watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)  (Read 123728 times)

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #560 on: May 01, 2012, 12:01:46 pm »
^Congrats sis! Ilang pounds si baby mo? Magkasunod lang tayo.. April 26 ako nanganak.

6.6 sis :D congratulations pala sa mga new mommies! grabe namiss ko ang thread na to hehe, di kasi makapag net dun walang wifi  >:(

anyway eto ang story ko sa public hospital na pinanganakan ko hahaha. The last time sabi ko baka magpa resched kami kaso gusto ko na nga talaga manganak ng april 25. Went there at about 10am april 24, si hubby naman nagpunta ng redcross kasama mga pinsan nya na magdodonate. Kanya kanya kaming lakad, ang ganda di ba :D So ayun, pinacheck ko yung room na pinareserve nya, walang available na single room. So punta ako ng payward, kukuha na nga sana ako ng room haha kaso sabi nung nurse need daw ng admitting paper muna from the delivery room bago ako magpareserve. So punta naman ako DR, hinahanapan ako ng 2 bags ng blood, before 12nn daw dapat nasa lab na. So wait ko si hubby, mga 11:50am nasa DR ako ulit magpapasched na tapos may form na hinahanap yung nurse, wala na daw dun so tawag sya ng tawag sa ibat ibang department kung andun yung may dala ng form. Sinermunan pa ako na dapat daw before 12, sabi ko before 12 naman ako dumating dito ah. Grabe mga after a while medyo naiiyak na ako sabi ko lalabas muna ako tatawagan ko asawa ko, nung dumating asawa ko ask ako bat ako umiiyak sabi ko naiinis kasi ako (eh talaga namang nakakainis yung patakaran nila di ba) then sabi ko nai stress kasi ako. Tapos maya maya lumabas yung nurse, andyan na daw yung doctor echecheck na daw ako (IE, etc). Tapos another sermon ulit from the doctor, same issues na bakit daw di ko prinipare yung blood before pa. Susme malay ko bang may cut off sila di ba. Eh ang ginagawa lang ng OB ko, inisched ako then prepare daw ako ng 2 bags of blood, wala din sinabi yung nurse nung OB ko. So expected ko na naka sched talaga ako e admit nung april 24! So sabi nila baka e emergency CS nalang daw ako, kasi ewan ko ba sa scheduling nila, walang coordination! So ok lang sa akin kahit nung 24 basta manganak na ako. After that nakakuha na room si hubby, payward. Kinabitan ako ng dextrose mga 4am na, april 25, pinagpaligo muna ako. We were expecting na umaga ako masi CS, kaya tawag ng tawag mga relatives ko kung ano na daw ba. Kung di pa pinuntahan ng hubby ko ang OR at e ask kung what time ako bibiyakin eh di pa sila magpapadala ng wheelchair para pick up-in ako!

So yun, I was awake nung inooperahan kahit pa sabihin nung doctor na kung inaantok ako itulog ko daw. Nakapikit ako pero naririnig ko usapan nila. Ang topic is yung wala daw coordination ang OB-OPD sa OR kasi nga wala sa schedule nila yung ibang ooperahan. As in yung time na yun lang nagkasunod sunod yung ooperahan. Eh ang alam ko may isa pang naka sched for CS na kasabayan ko din. Tapos may narinig pa akong "o asan yung myoma?" hahaha! Which is talagang in ask ko yung doctor nung nagvisit sya sa recovery room kung may myoma ba ako hahaha! Sabi nya hindi daw ako yun, thank God! Medyo joker pa yung doctor kasi sabi nya di daw ako natulog hehe.

Puro delay ang na experience ko sa buong panganganak ko this time. From start to finish talaga. Nasa RR ako for 5 hrs ata bago na transfer sa room namin mga 8pm na ata nun, medyo naka feel pa ako ng pagsusuka kasi the way na trinansfer ako from 3rd to 2nd flr sa kabilang building eh hindi din ganun kaganda. Una ba naman ulo ko pababa nung exit eh. Delayed din dinala si baby sa room namin, ininform ako ng nurse mga bandang 4am ata tapos 530 na siguro nadala. Friday may release order na ako kaso si baby walang consent ng pedia kaya inantay pa namin mag rounds ulit ang pedia nung saturday, lunch na nun. Medyo madilaw daw si baby, ilang days ba naman kami sa hospital. So paarawan nalang daw, wala naman daw infections pero may na notice ako sa diaper nya na parang kulay red, sa may birdie na spot buti ngayon nawala na.

