watch now

Author Topic: Thailand (Thread 7)  (Read 106644 times)

lakwatsa

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #120 on: May 25, 2012, 10:32:51 am »
sis yby2476, naku mahilig talaga kami mag train hehe. kahit sa SG at HK, train galore kami. di kami nagttaxi masyado.

ni-book ko na rin yun citypoint pero di ko na inavail yun option na may kasamang half day floating market tour. maganda naman reviews nun hotel saka malapit lang sa Asok BTS at sukhumvit MRT. ipapasyal ko na lang sila sa Terminal 21 hehe.

eto yun draft iti ko sis. pakicheck and comment naman:

Fri - midnight arrival / taxi to IMM Fusion
Sat - Muang Boran in the AM / Siam Niramit show in the PM ==> hanap pa ko kung san magpapabook. di naman daw kasarapan yun food so yun show na lang ang ibobook ko.
Sun - early check out / transfer to Citypoint hotel / Chatuchak weekend market / shopping (MBK, Platinum, etc)
Mon - Ayutthaya DIY ==> mga anong oras kaya kami dapat start and what time usually nakakabalik sa city?
Tue - temple tour DIY (golden palace, po, arun) / last minute shopping or rest or ? / 12mn departure to Manila

sulit bang puntahan ang Siam Ocean World? o parang Manila Ocean Park lang natin yun? hehe.
iba pang gusto ko sana isama e yun mga elephant/crocodile shows e


sis super bratinella, ganyan din sabi nun nag SG kami. hot, hotter, hottest hehe. btw, san ka nag avail ng mga tours (except yun temple tour)?

ianne16

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #121 on: May 25, 2012, 10:36:25 am »
sis lakwatsa, BTS lang din kami lagi. though hindi super lapit ng BTS sa hotel namin, kaya pa din naman lakarin. actually pag labas mo ng hotel, tanaw mo yung BTS. nakakapagod lang at times kasi super init. nonetheless, okay pa din kasi competitive ang rates nila and maayos ang facilities ng hotel :)

super bratinella

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #122 on: May 25, 2012, 11:03:48 am »
sis  lakwatsa, ang Siam Ocean world parang Manila Ocean World lang din kaso mas ok ang Manila Ocean Park nothing so special at hindi naman din kagandahan ang hospitality ng staff ng nasa Siam Ocean World hindi sila accomodating lalo na ang tao dun sa glass bottom water thingy...

lakwatsa

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #123 on: May 25, 2012, 03:47:04 pm »
^^dyan nagbook yun isang kasama namin. solo lang sya hehe.

^thanks sis. ekis na siam ocean world kung ganun hehe. dun na lang sa elephant show ko sila dadalhin san kayo nag avail ng tours nun saka magkano?

lilstar

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #124 on: May 25, 2012, 05:30:49 pm »
sis bratinella how to get to MBK? excited nako 2 days to go.

lakwatsa

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #125 on: May 25, 2012, 05:56:52 pm »
^got this from bts website:

MBK Center / Tokyu Department Stores
Multistory shopping featuring clothing, mobiles and accessories, jewelry, music, furniture, leather goods, shoes etc. Complex contains many restanrants and fast food outlets.
How to Get There : SkyTrain to W1 National Stadium Station (Silom Line). Leave via Exit 4 and take the direct link to Tokyu Department Store. MBK shopping center can be accessed via Tokyu.

yby2476

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #126 on: May 25, 2012, 09:58:02 pm »
^sis lakwatsa, pupunta pala kayo ng ayuthtaya, mga 2 hrs yun from bangkok...paano punta niyo dun? by bus, train or shuttle, private car? kami nun, nag-train papunta, pero nung pabalik na, nag-bus na kami, since pareho lang naman na 2 hrs...and isip namin, ok na na matraffic kami pauwi huwag lang papunta...magdala kayo ng payong at pampalit ng damit, pag punta niyo ng ayutthaya kasi mainit at nakakapagod, kahit nakasakay ka sa tuktuk...di ko na maalala kung how much yung tuktuk ride...

