^sis yung train kasi, paano ba yun...teka...pagbaba mo mg mrt line, konting lakad lang, tapos pag-labas mo ng station, katapat nun eh yung mismong train station...di ka lalabas ng mrt station,basta yung dulo nun, makikita mo na yung train station papuntang ayutthaya or papuntang sg and everything...tapos sasabihin naman ng conductor kung ayutthaya na, pagbaba mo ng ayutthaya station, marami nang mga-tuktuk drivers na naka-abang...kami kasi di pa kami sumakay dun, kasi nag barge pa kami...:-) adventurous kasi eh...:-) tapos naglakad after ng barge hanggang sa di na kayang maglakad at nag-tuktuk na...
i guess, pahatid na lang kayo ulit sa train station...kasi kami, iniisip kasi namin na, kung magte-train pa kami, baka mag-barge ulit kami pabalik dun sa ayutthaya station ba? eh pagod na kami, so sinabi namin sa tuktuk driver na ihatid kami dun sa bus station na lang...kailangan i-explain mong mabuti sa tuktuk driver kung anong bus ang sasakyan mo ha? kasi yung bus nila eh pwede rin shuttle bus...baka dun ka sa mga shuttle bus ihatid, medyo mas mahal yun, kasi parang private car siya, compared mo sa mismong bus na parang victory liner natin..
traffic talaga sa bangkok sis.kahit anong oras...na-traffic ka lang pag papasok na ng bangkok...parang katulad dito sa north expressway natin...diyan sa balintawak, pero dun, doble ang traffic...may parang ganun sila, clover interchange, yun dun ang traffic..
kung train ka pabalik, ganun din parang papasok ka lang ulit sa mrt or rather bts nila, tapos, lilipat ka yata dun, kasi parang mrt at lrt 3 natin, parang ganun..kung sa bus ka naman, sa mo chit ang terminal...tapos medyo malayo na malapit yung mrt ng mo chit from the bus terminal...pwede siyang lakarin, pero walang side walk eh, kaya no choice but to take a cab...:-) kaloka nga kami, dahil pinagpipilitan namin sa bus conductor na punta kami sa mo chit bts eh abot tanaw lang sa terminal, sabi namin kung saan ang direction, tapos sabi nila, di pwedeng lakarin, dun kami tinuro sa sakayan ng taxi...eh parang kung sa sm makati, pumunta ka lang ng greenbelt, ganun ang layo...:-) pero highway siya...:-) kaya talagang cab..:-)