watch now

Author Topic: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)  (Read 217592 times)

jhenrheign

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #60 on: September 04, 2012, 02:31:36 pm »
WORST DEVELOPER: PROFRIENDS!!! grabe ang developer na to, habang tumatagal iipitin ka nila! bawat punta mo sa opisina may kelangan kang bayaran... mga mukhang pera!!!

megansmomma

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #61 on: September 04, 2012, 03:51:55 pm »
^nyay, ano-ano ba housing projects nila sis? maganda pa naman offer sakin ng agent ng profriends.

jhenrheign

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #62 on: September 04, 2012, 04:31:13 pm »
^akala din namin nung una okei sila, maganda mga projects nila, dito kami sa montefaro, imus... sa kanila din lancaster sa alapan, carmona estates, ridgecrest, bellefort estates... lumabas yung pagiging mukhang pera nila nung ililipat na namin sa bank loan yung bahay namin... ultimo yung binayad namin na halos 300K na amort na sabi noon ay ibabalik ng buo sa amin ngaun sasabihin nila na depende na sa Outstanding Balance yung maibabalik na sobra sa approved loan namin dahil daw inhouse kami...

a little advice sa mga gusto lumipat ng bank financing from inhouse sa Profriends, better if kayo na mismo maglakad sa bank, kasi yung sa amin, sabi ng PF, more or less daw 8 months bago ma take out ang loan pero yung sa amin kami naglakad, 2 months lang na take out na agad yung loan... yung TCT na pinasa namin kinuha namin sa registry of deeds sa trece nakapangalan pa yun sa PF pero okei lang daw sabi ng bank basta authenticated sya... yun kasi yung ginagawang dahilan ng PF para magbayad ng 14% interest a month hanggang ma take out yung loan...

megansmomma

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #63 on: September 04, 2012, 04:52:57 pm »
^mahirap nga yan sis, but i hope maayos :) nagandahan pa naman ako sa bellefort. dapat siguro mag stick nalang sa isang payment method, kung pagibig pagibig nalang. madaya nga sila..

jhenrheign

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #64 on: September 04, 2012, 05:13:22 pm »
^they won't allow it sis... inhouse ka talaga muna... ang alam ko din di na sila tumatanggap ng loan sa pag-ibig puro bank na lang... may instance pa nga sis na nangyare sa amin, before kasi i asked them ano mga accredited nila na bank sabi nila metrobank and ucpb, so since di kaya i accomodate ng metrobank yung loan namin, mababa yung approved loan nila nag ask kami sa ucpb, eh madali kausap yung sa ucpb and flexible din, nabigyan din kami agad ng LOG dun, nung minsan nagpunta kami sa PF, sabi namin sa UCPB kami kukuha ng loan, bigla nila sinabi na di daw nila accredited binara ko sila sabi ko kayo mismo nagsabi na accredited nyo and yung bank mismo nagsabi na naka tie-up kayo tas sasabihin mo sa akin ngaun di kayo magka tie-up, bigla sya bawe na honestly po mam, ka tie-up po namin sila... grabe diba.. hanggat maaari kasi ayaw nila malipat ng bank since 21% ang nakukuha nilang interest pag inhouse... halos katumbas ng isang bahay at lupa ang kinikita nila sa isang client...

yan din reason bakit sinasabi nila na matagal ang release ng TCT, and mag base sa release ng TCT yung loan take-out, pag nagpadala ka sa mga sasabihin nila, lugi ka talaga, kaya kung may time and effort ka ikaw na mismo maglakad at makipag usap sa bank para mapadali, i advice na wag  magpalakad sa kanila...

megansmomma

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #65 on: September 04, 2012, 05:24:20 pm »
Grabe naman experience mo sa kanila sis. thanks ha! now i know. di ako kukuha ng house sa kanila. planning stage pa naman na kami.


