watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191764 times)

Priceless

  • Guest
Again, it goes back to the culture, the support system, the structures and services that are available. I think sa ibang bansa - and sa mga foreigners - madali sa kanila makapagsabi na dalhin nalang sila sa care home or home for the aged, dahil merong mga ganun and regulated sila ng gobyerno so you can expect na maayos ang facilities, dignified ang pag trato sa kanila, etc etc.

Samantalang sa Pilipinas, hindi naman uso ang dalhin ang mga matatanda sa care home. In fact, bihira ko lang marining na may nagdadala ng old relatives nila sa home for the aged dahil nasa culture na talaga ng mga Pilipino to look after their relatives in their golden years.

Dahil dito, hindi mo masisi ang ibang mga parents na i-instill sa kanilang mga anak yung concept na "obligation" na yan - whether implicit or explicitly, dahil at the end of the day, tao din lang naman ang mga parents na nakakaramdam ng takot na they will be left all alone to care for themselves when they grow old. And hindi ibig sabihin na by the time you reach 60 and expecting a pension, your pension will be enough to cover your own living expenses. Merong iba dyan na ang pension nila is PhP8K a month. Kung isa lang sa kanila ang nakakatanggap ng pension, hahatiin yang 8k na yan between nanay & tatay's expenses. Magkano na ang presyo ng tubig, ilaw, pagkain, gas at kung ano ano pa these days? Hindi naman ibig sabihin na como nag retire na sila titigil at automatically liliit ang expenses nila? Pano pa pag may mga sakit at maintenance na gamot na kailangang bilhin? Magkano lang naman ang senior's citizen's discounts...

I know it's not fair for parents na obligahin ang mga anak nila na tumulong, but hey, life isn't fair. Kung wala na silang ibang mahihingian ng pera, alangan naman tumigil nalang sila huminga or magsimulang mangholdap ng bangko.

On the other hand, may mga parents din naman talaga na abusado at puro luho ang alam sa buhay... Hindi din naman okay yun. Siguro dapat talaga both parents and children are considerate of each other nalang.

zieaja

  • Guest
hmmm having kids is not an investment...bakit may mga ganung factor? na iniisip natin ginagawa tayong investments nang magulang natin?

Initiating is totally different from obliging tama ka...pero anong tawag mo sa kahit ayaw mong mag  initiate pero kailangan dahil magulang mo sila? hindi ba't obligaston yun kasi anak ka nila? kung may karapatan tayong mga anak magreklamo na kung bakit tayo magkakaroon nang obligasyon sa kanila e hindi naman natin ginusto na maging anak nila, kung ganun ang ugali nang anak natural may karapatan din sila na sabihin na kung bakit ikaw pa naging anak ko...(vise versa)

kung sa bagay iba-iba naman din tayo nang pananaw sa buhay...iba iba nang opinion pagdating sa ganyan kasi iba-iba paraan nang parents natin kung paano nila tayo pinalaki...kahit naman ako ayaw ko na obligahin ako nang anak ko...pero nasa anak kasi yun...depende sa anak...pero the point kasi sa topic na to is..ay ang pagiging anak, at hindi pagiging magulang.

kvandenhaak

  • Guest
^Because obviously if you are reading some of the experiences of the people in this thread, some parents treat their kids as investments. They wanted to have kids so that they will be taken cared of when they grow old. If you are already looking at the long term benefits of something rather than for the purpose of love and relationship, that is investing.

"Anong tawag mo sa kahit ayaw mong mag initiate pero kailangan dahil magulang mo sila? hindi ba't obligaston yun kasi anak ka nila?"
Kunsensya ang tawag doon. And that Ladies and Gentlemen is a weapon that some parents are using to manipulate their children to give. These parents know their kids very well and so they are using that as a tool to get what they want.

Yeah sure the parents can also say bakit ikaw pa naging anak ko (which btw, I WILL NEVER tell my son) but it still their choice to have kids not the other way around.

