watch now

Author Topic: Hong Kong guide (Thread 27)  (Read 97950 times)

rocky

  • Guest
Hong Kong guide (Thread 27)
« on: May 04, 2012, 04:48:28 pm »
new thread na po mga sis ;)

Hello po, ok lang po ba magpunta sa HK ng August? Di po ba masyadong malamig or tag ulan.  (Pasensya na kung naitanong na, di ko po napansin.)  Salamat
sis, summer sa hk pag august & SALE season kaya masarap mag-shopping. hehe! ;)
« Last Edit: May 04, 2012, 04:53:41 pm by rocky »

skylar-ddm

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #1 on: May 04, 2012, 06:37:43 pm »
^ hi sis!  malayo ba rates ng hotels sa guest house? how much usually rate ng guest house?

theflygirl

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #2 on: May 04, 2012, 11:00:45 pm »
May times rin na even during August or September na super hot in hkg. Been there both months and it was scorching hot. Best pa rin mid-Oct onwards.

em_cee

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #3 on: May 05, 2012, 04:25:51 pm »
hala! ang init next week.  upto 32 degrees.  Sana makayanan ng anak kong pawisin.  Mukhang ang daming kong bitbit na lampin at extra shirts nito.   :-\

bluez

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #4 on: May 05, 2012, 05:08:41 pm »
booked nov 21-23!! sana ok ang weather we'll be staying sa royal view  :)

onefineapril

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #5 on: May 05, 2012, 06:20:09 pm »
Day 2:

We had breakfast @ Mcdonalds  ;D Then, diretso na kami sa Ocean Park.  From TST, baba sa Admiralty then took a bus going to OP.  Again, sa Cosmic kami bumili ng tickets and accepted naman yung Octopus Card sa bus going to OP.  10.30, nasa OP na kami.

The weather was perfect.  Hindi mainit, hindi maulan.  So unlike nung first visit ko dito, hindi ako nagka-sunburn  ;D  Since our sked is until 5pm dito, talagang inisa-isa namin lahat ng attractions hehe... pinaka nag-enjoy kami sa Dolphin show and sa Panda Bear :)

Hindi kami nag-cable, instead, we took the Ocean Express to/from the Summit :) nakakatuwa naman yung train may tv sa kisame para may pinapanood ka while nasa loob :)

By the way, kung hindi kayo marunong mag-chopsticks, might as well magbaon kayo ng tinidor.  May mga fastfood na hindi nag-se-serve ng tinidor :(

May light shows din sila pero 7.30 pa.  E mas gusto kong ma-experience ng parents ko yung Symphony e.  Som 5.30, off to Avenue of Starts naman kami.  Balik kami sa TST MTR station and from there, nilakad namin underground.  Medyo maaga kaming nandun, mga 6.30.  Habang naghihintay kami ng Symphony of Lights @ 8pm, binaybay namin ang kahabaan ng Avenue then coffee break sa Starbucks :)

After Avenue of Stars, 9pm nasa Ladies' Market kami.  Lakad kami pabalik ng TST, sakay ng tren, baba ng Mongkok.  Nakabili kami ng 3 men's shirts (65 HKD), Angry Birds Eye Mask/Winnie the Pooh Magnets (20HKD), Angry Birds Jacket for my 4-yr old nephew (120 HKD) na feeling ko pwede pa nyang ibigay ng 100 HKD kung tinawaran ko pa from 160  ;D, disney key chains and hk key chains , bale 11 pcs lahat ( 150 HKD).  Kung medyo hindi pa ko pagod nun malamang mas natawaran ko pa yung mga items kaso, sa pagod... hanggang dun na lang kinaya ng powers ko  ;D  namamahalan pa kasi ako sa mga binii namin e... natawaran pa sana namin.  Anyways, enjoy namin kahit papano :)