binara ko sila sabi ko kayo mismo nagsabi na accredited nyo and yung bank mismo nagsabi na naka tie-up kayo tas sasabihin mo sa akin ngaun di kayo magka tie-up, bigla sya bawe na honestly po
mam, ka tie-up po namin sila...

jhenrheign

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #66 on: September 04, 2012, 05:29:38 pm »
^true sis.... buti na lang din talaga may background kami and maayos kausap yung sa UCPB... kung hindi baka until now, napapaikot pa din nila kami... salamat na lang din kasi sa bank na kami magbabayad hindi na sa kanila... :) welcome sis... sana makakuha kayo ng bahay and developer na okei at di gahaman... goodluck sis...

megansmomma

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #67 on: September 04, 2012, 05:33:05 pm »
^thanks sis. sana din maayos na yang gusot nio sa kanila. natuto ako sa post mo, thanks sis!

chocolatepink

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #68 on: September 05, 2012, 11:41:52 am »
Ano pa ba mga sis ang okay na developers? Filinvest palang ang nakikita ko na feedback na mukhang okay..thanks!

jhenbreak

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #69 on: September 06, 2012, 04:19:30 pm »
Worst Developer: PROFIENDS!!! Natira kasi kami sa house ng brother-in-law ko, as in kami first tumira, dami palpak. Yung CR walang sahara, tinipid kaya hindi tuloy magamit CR sa 2nd floor kasi ipapaayos pa yung ng buo. Hindi pa natitirhan marami ng cracks. Tapos lahat ng kilos mo may bayad.
I promised myself never ever to buy a house made by Profriends kaya pag may namimigay ng brochure sa mall at alam kong sila may gawa, hindi ko talaga tinatanggap.
Best Developer: Masaito. Pulido gumawa, ang kapal ng walls, ganda ng buhos, kita ko sa house ng sister-in-law ko. Kaso iilan lang ata ang gawa ng Masaito sa Cavite, alam ko bandang Lotus/Covina, may mga gawa don ang Masaito.

megansmomma

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #70 on: September 06, 2012, 05:45:07 pm »
^2 bad records for PROFRIENDS.. ano ba mga creations ng Masaito sis?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #71 on: September 06, 2012, 06:13:15 pm »
I'm happy din na sa Filinvest kame nakabili ng condo. Pre-selling pa lang pero at least we know it's a reputable developer.

chocolatepink

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #72 on: September 06, 2012, 08:37:07 pm »
^ hi sis twelvth_goddess, which project yung nabili nyo if you don't mind. Btw, I recalled that you asked about Bali Oasis w/c is a Filinvest project okay sya sis nagrent kasi kami dun for 5mos and I can say na maganda yung project sa Phase 1 kami nakapagrent. The only thing that concerned us even the owners was the parking space limited kasi yung slots to think na ilan yung occupants ng condo. We were able to rent out the parking space from the property management office admin mismo, wala na kasing available for residents.

Overall, happy naman kami :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #73 on: September 06, 2012, 08:59:17 pm »
^Hi sis. We got a unit from their pre-selling property, One Spatial. Malapit lang din sa area ng Bali Oasis.  Mejo maliit nga lang for a 2-bedroom unit, 32 sqm lang but I think pwede na samin kase 3 lang naman kame plus our yaya.

I would have to agree with the parking slots, kase nung ni-present samin yung One Spatial, parang 200+ lang yung parking slots for around 500 units :( Right now hinde pa sila nagse-sell ng parking space.

Maganda ba finish ng Bali Oasis? I wanna visit a unit there sana para ma-imagine ko yung magiging finish ng unit namin sa One Spatial.

chocolatepink

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #74 on: September 06, 2012, 09:25:44 pm »
^ sis, kami 22sqm studio lang na pahaba so imagine lahat abot kamay :)
maganda naman ang finish for a Filinvest project, kami nalang nagpalagay ng double lock ipinagpaalam nalang namin sa owner ng unit namin kahit additional expense sa amin as a tenant kasi di kami comfortable sa door nila...