The topic maybe is about being a child but I am talking as a parent and giving my opinion as a parent. Dahil ang pinag-uusapan din dito ang tungkol sa mga magulang.

lhennijam

  • Guest
Definitely NO! Mismong sa nanay at tatay ko nanggaling, hindi namin obligasyon buhayin sila kapag naka graduate na kami. Ang kabilin bilinan lang nila ay "kung napatapos namin kayo sana ganun din gawin nyo sa mga magiging anak nyo." Mag ipon kayo para sa sarili ninyo at para sa future ninyo.
Malaking bonus na lang daw if bigyan sila ng mga anak nila.

Kaya kaming magkakapatid, lahat na nakatapos pero we see to it na may maibigay kami kahit konti at ayun napapangiti na lang sa amin, minsan pa nga yung binigay namin, ibibigay na lang nila sa apo nila, punta ng Jollibee or Mcdo, or bibili ng bagong toys or gamit:-))))


pauweebabe

  • Guest

On my own opinion, i don't think it's really a requirement, i mean if you have no choice and you're the only one they're depending on, then you have no choice either way you have to give or help. But for others, you have the freedom to choose, kasi on my part i've been working for 3years, my parents are not asking anything from me, but i make sure that every month i give something to them, the main reason is aside from i'm still on my own no families or any commitment to worry about but because i owe them everything, know what i'm saying? Any amount is nothing compared the unconditional love, shelter and education they provided us, it's just my initiative to give back what they've done for me :)

TysLolakins

  • Guest
"Anong tawag mo sa kahit ayaw mong mag initiate pero kailangan dahil magulang mo sila? hindi ba't obligaston yun kasi anak ka nila?"
Kunsensya ang tawag doon. And that Ladies and Gentlemen is a weapon that some parents are using to manipulate their children to give. These parents know their kids very well and so they are using that as a tool to get what they want.
The topic maybe is about being a child but I am talking as a parent and giving my opinion as a parent. Dahil ang pinag-uusapan din dito ang tungkol sa mga magulang.

i totally agree with everything you said sis kvandenhaak.  and i'm looking at this from a parent's point of view too, in fact  i'm a much older parent compared to you guys.
i will not subject my own kids to this kind of burden.  i will do everything in my power to make sure that we can manage on our own and not pass on this responsibility to my kids.


Purple_Power

  • Guest
^Because obviously if you are reading some of the experiences of the people in this thread, some parents treat their kids as investments. They wanted to have kids so that they will be taken cared of when they grow old. If you are already looking at the long term benefits of something rather than for the purpose of love and relationship, that is investing.

I totally agree and this is exactly my point. Ang mahalaga rin at the same time is how to value the good morals at yan ang ituro dapat sa mga magiging anak para maintindihan ng bata pa lang kung ano rito ang purpose nila dito sa mundo. Alam rin nila how to earn respect from other people. Kapag ito ipinakita mo sa mga anak mo understood at automatic na yan na kusa silang tutulong kahit hindi mo diniktahan na o ni kahit pa nga hindi mo pa pinakiusapan na tumulong gagawin pa rin nila. Kaya according to the TS itself nasabi rin siya parang pera pera na lang, naintindihan ko rin nararamdaman niya. Meron kasi bigay nga ng bigay pero ramdam na ramdam mo naman na sisingilin ka pa rin pagdating ng tamang panahon na makatapos na sila ng pag-aaral. It is okay for parents to ask help but obliging them is already different.

