watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)  (Read 123926 times)

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #300 on: April 18, 2012, 12:00:10 am »
^wow sis,buti hindi ka pa nagpa-panic?hehe..active labor na nga yan,sabi din ng ob ko pag 3-4cm,admit na daw ako kasi hours na lang ang bibilangin nun :)

check up ko last saturday,i gained 6lbs in 2weeks!nagulat ako,pero sabi ni ob baka bumabawi lang si baby kasi hindi naman ako nag-gain masyado the entire time e..i had my 2nd shot of TT na din,then next saturday i-IE na daw ako kasi 36weeks nako by that time..masakit ba yun mga sis? :-\

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #301 on: April 18, 2012, 06:22:13 am »
Good morning mommies. Nako kung kelan pa ako malapit nang manganak saka naman ako sinipon. May safe bang inumin na gamot para sa sipon? Nahawa ata ako dun sa asawa nung isang patient. 2 beses na namin nakakasabay yun sa checkup. Mga mag 1 month na ata ang sipon ni kuya.  :(

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #302 on: April 18, 2012, 07:22:36 am »
kwento ko lang, nung isang araw nagpagupit ako sa David's. tinanong ko ang stylist, safe ba mag pa hair color kahit nag bbreastfeed?

nawindang ako sa sagot nya.

normal po ba kayo o cs?

sabi ko cs.

ay okay lang po.

sabi ko anong kinalaman ng pag deliver mo ng baby sa hair color at breastfeeding?

kasi po pag naglagay ng hair color, malapit na po sa utak, pag normal po kasi syempre iire kayo so may effort pati sa ulo/utak. sa cs po wala.

sa loob loob ko, DUH?

pinagmalaki pa nya sa kin na ang na CS daw hindi nabibinat. HUH? sabi ko pareho lang nanganak yun, mas mahirap pa nga at mas matagal ang healing bakit hindi ka pwedeng mabinat?

di na sya sumagot hahaha

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #303 on: April 18, 2012, 07:39:12 am »
hi mga sis. On our way to Antipolo na. :)

baka pag-apak ko ng Antipolo bigla ako maglabor. Haha!

Sis cass ano na balita sayo? Bakit 6cm ka na hindi ka pa naadmit... Kailangan pa hintayin ang labor pains? :)

kaloka naman ang difference ng CS sa Normal. Siya kaya kulayan ko! Haha. Mga pamahiin nga naman..

LLLA

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #304 on: April 18, 2012, 07:54:18 am »
ahahaha.. kakatawa naman story mo sis wengerts  ;D

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #305 on: April 18, 2012, 07:57:48 am »
^^ingat sis sa byahe ha... Balitaan mo kami :) smile na :)

Sis wengerts, natawa naman ako sis sa kwento mo. Hahaha... Re haircoloring, are you planning to breastfeed? You may want to check kellymom website may mga faq sila dun.

Sis cass, ano sabi ob mo re labor mo? Baka namimili lang si baby ng date? Baka gusto nya today na april 18? hehe. Btw sis saan ka manganganak and sino ob mo? Hanga ako sa ob mo, gusto talaga nya natural birth noh...

Sis thea, baka pwede oa madaan sa natural remedies? Llke pausok, salinase, honey with calamansi... Ask ob din if pwede ka mag conzaceto boost your immune system.

Sis micci, re IE as per experience medyo uncomfy sya. Pero compared sa residents, mas light ang kamay ng ob ko kesa sa kanila. Kaya mas gusto ko pa na sya mag ie sakin.

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #306 on: April 18, 2012, 08:18:57 am »
Sis thea, baka pwede oa madaan sa natural remedies? Llke pausok, salinase, honey with calamansi... Ask ob din if pwede ka mag conzaceto boost your immune system.

Thanks mom.of.inchikoy oo nga pala calamansi with honey! Inom ako nyan later pag uwi tubig nalang muna for now. Sumisinghot singhot pa ako habang nag tatype. dapat hindi masyadong nakatungo kasi baka maghello yung sipon ko hahaha thanks ulit sis.  :D

Natawa ako dun sa hairstylist. Ang kulit

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #307 on: April 18, 2012, 08:22:05 am »
Haha chinichika konlang yung stylist. Kasi naman di panko nashashampoohan, binebentahan na ko ng hair treatments! Naaasar ako pagkaganun e hahaha kita mong buntis kung ano ano inaalok mo! Tapos parang bawal ka tumanggi? Feeling lang naman yun hehe. Pagka sinabi kong pag ako napaanak sa yo idedemanda ko tong establishment nyo, tumitigil na sila haha