yung MBK, pag nakita mo na yung national stadium, katabi nun yung tokyu dept store, then katabi ng tokyu yung MBK...pero lalabas ka ng tokyu dept then papasok ka dun sa MBK...sa tokyu ako nakabili ng wacoal, tapos pagpunta ko dun sa Big C supermarket, meron din pala, at naka-sale pa...nakakainis, ang laki ng difference..:-)

super bratinella

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #127 on: May 26, 2012, 07:26:48 am »
Sis Lilstar, ang tourist bus binababa talaga kami sa MBK from Samphran Elephant and Ground Zoo then kami na lang ang bumalik sa hotel via sky train.. :)

glitz_chic

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #128 on: May 26, 2012, 06:56:44 pm »
Sis ano marerecommend niyong hotel? Yung mura pero maganda. Sana yung may swimming pool inside .

lakwatsa

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #129 on: May 26, 2012, 09:51:42 pm »
sis yby2476, balak ko mag train to/from. para kung sakaling maagang makabalik e may time pa makapag shopping hehe. pero malayo ba yun sakayan ng train pag pauwi na? natrapik ba kayo nun pauwi na?
ahh sige sis noted yan pag nagpunta kami sa Big C hehe. sa unang hotel namin, malapit lang daw sya sa Tesco Lotus. ewan ko lang kung meron din dun na wacoal. balak ko rin puntahan yun Terminal 21.


^sis glitz_chic, depende sa budget mo. ako kasi max 2500 baht per night for 3pax na yun budget na niset ko hehe. kuripot mode para mas maraming budget pang gala at shopping. :D
among mga hotel na nakita kong mura pero may pool (pero malamang maliit lang mga pool nila) e yun Siam Swana at IMM Fusion. yun Siam Swana 1300 per night pag room only. for 2 pax na yan. yun sa IMM Fusion naman 900 room only. pero nakuha ko lang ng 555/night sa promo nila last weekend.

yby2476

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #130 on: May 26, 2012, 10:41:11 pm »
^sis yung train kasi, paano ba yun...teka...pagbaba mo mg mrt line, konting lakad lang, tapos pag-labas mo ng station, katapat nun eh yung mismong train station...di ka lalabas ng mrt station,basta yung dulo nun, makikita mo na yung train station papuntang ayutthaya or papuntang sg and everything...tapos sasabihin naman ng conductor kung ayutthaya na, pagbaba mo ng ayutthaya station, marami nang mga-tuktuk drivers na naka-abang...kami kasi di pa kami sumakay dun, kasi nag barge pa kami...:-) adventurous kasi eh...:-) tapos naglakad after ng barge hanggang sa di na kayang maglakad at nag-tuktuk na...

i guess, pahatid na lang kayo ulit sa train station...kasi kami, iniisip kasi namin na, kung magte-train pa kami, baka mag-barge ulit kami pabalik dun sa ayutthaya station ba? eh pagod na kami, so sinabi namin sa tuktuk driver na ihatid kami dun sa bus station na lang...kailangan i-explain mong mabuti sa tuktuk driver kung anong bus ang sasakyan mo ha? kasi yung bus nila eh pwede rin shuttle bus...baka dun ka sa mga shuttle bus ihatid, medyo mas mahal yun, kasi parang private car siya, compared mo sa mismong bus na parang victory liner natin..

traffic talaga sa bangkok sis.kahit anong oras...na-traffic ka lang pag papasok na ng bangkok...parang katulad dito sa north expressway natin...diyan sa balintawak, pero dun, doble ang traffic...may parang ganun sila, clover interchange, yun dun ang traffic..

