3 mos na ma mula nang mawala ka...sobrang miss na miss kita, almost everyday umiiyak pa din ako, alam ko ayaw mo na ganito ako, pero nahihirapan ako mag-let go sa pagkawala mo..minsan nga nakakalimutan kong wala ka na, check ko pa din cp ko baka nagtext ka, tapos marerealize kong wala ka na nga, wala ng text from you, wala na din akong matatawagan pag may problem ako, wala ng magsasabing "smile ka na anak, maliit na problema lang yan"..i know na sobrang happy ka dahil nabigyan kita ng 2 apo na sobrang mahal mo, pero minsan naiisip ko what if di ako-nag-asawa, di sana nagkasama pa tayo ng matagal, di sana ako napalayo sayo, i could have spent more time with you,gaya ng dati na nabibisita mo ako madalas, nagkwewentuhan tayo, nasasamahan kita sa check up mo..remember nung sinabi mo sa akin nung bata pa ako, "anak, pagtanda ko, kunin mo ako ha, ako mag-aalaga sa mga apo ko"..malapit ko na ma-fulfill yun ma, malapit na matapos yung house, kukunin na sana kita pero di mo na nahintay, iniwan mo na kami..pasensya na ma,sorry dahil nung nandito ka nung june nasungitan pa kita, hirap lang talaga ako sa pagbubuntis ko..di ko alam na yun na pala last time na makikita kita, huling pagbisita mo na pala sa akin..hay ang hirap ma, parang di na mauubos luha ko..pero wag ka mag-alala dyan, in time makakarecover din ako..dont worry, yung lagi mong bilin sa akin na wag magsungit sa asawa ko gagawin ko, aalagaan kong mabuti mga apo mo..sana gabayan mo ako ha, saka sana mapanaginipan kita ulit, kahit every night kung pwede..i love you ma, di ko man lang nasabi nung buhay ka pa, pero alam kong alam mo na mahal na mahal kita, kahit di ako vocal sa pagsasabi..i know happy ka na dyan, dahil naka-smile ka sa panaginip ko, kahit di ka nagsalita...sige ma, hanggang dito na lang, mugto na mata ko kakaiyak, di na ako makahinga..'til we meet again...