watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)  (Read 123905 times)

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #320 on: April 18, 2012, 03:00:23 pm »
thanks sa replies about IE,sabi kasi ni ob medyo masakit daw yun tapos tumawa sya,joke lang daw..hehe..

miss ko na din ang massage,inggit ako kay hubby kapag nagpapa-massage sya dati..coffee naman,medyo tunitikim-tikim ako minsan,mga 2sips ganun..

gusto ko na din mag-shine moist,ang dry na ng hair ko :( before binyag plan ko din magpa-rebond ;)

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #321 on: April 18, 2012, 03:01:03 pm »
sis, meron sa watson's. 119 each ang shampoo and conditioner :)

anong shampoo yun? bakit no rinse? edi ang kati sa ulo nun?

at sis sofala, ganyan nga din ako, di makapasok si hubby sa work kasi baka anytime soon ako mag labor na.. prob ko pag pumasok sha pano ko pupunta sa hospital.. baka ako pa magdrive sa sarili ko at mag pa admit ng kusa. haha!!!

feeling ko nga din di effective yung walking kasi parang di naman ako natatagtag sa paglalakad ko..sumasakit lang yung legs ko.. pero ang maganda dun exercise naman para di mag cramps at mag circulate ang blood flow.. naisip ko nga baka mamaya habang nanganganak eh mag leg cramps wag naman sana.. at di ko matatanggal ang legs ko pag natali na.


honeyz4028

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #322 on: April 18, 2012, 03:02:33 pm »
Hi sisters!

I am now officially a mommy!  ;D

April 13 ang due date ko but I gave birth to my daughter April 14. She came out after 20 hours of labor.

Nagrequest ako sa asawa ko ma magleave siya ng Friday and Monday kasi gusto ko matagtag ng sagas para manganak na ako.  Friday the 13th, nasa festival mall kami, nagwalkathon from ground floor to 4th floor ng mga apat na beses. After maglakad, nagdinner kami sa Racks kasi I was craving for baby back ribs. Pagkatapos ng dinner, lakad ulet ng dalawang floors then umuwi na kami.

9:00pm nasa bahay na kami and around 10pm nakatulog na kami. I even said to my baby "goodnight Elise. See you tomorrow. Mommy and daddy loves you."

11:00pm nagising ako. Balisa. Di mapakali. Nag-cr ako at umihi. Tapos sinubukan ko ulet matulog.

12:00mn nagising ulet ako. I can feel the contractions na. I knew na hindi Braxton hicks yun kasi iba ang intensity ng pain. Ginising ko ma hubby ko at sinabi ko na "dadi, eto na yun". I went to the cr to pee Tapos ayun, may bloody show na!

1 am nasa hospital kami after ko naligo, magready ng gamit at mag-inform sa parents namin.

Upon admission, sinukat na cervix ko. 2-3 cm pa lang pero kapa na ulo night baby. Hanggang 8 am ganun pa rin. Tinurukan ako ng buscopan for the cervix.

My ob said pay ganun parin pagdating ng 3pm, cs na ako.

3pm, ganun pa rin Ang sukat. Contractions are more frequent. Masakit!


8pm, kinausap na ng ob ko since hubby. They agreed na i -cs na ako.

9pm, nasa or na ako.

9:42pm, my baby Aurora Elise was born. She's exactly at 4 kilos nung tinimbang. 52 cm in length.

My tears fell when I first heard her cry and saw her face. I still can't believe I am a mommy. Sooooooo happy!!!

mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #323 on: April 18, 2012, 03:32:25 pm »
^congrats sa iyo sis!

Hay grabe ang init ng panahon. Pero kahit mainit wala pa rin akong tigil ng kakakain. Ice cream, salad, spaghetti at kung ano-ano pa. Bsta makita ko, kahit hindi ako gutom hindi ko mapigil ang pagkain. Sana lang hindi ako sumobra sa timabang next check-up namin kay OB.

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #324 on: April 18, 2012, 03:40:11 pm »
wow congrats sis honeyz4028 im so happy for you!! hi to baby Aurora Elise!  :D ;D :D

20 hours of labor nako sakit nga yan,, but we congratulate you for all the labor pains and for the support of your husband!! yehey!!! galing galing!!!

btw, sa festival mall din ako mahilig magikot sis, malapit lang pala tayo..

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #325 on: April 18, 2012, 03:41:31 pm »
^^^congrats sis honeyz! finally nakita mo na din baby nyo. post pics soon ha :D hayyy kahit pala anong tagtag mo kung di talaga bubuka eh CS ka pa din. good thing naka set na mind ko na CS na ako :D

^^sis ako din kain ng kain. 2kg ata nadagdag sakin in 1 week lang hahaha puro sa bata napupunta. ngayon lumaki tyan ko ng sobra unlike dati.