kung train ka pabalik, ganun din parang papasok ka lang ulit sa mrt or rather bts nila, tapos, lilipat ka yata dun, kasi parang mrt at lrt 3 natin, parang ganun..kung sa bus ka naman, sa mo chit ang terminal...tapos medyo malayo na malapit yung mrt ng mo chit from the bus terminal...pwede siyang lakarin, pero walang side walk eh, kaya no choice but to take a cab...:-) kaloka nga kami, dahil pinagpipilitan namin sa bus conductor na punta kami sa mo chit bts eh abot tanaw lang sa terminal, sabi namin kung saan ang direction, tapos sabi nila, di pwedeng lakarin, dun kami tinuro sa sakayan ng taxi...eh parang kung sa sm makati, pumunta ka lang ng greenbelt, ganun ang layo...:-) pero highway siya...:-) kaya talagang cab..:-)


hotchick_19

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #131 on: May 27, 2012, 09:07:24 am »
hi mga sis, ask ko lang if kaya ang half day  sa ayutthaya? kasi kung aalis kami ng hotel by 6:30am tapos ang earliest train by 6:45am ata. kaya kaya namin ng matapos ng around 11am sa paglilibot? may opening time po ba ang ayutthaya? If im not mistaken kasi sa Grand Palace is around 10am ang opening, tama po ba? :)

yby2476

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #132 on: May 27, 2012, 09:23:33 am »
^sis kami rin naman half day tour lang, mga 6 temples yata yun, in 3 hrs kung mag-tuktuk ka...pero parang whole day ka kasi nandun..kasi tingnan mo, mga 2 hrs ang byahe back and forth yun..tapos sabihin natin allot yourself ng 3-4 hrs ang temple hopping...malaki kasi ang ayutthaya...at medyo malalayo ang mga temples...may mga iba lang na magkakatabi...para siyang UPLB na parang subic na 4 times...ganun ang ayutthaya...

kung by 11am tapos na kayo? hmm, 1 or 2 temple lang yan...kasi yung 645 na train, alis niyan 7 pa...tapos mga 9am plus ka makarating...eh syempre parang madis-orient ka pa, pagdating dun, so sabihin natin mga 930 or 945 ka pa lumarga, kung ayaw niyong mag-tuktuk, pwede niyong lakarin...kasi kami naka-2 temple kami bago kami nag-decide na magtuktuk..so from ayutthaya train station naglakad kami across dun sa parang river nila, nag-barge kami, then from the other side, naglakad kami ng 200meters dun sa pinakamalapit na temple...may 2 magkatabi, dun...pero di pa yun ang pinaka-magandang templo...kasi yung mga magaganda eh malalayo, you need a tuktuk,at tatawid ka pa ng bridge, ala san juanico bridge ang dating...:-)
« Last Edit: May 27, 2012, 09:32:55 am by yby2476 »

dianalovesmeg

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #133 on: May 27, 2012, 09:38:30 am »


bumili ka ng wacoal dun sa mga supermarket, i mean yung parang shopwise nila dun, kasi mas mura kaysa bibili ka sa mga dept store...

SIS! saan mismo sa BIG C nabibili yung wacoal? sa loob mismo ng supermarket o dun sa part na parang may mga botique/stores? nagpunta kasi ako dun last month wala akong nakita  :(

hotchick_19

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #134 on: May 27, 2012, 02:29:54 pm »
^sis kami rin naman half day tour lang, mga 6 temples yata yun, in 3 hrs kung mag-tuktuk ka...pero parang whole day ka kasi nandun..kasi tingnan mo, mga 2 hrs ang byahe back and forth yun..tapos sabihin natin allot yourself ng 3-4 hrs ang temple hopping...malaki kasi ang ayutthaya...at medyo malalayo ang mga temples...may mga iba lang na magkakatabi...para siyang UPLB na parang subic na 4 times...ganun ang ayutthaya...

