watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)  (Read 123963 times)

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #280 on: April 17, 2012, 07:06:20 pm »
^6cm, di ba ina admit na yun sis? hahaha! mukhang di excited baby mo makita ang real world ah. kausapin mo kaya :D excited na kamo kayo hehe

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #281 on: April 17, 2012, 07:07:29 pm »
^natawa ako sis cass. Naimagine ko tarsier na nakakapit talaga sa puno si baby mo. Baka kapag narupture water bag mo bumaba si baby.

Ako aside from contractions no signs pa din. Walang pain o menstrual cramps, kahit si baby daniel ayaw yata na dito sa laguna lumabas. Uuwi na daw kami mamaya sa antipolo, pero ang asawa ko naglasing naman at tulog na tulog. Gusto kong sapakin! Nakakagigil!!!

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #282 on: April 17, 2012, 07:10:34 pm »
^sige sis e vent out mo lang dito hehe. papano kayo uuwi eh gabi na? o bukas pa hehe

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #283 on: April 17, 2012, 07:21:13 pm »
Naku sis kagabi nagtalo na naman kami. Bigla ko kasi nasabi, baka kahit si Daniel ayaw niya na dito sa laguna lumabas. Ayun dami na naman sinabi, nag-agree naman na daw ako bakit nagbago na naman daw isip ko. Niyaya niya na ko umuwi kagabi, hindi naman ako prepared kaya kanina umaga sabi ko lagay na niya gamit sa kotse. Nagwala!

Pati mga tao dito naapektuhan, tinatanong ako ng inlaws ko kung may nagawa daw ba sila na ayaw ko. Edi sinabi ko ako ang manganganak tapos kayo magdedecide. Ang gulo dito kanina. Hanggang sa umalis siya. Nakatulog ako ng tanghali.

Paggising ko lasing na lasing. Mamaya daw uuwi kami para hindi malaman ng mga ibang tao dito sa compound nila


Mga gamit ko nakalabas na. Dapat daw pinagtatapon ko daw. Baliw asawa ko eh!

LLLA

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #284 on: April 17, 2012, 07:40:45 pm »
Quote
LLLA              -     delivered april 2
justineo              -   April 8 - 1st baby - boy
rhosan                -   April 10 baby boy
Slovy              -   April 11- Delivered: April 5
honeyz4028         -   April 13
GeRi Sp!cE      -    April 17 1st baby -  Delivered: March 28
Dada08               -    April 21 - 1st baby - girl
Mikaela325      -    April 27 - 2nd baby - girl - Delivered Apr 14
Sweetsorrow        -    April 28 - 1st baby - boy
Sether                 -    April 30 - 2nd baby - boy
sofala                  -    May 5 - 1st baby - girl
sardonyx              -   May 6 - 1st baby - boy
cassiopeia            -   May 7 - 2nd baby- boy
mommyleigh        -    May 15 - 1st baby - girl
ela1ne_r              -    May 23 - 2nd baby - both boys
micci                   -    May 25 - 1st baby - boy
arlene1018          -    May 21-26
blue_angel           -    May 31 - baby boy
rodcielle07           -    May 31-June 2
sweetkitten          -    June 2 - 1st baby
mjotero29            -    June 4 - 3rd princess
Mom.of.inchikoy   -    June 12 - 3rd son - CS w/ target date on May 31
Faithfaith             -    June 15 - 1st baby - boy
mbeeyap             -    June 17 - 2nd baby - boy
mommyniuja        -   June 26 - 3rd boy
Mjshines               -   june 24, 2012

Thanks po sa pag-add sakin kahit late na ko nag-join sa thread :)
Ako pala pinaka-una nanganak ng April  :D

sofala

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #285 on: April 17, 2012, 07:54:59 pm »
sis wengerts, thanks. oo yun yung rubber mat na may square square. malaki yung binigay sakin eh, kasing size nya yung crib, kaya lingay ko sa crib, tapos pinatungan ko nalang ng comforter. hehe

Sis cass, grabe 6cm ka na! hindi ba yung iba nga 3 cam palang naka admit na sa hospital tapos nagpapa epidural na. hehe. pareho tayo floating parin si baby ayaw nya bumaba.

sweetkitten

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #286 on: April 17, 2012, 08:04:31 pm »
mga sis, kung ganyan, physically nakikita ba na mataas pa si baby? o kinakapa ng doctor? sorry first time. pano masasabi na mababa na?

nawindang ako sa 6cm. nasa hospital ka na ba sis cass?

