Author Topic: Deciding to move on from a failing marriage  (Read 83837 times)

reb_woods072683

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #60 on: August 01, 2012, 01:48:14 am »
I suggest sis, that when you feel like crying because of what happened, and this will happen when you finally leave the house, cry lang. Crying helps a lot. It cleanses what's inside of you. Para mailabas mo yung sakit na nararamdaman mo. Don't pretend that everything is okay, because it's not. Don't rush into moving on, it will take some time. Kasi nga 7 years kayong magkasama, maraming memories and all. So take one step at a time.

stylishmomy

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #61 on: August 01, 2012, 10:24:48 am »
^I like your advice sis, yes totoo, if you feel like crying your heart out sis then do so :) I believe you feel better after crying.

Good luck with your plans in going abroad, I believe that will really help kasi malayo ka, it's a new place and definitely new experiences.

i_v_y

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #62 on: August 01, 2012, 08:29:32 pm »
thank you mga sis. sobrang helpful ang support system dito.

eto, 2 days na lang. aalis na ako sa bahay. last night si hubby, nagulat ako. before he went to bed, sabi nia "tulog na ako" sabay kiss sa ulo ko. other than that wala na.

then eto na naman ako, nag iisip kung tama ba ang desisyon ko. i weighed the pros and cons, outweighed pa din ng pros ang cons... 

naisip ko, paano ang pasko? ang new year? siguro mag aabroad na lang ako sa mga panahon nato. :)

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #63 on: August 01, 2012, 08:41:29 pm »
pano nga naman ang pasko if na kay other woman sya?..pano nga naman ang new year if di pa din sya magbabago?....sa isang bubong pa din kayo but still ganun ang situation...

You need space din mare,move away then if anything change,sa puso at isip mo then you might want to fight again,give it another buwis buhay na laban...malay natin sa paglayo mo eh makapag-isip din ang hubby mo...

i_v_y

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #64 on: August 01, 2012, 11:29:54 pm »
korek ka jan sis. pero ang drama parang layas balik, layas balik. na iimmune na asawa ko sa akin. naiinis na din ako na ganun ako sa sarili ko. yung pamilya nia laging sinasabi sa akin "wag kang aalis no matter what happens". kaya nung sinabi ko sa mommy ko tong desisyon ko at sa step mom ng asawa ko, natawa lang sa akin. sabi ba naman "ayan ka na naman tapos babalik ka din".. kaya nga gusto ko mag abroad talaga para bang wala na akong choice. saka siguro kaya hindi bothered si hubby kasi basang basa na nia ako. im the type kasi na pag napuno, lalayas. buti nga ganun lang eh yung ibang babae nga naglalason, naglalaslas, nagwawala. pero this time, i feel it is different kasi im not acting solely on my emotions, may kasamang reasoning na.

Msfi

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #65 on: August 02, 2012, 12:04:26 am »
^i'm one of your silent reader who wished things didn't end this way for you.

  Siguro nga nasanay na husband mo sa pag-aalsa balutan mong madalas.  Have you packed all your things? If you leave something behind, I'm sure iisipin nya na babalik ka pa, kasi nga may babalikan ka pa.

Good luck and God bless.
« Last Edit: August 02, 2012, 11:40:45 am by Msfi »

reb_woods072683

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #66 on: August 02, 2012, 01:11:05 am »
Kaya nga sis, ang sabi ko sa isang post ko dito, impake na niya lahat ng gamit niya, wag yung pabalik balik para hindi isipin ng asawa niya na nagpapapigil, or something. Leave, and never attempt to return.

i_v_y

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #67 on: August 02, 2012, 03:26:55 am »
oo naka impake na ako sis. siguro 30% na lang hindi ko pa naiimpake.

sanay nga nga yun sa akin. kaya wala ng effect sa kanya. dati kasi yung layas ko mga pampalipas sama ng loob  lang naman yun. ngayon, hidni naman masama loob ko. siguro more of natauhan lang.

kaya nga secret lang pag iimpake ko. hindi ko pinakikita sa katulong namen. ayoko nga din mag paalam sa MIL ko who lives next door. kasi nga sasabihin na naman nun, lalayas ka na naman. plano ko sulatan na lang sila at doon mag paalama. sia rin kasi yung nagsabi sa akin nung last away namen ng asawa ko na its either magtiis ako or i release ko na yung asawa ko. kasi sia daw hindi na rin nia natiis yung [textspeak!] ko kaya ni release na daw nia. hindi na daw nia kaya yung pag aaway namen ng asawa ko, ninenerbyos daw sia lagi.