kung by 11am tapos na kayo? hmm, 1 or 2 temple lang yan...kasi yung 645 na train, alis niyan 7 pa...tapos mga 9am plus ka makarating...eh syempre parang madis-orient ka pa, pagdating dun, so sabihin natin mga 930 or 945 ka pa lumarga, kung ayaw niyong mag-tuktuk, pwede niyong lakarin...kasi kami naka-2 temple kami bago kami nag-decide na magtuktuk..so from ayutthaya train station naglakad kami across dun sa parang river nila, nag-barge kami, then from the other side, naglakad kami ng 200meters dun sa pinakamalapit na temple...may 2 magkatabi, dun...pero di pa yun ang pinaka-magandang templo...kasi yung mga magaganda eh malalayo, you need a tuktuk,at tatawid ka pa ng bridge, ala san juanico bridge ang dating...:-)

thanks sis. magkano pag tuktuk ang sasakyan?

hotchick_19

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #135 on: May 27, 2012, 05:50:13 pm »
mga sis, has anybody tried to go to MUANG BORAN? Magkano ang Entrance? May Golf Cart ba na pwede  irent instead magbicycle kami? How much per hour? Tapos what time ang opening? TIA  ;D

yby2476

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #136 on: May 27, 2012, 08:27:09 pm »

SIS! saan mismo sa BIG C nabibili yung wacoal? sa loob mismo ng supermarket o dun sa part na parang may mga botique/stores? nagpunta kasi ako dun last month wala akong nakita  :(
-sa loob mismo sis ng supermarket, kasi diba yung supermarket nila parang shopwise, yun dun sa loob...

bituin

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #137 on: May 27, 2012, 11:44:53 pm »
i am going to bkk on June. Ano suggestion niyo mga sis, dito sa pinas magpapalit ng baht or pagdating na doon na lang?

glitz_chic

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #138 on: May 28, 2012, 12:22:44 am »
I'll be going din sa Thailand this June. I'm planning to go to Pattaya also para sa mga beach. :) So hahatiin ko talaga yung time ko for both. :(

hotchick_19

  • Guest
Re: Thailand (Thread 7)
« Reply #139 on: May 28, 2012, 05:56:02 am »
hi mga sis, june 3-7 na alis namin ni hubby.. so next sunday na yun. kinakabahan na ako.. bagpack tour lang kasi ni hubby at first time sa pupunta sa abroad. I need your your advice and comment regarding my itinerary.. TIA  :)

DAY 1-SUNDAY

9AM -Arrival at Suvarbhumi Airport
10AM-Airport to Chatuchak
10:30-2pm-Chatuchak
3pm-Check-in hotel in Pratunam: Link Corner Hostel
4-6:30 Madam Tassauds Wax Museum
7:30PM-10PM-Chao Phraya Princess Dinner Cruise

DAY 2-MONDAY

8-11AM-TEMPLE TOUR (Question Lang: Ilang oras aabutin ang temple tour, kaya ba ng 2-3 hours?)   :-\
11-3PM-SAMPHRAN ELEPHANT THEME SHOW AND CROCODILE FARM TOUR
       (Question: [textspeak!] bus na sasakyan papunta dito from Grand Palace bababa ba mismo sa gate ng Samphran?)
3-5pm  back to hotel
5:30PM siam niramit (Question: balak kasi namin magtrain going here, pag baba ba namin may sakayan na mismo going to the theater o tapat na mismo ng train yung theater?)

DAY 3-TUESDAY

AM-AYUTTHAYA (Question: sino na po yung nakapagcommute na papunta dito? from Pratunam ano po ang sasakyan papunta mismo dito?how much ang pamasahe?  how much ang entrance and other expenses?)
PM-SHOPPING IN PRATUNAM
NIGHT-PATPONG

DAY 4-WEDNESDAY

AM-MUANG BORAN (Question: same question with ayutthaya, from pratunam going here pano magcommute? Magkano fare? Entrance fee and additional expenses? )
PM-SHOPPING

DAY 5-THURSDAY
AM-AIRPORT

Thanks po talaga sa lahat ng help!!!  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close