watch now

Author Topic: Anything you'd like to say to loved one who passed away  (Read 41499 times)

kim28

  • Guest
Re: Anything you'd like to say to loved one who passed away
« Reply #220 on: May 29, 2016, 05:56:47 pm »
Pa,

I'm sorry hindi ko na kaya ginagawa ng anak nyo. Sumusuko na ako sorry talaga.  Mag 6 months na unahin ko na sarili ko at anak ko.  Ayaw ko ng ipagpilitan pa ang sarili ko at ang baby ko pagod na pagod na ako. 

Sa lahat ng bilin nyo pinilit ko naman lahat ginawa ko na lahat ng makakaya ko. Tanggap ko na fate ko to at choice ng anak nyo nanagyari sa amin.  Wala naman na akong magawa napapagod at napupuno din ako.

Need kong maging malakas para sa magiging apo nyo Pa.  Lalayo na ako, tatahimik at hindi na magpaparamdam sa kanila ayoko na Pa sorry.

Baby ko pa naman magdadala ng surname nyo Pa tagal tagal nyong hinintay si baby  sayang Pa.  Alam ko kasama nyo na si unang baby ko dyan at alam kong hindi nyo ako pababayaan.  Sorry kung nasasaktan kayo sa nangyayari sa amin. 

Pa ok lang naman na ako ang saktan at siraan nila mama at ng anak nyo pero Pa spare my baby hindi ko pa nga nailuluwal sa mundo wala pang kamuwang muwang baby may issue na agad.  Ako na lang wag na si baby please. 

Sorry pa kung now galit na nararamdaman ko.  Siguro napuno na ako simula ng idamay nila si baby.  Ako na lang wag na si baby. 

Sorry pa sorry talaga hindi ko na kaya patawad.  Sana maintindihan nyo na ginagawa ko to para sa apo nyo kailangan ko syang protektahan sa mga taong katulad nila. 

Thank you pa sa lahat kung nandito lang kayo hindi mangyayari to Pa kayo lang nakkaintindi sa akin sa pamilya nyo Pa miss ko na kayo.




 

Latest Stories

Load More Stories
Close