraduate na and nakapagtrabaho nadin. Pero nagresign na ako sa work ko. Meron kami family business and kahit hindi ako magwork, ok lang naman sa parents ko. Recently lang nalaman ng parents ko na hindi ako nakipag break sa bf ko. Ayaw na ayaw nila kay bf. kaya ngayon pinipilit nila ako magwork at makipaghiwalay kay bf. gusto nila magfocus ako sa magiging work ko at sa family ko. Hirap na hirap na ako dahil mahal ko bf ko. Minsan naiisip ko na sumunod na sakanya sa australia. 23 years old na ako at napapagalitan pa ako ng parents ko. Nakikita ko nga ang sarili ko kay sarah geronimo na sobrang strict ng parents. Kung pwede nga daw ilagay na ako sa bulsa ng dad ko para hindi na daw ako makawala sakanila. Nahihirapan na ako. (Naiiyak tuloy ako) hindi ko alam ano gagawin ko, dahil eto pinagaawayan namin ng bf ko. Sa edad ko daw na to pero sa parents ko sunod sunuran padin ako. Help mga sis. I need advice. Ayoko maghiwalay kami ng bf ko dahil dito. Sobrang mahal ko siya. Pakiramdam ko nagiging selfish parents ko sa ginagawa nila sakin.. Hayyyy.  :'(

Parang istorya ng past life ko ito!

Sis, hindi sa kinakampihan ko ang parents mo pero meron silang dahilan, whether based on facts, rumors, observations, haka-haka, o kaya ayaw lang talaga nila sa pagmumukha (ugali, etc etc etc) ng bf.

Let me just summarize my story to you. I had a bf that my parents were so against to. As in, kahit very close "family friends" kuno ang mga pamilya namin, behind closed doors, ayaw nila kay bf. I didn't understand dahil sa mga mata ko, perfect si BF, matalino, may magandang trabaho, responsable, mabait, love na love ako, etc. Whenever I spoke to my parents about it, ang parati nilang sinasabi, either directly or mga pahapyaw na comments were, I could do better and I deserve someone better than him. Which I then just dismissed as over-protectiveness, sobrang taas ng tingin sa akin (compared dun sa guy), etc etc.

So ang usapan namin ni bf, was that to keep things the way they were and wag magulo, secret ang relationship namin. That was for more than 10 years. Ganun ko feeling na mahal na mahal ko yung guy and talagang I couldn't let go. In the meantime, we agreed to keep on working, showing our parents na maayos ang trabaho namin, we will excel in our careers, etc. etc. I even went abroad to pursue my career. BF established his business na up to now ang annual turnover is in millions. So in short, that side of the equation, naging okay ang buhay namin. Did it make a difference to my parents? NOOO... Lalo lang nilang nakita na I can be independent, I can make it big on my own and I can succeed without and away from this guy. Which was true and something I realized as well. Na I can stand up on my own without my parents and without this guy.

In the end, what made us break up was not because of my parents, it was because I realized (after I've explored the world out there, away from my parents, away from him, and other things that would influence my decisions) that I am my own person and that I was different from what I was when I left the Philippines. The person that I rediscovered in me made me realize ang differences namin ni BF (which led to the breakup) and at the same time, there were things that I was able to stand up to sa parents ko dahil I was stronger and more independent and I can make my own decisions na hindi nila influenced. When I finally got into a relationship with my now-husband, I told them about the relationship in as-a-matter-of-fact tone, not seeking their approval or anything. And I was confident that I could stand up for my choice of partner na que gusto nila or di nila gusto... And over time, my hubby gained their respect and love.

My advice is, don't jump on a plane to Australia to be with your BF. Give it time, give your parents the benefit of the doubt and try to be independent and show them that you can be trusted in making a decision. Hopefully in time isa sa inyo (ikaw or ang parents mo) ang matatauhan at makakatanggap ng reality.

Sorry napahaba.