Maybe it is true na may karapatan ang magulang magsalita na bakit ikaw pa naging anak ko but I won't be surprise kapag nakarinig ako na "bakit ikaw pa naging magulang ko" or "Eh! bakit mo pa ako ginawa?"  ;D In other brutal sense baka may magtanong pa na eh! bakit kasi puro sarap ang inaatupag mo kung kaya nabuo kami tapos ngayon hirap na hirap ka eh di sana in the first place hindi mo pinairal yan"  Kasi in other aspect malamang naisip na rin ito ng ibang mga anak eh! Hirap na hirap na pala yung magulang nila sa responsibilidad nila, hirap na hirap na pala sila para pag-aralin ang mga anak eh! bakit in the first place inexist pa sila rito sa mundo? Hindi malabo yan! Once again hindi utang na loob ng mga anak ang existence nila dito sa mundo. Decision ng magulang yan at ginusto nila yan. So be it they need to be responsible. Para pag lumaki ang mga anak hindi sila maging walanghiya.

zieaja

  • Guest
May kanya kanya tayo nang pananaw, kung yan pananaw ninyo wala naman sigurong problema...wala naman  kasi sigurong magulang na gugustuhin na obligahin sila nang mga anak nila. unless, kung di na talaga nila kaya...pag ganun kasi no choice talaga tayong mga anak....

jhenbreak

  • Guest
Hindi mo obligasyon na buhayin ang magulang mo after mong makapagtapos pero ikaw anak ka nakikita mong naghihirap magulang mo, matitiis mo ba sila? Well siguro nga tama yung kasabihang "kayang tiisin ng anak ang magulang pero hindi matitiis ng magulang ang anak."
Kung mahal mo ang magulang mo, open arms mo silang tutulungan, kumbaga bukal sa loob. Bakit nagiging "obligasyon" yung term? Kasi mabigat sa loob mo na pakiramdam mo na-oobliga, hindi kusa na ginusto mong tulungan sila, na bigyan sila, kundi napipilitan ka lang kasi akala mo obligado ka.
Kung ayaw mong tumulong, since you are old enough, lumayo ka sa kanila, yung tipong hindi ka nila makokontak para hindi ka nila mahingan para hindi mo masabing inoobliga ka nila. You're old enough to make your choices.
Hindi ba mas maganda ikaw ang tumutulong sa magulang mo kesa sa ibang tao sila nanlilimos?  Pero siguro there are just such selfish creatures as well.

Ako since grumaduate ako, tumulong na ako sa parents ko, hanggang ngayon na may asawa ako, nagbibigay pa rin ako kasi gusto ko, pag kinakapos sila nagbibigay ako kasi gusto ko kesa ibang tao magbigay sa kanila, sampal sa akin yon bilang anak nila na pinalaki nila nang maayos tapos ibang tao tutulong sa kanila di ba? Kaya naman yung mom ko, proud ever talaga, kaya lahat ng relatives namin naiinggit sa mom ko, she's so blessed daw to have me as her daughter kasi kahit may pamilya na ako hindi nagdadamot sa kanila. Well I guess, nasa pagpapalaki rin ng magulang yan sa kung ano ang pananaw natin sa ibig sabihin ng "obligasyon" at "pagmamahal".
« Last Edit: August 30, 2013, 12:15:59 pm by jhenbreak »

whitebishop

  • Guest
My opinion on this one

Our parents would work hard just to give us everything we want including everything we need... everything even beyond the basic needs... look for a student who does not have a cellphone... sino ang bumili?  maghanap ka ng working parents na hindi igagapang ang anak nila makatapos lang ng kolehiyo... sa US this doesn't happen pagtuntong mo ng 18 magbanat ka ng buto maghanap ka ng matitirhan at pag aralin mo ang sarili mo kung gusto mo ng magandang kinabukasan. 

i think the right question is why we think and why we feel that we need to sustain our parents with their remaining years... we blog now, we work now, we are where we are and they are where they are because they have died many many times just for us to live.

cha_kobi

  • Guest

Siguro, first we have to assess the situation. Does your parent have a specific need that is not being met, such as meds or food? Ano ba yung absolutely necessary for them to live? Morally, if you have the resources and they have a need, you should give to them.

Beyond these necessities, you must decide whether you want to give more to them and how much you can afford to give to them, based on your resources. It is nice to give to your parents. It is altruistic to take care of them.

I believe that our primary concern should be toward our nuclear family... our children, our partner, and these are the people that come first. We need to take care of them first, and then take care of our parents.

