watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)  (Read 123716 times)

mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #80 on: April 10, 2012, 07:37:16 pm »
Galing ako kay OB kanina. Ok naman si baby and walang problema pati ako. Dinagdagan lang ng iron with folic acid ang vitamins ko, kasi mababa bp ko and kahapon medyo nahihilo ako. Kulang yata ako sa dugo.
And good news, 3.5 lbs ang weight gain ko from last month. Sakto lang daw yun sabi ni OB kasi dapat daw 1 lb a week.

Namili na din ako ng ibang mga gamit ni baby kanina. Grabe talaga mga bilihin ngayon, wala ng mura! hehe! Kuripot lang.


sweetkitten

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #81 on: April 10, 2012, 08:04:21 pm »
thanks sis Slovy sa list! sakto ang post mo kasi nag pe prepare na din kami ng hospital bag. 32 weeks na kami! exciting!  :D

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #82 on: April 10, 2012, 08:29:07 pm »
Sis slovy how was your hemorrhoid pala? Invalid ring pala tawag dun sa sinabi ni sis inchikoy na salbabida for hemo.

Hi sis, according sa OB ko after 5-6 months postpartum ko pa daw pwede ipagalaw yung hemorrhoids ko. Creams na lang daw muna use ko for the meantinme. Napapansin ko di naman sya lumalaki, hehe. Parang ganun pa rin size.

Sis slovy wag ka muna mag pump. Baka ma frustrate ka lang konti pa lumalabas? Pwede mo naman i formula si baby, thru cup feeding or dropper muna.. Good to hear baby's okay sana mauwi mo na soon!!

Sis, I pumped na since sunday night. Nung una, wala pa ko nakukuha pero continue ko lang para ma stimulate, yun kasi tip ni pedia since di ko nga kasama si baby para maglatch, pump ko na lang daw. Tas kahapon ng 3.30pm lumalabas na milk ko, every 2 hours ako nagpump, nakaka 2-3oz ako in each pump. Sobrang tuwa ko eh hehe. Kaya from 3.30pm yesterday to 11.30am kanina, naka-collect ako ng 12 ounces. I'm taking fenugreek 6caps/day starting friday, maybe nakatulong yun.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #83 on: April 10, 2012, 08:38:29 pm »
ako nga sis halos si MIL ang bumibili ng gamit ng anak ko hahaha! hanggang ngayon incomplete pa din gamit namin, ewan ko ba at daming gastos ngayong summer hayyy.

@sis sweet: mapapaanak ka talaga sa sobrang stress dyan sa problema nyong mag asawa. actually kami wala talagang naiipong sapat para sa panganganak ko. imagine pa 37 weeks na ako sa friday so anytime soon pwede na ako manganak. Pag CS nasa 25k+, if VBAC nasa 10k+ most probably ang gagastusin namin eh as of now kahit pang normal birth wala pa kami naiipon, san ka naman dyan? Eh kayo may pera naman pala kayo at sa tingin ko eh sapat na yan para sa inyo ni baby. Di bale na maghirap kayo sa pagbabudget basta masiguro lang ang health and safety nyong mag ina. Kasi mas mahirap in the end yung mga complications di ba. Hopefully ma realize ng husband mo yan kasi asawa ko kahit minsan wala sa hulog mas gusto nya pa ma CS ako ulit kaysa mahirapan ako mag normal :D ako kasi nagpipilit na sana makuha sa normal delivery para di masyadong malaki gastos. Eh kung may budget naman kayo in the first place dapat hindi na paiba iba ang plan lalo pa at napaka unreasonable naman nung reason lalo na at health nyong mag ina ang pinag uusapan dito. stick to your decision kung san ka happy manganak, yung pagpapaaraw naman kay baby is nagagawan ng paraan yan. Dati taga mandaluyong kami, harapan ng bahay namin is kalsada din although di masyado daanan ng sasakyan. Minsan nagpupunta nalang kami ng baywalk para paarawan si eldest ko dun. Just pray na malampasan nyong mag asawa yan at sana maliwanagan na din hubby mo para maging safe ang delivery mo. Hirap talaga pag nakikialam din inlaws. Di kasi kayo makadiskarte ng gusto nyong desisyon.