FieryAngel027

  • Guest
Mothers know best. :)

Ganyan din ako dati, ayaw nila sa bf ko, my husband right now. Hindi ako nakinig, ayun, my marriage is somewhat ok naman ngayon, pero kung yung pinagdaanan ko, minsan nagsisisi ako at di ko pinakinggan mama ko. :)

Anyway, andito na ko sa situation na ito. So be strong na lang for me, para sa anak namin. Pero kung naiiisp ko na kun nakinig ako sa mama ko nun, ang laki ng difference sa buhay ko ngayon for sure. :)

Dacian

  • Guest
for me hindi obligasyon ng anak na buhayin ang magulang pero obligasyon ng magulang na buhayin ang kanilang mga anak.

pero i will still be there for my parents for financial support if they need it especially if health problems.  pera lang yan.  buhay ng parents ko ang importante.

mishca

  • Guest
^^salamat sa advice sis priceless. sobrang mahal ko bf ko sis. hindi ko kaya maghiwalay kami.  :'( actually kanina gusto na namin maggive up sa relationship namin dahil pareho kami nahihirapan dahil sa parents ko. 3 yrs na kami and ganto padin situasyon. ang hirap mga sis. gusto ko na makasama bf ko. naglive in na kami ng bf ko pero hindi literal na live in. kasi everytime uuwi siya ng pinas, nagsasama kami. na hindi alam ng parents ko. pakiramdam ko ang sama sama ko pero nagagawa ko yun dahil sobrang mahal ko ang bf ko.

Myealexis21

  • Guest
^Tama sinabi ni Sis Priceless na
Hopefully in time isa sa inyo (ikaw or ang parents mo) ang matatauhan at makakatanggap ng reality.

Sabi nung brother ko, one time daw nabanggit ng nanay ko na if nakita nila na worthy naman yung ex-bf ko na yun kahit na ayaw nila, tatanggapin nila.  Kaso ako ang natauhan, nakita ko yung exactly the same things my mom was telling me kaso nung time na sinasabi nya sa akin yun I was blinded by love (and a bit of hate for my parents)

May nabanggit ba sa yo sis ang parents mo na dapat tulungan mo sila sa business niyo? inoobliga ka ba nila?

Sis sa palagay ko nakakaamoy na parents mo sa "live in" set up niyo ng bf mo everytime nasa pinas sya.  Malakas pakiramdam ng magulang, lalo na ang mother.  Kaya siguro ganyan na lang ang reaksyon nila sa yo at sa bf mo.
« Last Edit: October 24, 2012, 09:11:39 pm by Myealexis21 »

mishca

  • Guest
^sabi lang sakin sana man lang daw ako na nagbabayad ng kuryente, tubig, pldt bills namin. oo nga sis baka nararamdaman nila yung "live in" namin e. medyo sumbongera kasi kapatid ko. yung first 3 months namin ni bf very supportive kapatid ko. tapos nung nalaman ng parents ko about kay bf, bigla nagbago kapatid ko. spoild kasi yun sa parents ko kaya parang kumampi siya sa parents ko and naging sumbonera.  :(

Girltalker2

  • Guest

Dapat din kasi ang parents pinaglalaanan nila ang pagtanda nila. Para hindi kailangan "umasa" sa anak


sis, importante ito. I think ito ang na-miss ng mga parents na nang-oobliga sa mga anak nila.  ang katwiran nila, binenta na nila lahat lahat at sinanla pati bahay para mapaaral ka.  bakit hindi mo sila dapat suklian.  this strategy is just so wrong. kahit pa kulang ang pera mo, hindi mo dapat ilimas ang life savings mo at assets para lang mapaaral ang anak.

oo, obligasyon mo paaralin ang anak mo. pero kung kapos talaga?  may public school naman. o di kaya may concept naman na "working student", na lahat kayo kakayod. pero hindi puede pati bahay at lupa isusugal mo, para mapaaral ang anak, then later, singilin sya ng katakot takot na lifetime pension dahil sa kadakilaan na ginawa ng magulang.  katangahan iyon para sakin, hindi kadakilaan. 

ang dami kayang cases - what if, biglang nag-asawa ng maaga yung anak?  what if, (knock on wood), na-accident? or worse, namatay?  what if hindi nakapagtapos for some reason?  paano na?  what if lumayas at nagtanan? 

para sakin, ang mga magulang na nangoobliga ng anak para sustentuhan sila sa pagtanda nila eh selfish.  kasi ang gawain nila, nagsugal lang sila. parang tinaya nila whatever they have, but they want a guaranteed lifetime pension from their kids.  take note - it is suppose to be a gamble, puede sila manalo o matalo, pero gusto nila, GUARANTEED. Otherwise, marami ka nang maririnig.




Geeglee

  • Guest
IMO.. hindi DAPAT maging obligation ng mga anak ang buhayin ang magulang nila. Okay lang tumulong if magkaproblema [textspeak!] parents and kaya tumulong ng anak. Yung parents dapat isipin nila na [textspeak!] anak nila nagpprepare para sa future nila and ng magiging pamilya nila.