sis sweetsorrow, nakakaloka ang kwento mo parang teleserye. mag ingat kayo, wag na bumyahe ng gabi at lasing pa. bukas na sis.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #287 on: April 17, 2012, 08:08:14 pm »
@sis sweet: kakaloka yang sitwasyon ha, baka naman ayaw ng anak mo lumabas kasi ang gulo pa din ng situation nyo. Susme di ko ma imagine ang gulo dyan involved ang mga in laws hehe. at tama si sis sweetkitten, pag usapan nyo muna mabuti ulit bago mag alsa balutan :)

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #288 on: April 17, 2012, 08:24:50 pm »
^^ hi sis, nalalaman na mataas pa thru kapa ng doctor sa tyan at thru IE. Nalalamang mababa na si baby kapag nakakapa na ang ulo thru IE din.

oo nga sis cass, active labor na yan eh @ 6cm. O siguro mataas pain tolerance mo. Nakaadmit ka na ba sis? Try mo himas himas yung tyan mo sis tas kausapin mo baby, nakakatulong yun sakin kasi when I gave birth, baka makatulong din sayo. :)

sis sweet, nakakaloka talaga ang situation nyo. nag-alala ako sayo. baka naman habang nasa byahe, sya namang pag-labor mo. wag naman sana.. hehe. ilang oras ba sis byahe from there to antipolo?

sweetkitten

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #289 on: April 17, 2012, 09:03:45 pm »
^^ hi sis, nalalaman na mataas pa thru kapa ng doctor sa tyan at thru IE. Nalalamang mababa na si baby kapag nakakapa na ang ulo thru IE din.

thanks sa info sis.  ;)

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #290 on: April 17, 2012, 09:07:29 pm »
Hehe oo nga 6cm pero no pains ako, yung friend ko 3cm palang namimilipit na daw sa sakit. E sabi ni ob pag daw nagrupture na water bag ko or di ko na matiis pain n malaki na opening talagang admit nako.
Haha! Natawa naman ako sa tarsier, oo nga eh kapit sha, naka koala hug sakin.

Sis sweetsorrow, ano ba yan asawa mo di ka nya maintindihan, pati panganganak mo mukang sha ang naglilihi, ganyan b sha dati? O baka now lang? Kasi yung hubby ko dati sa first baby ko , sobra sungit at lagi kaming away din ng away. Sana magkaayos na kayo baka mastress pa ikaw at c baby mo..wawa naman.
Sana lumabas na c baby mamaya para ok nako. Walking na naman ang gagawin ko mamaya, kanina nga naglinis pako ng banyo namen and nagwalis at naglinis pako house para lang matagtag. Hay...
« Last Edit: April 17, 2012, 09:17:13 pm by cassiopeia »

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #291 on: April 17, 2012, 09:18:16 pm »
naku kung kayo naloloka mga sis paano pa kaya ako? emotionally stress na ko sa asawa ko..

1 hour and 30minutes lang from calamba to antipolo, via bicutan-c6-taytay

nagstart ito simula ng nanganak ang bilas ko, sa lying in. simula noon gustong gusto niya na dito na ko. ilang beses na namin pinagtalunan at pinagusapan, kasi hindi niya pala maintindihan na gusto ko manganak sa comfortable at siguradong OB ko na ako. akala niya simple lang manganak.

side naman niya, walang magbabantay daw sa akin pagkatapos ko manganak, since kaming dalawa lang sa bahay. paano daw niya bubuhatin ang baby. baka daw mabinat ako.

alam ko na mahirap, pero sa situation na naiinip na ako dito at wala talagang magawa, at sobrang stress na, mas gugustuhin ko pang sa Antipolo na. sinabe ko naman na hihingi kami go signal from my ob kung pwede niya ako dalhin na dito ulit para mabantayan ng inlaws at magpalakas.
 
dropping of baby -  sa akin feel ko na na mababa na si baby, kasipagitan ng boobs ko at tiyan, nakakapa ko na wala na feet niya doon. parang wala ng laman. at kitang kita na mababa na.
« Last Edit: April 17, 2012, 09:20:09 pm by sweetsorrow »

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #292 on: April 17, 2012, 09:20:35 pm »
^^ hi sis, nalalaman na mataas pa thru kapa ng doctor sa tyan at thru IE. Nalalamang mababa na si baby kapag nakakapa na ang ulo thru IE din.

oo nga sis cass, active labor na yan eh @ 6cm. O siguro mataas pain tolerance mo. Nakaadmit ka na ba sis? Try mo himas himas yung tyan mo sis tas kausapin mo baby, nakakatulong yun sakin kasi when I gave birth, baka makatulong din sayo. :)



oo sis mataas pain tolerance ko, katulad din sa first baby ko, kaya nga kelangan macheck baka lalabas na pala si baby di ko pa alam. heheh!!

sakin naman dapat makausap lang si baby para bumaba na sha , labas na sha.. inip na kami..

