Author Topic: Hubby staying out LATE with FRIENDS  (Read 20775 times)

Dhee-Dhee

  • Guest
Hubby staying out LATE with FRIENDS
« on: April 28, 2012, 12:21:51 am »
Hello sisses! Ask ko lang kung anong opinion nyo dito.. OK lang bang ginagabi ang mga mister nyo? Lalo na kung hindi naman regarding sa work kung bakit siya ginabi?

Well, medyo badtrip lang ako kay hubby. Kasi naman, ang aga kong gumising para ipaghanda sya tapos until now wala pa sa bahay ang mokong. Nagpaalam naman sya nung isang araw pa tungkol sa DOTA session nila ngayon and we agreed na hindi sya magpapagabi. Tipong mga 11pm andito na dapat siya. Hindi naman sa naghihigpit ako, it's just that hindi ako makatulog ng wala pa sya. Sabi nga nila, kung aso nga hinahanap, ang tao pa kaya.. Saka 9hours akong nagwork ngayon, gusto ko naman kahit paano makatulog din ng maaga. Plus, may lakad pa kami bukas. Hindi rin naman kasi first time nangyari ito kaya pikon na pikon ako. Tingin nyo, am I over reacting?

mbeeyap

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #1 on: April 28, 2012, 05:51:24 pm »
if madalas mangyari mapipikon din ako. ang ayoko lang talaga eh pag sinabi mong 11pm tuparin mo. palalampasin ko yung 30mins, pero kung mahigit na isang oras, magdidilim na paningin ko lalo na't hindi nagtetext or tumatawag na madedelay ng konti kasi ganito ganyan eh alam naman na may naghihintay. ako din sis hindi makatulog pag hindi pa nakakauwi si mister.

FayeP

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #2 on: April 28, 2012, 06:12:04 pm »
sis Dhee-Dhee, kun minsan lang wala naman problema if he stayed out late with friends kasi maganda din naman na may time cya with them di ba...

ang masama nito pag lagi as in mga 2-3 times a week gagabihin cya eh di ok un kasi imbes na tumulong cya sa house eh magpapakasaya sya...badtrip un....

samin kasi ni hubby, ok lang sa kanya na makipag meet ako, hang out with my friends kahit gabihin ako pero choice ko na lang na wag gawin un..so sya din pinapayagan ko din if he wants to go to his friends' houses para magbonding, un nga lang umuuwi din cya agad mga 9pm nasa house na cya,tapos pag tinanong ko kun tapos na ba sila sa inuman nila, he will tell me "tumakas ako, ayaw kasi nila ako pauwiin eh hehe"

kettlekorn28

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #3 on: April 28, 2012, 08:35:47 pm »
sis Dhee-Dhee, i think you’re not over reacting. sabi mo nga, pagod ka sa trabaho tapos eto namang si hubby mo Dota ng Dota. Ok lang naman siguro kung once a week lang ang Dota session ng hubby mo at friends nya. Syempre they also need time na magbonding, FYI mahilig din magchikahan ang mga boys noh. Pero kung madalas mangyari ang ganyan at di pa tumutupad sa oras na pinag-usapan, aba nakakaimbyerna talaga.

Ang hubby ko, wala masyado social life. lalo naman ako kasi sa bahay lang ako. si hubby nakakalabas lang yan dahil may nightout ang buong company nila twice a month o kaya naman kapag niyayaya sya ng boss nya ng one-on-one drinking session, which is fine with me kasi ninong namin sya sa kasal at boss pa ni hubby. tapos nung nabuntis ako, dun na ako nag-stay kina mommy. so weekends lang kami magkita. aba nahilig sa pagtakbo, as in lahat na yata ng fun run gusto takbuhan. ok lang sana kasi nag-loose sya ng weight. ang kaso nga lang, malimit na saturdays and sundays ang mga fun run. aba eh yun na nga lang ang time para kami magkita tapos uunahin pa nya yung pagtakbo nya. at ang isa ko pa kinasasama ng loob, bumabayad pa sya dun ng mahal. to think na buntis ako at mahigpit ang pangangailangan sa pera. kaimbyerna!

aquacharly

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #4 on: April 29, 2012, 04:39:50 am »
May I  ask:  who set the 11PM curfew?  Parang ang aga. 