We should only give out of love, not guilt. If your parent is guilting you into giving them money, that is a bad deal. We need to assess their need-versus-want and go from there. We must genuinely want to give to them and hold no resentment, otherwise we may have relationship problems with our parents in the long run.

And also, we can give to our parents in other ways. If you can't afford to give money, let them know you care by giving them your time. We can also show our support by catering to their emotional needs.

Whether you make the choice to give or not give, you are the only person who can give yourself permission. You have to live with your decision at the end of the day, so come to terms with your choice.

zieaja

  • Guest
jhenbreak- Very well said sis...that is my point too nahirapan lang ako mag explain...super like!

cha_kobo- Sis korek!

FayeP

  • Guest
hindi naman sa obligasyon un talaga sis, pero dahil sa mahal natin sila, syempre tutulong tayo di ba...

maski din naman nanay ko, di nya sinabing buhayin ko sila or pag aralin ko mga kapatid ko pero bilang panganay at since nakatapos ako at may work na kayang suportahan sila, why not di ba? dahil mahal ko mga kapatid ko, gusto ko din silang makatapos at magkaron ng sarili nilang career... for my mom, gusto ko naman maranasan nya mapahinga sa pag intindi sa daily namin na expenses kaya ako na lang bumubuhay sa kanila, kahit ngayon may asawa na ko...

pero definitely, ayoko na pag laki ng anak ko, eh cya ang bubuhay samin ng papa nya...gusto ko paglaki ng anak ko eh magawa nya un mga gusto nya sa buhay ng di kami magiging alalahanin or sagabal para sa kanya...kaya nga I am trying to save up for our retirement para un anak ko, di nya kami alalahanin...


runaway_bridesmaid

  • Guest
I am lucky to have kind parents, di kami mayaman pero sinikap nila na makatapos ako, sa aming magkakapatid ako lang ang naka graduate ng 4 year course sa college. at ngayon nag wo work ako, sinisikap ko na makatulong sa kanila kahit mahirap dahil married na ako at di ganun ka stable ang kita ng husband ko. hindi nila ako hinihingian pero inaabutan ko sila tuwing dadalaw ako. nahihiya pa nga kunin ng mother ko ang pera kapag inaabutan ko sila pero pinipilit ko dahil alam ko kelangan nila yun. nalulungkot lang ako minsan kasi di kalakihan naitutulong ko sa kanila. na pe pressure kasi ako dahil ako yung ginastusan sa pag aaral tapos ako ang walang silbi..

on the other hand sa mother ng husband ko naasar ako kasi kabaliktaran ng mother ko. kahit may sarili ng pamilya ang husband ko hinihingian pa rin kahit alam niya na gipit din kami. naiinis ako na kapag naaamoy niya na may pera kami andyan nakabantay na at mag re request ng kung ano ano sa husband ko... at kapag dumadating ang pasko, gusto niya lahat ng kapatid nghusband ko bibigyan namin ng pamasko samantalang ang tatanda na at may mga trabaho naman, mabait naman sila pero naiinis lang ako na ganun ang turing nila sa husband ko pagdating sa pera, kala nila nakaparaming pera naming mag asawa samantalang lagi rin kaming kapos...(buwisit)

bestfriendnijerome

  • Guest
Nakakapagod din pag tama lang sa needs nyo ng sarili mong family ang resources nyo tapos ikaw pa bumubuhay sa parents at kapatid mo. Dalawang rent, dalawang bills, dalawa lahat! Nakakapagod!!!

abbey

  • Guest
^ i agree kay sis fayep! hi gurl tee hee!!  ;)

- IMO, it's not an obligation. depende yun sa anak at sa financial status ng parents mo. my iba kasi na well off talaga at yung parents nila napaghandaan yung pagtanda nila. in some cases kasi like mine, middle class lang kami and single parent si mudra, siyempre nung prime niya mas inuuna nya kami keber sa retirement plan o pangsariling plano.