sabi ko "yung anak nio kasi hanggang ngayon hindi pa tinitigilan yung babae nia". aba sagot ba naman sa akin "eh wala pa sa kanya yun eh"...  :o

reb_woods072683

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #68 on: August 02, 2012, 04:09:05 am »
may naisip ako at nakakatawa pero pwede din naman iconsider. kung ayaw mo makita ka nila umalis, umalis ka in the middle of the night when everyone's asleep inlcluding the helper. hah. diba?

rics

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #69 on: August 02, 2012, 06:56:41 am »
I am also a silent reader of this thread and i sincerely wish you well sis ivy.
marriage is a beautiful thing, but understandably not all works well with some couples. just bring with you beautiful memories from your marriage that will make you smile.

cliche but time does heal wounds. i admire you for your strength and resolve.
balitaan mo kami after ha. hugs to you.

TysLolakins

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #70 on: August 02, 2012, 07:28:16 am »
i'm new to GT and stumbled upon this thread just now.

so sorry to hear of your impending separation.  even if i don't know you, from the sentiments you shared here, i can feel your pain and sorrow before, but also the optimism now,  that resulted from you finally realizing that the relationship cannot be saved.
i admire you strength and resolve in dealing with this personal tragedy, i say tragedy because a relationship died.

good luck on embarking into a new and different phase of your life.  when i read that you can travel and work abroad, i was happy and excited for you too.  cry when you feel like crying, let your mind grieve the death of your relationship.  like everything else, it's gotta stop sooner than later.

it's only painful now because it's still raw but trust me, it will only get better.

i_v_y

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #71 on: August 02, 2012, 06:53:14 pm »
may naisip ako at nakakatawa pero pwede din naman iconsider. kung ayaw mo makita ka nila umalis, umalis ka in the middle of the night when everyone's asleep inlcluding the helper. hah. diba?

sis yan talaga plano ko. madaling araw. pero kakausapin ko na yung helper namen bukas ng gabi kasi ako nagpapasweldo sa kanya. saka feeling ko wala din si hubby nyan o baka umagahin na naman ng uwi kasi may bday nung friend namen, sigurado inuman naman yun.

i'm new to GT and stumbled upon this thread just now.

so sorry to hear of your impending separation.  even if i don't know you, from the sentiments you shared here, i can feel your pain and sorrow before, but also the optimism now,  that resulted from you finally realizing that the relationship cannot be saved.
i admire you strength and resolve in dealing with this personal tragedy, i say tragedy because a relationship died.

good luck on embarking into a new and different phase of your life.  when i read that you can travel and work abroad, i was happy and excited for you too.  cry when you feel like crying, let your mind grieve the death of your relationship.  like everything else, it's gotta stop sooner than later.

it's only painful now because it's still raw but trust me, it will only get better.

thank you sis :) that's what i told my hub's step mom too, patay na ang relationship nato. boarder nga tawag ko sa asawa ko dito sa haus pag kami lang nung helper ko ang nag uusap.

kaaliw. bentang-benta sa teleserye yan sis.

madrama nga talaga ang mga naiisip mong gawin. mag-iiwan ka ng sulat, tapos after a month, nasa bahay ka na naman ulit kahit hindi ka pinapabalik. No doubt dedma na lang ng hub mo ang ginagawa mong paglalayas. Sanay na sya. Kung may magagawa ka pa sanang bagong pakulo naman para may kaunting gulat factor sa kanya. Pero kung decided ka namang umalis na talaga, hindi na kailangan ng kung [textspeak!]-anong style, walk out at never come back unless lumuha ng dugo muna si hub to win you back, pero kung dedma, grabe, nakakahiya naman na yun. baka pati kapitbahay pinagtatawanan ka, palayas-layas hindi naman makatagal.

Also, may history pala kasi na ikaw ang unang nagloko, nanlalake, pag ganun kasi parang nakakahiyang magreklamo at magdemand sa partner natin eh. Tipong lahat ng ganti nya e kailangang lunukin kung type pa nating mag-stay sa relationship kahit pa obvious namang sobrang pangit na ng samahan, walang respeto na, kahit binababoy ka na, hindi ka makapagreklamo kasi parang parusa lang sayo sa ginawa mo. umaasa rin sa fairytale story na one day, sobrang mahal na mahal ka nya at paggising nya, ok na lahat, happy ever after na. Kaso nga life isn't a fairytale. There are actions na kailangan talaga nating panindigan at tanggapin kung mahal mo ang sarili mo. Kung pagod ka na sa kakahintay ng happy ending, baka nga need ng kaunting twist, baka sakali sa pag-alis mo andun ang pagbabago. Pagbabago mo, pagbabago ng buhay mo.