Mixed kasi nababasa ko about hair coloring and bfeeding. Kaso naman sablayers yung reply sa mga tanong ko so parang walang bearing haha

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #308 on: April 18, 2012, 08:33:18 am »
^ mismo, pero alam mo sis during the time na nag bfeed ako sa 2nd baby ko and pumunta ako davids for haircut and mani pedi, nagtatanong ako ng treatment sila mismo nagsasabi wag muna, siguro natapat sayo yan to make us all smile here dito sa thread. hehe

Beauty achuchu during pregnant - may mga nagawa ba kayo? Ako sobrang namimiss ko na ang body massage and body scrub. Ng bago mag holyweek, sa sobrang miss ko pumunta ako sa nailspa sa d block (sila lang kasi kilala ko na nag sterilize ng gamit before gamitin sa customer) nag pa pamper feet ako and hand. Haaayz sarap. Pero may mga areas sila na hindi Minamassage kasi dilikado. Baka mag start ng labor ko ng hindi oras. hehe... Sarap ulitin. Gusto ko nga din subukan prenatal massage kaso ayaw ako payagan ni hubby :(

Ano namimissnyo na sabikna sabikng gawin after giving birth? -ako siguro coffee.

Sis thea, baka sa weather din yan kasi sobra init tapos papasok office or sa mall na naka aircon. Kahit kami dito sa bahay ng mga kids ko starting na allergic rhinitis namin... More liquid lang sis and soup...

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #309 on: April 18, 2012, 08:38:22 am »
^ Oo nga sis nakakaloka talaga yang weather na yan. Ang init init. Kapag gabi napapa half bath pa ako dahil sa lagkit na nararamdaman ko.

Parehas tayo coffee din namimiss ko at massage. Ang habilin ko nga kapag nakapanganak na ako. Kapag nagising ako bilhan ako ng malaking tasa ng kape at cake tapos papamassahe after ilang days manganak. Hay sarap.  :)

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #310 on: April 18, 2012, 08:45:57 am »
Haha o nga kailangan daw mapatawa ko kayo today :D

Namimiss ko din ang kape at masahe! Saka miss ko kargahin at pupugin ng halik si panganay, na di ako magworry kasi baka masipa nya tyan ko haha!!

^ baka may diy hair color na lang ako buy ako ng organic chuvanells sa healthy options. :) kasi naman yung mga puti ko dumadami pag nanganganak ako. It's weird talaga.

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #311 on: April 18, 2012, 09:16:48 am »
Btw sis, alam nyo ba yung no rinse shampoo? Parang may nabasa kasi ako na ganun few years ago... Baka may alam kayo about it and kung saan nakaka bili?

Wow, coffee and massage din pala kayo. Ako din yan din ang request ko kinabukasan, extra hot coffee.

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #312 on: April 18, 2012, 09:25:49 am »
Uynababasa ko dinnyan dayi, pero honestly di pa ko nakakakita ng no rinse shampoo :( tingin ako makaya sa watsons sis balitaan kita

LLLA

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #313 on: April 18, 2012, 09:31:45 am »
ako din super misss ko ang coffee.. super starbucks na ko ngayon .. love ko Mocha Frap ;D

Faithfaith

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #314 on: April 18, 2012, 10:11:11 am »
[textspeak!] am mga sis.. nag back read ulit ako.. ayy.. natawa naman talaga ako dun sa kwneto ni sis wengerts re hair color.  Ehh OB ko nga may sina suggest pa kung san ako puede magpa haircolor na organic ehh.. galing.. sabi ko hindi na po.. maghintay na lang ako pagka panganak.. 

galing naman ni ni sis cass taas ng pain tolerance.. sana ganon din ako.. pero hindi ehh.. :D  takot ako sa pain.. haha!  pero kakayanin ko to.. at dapat kayanin.. hahaha...   ;D

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #315 on: April 18, 2012, 10:57:18 am »
[textspeak!]

galing naman ni ni sis cass taas ng pain tolerance.. sana ganon din ako.. pero hindi ehh.. :D  takot ako sa pain.. haha!  pero kakayanin ko to.. at dapat kayanin.. hahaha...   ;D

oo nga sis eh. nakakatakot lang pag ganito kasi wala ako pains masyado baka gulatin nalang ako ni baby.. pero malikot naman sha..
sis wengerts nakakatawa yung post mo, kala ko sideline na nun hairstylist yung pagpaanak.. ano ba yun babae o bading?

sis sweetsorrow ano na balita sayo? sa antipolo ka na ulit mag stay and manganak? oo nga eh, mag 6cm na ata ako pero wala pa mataas daw kasi si baby.. kaya mamamya maglalakad lakad na naman ako.. makapit kasi nung pinainom ako ng gamot last week, eh diba last week mukang in labor nako, kaya lang wag daw muna palabasin.. baka nagtampo si baby hahaha!!

re: IE depende yun sa OB yung sakin mejo masakit siguro kasi malalim nga kasi si baby..

mag jogging kaya ako? hahah!! kagabi nagdrive pako from sm marikina to monumento. gusto ko na talaga lumabas si baby sa lungga nya, sana nga ngayon 18 na.. heheh..miss ko na din yung panganay ko kasi pinasundo ko muna sa lolo nya kasi wala magbantay sa kanya pag na-admit nako.