Pero in my case, hindi to yung nangyari. I started working @ 20 years old. Hanggang this year (im now 27), nagpaka bread winner ako. Hindi ako consistent sa 7 years na yun pero most of my income, sa kanila napunta and sa expenses ko like rent, food, etc.

Last year, I received a phone call from my dad. Yung voice nya parang naiiyak...1st time ko narinig sya na ganun. He asked for my help kasi hindi daw nya kaya isupport yung mga pamangkin ko. Ako naman go.. 6k a month sige. I was single then and sobra din [textspeak!] income ko para saken lang. after mga lagpas 1 year, i found out na, yung binibigay ko na money for my nieces and nephews, hindi pala nakakarating sa kanila. Binulsa ng daddy ko lahat! Sobrang disappointed ako nun kasi daddy's girl ako and yung trust ko sa kanya sobrang laki. After nun, I stopped supporting everyone in my family. Kahit anong drama [textspeak!] gamitin nila, kahit naguguilty ako and kahit mahirap.. hindi na [textspeak!] ko nag bibigay.

1 example lang yan. pero sobrang daming naging reason why i stopped supporting them.

Purple_Power

  • Guest
^I can't blame you for that. Sobra naman ang dad mo. Good thing hindi ka nagpapadala sa paawa effect ni kahit umiyak. No offense pero sana nag-artista na lang ang Dad mo at least malaki kikitain niya run nang hindi naman siya umasa sayo.

Mommy•Shey

  • Guest
@ Sis Geeglee, grabe naman.. As in supported mo pa kahit mga pamangkin mo?  :( . Anong work ng parents ng mga pamangkin mo? It's ok lang na magbigay ka, pero yung parang ikaw na ang tumatayong provider nila, hindi na tama yun. Buti naman hininto mo na pag support sa kanila, kasi pag tuloy-tuloy pa din, for sure hindi sila matututo, talagang aasa lang sila sayo.

I'm also lucky na hindi ako oblige na mag bigay ng money sa parents ko. Until now, my dad is still working overseas and to think na he's already 50 years old. He's a Senior Electrical Engineer sa Yemen. Maganda ang benefits, 30 days siya sa Yemen, after nun 30 days ulet siyang bakasyon sa Pinas, then balik ulet ng Yemen for 30 days. Minsan nalalaman nalang namin nakauwi na, then mag iiwan ng money for his two grandchildren :) So since  na hindi na naman need ng dad ko ang money, ginagawa nalang namin ng sisters ko, i-treat siya sa labas, kain sa restaurant, mga ganung bagay. Hindi din kasi siya nag tatagal sa Manila, pagdating niya, after 3 hrs uwi din siyang Province, dun kasi house nila ng stepmom ko, asikasuhin naman niya mga lupain niya dun.

theshopaholicprincess

  • Guest
^ nakakatuwa talaga magkaroon ng ganyang parents. At least your dad knows na at his age eh capable pa sya mag work and sometimes gives money to his grandchildren.

Meron kasi ibang parents pag may work na ang anak inaasa nalang lahat. Nung mga bata hindi nag ipon for insurance para matustusan yung needs nila. Minsan may early retirement pay din pero napunta lang sa wala.

Priceless

  • Guest
Sis Mishca,

Hindi naman siguro  kayo in a gipit situation na inuubliga ka talaga ng parents mo to contribute to household expenses. Pero if you think about it, at your age and nakatapos ka na ng pag-aaral at nag-work ka na rin, do you contribute man lang sa bahay nyo? Perhaps it's their way of telling you to start acting more responsibly. For example sa ibang bansa, by the time the kid's 18, they're expected to be independent/out of the parents' house, etc. Sa akin when I started working (before I finished university), I made it a point to use my salary to fund part of my tuition fee, my school/thesis expenses at kung ano man ang mga gastusin ko. Nung natapos na ako sa school, I paid for the electricity and nagbibigay pa ako ng pang grocery; not because kailangan ng parents ko ng money pambayad sa Meralco o pambili ng food, pero nakakahiya naman di magcontribute somehow sa dahil libre na nga ang tirahan ko, maid, and all the comforts of home. I know most parents will say na they will look after their children hanggang tumanda, pero naman, there has to be a point when you have to be a responsible adult looking after yourself (including paying for your own expenses - that includes rent sa bahay, utilities, etc). Hindi porket kaya akong kupkupin ng mga magulang ko at kaya nila akong bigyan ng maid, kotse, pagkain, at lahat ng gusto ko sa bahay, aabuso ako at magpapaka-sasa nalang sa comfortable life na yun.

