watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191847 times)

m_lim

  • Guest
sabagay, iba iba kasi ang turo sa atin.

sa amin kasi never kami nakarinig ng mag aral kayo mabuti para makatulong kayo pagkatapos niyo.

ang palaging sabi ng tatay ko, magaral kayo at magsikap. para kaya niyong suportahan ang sarili niyo hanggang pagtanda. dahil wala kang dapat asahan sa mundo kung hindi ang sarili mo.

paulavalerie

  • Guest
my parents di kami in oobliga na magbigay monthly, i'm currently working abroad pero di ako nagbibigay monthly ha. they are still earning more than enough, basta sinasabi lang nila mag ipon ako habang andito pa ako sa sg. saka lagi niya ini imprint sa mind namin na pera niyo, pera niyo. they never tell us na pagtanda nila obligasyon namin sila.

slovy

  • Guest
^^oo nga sis, iba iba talaga. sa probinsya namin normal lang yan, kahit pa mayayaman basta pag nakatapos, tumutulong talaga. hindi obliged pero yun nga, for the sake of love, pasasalamat at ganti sa kanila, dapat kusa ka na rin magbigay kahit pa sabihing hindi naman sila humingi. in that way kasi para sakin mas lalo naipakita at naiparamdam sa kanila na love na love sila at saka sarap din sa pakiramdam yung nkapagbigay ka at nakita mo parents na masaya, lalong binibless. lagi ko kasi iniisip din kung hindi naman dahil sa kanila, wala ako. kahit pa magulo childhood ko.. never ako nagtanim ng galit towards them.. ewan, mabait lang din siguro talaga ako. nyak!  ;D

muy003

  • Guest
Walang obligasyon ang anak sa magulang, as required per law. Moral obligation, meron. Utang na loob, pagmamahal, yan meron...

Purple_Power

  • Guest
There is a big difference between obliging you and asking help. Obliging kasi is they paid you so do the job, example you hire a Yaya or Driver. Of course the Yaya should take care the baby and clean the house dahil it is her obligation since she was being paid to do that. Same with driver that he has to drive the car since he is being paid for it. Asking help is something na kahit maliit ang sinasahod mo ayos lang sayo at gagawan mo ng paraan para lang matulungan ang family o magulang mo. Nakakagaan pa nga ng pakiramdam ito eh! Obliging kasi is something na you are supposed to pay back while asking help is like you are survivor in their needs.

xRylaine

  • Guest
No, tutulungan OO..
 pero sa tingin ko depende pa din yan estado ng buhay ng parents..

whinx

  • Guest
For me, it's not more of obligation but more of showing love and gratitude. While it's true that it's our parents obligation to give us the best life in the world and not to expect that we'll pay them when we become successful but when our parents grow old and become financially incapable, I think we have to take care of them to include providing their basic needs. Hindi naman siguro malaking burden ang bigyan yung parents natin ng simple pleasures pag naging successful na tayo. :)

ayka

  • Guest
it's not your obligation, it's your choice.

cocacola

  • Guest
Walang obligasyon ang anak sa magulang, as required per law. Moral obligation, meron. Utang na loob, pagmamahal, yan meron...

I agree with this statement. :) Our parents don't require us magbigay. My sisters don't. Pero ako, kahit hindi monthly, I see to it I treat them, be it sa food, movies or whatsoever. I'm not yet earning big kaya di pa ako makapag bigay. But when I do, I'll see to it I give them half of it. It's a way of paying them back. Masarap din kasi makita yung ngiti nila pag tumutulong ka. ;D

gripfast

  • Guest
di naman, tulungan...OO! parang gratitude ba.

sa totoo lang, gusto ko bigyan ang mommy ko ng magandang buhay. I'm not required to do it pero I want to. Kung alam nyo lang ang sacrifices ni Mommy sa amin ng sister ko.

harlet

  • Guest
naku, mentalidad din ng nanay ko yan.....obligasyon na suportahan siya.....so parang wala sa kanya yung pag na-ospital siya, binayaran mo mga gastos, ipinagamot mo, mga maintenance kumpleto....as in wala lang....parang pinalalabas niya na dapat ko lang gawin yun......eh bakit mga kapatid ko walang share, ba't ako lang, to think di naman ako paborito niya? tama, its your choice, matitiis ko ba na walang gamot?

