Day 2:
We had breakfast @ Mcdonalds

Then, diretso na kami sa Ocean Park. From TST, baba sa Admiralty then took a bus going to OP. Again, sa Cosmic kami bumili ng tickets and accepted naman yung Octopus Card sa bus going to OP. 10.30, nasa OP na kami.
The weather was perfect. Hindi mainit, hindi maulan. So unlike nung first visit ko dito, hindi ako nagka-sunburn

Since our sked is until 5pm dito, talagang inisa-isa namin lahat ng attractions hehe... pinaka nag-enjoy kami sa Dolphin show and sa Panda Bear

Hindi kami nag-cable, instead, we took the Ocean Express to/from the Summit

nakakatuwa naman yung train may tv sa kisame para may pinapanood ka while nasa loob
By the way, kung hindi kayo marunong mag-chopsticks, might as well magbaon kayo ng tinidor. May mga fastfood na hindi nag-se-serve ng tinidor
May light shows din sila pero 7.30 pa. E mas gusto kong ma-experience ng parents ko yung Symphony e. Som 5.30, off to Avenue of Starts naman kami. Balik kami sa TST MTR station and from there, nilakad namin underground. Medyo maaga kaming nandun, mga 6.30. Habang naghihintay kami ng Symphony of Lights @ 8pm, binaybay namin ang kahabaan ng Avenue then coffee break sa Starbucks

After Avenue of Stars, 9pm nasa Ladies' Market kami. Lakad kami pabalik ng TST, sakay ng tren, baba ng Mongkok. Nakabili kami ng 3 men's shirts (65 HKD), Angry Birds Eye Mask/Winnie the Pooh Magnets (20HKD), Angry Birds Jacket for my 4-yr old nephew (120 HKD) na feeling ko pwede pa nyang ibigay ng 100 HKD kung tinawaran ko pa from 160

, disney key chains and hk key chains , bale 11 pcs lahat ( 150 HKD). Kung medyo hindi pa ko pagod nun malamang mas natawaran ko pa yung mga items kaso, sa pagod... hanggang dun na lang kinaya ng powers ko

namamahalan pa kasi ako sa mga binii namin e... natawaran pa sana namin. Anyways, enjoy namin kahit papano

11PM nasa cosmic na kami. No dinner yet. So lumabas na lang ako mag-isa to buy Mcdo burgers and yung mga food on stick sa kalye

eto ang hindi ko makakalimutang experience, natyempo na hindi marunong mag-english yung crew sa mcdo. sabi ko.. "3 cheesburgers, no meal"... tapos nakatingin lang sya sa kin.. sabi ko ulit "3 cheesebuger, no fries, no coke"... sabi nya "ahhh... 3 burgers no *chinese word*, no *chinese word*, no *chinese word*".... ako naman... nag yes na lang, kasi akala ko na-gets na.
pagbalik ko ng hostel, *drum rolls*... 3 buns na walang burger, walang cheese, walang mayo... wala kahit ano... buns lang!!!!! so bumalik ako ng mcdo... sa manager na ko dumirecho... yun pala.. ang intindi nung lalake... "no burger, no pickles, no mayo, nothing at all!!!!!" anak ng pating!!!! kung tinapay lang hanap ko e di sana sa bakery ako bumili.... good thing, pinalitan na lang nila agad-agad.

gusto kong matawa na magalit na mainis e...
that concludes our DAY 2

SIDE NOTES:
Ang napansin ko lang sa HK, generally speaking, mga walang modo ang mga tao... hindi man lahat... pero karamihan siguro... andyang mag-uusap ng napakalakas sa tren kahit magkaharap lang sila... while nasa subway kami, kasalubong akong lalake na para bang napakaliit ko at hindi ako nakita't.. binangga ako ng bongga-bongga na hindi man lang ako nilingon... sumakit balikat ko dahil sa lakas ng hataw ng bag nya... grrrr!!! sa galit ko talagang napa-"PI mo" ako ng malakas. Pero dahil hindi nya na ko naintindihan, deadma sya.

Sa pila, binabalya ang nanay ko... talagang garapal kung makipag-unahan. E palaban din nanay ko so, sikuhan na lang

Hindi commuter-friendly ang MTR nila

Walang escalator/elevator from street level. May 2 instances, may nakasabay kaming matanda na may tungkod at isang buntis na pababa/paakyat sa isang istasyon. Sobrang nakakaawa sila

At naawa din ako sa nanay ko kasi mabilis sumakit paa nya e..
