watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)  (Read 123777 times)

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #520 on: April 28, 2012, 07:21:00 am »
Good morning mommies! May bloody show na ako today pero mga 1 teaspoon palang ata hehe. Wala pa akong nararamdaman prang mabigat lang. Hindi masyadong gumagalaw si baby since yesterday pero minsan kumikilos naman sya. Checkup ko later ng 9 a.m. :) Sakto kakakuha ko palang ng SSS ko kahapon at kakaayos palang namin ni hubs ng bag namin kagabi :)

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #521 on: April 28, 2012, 08:25:18 am »
May expo moms pala. Sayang. Hindi na ako makakapunta. And alam ko mega sale din ng sm megamall next weekend.

Grabe puyatan pala ang pagiging isang ina. Kaloka! Si baby ko 1 day palang naiaangat na ulo at mulat na mata.

Kapag may nagsasalita gusto niya humarap sa nagsasalita kahit hindi naman siya kausap. Nakakatuwa.. :)

Sis thea saan ka sa antipolo manganganak? Madidischarge na kami ngayon sa antipolo doctors, post ko fees kapag out na billing :)

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #522 on: April 28, 2012, 08:29:09 am »
Sis thea saan ka sa antipolo manganganak? Madidischarge na kami ngayon sa antipolo doctors, post ko fees kapag out na billing :)

Antipolo doctors din ako sis. :) hihi baka mag abot pa tayo. Sige sis salamat post ka ng bill ah. May wifi din ba dyan? Katuwa naman yang baby mo. whaaaaaaaa mukhang susunod na ata ako!hihi post kang pictures  ;)
« Last Edit: April 28, 2012, 08:32:33 am by theathoinkxzs »

sofala

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #523 on: April 28, 2012, 09:37:57 am »

ano ba yan... 39 weeks na pero wala parin... ang sakit sakit na ng katawan ko.  :(

Ayaw yata ni baby lumabas ng April. Dibale, May na nextweek. Naku, baka lumampas pako ng 40 weeks! wag naman sana!

Sis sweet, parang kelan lang nasa loob mo pa si baby mo, ngayon tumitingin na sya sayo. nakakatuwa! Excited narin ako!

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #524 on: April 28, 2012, 09:57:43 am »
^sis unting tiis lang ako halos muntik ng umabot ng due date. Nakakainip talaga pero kapag nandun ka na sa moment na makikita mo na si baby mo, its worth the wait and the pain.

Sis thea, 28k ang bill namin. Maya ko ipost nasa asawa ko pa at nagbabayad palang siya. Minus philhealth na 'yun. April 26-april 28 :)

For hospital bag: (from Antipolo doctors to ha)
-modess maternity pads (Mas okey sa akin ang adult diaper kesa sa modess maternity pad.)
- underpads
- panty
- change clothes and going home clothes

For baby:
-diapers newborn
-distilled water
-small feeding bottle
-damit ni baby
-receiving blanket 3pcs
-mittens 3sets
-socks 3sets
-baby oil
-baby soap
-cotton
-burp towel  o towel lang

Medyo nagulat lang ako kasi bigla pinabili si hubby ng enfalac. Hindi sila ganun kapro breastfeeding dito after 2-3days saka nila ipapatry sayo na magdirect feed si baby sayo.

sardonyx

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #525 on: April 28, 2012, 11:39:56 am »
congrats sis sweetsorrow!  :) ka-batch tayo if based on LMP kasi exactly 40 wks ako today, pero 38 weeks pa lang if based on ultrasound today.

naku, i have this brownish stain on my panty again.  the last time, false alarm kasi yung bleeding ko.   lately, ang bigat na talaga ng tiyan ko, nahihirapan na ako maglalakad at tatayo galing nakahiga at ang heavy ng weight ni baby sa pempem ko. 

just a stupid question:  should i wear contacts or eyeglasses while on labor?  gusto ko makita si baby when i give birth, pero baka masira ang eyeglasses ko. LOL!  on the other hand, hirap ng naka-contact lense pag nakatulog.

sofala

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #526 on: April 28, 2012, 11:52:48 am »
^ haha natawa ako sa question mo sis about the glasses. hindi ko naisip yun. pwede naman siguro, mag glasses ka nalang kesa contacts kasi baka mag dry pa yung eyes mo.