Btw, galing din akong OB kanina, babalik ulit ako next week at ea IE na ako. Sana nga eh nasa pwesto na si baby, bahala na if CS or VBAC basta healthy syang lumabas :)

sofala

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #84 on: April 10, 2012, 08:53:18 pm »
^ sis hindi ka pa in- IE kanina? Katatapos lang rin ng checkup ko kanina. pina biophysical ultrasound ako. Sabi ni OB, mukhang kaya ko naman daw ang normal kasi sa IE nya sakin, mukhang kakasya daw si baby sa pelvic ko. 1cm daw ako. She said I can start walking regimens na.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #85 on: April 10, 2012, 10:12:25 pm »
nice for you sis! :D gusto ko nga sana kaso since public OB yun di na ako masyadong nagtagal kasi priority nila yung mga malalapit na talaga manganak. Holiday kasi kahapon kaya ang daming buntis kanina, buti may kakilala si hubby dun ayun naisingit ang record ko. 2+ hrs din ako nandun :D need ko na magawa yung OGTT this week, nagpunta ako sa isang clinic dun (rite care yung name) sabi dapat talaga 8am andun na ako tapos 8 hours before no food intake talaga even water kasi every hour daw kukunan ako ng dugo. eh magti 10 na ata ako nag inquire dun kaya di na pwede. Ok lang kung di ako na IE, balik naman ako next week eh. Hopefully eh pumwesto na si baby. Haist may ubo at sipon pa ako now, sa panahon na rin siguro, kaya heto pilit kong nilalabas. Hindi ako nag ask kay OB ng gamot, sana nga lang eh mawala na to by next week.

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #86 on: April 10, 2012, 10:30:26 pm »
sis sofala, ilang weeks kana? ako 35w4days, and 2 cm na, pero sabi ni OB next week pwede na daw ako manganak pero mas ok end of april..

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #87 on: April 10, 2012, 10:39:43 pm »
^wow galing naman nyan sis, atleast ready na si baby mo. Mukhang excited na din lumabas hehe :D Anyway pwede na ba ang 36 weeks? I thought lang kasi 37 weeks ang recommended  :-\

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #88 on: April 10, 2012, 11:00:47 pm »
naku sis, mukang gusto na nga lumabas eh, pano naman kasi matagtag din kasi talaga ako.. active ako kumilos kaya feeling ko mukang lalabas na sha soon, sa ultrasound ko, nasa 36w5days nako.. pero sa bilang ni OB going 36 palang nga.. pero sabi naman nya ..ok naman lumabas si baby next week.. wala naman magiging problem.. atleast sana mga april 18 , wag lang this week muna.. kinakausap ko nga eh.. kasi mabigat na feeling ko..need ko mag bed rest para mag mature pa si baby til next week..

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #89 on: April 10, 2012, 11:39:35 pm »
sabi nila pag panganay daw usually lumalampas ng araw/weeks?ako din parang gusto ko ng manganak,medyo madalas na yung pangangalay e at ang init pa ngayon super..pero ayoko naman ma-preterm si baby,sabi ko sa kanya relax muna sya :D

sis sofala,biophysical ultrasound ba yun para malaman kung maliit ang pelvic bone?gusto ko na nga din malaman para at least ma-schedule na ang CS kung di talaga kaya ng normal :-\

grabe yung mga rings ko di na kasya,muntik ng di matanggal yung isa last week!kaya ayun,ginawa ko munang bling-bling sa necklace..haha

dada08

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #90 on: April 10, 2012, 11:41:21 pm »
4 days to go!  gained so much weight in just 7 days...5lbs! 

now need kong mag diet... at 38 weeks & 5 days hindi pa rin ako dilated, better daw sabi ni ob kasi cs naman ako..

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #91 on: April 11, 2012, 06:40:29 am »
cassiopeia parehas tayong 35 weeks na ngayon. Dapat may checkup ako kahapon sa OB kaso d ko naabutan. Sa thursday nalang ulit siguro. 2 cm ka na pala. Nako ako kaya? Nag open yung cervix ko nug march 25 at 1 cm tapos bedrest ng 2 weeks. Sana umabot ng full term si baby. Nagwowork na ulit ako ngayon dito sa Makati. From antipolo talaga ako pero lumipat ako dito sa pasig para di masyadong pagod sa byahe.