Now, regarding your super loved boyfriend - believe me, I have been in your situation na feeling ko hindi ako makahinga kahit isipin lang na maghihiwalay kami. As in ganun ka OA ang drama ko noon. Ilang beses na din kaming nagusap and came to the brink of breaking up (major cry cry sessions ha) and wanting to give up. And let me tell you, until you decide to act boldly, in a few years time, ganyan pa rin ang situation nyo. Tago Ng Tago. Illegal. Secret Lovers. (So Baduy - nasasabi ko na yan ngayon!). Right now you won't/can't decide to run away and elope with your BF kasi takot kang masaktan ang parents mo (and I bet at the back of your mind, you also have doubts na baka tama ang parents mo kaya ayaw mo pang mag asawa or mag elope). You don't want to break up with your boyfriend either kasi feeling mo di mo kaya and baka someday magbago ang ihip ng hangin ng parents mo. Until that time that you DECIDE, nothing will change, ganyan pa rin ang story ng buhay mo. Tago Ng Tago. Illegal. Secret Lovers (Still So Baduy). Sa akin umabot ng 10+ years na ganyan ang drama ng buhay ko.

I guess ang payo ko sayo is to think about things and try to act logically (rather than emotionally). I would say that you pray for guidance. Pray for the tipping point to happen very quickly. Dati ang dasal ko kay God is for things to happen that I would see clearly what decision I have to make - even if it means na maghiwalay with my then BF. And it did - I was able to cut the relationship cold turkey and I was fine (di naman tumigil ang mundo ko). When you finally make the decision, make sure that you know the consequences and be able to stand by it.

Geeglee

  • Guest
^I can't blame you for that. Sobra naman ang dad mo. Good thing hindi ka nagpapadala sa paawa effect ni kahit umiyak. No offense pero sana nag-artista na lang ang Dad mo at least malaki kikitain niya run nang hindi naman siya umasa sayo.

- oo nga eh. sobrang hindi ko expected na kaya nya pla umarte.

@ Sis Geeglee, grabe naman.. As in supported mo pa kahit mga pamangkin mo?  :( . Anong work ng parents ng mga pamangkin mo? It's ok lang na magbigay ka, pero yung parang ikaw na ang tumatayong provider nila, hindi na tama yun. Buti naman hininto mo na pag support sa kanila, kasi pag tuloy-tuloy pa din, for sure hindi sila matututo, talagang aasa lang sila sayo.

- parents ng pamangkin ko, isang malaking pasaway. napansin ko na nga lang parang ako lahat. Pag may na oospital ako pinapapunta nila, pag meron silang problema, sakin sila nagsusumbong. Ako pa yung bunso ng lagay na to.  :P pero sobrang napagod ako, and sobrang nagpray ako kay God to help me na maging strong para matiis ko sila kasi feeling ko nga instead na nakakatulong ako sa kanila, parang kinukunsinte ko silang maging tamad.
You're lucky na ganyan [textspeak!] dad mo. Sa age nya pwede na sya mag retire pero nag work pa din [textspeak!].

Kaya yung mga tao na swerte sa parents, siblings, relatives..don't take them for granted. Don't forget to make lambing sa kanila and to thank them sa mga ginagawa nila para sa inyo.  ;D

Girltalker2

  • Guest
Pa-suggest naman ng best solution sa case ng friend ko.

May friend ako ngayon, problema nya ito. Well, hindi pa problem, kasi may trabaho pa ang dad nya. Pero pa-retire nanga raw. 

Kasi nung first time kami nagkawork, sinasabihan nanga ang friend ko na swapang sya sa sweldo nya. kasi di sya kusa namimigay. Kung humingi lang, tsaka sya magbibigay.  Secondly, di raw sya nagsh share sa mga kapatid.  Tingin kasi ata ng magulang eh parang saan saan lang hinuhugot ang pera.

Tapos heto nanga, tumanda na kaming lahat. fast foreward. May kanya kanya na kaming family.  At  parents nya malapit na ma-forced retirement. Noong 50yo palang ang parents nya, sabi ko, hinay hinay lang sa paggastos.  Aba, ang kaso, abroad kada taon ang inaatupag ng parents nya.  Comfortable naman ang parents nya sa pamumuhay, kasi may bahay naman at kotse. pero walang ipon DAW.  :-\  So sya daw bahala sa old age.  For the meantime, since matatanda naraw sila, dapat lang daw eh matuto sila mag enjoy. Kasi all their lives eh ginapang nila ang mga anak nila sa pag-aaral. So waldas kung waldas - travel sa US at kung saan saan pa.  Tapos ang bahay, syempre naka wi-fi pa, at celphone, syempre dapat iphone.  Pati ang laptop, syempre dapat imac. 