But overall, facilities okay naman sis since bumili na kayo make sure lang na ma-i-line up kayo for a parking space sis naging sakit ng ulo namin yan grabe may time kasi na pag weekends and may guests sa clubhouse since yung parking space sa Bali Oasis open area yung space namin madalas napupunta sa guests :(

Eto pa may mga unit owners pa kami naririnig sa admin office, nag-aabang ng 2 slots ng parking para sa family nila dahil nga 2 cars nila at may 2 anak sya na nag-da-drive so we realized mukhang di lang 1 is to 1 ang parking space, just check sis.

My aunt also got a lot in a project of Filinvest in Antipolo naman happy din sya... :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #75 on: September 06, 2012, 09:50:25 pm »
^Yikes talaga pagdating sa parking. Sana nga makakuha kame kagad kase ang limited ng slots eh pano pag wala kameng parking slot :(

Iniisip ko lang sis yung unit namin. Corner unit kase kame, eh ang layout ng One Spatial, pagpasok sa main door, living and dining area yon tapos kitchen and bathroom sa left. Yung 2 bedrooms nasa dulo nakaharap sa facilities so yun ang may windows and view of the outside. Iniisip ko lang, walang windows yung living area kaya?

chocolatepink

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #76 on: September 07, 2012, 11:21:54 am »
^ I think sis meron naman yan, kasi sa bali oasis may window facing the corridor eto yung window ng living room, you can check & confirm with your agent sis. :)

maganda yang One Spatial ng Filinvest preferred ko yan over phase 2 ng Bali Oasis.

parang wala akong nakikitang Ayala project within that area.. kung meron man siguro Antipolo na..


twelvth_goddess

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #77 on: September 07, 2012, 01:36:43 pm »
^I think walang Ayala project sa East (based on my observations lang). Madalas kase high rise projects ang Ayala eh sa east may limit yata ang height ng buildings kase path sya ng mga pa-land and paalis na airplanes, according to our agent.

Kelan ko lang napansin yung phase 2 ng Bali Oasis, akala namin ni hubby another new project na naman ng Filinvest kase mejo may distance sa Phase 1 ng Bali. Ayoko lang dun kase katabi ng motel :P

rantiojo

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #78 on: September 07, 2012, 02:05:25 pm »
WORST DEVELOPER: PROFRIENDS!!! grabe ang developer na to, habang tumatagal iipitin ka nila! bawat punta mo sa opisina may kelangan kang bayaran... mga mukhang pera!!!

ask ko lang kung pano bwat punta s opis nila kailangan may bayaran. kumuha rin kc kmi s knila nito lang may 27 yung lancaster estate diana townhouse. 3 mos p lang equity namin bale 15 mos to pay sya. minsan nga gusto kong pasyalan yung phase kung ano ng development. s ngayn in house kmi pero after ng equity sana maaprub ng metrobank. don nga kmi kinakabahan pag d kmi maaprub patay pag in house malaki babayaran nmin. sabi naman ng agent nmin 8-9 mos equity malalaman n nmin kung aprub kmi o hindi. usually naman ang mga d inaaprub ng bank ay delinquent s mga credit cards.
isa ko pang question d b nung orientation meron din inspection n 60 days bago mag move in? kala ko d palpak ang pro friends mukha pa naman ang gaganda ng model units nila. tsaka gandang ganda kmi ng husband at opism8 ko n kumuha ng rfo by october ang move in nila  :'(

armijd

  • Guest
Re: Best and Worst Subdivision/Housing Developer(Thread4)
« Reply #79 on: September 11, 2012, 09:16:59 pm »
^ask ko lang baket ka nag in house payment scheme? agent mo ba nag recommend nito? mahirapan kayo nyan lumipat sa bank financing, hopefully since ka partner nila metrobank, hinde ka masyado pahirapan sa office. ano pala phase mo sa Lancaster?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close