11PM nasa cosmic na kami.  No dinner yet.  So lumabas na lang ako mag-isa to buy Mcdo burgers and yung mga food on stick sa kalye :) eto ang hindi ko makakalimutang experience, natyempo na hindi marunong mag-english yung crew sa mcdo.  sabi ko.. "3 cheesburgers, no meal"... tapos nakatingin lang sya sa kin.. sabi ko ulit "3 cheesebuger, no fries, no coke"... sabi nya "ahhh... 3 burgers no *chinese word*, no *chinese word*, no *chinese word*".... ako naman... nag yes na lang, kasi akala ko na-gets na.

pagbalik ko ng hostel, *drum rolls*... 3 buns na walang burger, walang cheese, walang mayo... wala kahit ano... buns lang!!!!!  so bumalik ako ng mcdo... sa manager na ko dumirecho... yun pala.. ang intindi nung lalake... "no burger, no pickles, no mayo, nothing at all!!!!!"  anak ng pating!!!! kung tinapay lang hanap ko e di sana sa bakery ako bumili.... good thing, pinalitan na lang nila agad-agad.

 ::) ;D  gusto kong matawa na magalit na mainis e...

that concludes our DAY 2 :)


SIDE NOTES:
Ang napansin ko lang sa HK, generally speaking, mga walang modo ang mga tao... hindi man lahat... pero karamihan siguro... andyang mag-uusap ng napakalakas sa tren kahit magkaharap lang sila... while nasa subway kami, kasalubong akong lalake na para bang napakaliit ko at hindi ako nakita't.. binangga ako ng bongga-bongga na hindi man lang ako nilingon... sumakit balikat ko dahil sa lakas ng hataw ng bag nya... grrrr!!! sa galit ko talagang napa-"PI mo" ako ng malakas.  Pero dahil hindi nya na ko naintindihan, deadma sya.  >:(

Sa pila, binabalya ang nanay ko... talagang garapal kung makipag-unahan.  E palaban din nanay ko so, sikuhan na lang  ;D

Hindi commuter-friendly ang MTR nila  :( Walang escalator/elevator from street level.  May 2 instances, may nakasabay kaming matanda na may tungkod at isang buntis na pababa/paakyat sa isang istasyon.  Sobrang nakakaawa sila :(  At naawa din ako sa nanay ko kasi mabilis sumakit paa nya e.. :(

« Last Edit: May 05, 2012, 06:34:48 pm by onefineapril »

em_cee

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #6 on: May 05, 2012, 09:41:36 pm »
^natawa ako sa mcdo story mo. haha how much yun cheeseburger?  same taste ba?

onefineapril

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #7 on: May 05, 2012, 11:33:33 pm »
^sorry sis, hindi ko na maalala magkano e..  :(

sa lasa naman, I think.. same lang din ng sa pinas... :) lesser onion lang yung sa HK hehe...
« Last Edit: May 05, 2012, 11:43:19 pm by onefineapril »

em_cee

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #8 on: May 06, 2012, 10:15:29 pm »
Do you bring along your passports going around HK?

onefineapril

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #9 on: May 06, 2012, 10:44:35 pm »
^yes, sis.  it's a must :)

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #10 on: May 07, 2012, 02:31:43 am »
iba ang lasa ng burger sa McDo....iba ang lasa ng patty....

diwata

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #11 on: May 07, 2012, 05:25:29 am »
onefineapril ~ That was a really funny McDo story! LOL! Thank you for sharing =)

freelancer

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #12 on: May 07, 2012, 10:17:26 am »
booked nov 21-23!! sana ok ang weather we'll be staying sa royal view  :)

sis magkasabay trip natin 21-25 naman kami. :)

em_cee

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #13 on: May 07, 2012, 11:11:28 am »
Bukas na trip namin!!!! Sana makisama ang weather! :)

scents01

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #14 on: May 07, 2012, 02:11:41 pm »
Booked a trip this june, ano kaya weather sa hk noon?

