^Congrats sis! Ilang pounds si baby mo? Magkasunod lang tayo.. April 26 ako nanganak.
6.6 sis

congratulations pala sa mga new mommies! grabe namiss ko ang thread na to hehe, di kasi makapag net dun walang wifi

anyway eto ang story ko sa public hospital na pinanganakan ko hahaha. The last time sabi ko baka magpa resched kami kaso gusto ko na nga talaga manganak ng april 25. Went there at about 10am april 24, si hubby naman nagpunta ng redcross kasama mga pinsan nya na magdodonate. Kanya kanya kaming lakad, ang ganda di ba

So ayun, pinacheck ko yung room na pinareserve nya, walang available na single room. So punta ako ng payward, kukuha na nga sana ako ng room haha kaso sabi nung nurse need daw ng admitting paper muna from the delivery room bago ako magpareserve. So punta naman ako DR, hinahanapan ako ng 2 bags ng blood, before 12nn daw dapat nasa lab na. So wait ko si hubby, mga 11:50am nasa DR ako ulit magpapasched na tapos may form na hinahanap yung nurse, wala na daw dun so tawag sya ng tawag sa ibat ibang department kung andun yung may dala ng form. Sinermunan pa ako na dapat daw before 12, sabi ko before 12 naman ako dumating dito ah. Grabe mga after a while medyo naiiyak na ako sabi ko lalabas muna ako tatawagan ko asawa ko, nung dumating asawa ko ask ako bat ako umiiyak sabi ko naiinis kasi ako (eh talaga namang nakakainis yung patakaran nila di ba) then sabi ko nai stress kasi ako. Tapos maya maya lumabas yung nurse, andyan na daw yung doctor echecheck na daw ako (IE, etc). Tapos another sermon ulit from the doctor, same issues na bakit daw di ko prinipare yung blood before pa. Susme malay ko bang may cut off sila di ba. Eh ang ginagawa lang ng OB ko, inisched ako then prepare daw ako ng 2 bags of blood, wala din sinabi yung nurse nung OB ko. So expected ko na naka sched talaga ako e admit nung april 24! So sabi nila baka e emergency CS nalang daw ako, kasi ewan ko ba sa scheduling nila, walang coordination! So ok lang sa akin kahit nung 24 basta manganak na ako. After that nakakuha na room si hubby, payward. Kinabitan ako ng dextrose mga 4am na, april 25, pinagpaligo muna ako. We were expecting na umaga ako masi CS, kaya tawag ng tawag mga relatives ko kung ano na daw ba. Kung di pa pinuntahan ng hubby ko ang OR at e ask kung what time ako bibiyakin eh di pa sila magpapadala ng wheelchair para pick up-in ako!
So yun, I was awake nung inooperahan kahit pa sabihin nung doctor na kung inaantok ako itulog ko daw. Nakapikit ako pero naririnig ko usapan nila. Ang topic is yung wala daw coordination ang OB-OPD sa OR kasi nga wala sa schedule nila yung ibang ooperahan. As in yung time na yun lang nagkasunod sunod yung ooperahan. Eh ang alam ko may isa pang naka sched for CS na kasabayan ko din. Tapos may narinig pa akong "o asan yung myoma?" hahaha! Which is talagang in ask ko yung doctor nung nagvisit sya sa recovery room kung may myoma ba ako hahaha! Sabi nya hindi daw ako yun, thank God! Medyo joker pa yung doctor kasi sabi nya di daw ako natulog hehe.
Puro delay ang na experience ko sa buong panganganak ko this time. From start to finish talaga. Nasa RR ako for 5 hrs ata bago na transfer sa room namin mga 8pm na ata nun, medyo naka feel pa ako ng pagsusuka kasi the way na trinansfer ako from 3rd to 2nd flr sa kabilang building eh hindi din ganun kaganda. Una ba naman ulo ko pababa nung exit eh. Delayed din dinala si baby sa room namin, ininform ako ng nurse mga bandang 4am ata tapos 530 na siguro nadala. Friday may release order na ako kaso si baby walang consent ng pedia kaya inantay pa namin mag rounds ulit ang pedia nung saturday, lunch na nun. Medyo madilaw daw si baby, ilang days ba naman kami sa hospital. So paarawan nalang daw, wala naman daw infections pero may na notice ako sa diaper nya na parang kulay red, sa may birdie na spot buti ngayon nawala na.
So far BF din ako from day 1. Pro-BF yung hospital, bawal ang powdered milk kaya yung iba patago ginagawa. Second day pa din ako nagkaroon ng milk, buti nalang puro tulog ginawa ni baby nung day 1. Water lang pinainom namin habang wala pa ako milk, ok lang naman daw yun sabi nung tita nung hubby ko na nurse dati dun. Sumasakit din nipples ko pero keri nalang para kay baby, ayoko naman mag infant formula kahit gustong gusto na bumili ng asawa ko hahaha.
Haba ng story ko, pampalipas oras din sa mga sis na nag aantay ng D-Day dito