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #326 on: April 18, 2012, 04:05:41 pm »
Congrats sis honeyz :)

Ie - di naman masakit basta relax lang. Kasi mas ramdam mo yung ie pag tense ka down there.

Coffee & massage - super miss ko din to. Di ko pa sure when allowed ang full body massage postpartum via nsd. Yung coffee nakakainom naman ako even nung preggy pero once a day lang yung hot sa morning and mild lang timpla. But ang miss ko talaga yung praline mocha frappe ng starbucks. Gusto ko na uminom kaya lang bawal pa daw ako uminom ng malamig sabi ng mil ko. They're here kasi for vacation and to help us out na din. Sa saturday or friday i'll go out makakabili ko. Hehe.

Ligo - gusto ko ng maligo. Wala pa kasing one week since i gave birth. Ayaw pa din ako maligo ni mil at baka mabinat. Buti na lang at i made sure na maligo before going to the hospital last saturday.

Carry my son na almost 2 na. Sya pinaka namissed ko when i gave birth to my daughter. First time  ko kasi nawalay sa anak ko. Pag uwi namin medyo selos sya sa kapatid nya. Gustong gusto ko ng buhatin pero bawal pa daw kasi mabigat as per mil pa din.

Looking forward na din ako magpa hair color for the first time. Dapat noon pa kaya lang preggy. Now pwede na. :)
God bless mga sis. Lapit na din kayo to see your babies. :)

sweetkitten

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #327 on: April 18, 2012, 04:12:54 pm »
Congrats sis honey! Naiyak naman ako sa kwento mo. Enjoy your new budle of joy!  :)


theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #328 on: April 18, 2012, 04:42:21 pm »
honeyz4028 congratulations!  :D

Nako bumigat nga pala ako 144 lbs na ako from 112 nung hindi pa ako nabuntis. Noon nga underweight pa ako. Everyday nga ata ako bumibigat at kung [textspeak!] ano din ang kinakain ko. As of now kumakain ako ng maruya hehe. Nagluto ako kasi wala akong kasama ngayon sa bahay.

Minsan naguiguilty ako kapag uminom ako ng coffee sa umaga. 6 a.m kasi yung start ng work ko eh sa Antipolo pa ako manggagaling so kelangan maaga talaga, pero hindi naman ako everyday nagkakape.

Ok lang yan mga mommy onting tiis lang at darating din ang panahon na maeenjoy na natin ulit ang mga namimiss natin as mas lalo pa nating maeenjoy yun dahil kasama na natin ang baby natin.  :)

Nga pala, anung mas magandang gamitin? Adult diapers or maternity pads?

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #329 on: April 18, 2012, 05:37:56 pm »
Sis honey, congrats! Saan ka nanganak and magkano inabot? Wow, your baby elise is big ha. Congrats and God is really blessi you... Enjoy mommyhood...

Coffee - ako naka set na talaga ako for caramel machiato extra hot. Kelangan kung meron man na bibisita sakin sa hospital kelangan may dala nyan. Kasi definitely si hubby ang dala mga food pambawi sa panganganak ko and para mabilisang healing ng sugat like duck orkidney misua, lapu lapu, etc....  Agree dito si giselle sanchez, i read her blog about it and inexplain nya yung reason behind ng mga pamahiin.

No rinse shampoo and conditioner - meron na ba nakapag try nito and kung paano gamitin?

Babymoon - meron ba gumagawa nito or plan gawin? Ako gustong gusto ko 'to. Sarap. Siguro mga one week kami na kami lang talaga after paguwi sa hospital.

Ice cream - siguro subconsciously kaya ako tumatakawdito recently (btw normal result 75g sugar test), kasi kapag nag breastfeed ako baka mahinto ulit ang intake ko ng dairy products to lessen ma allergy si baby....

Questions mga sis: ano-ano gusto nyo pa gawin ngayon bago kayo manganak?


theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #330 on: April 18, 2012, 05:56:32 pm »
Ako gusto ko sanang mag swimming. Kaso bawal daw sabi ni OB. Natetempt nga kaming bumili ng pool, yung inflatable.hehe Ang init init naman kasi. Saka last summer na namin to na yung labrador namin ang baby namin. Sana hindi magselos si Sunday(yung lab) namin kapag dumating na si baby.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #331 on: April 18, 2012, 06:01:40 pm »
^sis bakit naman bawal mag swimming?

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #332 on: April 18, 2012, 06:02:43 pm »
^^ sis bakit daw bawal mag swim? Kasi ako sinuggest pa nga ni ob ko yun kasi one of the best exercise for preggy ang swimming...

