We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Sa totoo lang pag napagod ka kahit mahal mo at kahit lumuhod pa sayo hinde ka na babalik sa taong mahal mo. Kasi, nasira na ang tiwala mo at nawala na ang malasakit mo.
Hi mga sis...dati sa thread ako ng mga due date ng panganganak nagpospost.. ngayon sa ganitong thread na. It's been more than 2 months na, since my husband left me. Grabe yun pain na naramdaman ko. Tapos may anak pa kami at maliliit pa. The reason why he left me kasi daw, he fall out of love, and syempre ang dami nya pang dahilan, pati yun [textspeak!] ko na naalagaan yun sarili ko, im not super taba, pero maybe, hindi ako fit para sa qualification nya. Pero above all these, naawa ako sa mga bata, lalo na panganay ko, kasi very ideal sa kanya ang complete ang family. Para na nga rin ako t**** kasi i kept saying to him na i still love him, i'll do everything. Kaya lang lagi nya sinsabi, im not happy anymore. Minsan akala ko move on na ko, pere there were times kapag nag-iisa ako, cant help but cry and reminisce, if i could just turn back time and remove all those negative that happened to us. I'm glad i have with me my friends, malaking tulong sila for moving on, wala kasi parents ko dito sa Pinas, so i have no one else to cry on and confide everything, though they already know that my husband and I were already separated. Pero ang hirap ng ganitong feeling mga sis, ang hirap mag-move on.. kasi parang hanggang nyaon hindi ko matanggap na nangyari ito sakin. For 8 years kami, akala ko masaya kami, yun pala, ako na lang pala ang masaya. Pero he never told me na hindi sya masaya. Sinisisi nya pa ang pagdating ng anak namin na dahilan ng pakasira ng mga pangarap daw namin. Sana talaga maka-move on na ko. I know matagal ang healing process, just like other couples who have been separated as well, but they managed to move on with their lives.
I was a product of a broken family because of my babaero father and I never ever thought that my marriage would fail. My husband was my first and last boyfriend, he was my ideal man, he was everything I could ask for... He's very bossy, seloso and territorial but tiniis ko lahat yun for 18 years because I loved him so much. And kahit marami siyang shortcomings sakin, he never failed to provide for our daughter. He was the best father for her. But 3 months ago, I decided to end our marriage because of my pregnancy. Nag-doubt siya na siya yung father ng baby namin. From then, nag-bago na lahat. I was physically, emotionally, and mentally abused. Lahat kaya kong tiisin but I don't want to risk my baby's life so I decided to leave him and our eldest daughter.2 months since I gave birth to my second baby girl, slowly nakaka-recover na ako sa mga nangyari but it still stings a little. Parang one second it won't hit you but later on it will hurt again. Until now I'm still emotionally unstable, I'm happy but I know deep inside I'm still incomplete because I know hindi ito yung pinangarap kong pamilya, pero siguro ganito talaga plan ni Lord for me, I have no other choice but to be strong. Ang hirap hirap lang talaga mag-isa.
Sis, re:financial support, naku pinag-aawayan namin, kasi kung ano daw ang maibibigay nya yun na lang. Yung parents ko they want to make it legal, gusto nila magfile ako ng R.A. 9262. Pero ako kung pwede lang wag na. Pero, kung nakakabigay sya ng kahit magkano lang ngayon, baka in the long run wala na rin sya ibibigay samin, lalo na kapag magkakaron na sya ng ibang pamilya.
^ Pina-DNA test ko yung sample ni baby and my husband, positive. I did it not to please him but to prove to my daughter na mali sinasabi ng tatay niya. I even sent him the results pero deadma lang. Knowing him, umiral na naman pride niya.
Nagsimula ako ng thread huimhingi ng payo kung intuition o insecurity ang nararamdaman ko. Mali pala ako. Dapat dito pala ako nagpopost, humingi ng payo kung paano maka move-on from a failing marriage. Sinabi na ni mister na hindi niya na ako mahal. Sabi niya it's too late for me to do anything about it. Sa dami ng problemang hinaharap niya sa trabaho, me begging for another chance will do nothing but alienate him. Base sa mga nababasa ko, kailangan ihanda ko na sarili ko sa kung ano man ang mangyari. Kailangan simulan ko na magmove on. How did you do it? May mga oras na parang in denial ako, na tila hindi pa rin nagsisink-in yung mga sinabi ni mister sa akin. Nasa business trip siya ngayon, sinubukan kong ikonsider ito bilang mini trial separation. Ang hirap pala mga sis. Ang bigat sa pakiramdam at ang lungkot. Pinipilit kong maghanap ng mapagkakaabalahan para di ko gaanong maisip itong problemang ito, pero hindi ko siya matanggal sa isipan ko. Sabi ko one day at a time. Pero yung one day, parang 5 taon ang haba. Ang bagal ng oras. Ibang klase ang lungkot. Pinipilit kong magpakatatag, pero ang hirap.
^pareho tayo ng sitwasyon sis. yung sa amin naman wala siyang sinasabing dahilan, siguro lang dahil sa resentment na kinikimkim niya, hindi niya namalayan, yung pagmamahal niya napalitan na pala ng resentment. kung maitanong ko lang sis, gaano katagal ang pagitan ng pagsabi niya sayo ng ganoon at yung pag-alis niya sa bahay niyo? ilang taon na anak niyo sis?