I can relate kasi in some way. the love of my life before, nagawa ko ring magcheat dahil din sa emotional insecurity. 2 yrs kaming live-in. ang dami kung hinahanap na hindi nya maibigay. so akala ko kaya ko ng wala sya, nag entertain at pumatol na ko sa iba. only to realize, sya lang pala ang kailangan ko at magpapasaya sa akin kahit lagi akong nasasaktan dahil sa mga expectations ko. so in short, tinanggap nya rin naman na magkabalikan kami, pero it was hell. yun nga yung pabago-bago ng moods, tipong masaya, tapos after a while, nasisira ang mood, nagagalit. pag sinabi nyang naalala nya o naiisip nya kung ginagawa rin daw namin nung isang boy,yung ginagawa namin, hindi nya kinakaya. minsan kahit sexy time namin, bigla syang hihinto kasi naiisip na naman daw nya. may babae na rin syang nahuli ako sa text. hindi na sya nagsshare ng gastos sa amin, ako na lahat. mas masakit pa, nalaman ko sa text nung babae, [textspeak!] perang hiningi nya sakin, binigay nya sa babae kasi pambayad ng bahay daw. hiwalay sa asawa yung girl at may anak pa. pinakamasakit, ako pa ang nagmakaawa sa kanyang wag akong iwanan after mag-away kami dahil sa babae. hell really. tortures. pero sige lang ako, until i realize wala na talaga kaming pag-asa kasi kahit ako nawalan na rin ng tiwala sa kanya dahil sa nalaman ko. wala ng peace of mind, ang hirap pala pag niloko. so mas naintindihan ko yung pinagdadaanan at nararamdaman nya. wala ng mangyayari sa buhay namin together. so ng umalis sya for work (seaman pala sya), kahit sa text may mga ganung flashes pa rin sya, hindi ko na talaga kaya. so i decided na kumalas na talaga, pagdating nya wala na ako sa bahay namin at nagbago na rin ako ng number. well, kung type nya akong puntahan, alam nya naman ang office ko pero hindi naman sya nagpakita dun so most likely ayaw na rin nya talaga. though i will admit, sobrang hirap ng depression na pinagdaanan ko pati recovery ko. pero nasurvive ko naman at heto i can say maganda ang family ko ngayon.

pero God is good. Si 1st bf ko nun, whom iniwanan ko para sa kanya, e still waiting pa rin pala. After two years ng break up namin nung TL ko, tinanggap ko rin ulit si 1st bf ko and now my hubby. He loves me so much, kahit yung past na yun, tanggap nya yun ng buong-buo. So siguro nga, kung SOBRANG mahal ka ng tao, tanggap ka talaga kahit ano pa past mo. sad, some love cannot endure some trial. madalas naiisip ko pa rin si ex, siguro kasi alam kong maganda rin talaga ang samahan namin nun kung hindi lang ako nagpakachildish at naghanap ng kung [textspeak!]-ano. and alam ko kasi ako naman ang may kasalanan, kung matino sana ako e di sana walang ganung mga eksena but no regrets kasi i've learned a lot. nagmature ako sa kanya, which is yun naman ang inienjoy namin ni hub ngayon. last news i heard about my ex is naging babaero na raw. kawawa his wife. :(

sorry kung ako na ang nakapag nobela dito. naka relate lang. :-) so iwanan mo na nga muna yan si hub mo, kung mahal ka nyan, maghihintay yan sayo kagaya ng paghihintay sakin ni hub ko. opps! do away with expectations sa part nya. be firm na ang goal mo sa buhay mo ngayon is maging masaya at makatulog ng mahimbing. accept things as it is. pray. Goodluck ;D

you crack me up sis, pero tama ka jan. once nainvolve talaga ang infidelity, mahirap maibalik sa dati unless both parties are willing to really move on from it and magiging prinsipyo ko yan (God willing ) sa mga susunod ko na relationships. i regret what i did, iba kasi ang thinking ko pa noon. emotionally hindi rin kasi mafulfill ni hubby ang needs ko.

last night sumagi na naman sa isip ko if i really wanted to do this. baka di ko kaya achuchuchu. pero i snapped out of it, and told myself that God will see me through, that my joy will come from the Lord.