So far BF din ako from day 1. Pro-BF yung hospital, bawal ang powdered milk kaya yung iba patago ginagawa. Second day pa din ako nagkaroon ng milk, buti nalang puro tulog ginawa ni baby nung day 1. Water lang pinainom namin habang wala pa ako milk, ok lang naman daw yun sabi nung tita nung hubby ko na nurse dati dun. Sumasakit din nipples ko pero keri nalang para kay baby, ayoko naman mag infant formula kahit gustong gusto na bumili ng asawa ko hahaha.

Haba ng story ko, pampalipas oras din sa mga sis na nag aantay ng D-Day dito :D

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #561 on: May 01, 2012, 03:44:30 pm »
hi sis sether!! congrats to the new addition to your family!!,,grabe nga lang ang stress mo from delivery dahil sa mga staff.. and about the blood bag.. etc.. naku malay ba natin na may mga ganun sila? ang nasa isip lang kaya natin is mailabas si baby ng safe and smooth..

re: breastfeeding , oo nun umpisa wala pa milk, pero now overflowing na.. with prayers!! direct feeding parin ako kaya minsan lang ako mag pump and magstore ng milk sa bottle.. nakaipon nga ako one time ng 4 oz. natuwa na talaga ako.. ;D kasi di ko alam kung gano ba kadami lumalabas sakin na milk.. yun iba kasi kwento sakin nakaka 6 oz. pa.. nakakatuwa kung ganun kadami lalabas na milk.. let's support each other mga sis!!

yung poopoo ni baby madilaw and matubig, and almost 8 times a day kung mag poopoo..ask ko kay pedia normal daw yun kasi BF nga.. di ko pa nga napa BCG and Hepa B si baby.. sa center ko sha dadalhin para libre like yung sa first child ko..

tapos yung mga 5 in 1 or 6 in 1 sa pedia nalang.. canvas din ako kung magkano.. so far ok naman ang rates ni pedia so decide ako na dun nalang sa kanya kasi minsan sa center oo libre nga gastos lang sa pagpunta kasi minsan di naman available saka minsan kulang..  :D

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #562 on: May 01, 2012, 05:22:30 pm »
oo nga sis, grabe stress sa blood bags na yun tapos in the end di rin pala magagamit hahaha! Buti nalang di ako sinalinan ng dugo kasi additional na gastos pa yun, 1k ata per bag magpalagay sa blood bank eh bukod pa sa ibabayad mo sa donor if there is. Ang matindi pa nyan akala namin type O yung pamangkin ng hubby ko kasi ilang beses na sya nagdonate type O daw sya. Tapos yung card nya pala is yellow ata na bigay ng redcross eh yung card na yun pang type B daw! Susme, iniisip ko muntikan pa ako masalinan ng ibang dugo, katakot! Hindi naman nag effort na echeck ng redcross yung donor hanggang interview lang. Buti nalang may available na type O dun (which is at first palaging wala buti nalang may nurse na taga public hospital na kilala si hubby, ayun nadala sa powers) pinalitan nalang. In the end, binalik na din ni hubby yung 2 bags of blood dun sa redcross.

Yung nagastos namin is mga 20k sa CSec ko kasama na yung sa 5 days stay sa hospital tapos nasa 1,400 yung sa Newborn ni baby. Bukod pa dun yun hearing test na 300.

About sa poop, buti nalang nagpost ka sis cass! Ganyan din poop ng baby ko ngayon eh which is normal lang pala. Exclusive BF ko din kasi sya. Sa May 9 pa balik namin dun sa hospital, may OPD naman dun eh. Pero meron na syang BCG at Hepa vaccine kasi dapat mabigay agad ata yun di ba? Mga basic lang ata available pag sa center pero yung mga booster eh sa pedia na. Meron din kilala husband ko na pedia din dun eh, tignan nalang kung ano mapag usapan. Sayang nga din naman yung malilibre mo kahit papano :)


slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #563 on: May 01, 2012, 08:17:50 pm »
Ngayon lang ulit nagawi dito.. :)

My sincerest CONGRATULATIONS sis sether!