The way I got it, hindi naman gabigabi he goes off with his friends.
Ano ba issue  talaga?  You cannot sleep until he's beside you?  How old were you bago kinakatabi mo na sya sa pagtulog?
What else? Pagod ka sa pag-antay? Kung ang aso hinahanap.... But darling, he's not dog, he knows his address.   He knows you are waiting.

What's your issue really?
Maybe you worry he is up to some monkey business when he has his boys' night out?  Aba, ma grrrrr din ako, if I were in your shoes. 
But until you're sure about that --  breathe, and do not have him come home para lang salubungin ng suya mo.
That will not bring him closer to you. 

Play your cards well. 


aquacharly

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #5 on: April 29, 2012, 07:41:29 pm »
Teka ha, I am not judging  you. Hindi ko sinabi na wala kang K magalit.  But if you go post a situation/issue here -- not everybody will agree with you.  Take it or leave it.  Opinion nga di ba?

Ok, if I were under the same circumstances, batuhin mo man ako -- eto gagawin ko.  You may be a better person dealing with it in a better way, but this is what I will do: 
   
1st,  He must have a key to get in the house.   I will sleep  when I want to.  Hindi  puede?
        He can call me through a cell call pag andyan na sya sa pinto.  Ayaw ko pa istorbo sa tulog ko?
        Pwes, cell call nya his mom.  ayaw nya? For me - matulog ka sa labas.
        But  malamang hindi kami aabot he will sleep with the dog outside.

2nd,  I won't make him do a deal with me -- anong oras uuwi.
        Hindi sya bata.  He is an adult.  Ayokong isipin nya mahigpit ako -- but that's  just me.     I also know that men get carried away playing.  Hindi ko alam what that dota is.    But my husband can spend hours playing poker.  He will know   enough when he wants to quit playing and go home. Ayokong uuwi kasi may curfew.  Uwi ka kasi your better judgment tell you it's time to go home.   

IMO, men like  to feel they're "free"; paghinigpitan, they will challenge that/you.  But that is just my perspective.  i am not gonna defend that. 

3rd. Assuming he says he will be home by 11 and does not turn up on time -- hindi ako mag worry or
look for him. Sya mag text he will be late.  If he does not, I will not worry. If by 5am he is not in -- yan mag worry ako baka na accidente. 

4th. Assuming may pinag usapan, he breaks it... Hindi ko pa rin sasalubungin ng suya/galit. I don't like to sweat the small stuff. (For me, almost everything is small stuff.). Alsofor me, there is always a positive way to communicate.  IMO, pag sinalubong ko nang galit/suya/sita he failed  to keep  his word --  human nature he will question kung napakalaking kasalanan I cannot overlook it, now lang or seldom happens.  resentment starts to  breed there.

I will be quiet & ask:  you wanna eat/snack?  Then off to sleep again.  For me, well -- marriage can be inconvenient. Don't marry if you want no inconveniences/disappointments.  etc etc etc   Kaya nga patience is a virtue.  Now, timing is key -- I bring up during daylight in a positive way how next time  we can spare ourselves the past inconvenience.  But knowing myslf, ako na maghahanap ng way how I will not need to get up for hime to come in if I don't wanna wait up. 

Sa ken kasi, kung ginawa kong mag antay kasi magbubukas ako ng pinto -- eh baket ako ma grrrr.  Nag decide ako mag antay eh.  Oo, We agreed 11 eh di bahala sya if I don't wake up to open the door.  Now, if I decide to wait up kahit masuka na ko sa antok -- isipin ko na ang hubby ko inaantay ko at hindi boarder; at na late sya coz of  poker at hindi coz of a pookee.   Lolz

Well, that's just me. I would rather come up with a solution next time, kesa magkainisan kami over a curfew.  I choose my battles.  I don't like to sweat the small stuff. 