2 nights to go...

Msfi

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #72 on: August 02, 2012, 11:51:21 pm »
^wala talagang idea husband mo kung kailan ka aalis? Baka akala nya di ka na tutuloy.

reb_woods072683

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #73 on: August 03, 2012, 12:56:52 am »
sis ivy, hangga't nandyan ka talagang maiisip mo kung tama ba na umalis, o wag na lang. Wag mo pigilan ang mga paa mo, please lang. Wag ka padala sa bugso ng damdamin mo. Since nakaplano na to, and aalis ka na sa Saturday, tama ba? Panindigan mo na. At please lang, if you plan not to come back, please panindigan mo na. Have pride and remember this is for your own good. Mahirap talaga sa umpisa, pero once na mailabas mo na lahat ng gamit at yang katawan mo dyan sa bahay na yan, you'll feel free, I swear. Don't turn back and look back ha. Be strong. Log in ka lang lagi dito sa GT. Update us.

If I may share very briefly, I had the same share of situation about infidelity chuchu. He was my high school sweetheart and we've been together for almost 6 years. I started working and got linked to this man older than me and I was overwhelmed with his attention to me. I ended up ruining his relationship (may gf pala) and ruining my own relationship. We tried fixing our relationship for 2 years, and for all we know, it just got worst. After that, we separated ways, I was devastated, he found new love and eventually got married and when I learned the news, I got so depressed. I dated a few men but never entered into a relationship until 2008.

In short, mahirap talaga pag may third party involve sa relationship, nakakasira talaga yan ng mag asawa/mag bf/gf.

i_v_y

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #74 on: August 03, 2012, 01:14:01 am »

sis tama ka, hanggang andito ako maiisip ko talaga na hindi matuloy but once i am out, ill see the beautiful things outside my home.

^wala talagang idea husband mo kung kailan ka aalis? Baka akala nya di ka na tutuloy.

sis alam nia, sinabi ko sa sulat nung sunday na saturday ako aalis. saka im pretty sure napansin na nia na lumuwag na yung cabinet. pero parang wala lang parang hindi bothered. pero pag aalis sia, he kisses goodbye. pag dadating hindi naman kami nag uusap. tatanungin ko lang kung kumain na sia. nagtetext na sia ngayon pag gabi na nasa [textspeak!] ko daw sia. ginawa nia lang yung since nung sinulatan ko sia ng sunday. most of the time, ganun lang tanong ko sa kanya. wlaang conversation talaga. 

reb_woods072683

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #75 on: August 03, 2012, 01:50:04 am »
ang hinala ko talaga dyan sis, he's pretending he doesn't care, or he doesn't care at all. pero kasi based dun sa kwento mo nung nakaraan he kissed you on your forehead, tapos ayan may kiss uli bago umalis.

Maybe he's thinking you'll return or you'll change your mind and unpack. Oh well, like I said, please be firm and have pride.

zee87

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #76 on: August 03, 2012, 02:03:31 am »
excited na kame sa pag move out mo sis.
balitaan mo kame if natuloy ah.
Balitaan mo rin kame pag bumalik ka...
para naman mabatukan mapayuhan ka namin ulet. :P

but seriously, ang relasyon na walang respeto sa isa't isa na pati respeto mo sa sarili mo, nawala na...be out of the relationship as soon as you can.

Pag na-surpass mo yan, gugustuhin mong magsabit ng medal sa sarili mo. ;)

reb_woods072683

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #77 on: August 03, 2012, 02:17:22 am »
excited na kame sa pag move out mo sis.
balitaan mo kame if natuloy ah.
Balitaan mo rin kame pag bumalik ka...
para naman mabatukan mapayuhan ka namin ulet. :P

but seriously, ang relasyon na walang respeto sa isa't isa na pati respeto mo sa sarili mo, nawala na...be out of the relationship as soon as you can.

Pag na-surpass mo yan, gugustuhin mong magsabit ng medal sa sarili mo. ;)

very well said sis. I like the "mabatukan" este mapayuhan ka namin. Haha.

i_v_y

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #78 on: August 03, 2012, 04:17:40 am »
oh please, kuyugin nio ako haha.

reb_woods072683

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #79 on: August 03, 2012, 04:23:51 am »
Excited ka na ba umalis sis? Sang province ka ba pupunta?

Latest Stories

Load More Stories
Close