ako naman 39 weeks ako today based on LMP. may tanong lang ako sa mga nanganak na.

last night, as usual, nagwalk kami ni hubby, super ilang beses ako nag BH (nag tighten yung tummy ko), tapos nafeel ko na sumasakit yung pem ko at yung pwet ko. hanggang ngayon, masakit parin yung sa may pwet ko, yung parang buto sa gitna ng crack. hindi ko ma-explain, pero masakit kahit hindi ko ginagalaw. masakit sya whether naka upo ako or nakatayo or naglalakad. normal ba yun? ibig sabihin ba malapit nako mag labor or wala lang yun? 

masakit talga sya. ngayon ko lang na feel ito throughout ng pregnancy ko. kahit pag nag kegel excercise ako (yung kunwari pipigilan yung wiwi), nagthro-throb yung pain sa bawat pigil ko. sorry hirap explain pero gets nyo ba? hehe parang painful na for me to sit or walk ngayon.  :'(


cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #527 on: April 28, 2012, 11:55:14 am »
sis naawa naman ako sa eyesight mo, para sa first glance mo kay baby mo, siguro kung naka epidural ka and wala ka sakit masyado maramdaman ipasuot mo yung glasses mo para makita mo agad si baby mo ng malinaw.. :)
ano ba yan... 39 weeks na pero wala parin... ang sakit sakit na ng katawan ko.  :(

Ayaw yata ni baby lumabas ng April. Dibale, May na nextweek. Naku, baka lumampas pako ng 40 weeks! wag naman sana!

Sis sweet, parang kelan lang nasa loob mo pa si baby mo, ngayon tumitingin na sya sayo. nakakatuwa! Excited narin ako!

lapit na yan sis sofala! baka mamaya manganak kana.. kasama mo na si baby mo.. post pics ha!

johann25

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #528 on: April 28, 2012, 12:35:09 pm »
sisses! sa wakas makakauwi na si baby ko bukas   :)


congrats sa mga bagong panganak at sa mga coming soon


theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #529 on: April 28, 2012, 12:44:18 pm »
Sis sweetsorrow nako sa salve regina na ako papa admit mamayang 1. MAs malapit kasi si OB dun saka yung partner daw nya na anes sa salve eh tiga TMC din. Sana ganyan din yung bill ko.haha Buti ka pa nairaos mo na. Practice kami kanina kung pano mag ire. Kulang pa daw. Baka iba yung maire ko. Grabe pala kapag na I.E mapapakapit ka talaga. 5 c.m na nga pala ako pero medyo mataas pa daw si baby. No food na daw ako pagdating dun sa hospital. Please pray for us. :)

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #530 on: April 28, 2012, 03:36:53 pm »
Eyeglasses or contacts -alam ko sis bawal contacts. Pinatatanggal yan. Ako din may eyeglasses ako. Tinatanggal nila during actual labor. No choice. Pero naalala ko, nakiusap ako dun sa eldest ko parang naisuot nila after ko ma i deliver si baby for awhile yung eyeglasses ko, sa cgh to ng 2005. Pero dun sa 2nd ko, hindi ko naisuot kasi emergency cs. Pero para kay baby nakita ko din naman sya kahit papano. hehe

Also, naalala ko pati wedding ring and earings pinatanggal din sakin nooon. Na turn over kay hubby yung mga yun.

Bawal din sis ang may color ang kuko ha. Better on labor kayo walang cutix. Kasi impt sa kanila makita yung color ng kuko nyo to check on oxygen level.

Sis thea goodluck ha and balitaan mo kami. Godbless

mbeeyap

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #531 on: April 28, 2012, 05:12:58 pm »
just a stupid question:  should i wear contacts or eyeglasses while on labor?  gusto ko makita si baby when i give birth, pero baka masira ang eyeglasses ko.

i was wearing my eyeglasses the whole time from labor to delivery dun sa 1st baby ko. hindi naman pinatanggal. depende siguro sa hospital and sa OB mo sis. better ang glasses kasi if bawal eh di huhubarin mo lang agad unlike contacts na hassle talaga.

sweetkitten

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #532 on: April 28, 2012, 08:56:54 pm »
Hi sisses, baka gusto nyo itry yung ganitong pack and play with bassinet http://www.amazon.com/Graco-Playard-Newborn-Napper-Classic/dp/B004O4DU2I

Ganyan ang binili namin for baby, nag vvibrate na sha so pwede na gawing parang duyan.