« Last Edit: April 29, 2012, 07:45:20 pm by aquacharly »

FayeP

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #6 on: April 29, 2012, 07:49:44 pm »
sis aquacharly, clap clap clap like ko post mo...

kasi samin ni hubby eh ok lang lumabas kami kahit ano oras umuwi, un nga lang choice namin pareho na wag naman magpa late ng uwi dahil nga may naghihintay...

saka sis dhee dhee, mahalaga din na may time si hubby with friends...tama si sis aquacharly na dapat may sariling key si hubby sa house para pag need mo na matulog di mo na cya hihintayin..

hot_chili

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #7 on: April 29, 2012, 09:00:51 pm »
agree ako with sis aquacharly, my hubby and I, we also dont have curfews like sis fayeP

he even goes out on a drinking spree with his friends almost 3 times a week, and nangyari na minsan na inabot sya ng 6am. yung tipong nagbrebreakfast na ko saka lang sya dumating, dedma lang ako kasi I know hindi sya mahilig sa monkey business and I trust the people hes with (lahat sila matitino and kakilala ko). I had a goodnight sleep kasi he has his own key, worry ko lang minsan is baka masobrahan sya sa lasing ang mabangga sa pagdrive pero sa loob ng 11 years namin together di pa yun nangyayari kaya I trust his judgement kung lasing na sya or kaya pa.

FayeP

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #8 on: April 29, 2012, 09:43:07 pm »
saka sis dhee dhee, un na nga, matanda na asawa mo, kun ayaw nya pa umuwi eh walang makakapigil sa kanya...pag pinigilan mo baka lalo magrebelde at gawin un mga ayaw mo kasi nananadya lang, ang ending, ikaw lang ang mastress lalo

Msfi

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #9 on: April 29, 2012, 10:15:07 pm »
If he doesn't go out often, yung paminsan minsan na late pag uwi dahil nakipag meet with his friends should be ok.  At dun sa DOTA session, kung maganda yung laban minsan tumatagal talaga. If their playing against another group expect na pwedeng mag best of  3 games or more. A game can go from 30 mins to 2-3 hours kung magaling talaga kalaban, so malabo sya makakauwi ng 11 pm, unless nag start sila ng maaga pa.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #10 on: April 29, 2012, 10:42:08 pm »
aquacharly: i'm not saying you're judging me. i'm just saying na kaya ako naiinis kasi nga he promised na hindi sya magpapagabi at hindi siya tumupad sa usapan. your opinion is very much welcome. actually, nung nakita ko nga na nagpost ka sa thread, natuwa ako. kasi isa ka sa model girltalkers, and i know na marami akong matututunan sayo. una, wala syang key.. why? i don't know, this isn't my house. tama ka, ayoko paistorbo sa tulog ko. sabi ko nga,  malamang kasi kahit tawagan nya ako, hindi ko maririnig lalo na kung tulog na tulog ako. nangyari na rin kasi yun dati. his mom doesn't have a cell and is not interested in having one. second, yung sa deal namin kung anong oras uuwi, kailangan kong malaman. ganun ako eh, pero madali akong kausap. kung sinabi nyang mali-late sya, edi sana nakaidlip muna ako kahit saglit tapos nag alarm nalang ako para mapagbuksan ko sya ng pinto pero sabi nya "malapit ng matapos ang game" kaya naghintay nalang ako, it was my choice. and sabi mo nga, he is an adult therefore, he should keep his promise. third, dahil naghihintay ako, tumawag ako. for me, mas ok na yun atleast malalaman ko kung maghihintay pa ba ako or kung gaano pa ako katagal dapat maghintay. fourth, hindi ko siya sinalubong ng galit. pag uwi nya, nakatahimik lang ako, alam kong alam nya pag masama ang loob ko. itinulog ko nalang. the next day, he said sorry and right away, we're back to normal. mabilis talaga akong mainis kapag pagod at inaantok ako.

fayep: swerte mo kasi "may pakialam" sa naghihintay ang hubby mo. like i said, wala key si hubby. pero dahil sa posts nyo, i'll suggest na magpagawa sya ng duplicate. hindi ko naman sya pinipigilan, talagang ganun lang ako. ako kasi, i keep my promises kaya galit ako sa mga hindi marunong tumupad sa usapan. sa akin kasi simple lang naman. bakit ka mangangako kung hindi mo naman pala kayang panindigan? kung lahat nadadaan sa sorry, edi sana wala ng pulis, haha.