Purple_Power

  • Guest
^Naku sis parang naiisip ko tuloy kung hindi ka niya paborito tapos nirerequire ka niya, I could imagine kung ang tingin niya sayo ay kalaban o pabigat niya. Sana mali ako sa naisip ko. Ikaw ba panganay? 

May inateran ako yesterday na seminar regarding sa on how to handle finances, naimention sa akin nagkaroon rin raw ng example during kerygma na yung 4 na anak raw pinagpasa pasahan yung Nanay na may sakit. Yung tipong tinawagan yung kapatid sinabi na kung pwede sa kanya naman yung Nanay niya kasi gipit na raw siya sa gastos. I've also mentioned this sa kausap ko yung nababasa ko rito sa forum na some of us here inoobligahan ng magulang which is ang sakit pakinggan kasi it is like you must pay back for the obligations they have done for you. I also mentioned that it is different naman if the parents are nakikiusap at lalong iba if you make initiative to help them. Sabi ng kausap ko kaya sila ganyan kasi they are unprepared.

izabelle

  • Guest
Dapat din kasi ang parents pinaglalaanan nila ang pagtanda nila. Para hindi kailangan "umasa" sa anak

Nanay na din ako and sa totoo lang, wala akong plano umasa sa anak ko pagdating ng araw. kahit pa sabihin hindi mo maprepredict ang future, oo naman hindi maprepredict pero pwede mo GAWAN NG PARAAN ika nga. Kung ano man kasi ang ginagawa mo ngayon sa buhay mo yan ang aanihin mo sa future. so kami ng husband ko puro kami ipon, invest, ipon , invest dahil pagdating ng araw ayoko na hihingi ako sa anak namin. Ayoko din magmukhang kawawa pagtanda na ni wala man lang naitabi na pera.

yan naman laging sinasabi sa amin ng mom and dad ko.. Magtrabaho, mag aral mabuti para pagtanda namin hindi kami nakaasa. Yun kasi ginawa ng parents ko.. Marami silang investments and business.. kaya ngayon nasa 50++ na sila, retired na and inaasikaso nalang mga business nila.

Pero syempre case to case basis din yan.. Hindi applicable sa lahat ng tao. Maswerte lang ako dahil hindi talaga nanghihingi sa akin mom and dad ko and never nila ako inobliga.

Kaya sa mga gifts nalang ako bumabawi sa kanila.

harlet

  • Guest
^^panganay ako, sis....minsan itinanong ko sa kaniya kung anak ba niya ako....eh sabihin lang ang totoo at kahit hindi niya ako anak, susuportahan ko pa rin siya.....sinasabi niya sa akin na kung hindi raw niya ako mahal, eh hindi siya titira sa akin.....ang katwiran ko naman, pano kang di sa kin titira eh komportable ka dito at wala kang pinakikisamahan at nagagawa niya ang gusto niyang gawin sa anak niyang bunso, who is her fave......at my expense....

dati, kasama ko pa rin siya sa bahay nung inatake at nagkasakit....hirap siyang lumakad....lahat ng gamit niya ako nag-provide, wheelchair, walker....etc.....pero napaka indifferent pa rin sa akin, lahat ng kalokohan pinakikita niya sa akin, pati pagsimangot, pag hindi gusto ang pagkain nagdadabog....pero sa bunso niya di niya maipakita yung mukhang ganun.....

ngayon ikinuha ko siya ng isang unit malapit lang dito sa tinitirhan ko.....kasi lagi lang kaming nag aaway...di ko ma-take ang me kasamang pagdilat pa lang ng mata nakasimangot na, matutulog nakasimangot....ang bigat sa buhay, ramdam ko yung negative energy niya.....

yung bunso niya di man lang siya mapatira sa bahay nila.....tama na yug dinadalhan na lang niya si nanay ng tinapay.....ni hindi nga siya maipasyal sa labas, to think na lalaki siya mas me pwersa siya at me sasakyan, pero ni minsan di niya mailabas yung matanda.....ang alam ko ilalabas niya yun pag sinabi ko para ako magpa gasolina ng sasakyan at bigyan sila ng allowance....