so ngayon, i think kahit magasawa na ko, magsshare pa din ako ng panggastos. parang sa sinabi ni sis jhenbreak, ayoko rin na sa ibang tao pa manggaling yung kaya ko naman iprovide. kaya minsan pag nashoshort siya kasi mahina ang business, nagagalaw ko yung natabi ko ng pera kasi ang hirap naman tiisin di ba.
 
pero tulad ng sinabi ni sis fayep, ayoko ng ganitong setup pag tanda ko. ayoko ng nasstress ang anak ko sa kin hehe.

mrs.jack sparrow

  • Guest
Depends on the case and situation of the parents and the children..
« Last Edit: January 20, 2013, 11:24:15 pm by mrs.jack sparrow »

m_lim

  • Guest
pero aminin natin, may mga magulang na nakatunganga lang maghapon. tapos hihingi ng sustento sa anak. yan ang hindi dapat.

pero kung nakikita mo naman na ang magulang mo nagsisikap pero kapos talaga, ayan magaan sa loob tulungan.

mama_ni_kuykuy

  • Guest
ako mga sis naniniwala na hindi naman talaga obligasyon ng anak na buhayin ang magulang. sabi nga palagi ng dad ko, kapag nagbigay ng pera ang anak sa magulang magpasalamat ka, pero kapag hindi magpasalamat ka pa din.

slovy

  • Guest
I just heard this from our tenants na magkapatid. they argue about sa "ipadala" sa tatay nila. nanghingi yata ng pera then sabi ng isa "ano ba yan buwan buwan na, palagi na lang" then the other one answered, "sabihin mo yan sa kanya, sabihin naman nun sau pinapaaral ka blah blah" then the one answered ulit "obligasyon nila yun no?" at sumagot din ang isa "kawawa naman sila kung hindi tayo magpadala, kaya nga tayo iginapang sa pagpapaaral para matulungan natin sila, hindi naman masama kung tutulong tayo, kumikita naman tayo. kung tutuusin kung hindi dahil sa kanila, hindi tayo ganito.. blah blah blah" hanggang sa lumala lalo yung pagtatalo nila.. I doubt if they're also a gtalker. nyahaha!

my take on this: I think case to case basis ito. siguro kung mahirap talaga at iginapang lang ang pagpapaaral ng anak, nararapat din naman siguro suklian din ng anak yun.. agree ako dun sa tenant naming gustong bigyan ang tatay nya --"kung hindi sila pinapaaral, wala sila sa posisyon kung saan sila ngayon." usually sa probinsya ganyan ang mentality ng mga tao talaga.. even my parents once told us din dati, "mag-aral kayong mabuti para pag tumanda na kami matutulungan nyo din kami" sa aking palagay, wala namang masama dun.. I'm not saying na obligasyon nga ng anak yun.. pero kung mahal mo parents mo at the fact na pinapalaki ka ng maayos, minamahal at pinapaaral, nararapat din naman sigurong gantihan din sila.. sa aming magkakapatid wala talagang issue sa amin yan kahit pa alam namin na mabubuhay naman sila doon sa probinsya kasi may tindahan sila but still nakakatanggap pa rin sila ng monthly allowance from us, kahit me pamilya na rin ako. at ni minsan hindi ako o kahit isa sa mga kapatid ko ang nagrereklamo bakit panay tanggap pa rin sila.. buti na lang my parents di naman nagdedemand, naghihintay lang sila kung kelan kami magbigay.. walang masamang magbigay kung parents mo naman... pero kung sugarol, hindi nga tamang pagbigyan.. pero hindi porke't ganito ang pananaw ko eh nag eexpect na rin ako na kung ako naman tumanda, aasa ako sa mga anak ko.. no.. I will not tell my children ever na kailangang buhayin din nila ako, hayaan ko silang magkusa. lol! nasa tao lang din kasi yan, merong tao talaga na likas na mapagbigay.. at meron din tao na nagbibigay nga panay complain naman buti pang wag na lang.. I've known a few, grabe lang! ;)  just my opinion!
« Last Edit: September 23, 2012, 12:45:42 am by slovy »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close