So sa example na iyan. Paano mo naman susuportahan ang mga taong "bahala ka na sa future ko", basta mag eenjoy ako ngayon kasi karapatan ko mag enjoy at naghirap ako dahil sa iyo nung bata pa kayo.  Tapos tuwing pasko or may occasion, mas gusto pera ang iregalo mo sa kanila, at handang handa agad magshopping ng mga branded items right after that.  Ni hindi nila naisipan magtabi for their old age eh.

Di ba napaka selfish?  Kung talagang mahal nila mga anak nila, bakit inuuna nila ang pagpapakasasa nila?

Yung mga anak, di naman naghihirap, pero may kanya-kanyang mga gastos din. Lumalaki din ang mga anak ng friend ko, so may mga priorities din na kelangan asikasuhin.  Pero ang point ko lang, mas madalas pa magtravel ang parents nya sa kanila, mas magagara pa ang mga gadgets na panay nang upgrade. Buti sana kung nag-aantay sila kung kelan gusto magbigay ng anak. Pero sila mismo ang nagdidikta an at their old age, kelangan sila buhayin.  Tapos pag may occasion, ang taya lagi yung anak.  Tapos pag xmas or birthday, dapat cash (di puede 1k or 2k lang ha, dapat at least 5k).  Ano daw yun? 

so papaano ang mainam gawin sa mga ganyang situation?



« Last Edit: October 25, 2012, 10:42:57 pm by Girltalker2 »

Purple_Power

  • Guest
^The nerve with the parents of your friend  >:(

Natural na dapat gumapang sila para pag-aralin mga anak dahil ginusto nila in the first place magkaanak. Again it is understood kaya sila nagpapakahirap noon ay dahil nag eexpect sila ng reward from children. That is also understood they have evil plans for their children na maging investment sila afterwards.

Honestly wala akong magandang maipapayo. Kasi kung ako nasa ganyang kalagayan either layasan ko sila, makipagbangayan ako sa kanila ng pagtatalo, o di kaya bahala sila! hindi ako magpapakita sa kanila kahit kailan lalo na sa okasyon kasi pera pera ang pag-uusapan dyan eh!

Ito lang masasabi ko for your friend. Focus lang dapat sa priorities niya kung pwede ignore na lang niya yung demands ng magulang niya. Hangga't maaari huwag na huwag siyang magbibigay kahit singkong duling, kasi ito masasabi ko kahit magbigay pa ang friend mo ng 1M kada buwan never na never  magiging masaya at kuntento ang parents niya. Worst case siya pa parating masama at kulang. Mafufrustrate lang siya when your friend starts to give the demands of the parents. Don't ever try to please them or else it is like a suicide already.

Ako nga eh! when my mom told me na I am not giving anything man lang raw even the P10 christmas card tapos yung wala raw akong pagmamahal sa magulang, I was offended kasi sounds like sinisingil ako eh! Whereas noon nga naisip ko na magbigay ng maganda basta ba may stable job lang ako pero dahil naunahan ako ng ganyan nawalan na ako ng gana forever. I even insist na nagluto naman ako nung Christmas pero kumontra mom ko at dahil run nag-iba na ang pananaw ko.  Naisip ko agad na kapag ginawa ko yun hindi sila magiging masaya kasi nasingil na ako eh! So yun nga I am just ignoring it now at hindi rin ako nagbibigay, nawalan ako ng gana eh!.

Just tell your friend not to force herself to give the demands of her parents. Parang kasing sinisingil na yung pagiging anak niya eh! Yung tipong dahil ako naghirap sayo dapat gumapang ka sa hirap para sa akin.

Sa ganyang sitwasyon parati ko na lang sinasabi, inexist pa ako rito sa mundo kung hirap ka palang maging magulang. Eh di sana hindi na lang gumawa ng anak para hindi mahirapan.

yapeegurl

  • Guest
My take on the original topic as per the TS is this...