nakikita ko yung sinasabi mo sis na pinagpapasa pasahan ng mga anak.....kasalanan ng nanay ko na ang tino tino at andito siya sa bahay, walang problema....pero di maintindihan kung ano gusto....hanggang sa mawala na pasensiya ko sa dami ng ginawa niya sa akin, minsan binato ako niyan....kung di lang ako nagpigil mapapatulan mo talaga....gusto ko nang manakit, gusto kong magmura.....pero alam ko hindi tama.....ayaw ng bunso niya na patirahin siya dun sa kanila....yung kapatid ko namang babae, kung di mo bibigyan ng allowance di aalagaan yung matanda.....

sabi nga nila, blessed naman ang nag aalaga ng magulang....so be it....

« Last Edit: October 07, 2012, 07:05:49 pm by harlet »

theshopaholicprincess

  • Guest
hindi kasi obligation ng parents natin na bigyan tayo ng maayos na buhay. My parents never obligate us for a payback. Ang sabi lang nila mag aral ka ng mabuti, magtapos at maghanap ng maayos na hanap buhay para di ka umaasa samin. Pero I see to it naman na once in a while I contribute or treat them pero hindi yung regular na mandatory nagbibigay.

Now that Im going to be a mom na rin, I want to have my own saving when I grow old. That way hindi ako pasanin or burden ng anak ko.

whinx

  • Guest
Let's make our parents happy while they can still appreciate our gestures and love. We will surely miss them pag wala na sila. Most of the people I know na iniwanan na ng parents permanently, ngsisisi dahil hindi man lang nila napakita sa parents how much sila ngpapasalamat sa parents nila.

m@m@

  • Guest
i have a daughter whos in college now. lagi kong sinsabi sa kanya na pagbutihin nya ang pagaaral nya at tapusin nya para magkaron sha ng magandang buhay. kahit sobrang hirap kumita ng pera ngayon kahit magtumbling pa ko kako  ;D eh gagawin ko makatapos lang sha. but im not expecting her na pagka graduate nya eh sha na ang bubuhay ng pamilya namin..though lagi nya sinsabi na dont worry ma pagkatapos ko konting hirap na lang  ;D as a mom, hindi ko shempre inexpect yun. kasi for me tungkulin ko na mabigyan sha ng maayos na buhay para ganun din sha sa magiging pamilya nya. if maayos na ang buhay nya at tutulong sha sken eh bonggang pasasalamat na yun from my part :)

mistyb

  • Guest
hindi kasi obligation ng parents natin na bigyan tayo ng maayos na buhay.

Mejo nalito ako sa stament na ito. Mejo contrasting yung idea na ito sa susunod mong mga statements sis.

m@m@- sana lahat ng magulang katulad mo. Mas masarap suklian ang ganyang pagmamahal:) Saludo ako sa mga magulang na nagtitiis at nagttrabahong mabuti mabigyan lang ng maayos na buhay ang mga anak.

theshopaholicprincess

  • Guest
^ sorry sis... what I meant to say is HINDI obligation ng mga anak na buhayin ang parents nila. Like what other girls are saying here, parents should be open-minded that they should have saved more during their younger years. I knew a lot of friends and family friends na tipong malalakas pa yung magulang pero they chose to ask their children to shoulder them kasi may mga trabaho na. I know dito sa Pinas traditional family values yung pag save sa parents when they are in dire need, which I do din naman especially when your parents are old and sickly pero yung pagkalakas lakas pa at nag ddemand ng sustento parang medyo off na ata.

Purple_Power

  • Guest
^Sabi na nga typo error yung nangyari eh!  ;D

Yeah I agree mentality ng ibang mga magulang is tumanaw yung anak ng utang na loob. Which indeed hindi naman dapat hinihingi ang utang na loob eh! Kusang ginagawa yan. Off na talaga if the parents insist much na parang silang naniningil sa obligasyon o kabutihan na ginawa nila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close