Re lab/dog, naalala ko tuloy dun sa eldest namin. Ang unang baby din namin dog, pero greatdane. He is now 7yrs old, pero until now grabe pa rn bark nya and pag selos sa panganay ko. hehe

Ie - nakalimutan ko i share about dito... Better to exhale and open mouth while doing the ie. Para mas relax. Kasi may tendency na mag inhale and hold breath dito, mas masakit daw....

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #333 on: April 18, 2012, 06:07:26 pm »
before manganak - ako naman gusto ko maka watch pa ng movies, eat buffet, eat seaside dampa, mani and pedi ulit, separate dates for hubby, eldest and second kid ko... Kasi feeling ko eto na yung hindi ko na magagawa ng matagalan ulit pag dating ni baby...

honeyz4028

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #334 on: April 18, 2012, 06:10:41 pm »
Thank you sa lahat!

Baby ko ang pinakamalaki sa nicu nung pinasok siya dun. Hehe. Sabi ng ob ko, kahit anong pilit na pabukahin ang sipit sipitan, cs talaga ang ending ko dahil sa size ng baby ko. If pinilit I-normal, pareho kaming magkakaproblema.

Naka-package kami sa ob ko. 40k. Kaso mejo madilaw skin ni baby kaya na-void ang package. Kinailangan na iphoto therapy for 24-48 hours. Naglalaban daw blood types namin ni hubby eh. He is A+ ako naman O+. Eh nakuha ni baby ang blood type A. If she was type O, walang extra charges.

Ending ng bill namin, around 53k. That is less of philhealth na.

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #335 on: April 18, 2012, 06:34:31 pm »
^sis bakit naman bawal mag swimming?
sabi ni OB baka daw kasi mag contractions daw ako wala pa sa full term bawal din ang loving loving. Kapag full term nalang daw saka puwede na, mga next week haha wagas!

Minsan nga iniisip ko kung pano iintroduce si baby sa dog namin, kasi syempre matagal syang nagiisa lang. Akala nga namin noon si Sunday lang ang magiging anak namin dahil may PCOS ako. 2 years din na papalit palit ng doctor at pills. Dati nalulungkot talaga ako lalo na kapag hindi ako dinatnat tapos biglang meron na naman, ayun pala nireready lang kami ni Lord kung pano mag alaga ng bata, aso nalang daw muna.haha

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #336 on: April 18, 2012, 06:37:47 pm »
CONGRATULATIONS sis honey!  :)


Ligo - gusto ko ng maligo. Wala pa kasing one week since i gave birth. Ayaw pa din ako maligo ni mil at baka mabinat. Buti na lang at i made sure na maligo before going to the hospital last saturday.

Carry my son na almost 2 na. Sya pinaka namissed ko when i gave birth to my daughter. First time  ko kasi nawalay sa anak ko. Pag uwi namin medyo selos sya sa kapatid nya. Gustong gusto ko ng buhatin pero bawal pa daw kasi mabigat as per mil pa din.

Looking forward na din ako magpa hair color for the first time. Dapat noon pa kaya lang preggy. Now pwede na. :)


Hi sis, how are you?


Me naman regarding pagligo, nakaligo ako kinabukasan agad sa hospital. May pahintulot naman ni OB yun, ok lang daw kasi so ayun naligo ako.

Sobra missed ko din si Redd nun when I gave birth, hindi ako nakatulog nung unang gabi ko sa hospital kakaisip sa kanya kaya pinapupunta ko sya kinabukasan din, hanggang sa nadischarged kami, kasama na namin sya. nung una pala selos din sya. Pero later on, naadopt na din nya tas lagi nya hinahalikan si baby. minsan nga pag umiiyak pinapatahan nya. kakatuwa! hehe.

Gustong gusto ko na rin magpa hair color at hair rebond, sobrang panget na kasi ng buhok ko, nagtikwasan na. Sawa na ako sa kakapusod. Mega research nga ako kung pwede na. Sabi ni google, no study shows naman daw na nakakaharm yun kahit pa you're nursing. Pero para maka sure wag na lang daw mag BF atleast 2days at discard yung expressed BM after the treatment at wag daw lumapit kay baby. But, wait ko na lang maka one month post partum kasi takot din ako, too early pa 2 weeks lang baka maglagasan naman hair ko.

--
ang pinakanamiss ko naman kainin when preggy is the chocolates and rocky road ice cream. at sa ulam naman, shrimps. Yun ang nilamtakan ko after I gave birth, nagpa order ako agad kay hubby. Nakita ako ng pedia, ay naku bawal pa rin daw yun kasi nagpapa BF ako. bad daw ang caffeine from the chocolates and ice cream. sa shrimps naman baka daw magko-cause ng allergy kay baby. so sa ngayon, still in moderation pa din.

