aquacharly: i'm not saying you're judging me. i'm just saying na kaya ako naiinis kasi nga he promised na hindi sya magpapagabi at hindi siya tumupad sa usapan. your opinion is very much welcome. actually, nung nakita ko nga na nagpost ka sa thread, natuwa ako. kasi isa ka sa model girltalkers, and i know na marami akong matututunan sayo. una, wala syang key.. why? i don't know, this isn't my house. tama ka, ayoko paistorbo sa tulog ko. sabi ko nga, malamang kasi kahit tawagan nya ako, hindi ko maririnig lalo na kung tulog na tulog ako. nangyari na rin kasi yun dati. his mom doesn't have a cell and is not interested in having one. second, yung sa deal namin kung anong oras uuwi, kailangan kong malaman. ganun ako eh, pero madali akong kausap. kung sinabi nyang mali-late sya, edi sana nakaidlip muna ako kahit saglit tapos nag alarm nalang ako para mapagbuksan ko sya ng pinto pero sabi nya "malapit ng matapos ang game" kaya naghintay nalang ako, it was my choice. and sabi mo nga, he is an adult therefore, he should keep his promise. third, dahil naghihintay ako, tumawag ako. for me, mas ok na yun atleast malalaman ko kung maghihintay pa ba ako or kung gaano pa ako katagal dapat maghintay. fourth, hindi ko siya sinalubong ng galit. pag uwi nya, nakatahimik lang ako, alam kong alam nya pag masama ang loob ko. itinulog ko nalang. the next day, he said sorry and right away, we're back to normal. mabilis talaga akong mainis kapag pagod at inaantok ako.
fayep: swerte mo kasi "may pakialam" sa naghihintay ang hubby mo. like i said, wala key si hubby. pero dahil sa posts nyo, i'll suggest na magpagawa sya ng duplicate. hindi ko naman sya pinipigilan, talagang ganun lang ako. ako kasi, i keep my promises kaya galit ako sa mga hindi marunong tumupad sa usapan. sa akin kasi simple lang naman. bakit ka mangangako kung hindi mo naman pala kayang panindigan? kung lahat nadadaan sa sorry, edi sana wala ng pulis, haha.
hot_chili: wow, 3 times a week. hubby ko twice a week naman yung game nila. it's a good thing na kilala mo lahat ng kasama ni hubby mo. ako kasi, hindi. yeah, i know their names pero hindi ko alam kung matitino sila.
msfi: naku, sabi nga nya sa akin 1 game lang. doesn't matter naman kasi i was already expecting na hindi sila mag one game.