35 weeks na kami today and bed rest parin ako. Ilang weeks ba pinaka maagang massabing safe na si baby? 36 weeks ba pwede na or 37 weeks pa talaga? Sana mag hintay pa si baby, naeexcite na kasi ata shang lumabas e...
« Last Edit: April 28, 2012, 09:12:16 pm by sweetkitten »

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #533 on: April 28, 2012, 10:36:07 pm »
sisses! sa wakas makakauwi na si baby ko bukas   :)


congrats sa mga bagong panganak at sa mga coming soon

Buti ka pa!!! Maeenjoy mo na si baby! Yay!!

@m.o.i
Yup nakakadirect feed ako sa baby ko. Wala na din sya sa incubator as of this morning! Thank God! Ang saya saya ko nung pumasok ako sa nicu kanina. Nasa hospital ako whole day today para lang ma breastfeed ko sya. Feeling ko nga e bumigat na din sya. I take pictures everyday, sabi ng mom ko lumalaki na pisngi. I hope she's right! Lol.

Maganda yang graco playard na yan. May vibra chenes pero never ko nagamit kasi cosleep kami ng baby ko dati. Ngayon di ko pa sure kung cosleep kami. Baka madaganan ni Ate e haha muni pa ko

Happy sunday mga sis!

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #534 on: April 28, 2012, 11:09:47 pm »
My MIL is here! Para kumontra na...sabi ko na huwag padede-in ng nakahiga. Hala sige pa din.

Pinapalatch ko si baby, magtimpla ba ng gatas at isubo sa baby dahil wala daw lumalabas sa akin!

At gusto niya buhatin ng buhatin ang bata eh natutulog pa!

Diosko naman!!!

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #535 on: April 29, 2012, 06:29:14 am »
^ all the more reason na magpursigi mag bfeed hihi tambay ka dun sa breastfeeding thread daming tips dun at helpful pa mga mommies dun

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #536 on: April 29, 2012, 07:35:21 am »
^^sis sweet, tama si sis wengerts, very helpful yung breastfeeding thread dun. Siguro kung ganyan ang Mil ko magiging matapang At masungit ako. At pati si hubby aawayin ko kasi dapat sya ang nag dedecide and between saming dalawa. I.m.o ko lang sis to ha. Yun lang, im just thankful mababait in laws ko, kaya kahit na gusto din nila i-formula, 100% support ako ni hubby dahil alam din nya benefits ng breastfeding sa baby namin.

Sis wengerts, im so happy with the good news. Wala na sa incubator si baby. Ano na age ni baby blythe? Ano daw sabi ng pedia nya sis? Pwede na ba daw umuwi? Saang hospital ka sis? Mababait ba staff sa nicu?

mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #537 on: April 29, 2012, 08:37:38 am »
Hi sisses, baka gusto nyo itry yung ganitong pack and play with bassinet http://www.amazon.com/Graco-Playard-Newborn-Napper-Classic/dp/B004O4DU2I

Ganyan ang binili namin for baby, nag vvibrate na sha so pwede na gawing parang duyan.

35 weeks na kami today and bed rest parin ako. Ilang weeks ba pinaka maagang massabing safe na si baby? 36 weeks ba pwede na or 37 weeks pa talaga? Sana mag hintay pa si baby, naeexcite na kasi ata shang lumabas e...
His sis sweetkitten! San ka nakabili ng pack and play. Gusto ko yang style na yan. Para di ko na kailangan ng duyan. And how much?

sweetkitten

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #538 on: April 29, 2012, 09:32:28 am »
Sa baby company baby sale kmi nakabili nung january sis, 10k. May nakikita pa ko sa mga baby company stores nasa 13k ata reg price. Sana mag sale ulit..

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #539 on: April 29, 2012, 09:53:36 am »
Thank God may gatas na ko! Nadaan sa prayers at naguumapaw. Si baby ko may bisyo na, ayaw magpababa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close