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #293 on: April 17, 2012, 09:33:51 pm »
sis sweetsorrow, wag muna siguro this time esp kung naka inom si hubby... kahit discussion about it wag na lang muna siguro i-open.

re binat if you carry the baby - misconception yan sis. whether normal or CS ka, pwede buhatin si baby. more on assistance lang talaga ang kelangan if you're willing to be fully hands on with your baby. ang assignment ko kay hubby nun is to prepare bottles, clothes, diaper changing, drinks for me during breastfeeding, something like that... or yung kukunin lang from the crib and ililipat sa bed ko. buhat stroller, etc... ganun lang. normal naman sa daddy na medyo takot hawakan ang newborn kaya siguro mas gusto nya nandyan kayo kasi mas kampante sya and secured ba na maalagaan kayo. siguro iniisip din nya na kapag lumabas sya ng bahay wala ka kasama sa antipolo with the baby. uy sis, hindi ko kinakampihan si hubby ha. hehe... naisip ko lang naman kung ano possible reason kung bakit ganun iniisip nya.

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #294 on: April 17, 2012, 09:52:01 pm »
^hay naku sis. siya naman nagsabi na uuwi na. tapos magiinom pa. ano ba naman 'yun. halatang wala talagang plano umuwi.

sinabe ko naman sa kanya na after ko manganak, sabihin namin sa ob na kelangan niya ako dalhin sa calamba, kukuha kami ng go signal from ob. kung hindi pa pwede, edi need help from my cousin, kapag wala ng choice, sa mga kapatid ko ako hihingi ng tulong o sa mga tita na hindi ko ganoon kaclose. then kapag okey na, transfer dito sa calamba.

kasi sa gusto niya, parehas kaming naghihintay. hindi na siya pumapasok. ang point nga niya wala daw magbabantay sa akin kapag nasa antipolo. eh ano ginagawa niya? hindi din naman siya pumapasok kasi hinihintay niya na baka bigla akong manganak dito. malayo pa hospital dito.

samantalang sa antipolo, sobrang lapit.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #295 on: April 17, 2012, 10:11:02 pm »
nung sa eldest ko ako lahat gumagawa pero pag bathing time na need talaga ng assistant. yung aunt in law ko humahawak kay baby since noob pa ako nun pero napag aaralan naman lahat masyado lang talagang overprotective ang mga inlaws hehe. asawa ko di din kinakarga si baby kasi nga natatakot sya. good thing is ang baby laging tulog yan wag lang sasanayin sa karga. CS pa ako nun tapos ako din naglilinis ng sugat ko grabe parang wala akong asawa hahaha! 1 week lang ata paternity leave nun di ko pa maasahan sa bahay, minsan nasa basketball court eh alangan namang pumunta ako dun kaya yun self supporting ako  >:( so far di naman ako nabinat. Basta wag lang piliting magbuhat ng mabibigat or gumawa ng mga bagay na di talaga natin kaya.

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #296 on: April 17, 2012, 10:32:10 pm »
nag-iinom na naman asawa ko. paano maasahan ang ganitong tao. para talagang sinasadya na na huwag na akong umalis dito sa laguna.  >:(

kahit may paternity leave siya, for sure, wala din akong maasahan sa kanya. ngayon pa nga lang, babantayan daw ako. wala ng ginawa kundi uminom, parang simula day 1 na nandito kami, kundi basketball, inom naman. namiss niya siguro masyado mga tao dito.

sino ba naman hindi mastress sa ganitong asawa! napakasupportive talaga. kaya gusto ko ng hiwalayan!

BINAT -  3 weeks na bilas ko, pero may lagnat ngayon. ang sinasabi nilang reason, naligo daw kahapon, tapos natulog basa buhok. kumain pa ng halo-halo. wala nga ginawa kundi matulog tapos mabibinat pa.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #297 on: April 17, 2012, 10:37:33 pm »
ay naku sis. wag mo na munang ipilit bumyahe lalo pa at lasing asawa mo. chill ka muna dyan at libangin mo sarili mo :)

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #298 on: April 17, 2012, 11:01:04 pm »
hay naku sis nakakakunsumi. ito nandito sa tabi ko. lasing. tutulog lang daw saglit. baka bukas iba na naman isip nito. baka mag-away na naman kami tungkol sa paguwi sa antipolo. pagkaganun, bahala siya, magwawala na talaga ako! kapal ng mukha!

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #299 on: April 17, 2012, 11:36:35 pm »
ready nako.pero si baby di pa ready... haist...pressured nako.. hahah!! gusto ko na lumabas si baby, excited nako.. yung OB ko may convention pa next week kaya dapat this week manganak nako.. kasi baka iba mag paanak sakin..ayaw ko naman ng ganon..

sis sofala, may contractions ka naba?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close