Sa mga waiting pa lang, good luck po!

About poop, ganun talaga.. lalo if BF baby, as in kada after feeding poop agad. normal lang yun. gastos nga lang sa diaper. hehe. Sabi ng pedia ng baby ko, in the first few weeks lang naman daw yun, pagtuntong daw ng baby ng mga 2 months, at least twice a day na lang daw.




seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #564 on: May 01, 2012, 10:09:37 pm »
^thanks din sis sa info :D ganun pala yun. oo gastos nga sa diaper eh as in kakapalit mo lang meron nanaman! kanina tried using covers tapos lampin sa loob, much better talaga pala sya kasi naging ok skin ni baby unlike nung lagi syang disposables. medyo kailangan ko pala mag invest talaga sa cloth diapers at covers! sorry medyo off topic na :D

LLLA              -     delivered april 2
justineo              -   April 8 - 1st baby - boy
rhosan                -   April 10 baby boy
Slovy              -   April 11- Delivered: April 5
honeyz4028         -   April 13 - Delivered: April 14
GeRi Sp!cE      -    April 17 1st baby -  Delivered: March 28
Dada08               -    April 21 - 1st baby - girl
Mikaela325      -    April 27 - 2nd baby - girl - Delivered Apr 14
Sweetsorrow        -    April 28 - 1st baby - boy - Delivered: Apr 26
Sether                 -    April 30 - 2nd baby - boy - Delivered April 25
johann25             -   My 3 - 1st baby - girl
sofala                  -    May 5 - 1st baby - girl
sardonyx              -   May 6 - 1st baby - boy
cassiopeia            -   May 7 - 2nd baby- boy - Delivered Apr 19
theathoinkxzs       -   May 13 - 1st baby - boy
mommyleigh        -    May 15 - 1st baby - girl
ela1ne_r              -    May 23 - 2nd baby - both boys
micci                   -    May 25 - 1st baby - boy
arlene1018          -    May 21-26
blue_angel           -    May 31 - baby boy
rodcielle07           -    May 31-June 2
sweetkitten          -    June 2 - 1st baby
mjotero29            -    June 4 - 3rd princess
aupoleiana           -    June 10 - 1st baby - girl
Mom.of.inchikoy   -    June 12 - 3rd son - CS w/ target date on May 31
Faithfaith             -    June 15 - 1st baby - boy
mbeeyap             -    June 17 - 2nd baby - boy
mommyniuja        -   June 26 - 3rd boy
Mjshines               -   june 24, 2012

mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #565 on: May 02, 2012, 08:01:51 am »
May na mga sis! Goodluck sa mga mommies na due this month. Next na kami!


mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #566 on: May 02, 2012, 08:17:20 am »
Sis sether, try to visit kellymom website. It helps in bfeeding. Ng nag bf ako dun sa isa ko, no water din sis. Congrats sis ha! Enjoy mommyhood... For sure all worth it ng nakita mo si baby ano man ang ngyari sa hospital. hehe

Mga sis, may nag manas ba sainyo? Haaay mukang nagmamanas ako. Iba iba talaga bawat pregnancy. Liit ko dun sa 2 boys ko, pero ngayon laki ko

mommyleigh

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #567 on: May 02, 2012, 10:11:37 am »
sis M.O.I ako minanas ako ngaun kaso  yung paa lang as in parang kay shrek na yung paa ko..
yung dalwang singsing ko hindi narin kasya sa fingers ko.. :'( ..lumapad din ako ng sobra..nung hindi pa ko preggy 48 kilos lang ako pero ngayon 64 kilos na ko..."Payatot" ang tawag sakin ni hubby dati, ngayon" Dabyana" na. :P


cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #568 on: May 02, 2012, 12:47:59 pm »


Yung nagastos namin is mga 20k sa CSec ko kasama na yung sa 5 days stay sa hospital tapos nasa 1,400 yung sa Newborn ni baby. Bukod pa dun yun hearing test na 300.