Wala pa along idea kung saan magsstay, anong pupuntahan aside sa disneyland lol, at how much estimated budget..backread muna ako sa kabilang thread or sana may magrecommend mga sis  :)

em_cee

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #15 on: May 07, 2012, 03:47:46 pm »
It's raining with thunder here in QC.  I hope and pray hindi madelay flight namin tom.  Sana magclear na weather para walang turbulence.  Kasama ko son ko eh.

iluvursmile

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #16 on: May 07, 2012, 04:05:08 pm »
enjoy sis em_cee! have a safe trip.

bluez

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #17 on: May 07, 2012, 04:23:47 pm »
nakita ko pics ng snoopy world liit lang pala area pero ang cute cute ng place
sureness ako mag enjoy bunso ko balak ko unahin muna ito then disneyland  :) :)
natuwa naman ako sa royal view may play area na pala sila  :) :)

cherdigan

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #18 on: May 07, 2012, 04:54:52 pm »
Hi sisses! pag lunch ba puro dimsum lang sine-serve sa mga resto sa hk? at may naka-try na po ba sa spring deer at din tai fung? tia!

nikki21

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #19 on: May 07, 2012, 05:47:59 pm »
Mga sis, question po regarding sa transpo? nagccompute na kasi ako estimated budget para sa hk trip  namin.

Day 1 - Arrival at HKIA (7am) / Immigration / Get Maps and brochures
Buy Octopus Card / Buy Disneyland 3 and 1 Coupon at CTS, RT Peak Tram+Madame Tussauds+Sky Terrace
Ride A21 Bus then 13th bus stop to Cosmic Guesthouse [54-64 Nathan road] (how much po pamasahe?)
Check-in at Cosmic Guesthouse
MTR from TST-> Lai King (interchange to Tung Chung Line) ->Sunny Bay (interchange to Disney Resort Line) ->Disney Resort.
Disneyland – take lunch
space mountain, Philharmagic,Golden Mickeys,Its a Small World,Stitch Encounter,Disney parade and Fireworks
take dinner
MTR going to Tung Chung, change line to Lai King, then to TST


Day 2 (Ngong Ping 360, Tian Tan Buddha, harbour city (towerclock, avenue of the stars, symphony of lights)
MTR from TST to TsuenWan ->change platform at Lai King to Tung Chung)
Cable car from Citygate to Ngong Ping village.(kasama na po ba ito sa NP360 na ticket na bibilihin namin? if hindi how much po ang babayaran namin?)
240 steps up to the Giant Buddha(Tian Tan Buddha).
Po Lin Monastery
lunch?
Cable car back to Tung Chung(kasama na po ba ito sa NP360 na ticket na bibilihin namin?)
MTR to Lai King - TsueWan to TST
Clock tower (pagpapunta po ba dito walking distance na lang?)
Avenue of Stars
symphony of lights

Day 3 (NanLian Garden, Chi Lin Nunnery, Peak tram, Madame Tussauds, Sky Terrace, Star ferry, Mong Kok)
MTR going to MONGKOK, change platform to Kwun Tong line (green line) -> alight at Diamond Hill station. Exit C2. Followed the street signs.
Nan lian Garden and  Chi Lin Nunnery
MTR From Diamond Hill to Admiralty
Breakfast at Cafe de coral (Around magkano po ang damage dito?)
take BUS 12A (near Lippo Centre) next stop get off near HK Squash Center (HK Park Cotton Tree Drive) then walk towards HK Squash Centre. Cross the street towards lower Peak Tram Terminus. (how much fare sa bus?)
Ride Peak Tram (get the seat on the right side to see good view of the city)
Madame Tussauds (wax museum)
Sky terrace
Taxi from Peak Galleria to Star Ferry (taxi lang po ba ang option?mga magkano ang fare?)
Star Ferry from Central to TST.(how much fare?)
Food trip and shop at Mong Kok
MTR from Mongkok to TST


Sorry medyo madaming tanong. Mejo OC kasi ako sa pagplan ng trip and budgeted lang kasi ang trip namin na to.

Salamat po mga sis!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close