hot_chili: wow, 3 times a week. hubby ko twice a week naman yung game nila. it's a good thing na kilala mo lahat ng kasama ni hubby mo. ako kasi, hindi. yeah, i know their names pero hindi ko alam kung matitino sila.

msfi: naku, sabi nga nya sa akin 1 game lang. doesn't matter naman kasi i was already expecting na hindi sila mag one game.

guilleanne

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #11 on: April 30, 2012, 12:06:17 am »
talagang nakaka inis sa nakakainis sis. Pero papano mo ihahandle yun inis mo and yung asawa mo.

Ako rin I consider this "small stuff". If you consider most things small stuff then there are less away and less hassel sa relationship nyo. wag yung bawat kibot eh reprimand agad, hindi maappreciate yan ng hubs mo miski man ako kahit pa sa nanay ko ayaw ko na masyadong sinisita ako.

I think the best solution to this is magtayo ka ng computer shop! joke! well get him his key. Or tell him in a sweet way next time matutulog ka na lang bahala sya kumatok! joke.

sarsingkit

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #12 on: April 30, 2012, 12:11:04 pm »
well get him his key. Or tell him in a sweet way next time matutulog ka na lang bahala sya kumatok! joke.

the same thing i would do. i understand your point in keeping promises. how i would deal with this kasi is to give little threats pag hindi tumupad sa promise. my dad was the one who told me this ha. like if hindi sya umuwi by your bed time which is 11pm, pabubuksan mo sya pero he has to do a chore, maglaba sya ganyan. para hindi ka laging worried na maaga ka gumigising to do chores and stuff.

but then again. letting the husband go once in a while is very essential. not only for guys but for us wives as well.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #13 on: April 30, 2012, 03:24:54 pm »
guilleanne: naku sis, sana nga eh pwede ko nalang syang tulugan. pero kasama namin si MIL sa bahay. bahay nila to actually, kaya nakikisama rin ako. ang pangit naman kung kinabukasan, magulat sya kapag nalaman nyang yung anak nya eh sa labas natulog, lol! pero sabi ko nga, salamat sa posts nyo, sasabihin ko kay hubby na magpaduplicate ng key para next time makakatulog na ako kahit wala sya. computer shop nga ang balak talaga naming itayo kasi dun daw sila magtu-tournament ng mga kasama nya. ;D

FayeP

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #14 on: April 30, 2012, 03:27:27 pm »
saka sis dhee dhee, buti nga Dota un pinagkakaabalahan at di babae or kun ano pang bisyo...brother ko din kasi addict jan kaya madalas talaga even on school nights (he's still in college) eh mga 2am na umuuwi kaya puyat lagi...pinagbabawalan namin pero ganun pa din...mom said na ok na din kesa naman drugs o ibang sugal ang pagkaabalahan ni brother...

anyway, sis, ok na din yan at least laro lang un inaatupag at mas ok na mas bata sa kanya ang mga barkada nya sa dota, mas iwas sa mga kalokohan na talagang matitindi (like babae, inom to the max sa beerhouse, etc)

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #15 on: April 30, 2012, 04:05:31 pm »
sa 5 years namin ni bf (ay mag6 na pala kami)

pagdota ang usapan talagang magsisinungaling yan, hindi tutupad sa pinagusapan, at ikaw lang ang lalabas na masama pagkakinulit mo sa mga promises niya regarding sa paglalaro ng dota.

minsan nga nagpaumaga na eh. ang usapan: alas dose ng gabi tapos na sila. eto na nagtext uwi na lang daw siya before ako magising the next day. siya na daw gigising sakin. eto na alas nwebe na kinabukasan wala pa rin. nagtext ako sabi ko, wag mo na ako gisingin, gising na ako. kamusta? naaksidente ka ba? nasa hospital ka ba dahil sa carpal tunnel? o di mo na maangat ang pwet mo sa internet cafe?

pero buti na lang kilala ko din mga kasama niya magdota. hahaha. ngayon may style na siya eh. dapat may libangan muna ako para di ko mapansin na wala siya so DL niya ako ng tv series or movies or what. hahaha tapos may pasalubong pag-uwi so ok na rin.