About sa poop, buti nalang nagpost ka sis cass! Ganyan din poop ng baby ko ngayon eh which is normal lang pala. Exclusive BF ko din kasi sya. Sa May 9 pa balik namin dun sa hospital, may OPD naman dun eh. Pero meron na syang BCG at Hepa vaccine kasi dapat mabigay agad ata yun di ba? Mga basic lang ata available pag sa center pero yung mga booster eh sa pedia na. Meron din kilala husband ko na pedia din dun eh, tignan nalang kung ano mapag usapan. Sayang nga din naman yung malilibre mo kahit papano :)

sis 20k lang talaga nagastos mo sa CS mo? galing ang mura, san kabang hospital sis? bat tumagal din ng 5 days stay mo?

 oo nga eh yung BCG and Hepa sa center ko din dalin , ang alam ko dapat sa first month mabigay yun eh, yung ibang vaccine canvas pako yung iba kasi matipid din. yung cloth cover mo diba mas parang hassle? lalabhan mo pa? di pako kasi gumagamit ng cloth diaper ever since kasi ayoko maglaba ng maglaba heheeh,,,
« Last Edit: May 02, 2012, 01:36:25 pm by cassiopeia »

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #569 on: May 02, 2012, 01:21:22 pm »
^^sis mommyleigh, haaay... ako din eh. though hindi ganun ka laki pa ang na gain ko pero physically ang laki ng nilaki ko. na cocompare kasi sa 2 previous preganancies ko na "butete" ang tawag sakin.

sis sumasakit ba legs mo? what do you do to lessen it? nag manas lang kasi ako after ko manganak dun sa 2nd child ko. as in kung ano yung weight ko ng nanganak ako, yun din weight ko after. parang walang natanggal sakin at mas malaki pa itsura ko. mga 3 days siguro yun. pero kasi, iba kasi eto pag buntis. nag aalala ako and nag sisimula ng sumakit legs ko. though sa legs pa lang naman, sa fingers same pa din. i just tried to elevate my legs, and more water intake. try ko i-lessen salt, and more protein intake...

dada08

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #570 on: May 02, 2012, 03:44:06 pm »
hello mga mommies!

now lang ulit naka visit sa GT.

gave birth last April 12 via emergency cs (baby girl).. medyo mahabang kwento mga mommies. had post pre ec last April 19.
imagine 6 days pa lang halos baby ko, Apr 19 130am i was rushed to the hospital due to elevated bp (200+/100+) nag catapres na ako 150mg wa epek pa rin...

But God is good, kaya eto pa rin ako. Need nga lang hinay pa rin sa kilos as per OB till 6 weeks daw ang post pre ec kapag umatake ...

1oz lang ata napa bf ko kay baby stop muna ako sa bf since I still have some meds for my hypertension.  so sad nga kasi gusto ko tlaga i-breastfeed si baby Chae ko...


« Last Edit: May 02, 2012, 03:49:23 pm by dada08 »

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #571 on: May 02, 2012, 03:55:13 pm »
ako konting manas lang nung preggy tapos yung mga ugat ko sa right foot naging pansinin na pero wala naman sa left foot ko. Sa ngayon since nanganak na ako eh medyo nawawala wala na sya, buti naman :)

@sis cass, yup ganun lang bill namin. Province kasi saka public hospital pero ok naman yung service pati yung mga materials at rooms since level 3 hospital naman yun. Mahigpit sa policy, sa kakahigpit ayun nae stress ako sa 2 bags of blood na di ko naman nagamit hehe. Downside lang is medyo may issue yung hospital na yun kaya siguro parang watak-watak mga staff at walang coordination :D April 24 ako na admit then nag out kami ng afternoon ng april 28. Not sure if counted na sa bill yung 24, once ko lang kasi nakita yung billing since husband ko nagbayad.

Sis sether, try to visit kellymom website. It helps in bfeeding. Ng nag bf ako dun sa isa ko, no water din sis. Congrats sis ha! Enjoy mommyhood... For sure all worth it ng nakita mo si baby ano man ang ngyari sa hospital. hehe

thanks sis :D yup nagbabasa basa din ako sa site na yun. Medyo mahigpit lang si hubby sa paggamit ko ng pc ngayon.