 :)
« Last Edit: April 18, 2012, 11:06:52 am by cassiopeia »

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #316 on: April 18, 2012, 12:04:37 pm »
Btw sis, alam nyo ba yung no rinse shampoo? Parang may nabasa kasi ako na ganun few years ago... Baka may alam kayo about it and kung saan nakaka bili?


sis, meron sa watson's. 119 each ang shampoo and conditioner :)

sofala

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #317 on: April 18, 2012, 12:12:20 pm »
^sis cass, buti ka nga nag da-dilate na yung cervix mo kahit mataas pa si baby. kasi at least mabilis nalang labor mo once bumaba na si baby. i think nagcocontract nako, but I'm not really sure. Sabi diba tumitigas yung tyan? sometimes hindi ko kasi napapansin kung pag tigas ng tyan ba yung nararamdaman ko or baka naman si baby lang na nags-stretch. kasi pag gumalaw si baby, tinutulak nya yung tyan ko so parang ang tigas nya. hindi ko alam kung contractions yun. at wala pa akong "mentrual pain" na nafeefeel. eh diba sabi nila maramdaman mo yun pag malapit ka na? so feeling ko medyo malayo pako.  :-\

naiinip na kami, lalo na si hubby kasi hindi sya makapag work until manganak ako. tapos yung family ko luluwas from province next week kasi akala nila this week ako manganganak. baka pag dating nila dito manila, mataas parin si baby.

namimiss ko- lahat ng sweets. marami kasi bawal sakin since may gestational diabetes ako since 24 weeks bawal ang lahat ng may sugar, at carbo (rice, bread, pasta, etc.) pati nga meat & fruits may limit pa. isda at veggies lang ako lagi, nakakasawa. kaya nga ngayong mga 38 weeks nako, parang super excited nako manganak kasi pagod nako sa mga bawal. tinitiis ko lang para kay baby.

Walking- bakit may nababasa ako sa net na hindi naman daw effective ito. pero sabi naman ng doc ko maglakad lang ako. kaya kagabi sumayaw nalang ako sa "ice ice baby". tawa ng tawa asawa ko kasi pumasok sya sa kwarto, sumasayaw ako naka panty lang, ang laki laki pa ng tyan ko. hindi pa naman ako marunong sumayaw, super uncoordinated, kaya tawa sya ng tawa.  ;D

sweetkitten

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #318 on: April 18, 2012, 01:00:08 pm »
Go sis cass, sana lumabas na si baby ngayon!

Sis sweetsorrow, ingat kayo at sana maglabor ka na pag dating ng antipolo :)

Sis sofala, observe mo mabuti, baka yan na nga.. Sunod sunod na talaga nakaka excite!

Maraming nakakamiss talga mga sis, ako din gusto ko mag pa massage, at ang namiss ko ng sobra ay ice cream! Lahat ng sweets actually, pero pasaway ako medyo this week kumaikain na ako ng chocolates. Hihi. Mababaliw ka kasi ako talaga. Kaya ice cream pagkapanganak ko talaga kakain ako agad.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #319 on: April 18, 2012, 02:13:20 pm »
hehe ako puro kain ginagawa ko ngayon, parang wala akong kabusugan. bumili pa asawa ko kaninang lunch ng cornetto :D naghahanap pa asawa ko ng blood donor eh papano walang O+ ang redcross dito! tsk tsk 1 week to go nalang lalabas na baby ko, sino kaya this week? sana sis cass bumaba na yang baby mo para ok na :)

@sis sweet, buti naman at uuwi na kayong antipolo. hopefully eh maging comfortable ka na dun at baka nga dyan gusto lumabas ng baby nyo :)

@sis sofala, sakin lagi din nage stretch, kaso nga eh CS na ako kaya di na ako nagpapakatagtag. although parang marami akong nararamdamang kakaiba kapag nagpapakapagod ako :D yung feeling mo na masakit pempem mo kaso yung signs of labor wala talaga :( kung bakit kasi di ko na ask si OB kung may dilation na ba nung in IE nya ako.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close