naku linya rin niya yan na buti nga daw dota lang bisyo niya. sabi ko aba pagmay anak na kami wag na wag niyang tuturuan ng dota at mahirap manermon ng dalawang bata.

sarsingkit

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #16 on: April 30, 2012, 05:02:17 pm »
bahay nila to actually, kaya nakikisama rin ako. ang pangit naman kung kinabukasan, magulat sya kapag nalaman nyang yung anak nya eh sa labas natulog,

when your husband is not around, take the oppurtunity to get close to MIL so you can slightly manipulate MIL na "pagalitan" si hubby for being so late. a little drama effect to the MIL wont hurt

glamorosa_09

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #17 on: May 01, 2012, 09:57:09 am »
Quote from: ishopnowfeelguiltylater
  sabi ko aba pagmay anak na kami wag na wag niyang tuturuan ng dota at mahirap manermon ng dalawang bata.

ahehe, natawa naman ako dito, talagang dalawang bata.

Ngayon ang hubby ko, inaabot ng late sa gym, MWF, kaya madalas kong tulugan. Ang sumisita sa kanya ay parents nya since kapitbahay lang namin sila. Sakin naman ok lang, basta hindi sya lalanta lanta sa umaga.

MrsLuluyz

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #18 on: June 10, 2012, 10:09:42 pm »
hi sis Dheedhee!! kita tayo here? hehe!

i know that feeling although hindi pa kami living together.. pero alam mo yung gusto mo siyang kasabay matulog (ako through phonepatch lang LOL) siguro kung palaging ganun sis, kausapin mo siya na mag compromise kayo. kasi based from experience pag pinagbawalan mo siya to do his thing, nako pag aawayan niyo yan ng bongga.

sa ngayon, pinagdadaanan ko pa rin yan.. wala pa kasi akong rights to stop him or really really get mad at him. gabi gabi yan sis, parang "shift" sa work ganun katagal minsan. uuwi 5am ganun. at first sobrang nagagalit ako. pero dumating yung time na hinahayaan ko na lang siya. una, kasi magsasawa din siya sa ganyang buhay. he used to play dota din, pero nanawa na din siya sa pagdodota. he plays dota at home na lang, pero yung with his friends, wala na.. pangalawa, wala pa kasi tong work eh, im sure when he starts working, mababawasan na din yan. pangatlo, compromise kami, pag me important na gagawin kinabukasan, bawal abutin ng umaga, latest is 1-2am. katulad nun one time, inabot siya ng 6am, kasi me reunion siya, eh monthsary namin, me lakad kami, he knows ill really get mad pag di siya bumangon or what kahit gusto pa niya matulog, tayo siya agad, mga ganun. and lastly, hinahayaan ko siya kasi pagmagkasama na kami, patay siya sakin, wala ng ganyan ganyan. haha.. manawa na siya ngayon, pagmagkasama na kami di na pwede yung araw araw na ganyan.

ayun lang na share ko lang, kasi ganyan experience ko eh.. like right now, andun pa sya, after basketball, tambay na yan. ang maganda lang nito sa akin eh, alam ko kung sino talaga kasama niya, chaka isang tumbling at kembot lang mula sa bahay ko yung tinatambayan niya. haha.
« Last Edit: June 10, 2012, 10:13:00 pm by MrsLuluyz »

MrsLuluyz

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #19 on: June 11, 2012, 11:30:36 pm »
hehe. nag browse kasi ako ng threads sis. yung relate ako, nagcomment. haha.

yun pa isa sa sinasagot niya sakin dati nun nag aaway pa kami ng bongga, nanay/tatay nga daw niya di siya pinapauwi, hinahanap ako daw kung maka pagpauwi sa kanya. sabi ko sa kanya, concern lang naman ako sa health niya di naman pwede araw araw na lang puyat siya at mas marami pa oras dun. chaka he thought hindi siya hinahanap, eh yung ate niya hinahanap siya sa akin, tinatanong kung san nagpupupunta. hello. shempre talo pa rin ako. :|

at least me pinagkakaabalahan na siya sis, kaya mejo mababawasan na yan. :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close