^Congrats sis thea! :D

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #572 on: May 02, 2012, 04:20:52 pm »
hello mga sis,congrats sa lahat ng nanganak na :)

full term nako by friday kaya ngayon pa lang medyo mino-monitor ko na mga contractions at movements ni baby..mga sis tama ba na kapag more than 90secs na yung contractions tawagan na si ob?

pina-ultrasound pala ako ulit ni ob to check kung wala sa neck yung umbilical cord,thankfully ok naman..may pinapa-take din sya sakin na pampalambot ng cervix,i hope makatulong..hindi ako masyadong nakakapaglakad-lakad kasi ang likot ni baby pag naglalakad ako ng malayo-layo e :D

im really hoping for a normal delivery kahit maliit ako..hehe..please help me pray mga sis :)

sa mga nanganak na,ano palang pain relief ang ginamit nyo?

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #573 on: May 02, 2012, 04:29:45 pm »
Sis wengerts penge ako ng contact number. Upper antipolo ako sis. Gusto ko itry baka lalo makatulong sa breastfeeding.

Nahihirapan kasi ako sa latching. Kasi naman si MIL paintroduce ng paintroduce ng formula! Gusto kong awayin na kaso si hubby naman ang makakaaway ko mabait naman sana siya kaso pagdating sa pag-aalaga ng baby pinapangunahan ako.

Sana nga umuwi na siya sa calamba para masolo ko na si baby at magawan pa ng paraan ang nipple confusion niya! Sana sila ang nakakaramdam ng engorged breast!

Hanggang 2oz. Lang kaya kong ipump... :( kasi mas okey talaga kapag si baby ang naglatch.. Palagi kaming nagtatalo.. Kulang nalang brasuhin ako ng anak ko..

Dami ng nanganak!

Nakakatuwa buhok ni baby ko kaparehas ng kay coco martin.

As in malago at may patilya at long back pa! Eh daniel pa name niya kaya tuwang tuwa ako sa Walang Hanggan. :)

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #574 on: May 02, 2012, 04:48:13 pm »
^hahaha tindi sis ah dapat nga sa MIL mo mas supportive sya na mag BF ka kasi ganun naman talaga mga matatanda di ba? Sa mga inlaws ko dito walang nagsabi sa aking mag formula ako ni isa :D although asawa ko gusto na dati bumili para daw pantulong sa akin kasi nga eh sumasakit nipples ko, pero since kaya naman tiisin ang sakit eh ok lang.

@sis micci, mefenamic yung pain reliever na pinapainom sakin eh nalimutan ko na yung brandname pero inistop ko na since nung nasa hospital pa ako kasi sabi ni hubby wag daw masyado uminom ng mga pain reliever kung kaya naman ang sakit, kasi parang may effect sa bituka natin or something :D so far kahit CS ako eh keri na ang pain
« Last Edit: May 02, 2012, 04:57:46 pm by seTHer »

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #575 on: May 02, 2012, 04:54:35 pm »
sis dada, how are u na? Congrats ha, hows ur baby? Sis, Ano cause ng emergency cs mo? Ano daw cause ng post pre ec mo sis? Ng preggy ka pa mataas na din ba BP mo sis?
hello mga mommies!

now lang ulit naka visit sa GT.

gave birth last April 12 via emergency cs (baby girl).. medyo mahabang kwento mga mommies. had post pre ec last April 19.
imagine 6 days pa lang halos baby ko, Apr 19 130am i was rushed to the hospital due to elevated bp (200+/100+) nag catapres na ako 150mg wa epek pa rin...

But God is good, kaya eto pa rin ako. Need nga lang hinay pa rin sa kilos as per OB till 6 weeks daw ang post pre ec kapag umatake ...

1oz lang ata napa bf ko kay baby stop muna ako sa bf since I still have some meds for my hypertension.  so sad nga kasi gusto ko tlaga i-breastfeed si baby Chae ko...




seTHer

  • Guest
« Last Edit: May 02, 2012, 04:59:53 pm by seTHer »

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #577 on: May 02, 2012, 05:11:27 pm »
Sis thea, congrats! Galing ng pain tolerance mo sis. Musta naman recovery mo sa cs sis?