--
re walking case to case basis yata to. maaring effective sa iba, maaaring di naman sa iba. Pero sakin kasi napaka effective nito, like nitong sa pangalawa ko, the day before nanganak kasi ako, mga hapon na nun, nagmall pa kami, watched sine pa nga. Eh we were expecting sa the block yung cinema kasi dun kami bumiling tiket. yung bil ko naman kasi di chineck agad. yun pala sa main mall pa ng sm north edsa, as in sa kabilang dulo pa, ang layo pala.. eh showing time na, sobra haba ng nilakad namin tas mabilisan pa, ayun kinabukasan ng 3am pumutok waterbag ko.

--
kwento ko lang, yung baby ko kasi sobrang puti nung lumabas as in. pero after few days naging mapula sya, para tuloy maitim tingnan. tapos nagbabalat naman skin nya ngayon, ang panget tingnan.. normal lang ba ito? at hanggang kelan kaya mawala?

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #337 on: April 18, 2012, 07:38:40 pm »
Sis thea, same tayo. Pcos din ako and never expected to get pregnant five times and now im expecting our third baby na. Nauna din kami sa puppy as our first baby. We bought him months before our wedding. Walang may gusto bumili sa kanya kasi nagkasakit sya and mukhang askal pero malaki paa. hehe... Now he is old na for a 7yro dog pero baby pa din kumilos. hehe...

Sis slovy, natanong mo kay pedia about sa skin ni baby? Sa paglalakad, same tayo super effective sakin yan dun sa previous pregnancies ko. Annex to the block ang lakad pabalik balik. Pero ngayon takot hubby with too much walking kasi nga cs naman ako. Mahirap ma emergency cs, may addtl surcharge sa hospital than sched cs kasi eh. hehe

Sis honey, nakakatuwa big baby, yung 2nd baby ko din kasi big din. Pero 3750g lang. Sya din pinaka malaki sa nicu noon and sya lang ang boy. Kaya no switching talaga, hehe...

Re phototherapy sa jaundice -- ganyan sis two boys ko. Kasi AB si hubby and O ako. Yung isa A, yung isa bloodtype B naman. Mukhang talaga na ma phototherapy din ang baby ko ngayon. Kaya yung package for cs, mukhang hindi rin ma aapply sakin. And im also preparing myself na lang din na hindi ko sya ma-i-room in kaagad. And sa bfeeding station ng nursery na ako makakapag nurse. It will help me din naman to recover fast from cs since mapipilotan ako mag move na ng mas maaga.

Sis sweet and sis cas, musta na kaya kayo?

mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #338 on: April 18, 2012, 07:40:14 pm »
Ako gusto kong gawin bago manganak gusto ko maglakad-lakad sa tabing dagat. Kainis naman tong asawa ko, kontra. Hindi na raw ako pwede magbiyahe ng malayo. Pero alam ko naman na ang totoo, tinatamad lang siya.

Gusto ko rin magkaron kami ng bonding ng mga baby girls ko. Isang 4 and isang 5 yrs old. Ano kayang magandang gawin namin? Gusto ko makabawi sa kanila kasi napakasungit ko nitong pagbubuntis ko na to. Help please.


sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #339 on: April 18, 2012, 08:27:38 pm »
Hi mga sis. Hindi ako nakapagpacheck-up.wrong timing naman kasi may pinapaanak ang OB ko dito sa antipolo. Kung kailan excited na ko.

Aba ilang araw nalang 39weeks na ako. Worry ko baka lumaki na ng bigla si baby. Weight ko dati when i was born nasa 7.9lbs, si hubby 8.3lbs. Kaya takot ako na malamang nasa 8lbs na din si Daniel.

Okey na ako. Para akong biglang sumaya. Nakapaglaba ako at linis ng bahay kanina. Nakakausap na din ako ng matino ng hubby ko. Kausap ko din kanina MIL ko, kinakamusta ako. Si bilas daw kasi may binat, kumain daw kasi ng Halo-halo at naligo at natulog basa buhok.

Kaya after ko manganak, i'll make sure na hindi muna ako kakain ng malalamig o iinom.

Pero for sure, magcoCOFFEE ako! :) takam na takam ako kapag nagkakape asawa ko dati.

Alam ko kapag term na, pinagbabawal ang swimming, kasi baka magleak ang amniotic fluid na hindi alam. :)

si hubby papasok daw muna bukas. Nakakatakot tuloy na iwan ako. Baka kung kelan wala siya saka ako manganak. Naiinip na ko. Akala ko dati before 38weeks manganganak na ko. Hindi pa pala.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close