Hindi requirement or obligation ng isang anak na buhayin ang mga magulang. But I think mahirap ipaliwanag sa isang anak (na hindi pa isang magulang) kung paano ang feeling ng isang magulang na magkaron ng anak na nagbabalik tanaw sa sacrifice na ginawa ng isang magulang. You have to wait to become a parent to fully understand what it feels like. Sa hirap ng buhay ngayon, malaking bagay ang magtulungan lalo na for your family. However, maybe ibang usapan ang mga well off na pamilya. And ibang usapan din kapag ang magulang na nagfoforce sa mga anak. Those parents who forcefully oblige their children to hand them some money every pay day. Masarap din kasi na mapa-feel sa magulang that they're appreciated. And sana bilang isang magulang, magpasalamat sa mga responsible nilang anak.

Geeglee

  • Guest
@Girltlaker2 - pwedeng naglalambing lang yan mga yan. Tinetesting yung mga anak kung sinong magbibigay sa kanila ng pera. Pero sa nakasanayan nilang luho, i don't think iaasa nila sa mga anak nila yun. may pride din naman siguro sila as parents. sabihin mo na lang sa friend mo, wag nya seryosohin yan.  ;D

Girltalker2

  • Guest

Ito lang masasabi ko for your friend. Focus lang dapat sa priorities niya kung pwede ignore na lang niya yung demands ng magulang niya. Hangga't maaari huwag na huwag siyang magbibigay kahit singkong duling


yan nga.  pero bilang anak, parang malaki ata bearing ng "words" ng parents sa kanya. 

ang akin lang, ok lang magbigay. pero kung lagi kang pinangungunahan, na tipong, kulang ang budget ko this month, puede ikaw nalang magbayad ng airfare ko papuntang US?   :o



Ako nga eh! when my mom told me na I am not giving anything man lang raw even the P10 christmas card tapos yung wala raw akong pagmamahal sa magulang, I was offended kasi sounds like sinisingil ako eh! Whereas noon nga naisip ko na magbigay ng maganda basta ba may stable job lang ako pero dahil naunahan ako ng ganyan nawalan na ako ng gana forever. I even insist na nagluto naman ako nung Christmas pero kumontra mom ko at dahil run nag-iba na ang pananaw ko.  Naisip ko agad na kapag ginawa ko yun hindi sila magiging masaya kasi nasingil na ako eh! So yun nga I am just ignoring it now at hindi rin ako nagbibigay, nawalan ako ng gana eh!.


sis, totoo, nakakawalang gana nga ang mga parents na naniningil na parang utang mo sa kanila forever. hahaha, naalala ko one time, friend ko nagdala ng lechon de leche for xmas. nung pauwi na sila ng house ng parents nya, asan daw yung gift nila.  :o  I guess she just assumed na the food would cover for most of the preparations for the night.



Kaya ako naman, sobrang thankful naman ako sa parents ko.  sila naman super baliktad. ayaw tumanggap ng monetary gifts from us magkakapatid.  kasi daw we will need it for our kids pa, marami paraw coming na gastos na kelangan paglaanan.  And I saw them, paano sila magtipid. pati sarili nila tinitipid nila, so ensure they were able to send us to school, and have enough retirement for themselves - para daw hindi na nila kami i-burden pagdating ng araw.  Tsaka pagkagraduate, we can do whatever we want in our lives, kung baga, the only request they have - ayusin ang buhay namin at inalagaan nila kami nang mabuti nung mga bata pa kami.  Yun lang ang hinihingi nila. 




Purple_Power

  • Guest
^Mabuti pa parents mo ganyan mentality for sure naman gumapang rin sila sa hirap ng pagtrabaho para pag-aralin rin kayo.

What do you mean na parang malaki ang bearing ng words ng parents niya?
And wow ha! Lechon de leche nga  ;D maningil pa ng gift yung parents ng friend mo? Buti na lang hindi ako anak. Kasi ako ignore to the max forever and ever na lang ako. Or another option baka nakipagsagutan pa ako. Hindi na ako maconscious pa sa iisipin nila kasi wala na ako magawa run. Kaya nga ako hindi ko sinunod yung request kahit yung Christmas card eh! kasi hindi naman kailangan obligahin eh! tapos sabay sasabihin malas sa buhay blah blah! Kasi kapag ginawa ko yun hindi na ako sincere nun kasi at the back of my mind kaya ko ginawa yun kasi diniktahan na ako eh! Saka ang daming beses ko na sila tinulungan rin na in the end sinabi pa na wala na nga akong naitulong nanggulo pa ako.  :o Ganyan rin feeling ko I am being charged.

As for your friend baka naapektuhan na siya nang husto emotionally like parang nasakripisyo na rin yung morality niya or feeling less as a person because of what is happening.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close