Sis micci, we will pray for u. Kaya mo yan :)

Sis sweet, mabait ka pa. Kasi kung ako yan, wala talaga makaka pigil sakin. Ang in laws ko din pro formula, pero inunahan ko na talaga si hubby. At sinabihan ko na sya na suportahan nya ako. Simple logic lang naman ang sinabi ko sa kanya nun. Anak ko to, matagal nanaming pinangarap magka baby, minamahal ko na sya kahit hindi ko pa sya nakikita at minamahal, inalagaan ko sya sa tyan ko for almost 10mos, sa tingin mo ba pababayaan ko sya ngayong nandito na sya? Milk ng mommy and para sa baby. As simple as that. If you love me, and you love our baby, you will support my decision. And ikaw na bahala mag explain sa family mo ako bahala mag explain sa family ko. Tayo ang magulang ng anak natin. And ang Dyos ang nag bigay ng responsibility sa atin to take care our gift from Him. Kasi ang naging issue din namin actually hindi lang formula, kasi pati water naging issue sa amin and yung direct nursing and kung saan saan ko dinadala ang baby ko, kasi nga direct feeding kami, and bakit daw hindi ko binibigyan ng water (even family sa side ko) ang baby ko. Binibigyan ko na lang sila ng printouts ng mga study sa breastfeeding.

Latching - sismake sure you latch your baby kasama ang areola. Wag lang nipple. Kasi magsusugat talaga. After feeding, pa airdry mo lang. Wag masyado mag li is ng breast kasi nakaka dry ng skin.


sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #578 on: May 02, 2012, 05:28:49 pm »
Cute ng baby mo sis sether!

Hindi ako makapagupload.. Mobile mode eh!

Sis m.o.i mabait naman in some ways si mil ang problema dito sa baby ko naexcite din. Unang apo niya kasi walang ginawa kundi matulog lang. Etong baby ko super active na, kaya giliw na giliw.

Kaya napapansin ko gusto niya titimpla gatas para siya ang magpainom. Kasi may isang araw hindi niya talaga nabuhat si baby kasi nasa akin lang. Aba kinamadaling araw naririnig ko sila ni hubby painomin na daw ng tinimpla niya bago daw umiyak pa si baby.

At palaging bitbit. Sasabihin pa na ang bisyo daw ng baby namin kasi palaging gusto karga.

Parang nakakabwisit ano? She had her chance of being a mother! Ako ngayon lang huwag niya sana ako pangunahan!

Kaya si hubby ko palagi kong sinesermonan kaharap si MIL na ang breastfeeding ganto ganyan. Engorged na nga boobs ko formula pa sila ng formula milk. Tapos kapag nagkasakit sasabihin binat.

Gusto ko minsan sabihan ng hindi po lahat ng alam niyo ay tama. Like bigkis, sinulid sa noo ni baby, at kung ano ano pa.

mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #579 on: May 02, 2012, 05:37:21 pm »
sis M.O.I ako minanas ako ngaun kaso  yung paa lang as in parang kay shrek na yung paa ko..
yung dalwang singsing ko hindi narin kasya sa fingers ko.. :'( ..lumapad din ako ng sobra..nung hindi pa ko preggy 48 kilos lang ako pero ngayon 64 kilos na ko..."Payatot" ang tawag sakin ni hubby dati, ngayon" Dabyana" na. :P

pareho tayo sis, 48 kilos din ako nung hindi pa ko buntis, ngayon 32 weeks na kami, 58 kilos na ko.

Tumaba na din yung mga paa ko, pero parang hindi naman manas, kasi kita pa naman yung buto ko sa bukung-bukong. Tsaka pag manas pag pinindot yung part na may manas lumulubog diba, yung sa kin, di pa naman lumulubog, ibig sabihin taba na talaga. Hahaha!

Madalas ko naman maramdaman ngayon na pag matagal akong naka-upo tapos tumayo ako para maglakad, parang pupulikatin ang legs ko. Pero hindi naman natutuloy, sinabi ko kay OB kanina, sabi saken gawin ko lang daw na 2x a day ang calcium vitamins ko.

Every 2 weeks na rin ang check-up. Pero balik ako st.lukes sa may 7 for ultrasound. Sabi ni OB may 2 ultrasound pa daw ako kasama yung sa may 7 before manganak. Hay! Lapit ko na rin makita si baby.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close