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #92 on: April 11, 2012, 10:06:50 am »
wow, ang dami ko na miss.... hirap mag back read... musta mga sis? tom check up ko, 31weeks. feeling ko 10lbs na gain ko in more than 2weeks... lagot ako :(

share ko lang, we tried to have a 3D-4D ultrasound sa SM. first time namin sinubukan to kasi yung sa boys ko sa hospital parati. pero sabi ko nga try namin ng maka tipid naman. though 31weeks na nga ako, pero i heard naman na nagiging successful pa rin naman yung ibang 3D-4D nila (with my 2 boys 28-29weeks ako nag pa 3D-4D).
medyo nainis ako dun sa assistant/secretary/staff, paulit ulit kasi sya nag sasabi na malaki na si baby for a 3D-4D, and hindi na makukuhaan ng magandang pics and video. then yung doctor naman, pagkalagay pa lang sa tummy ko to check ang comment kaagad "ay naka talikod, ay transverse si baby hindi na to makukuhaan" wala pa yata kami 10minutes sa loob paulit ulit sila ng comment. hindi ako nag sasalita sa kanila and they can see my facial expression na hindi ako masaya. hindi na lang ako nag comment. sumunod "wag na natin pilitin, mapapamahal pa kayo sa babayaran. size na lang ni baby...." sa contract naman, pwede ako mag lakad lakad and pwede din naman ako bumalik dun sa package na kinuha ko, pero hindi nila nirecommend yun. hindi rin ako namilit kasi iba na rin pakiramdam ko nun. ayaw ko na rin mag bayad actually for that package anyway. willing naman ako mag bayad nga sa hospitals eh, ganun din naman sa eldest ko nun, it took us almost whole day pabalik balik kami sa ultrasound para lang makuhaan ng magandang shots and video yung eldest ko.

sofala

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #93 on: April 11, 2012, 10:13:12 am »
Sis sether, kagabi medyo inuubo at sipon din ako, pero nawala rin knina. d kaya baka normal yun satin at this stage? by the way, I lost my mucus plug na this morning. nagulat ako kasi pag wipe ko ng tissue may parang bloody na discharge, yung parang eggwhite na medyo pink ang color. tapos pag tingin ko sa toilet, ayun nakita ko may parang nahulog na bits of mucus plug. sorry for the gory description. hehe

sis cassiopeia, 36.5 weeks nako today. ang galing..mas mabilis ang opening ng cervix mo kesa sakin. ako 1cm palang, ikaw 2cm na eh.ano ba ginagawa mo may exercises kaba?

sis micci, hindi ko alam kung para saan yung biophysical ultrasound eh. inorder kc ng OB ko. pero after ng ultrasound, sinbi sakin na ok yung movements, breathing ni baby, and functioning na ang lungs nya. tapos after ako ma IE ni OB saka nya sinabi na mukhang kakasya si baby sa pelvic ko kaya mag normal delivery ako.
« Last Edit: April 11, 2012, 01:20:19 pm by sofala »

LLLA

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #94 on: April 11, 2012, 10:22:07 am »
ay sayang now ko lang nakita thread na to..
I just gave birth last April 2, 2012 via scheduled C-sec (at 37 weeks AOG)
I'm on my 9th day post CS and I'm doing great!!!
Thank you Lord for the speedy recovery... ;D

LLLA

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #95 on: April 11, 2012, 10:24:39 am »
Quote
^wow galing naman nyan sis, atleast ready na si baby mo. Mukhang excited na din lumabas hehe :D Anyway pwede na ba ang 36 weeks? I thought lang kasi 37 weeks ang recommended  :-\

Hi Sis, 37 weeks talaga FULL term pero high survival rate na din ang 36 weeks babies (as per OB ko). ;)

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #96 on: April 11, 2012, 11:29:01 am »
Mom.of.inchikoy saan ka nagpa 3d/4d? Bakit ganun sila? Ako ganyan din pero tinyaga ng sonologist. Lakad lakad and pinabalik ako a total of 4x. Pwede naman daw kasi yun talaga. Ang alam ko rescan is valid lang pagka weekdays.

36wks na ako nung sunday. I'm feeling contractions na din lalo pagka sa gabi. But walang discharge naman. Nakikiusap ako sa baby na maghintay kahit till next week gusto ko din makaabot sya ng full term.

Yung BPS or biophysical profile score measures yung fetal tone, breathing, etc. nagpaganyan din ako last sunday. Perfect score naman. Medyo below average ang fetal weight though. But within the normal range pa din. Nasa 2.5kgs na sya.

honeyz4028

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #97 on: April 11, 2012, 11:50:19 am »
I am 39 weeks and 3 days, 1 cm pa lang ang opening ng cervix ko. Advise ng OB, maglakad ako ng bongga but not to the point na hinihingal na. 20 to 30 mins walking during the day and in the afternoon para mapadali ang panganganak :)

If hindi lumabas si baby this week, sabi ni OB, 'finished or not finished, pass the paper' na kami sa April 16. Ii-induce na ako and she doesn't want me to go 41 weeks para na rin kay baby.

Excited na kaming mahawakan si baby  ;D

sweetkitten

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #98 on: April 11, 2012, 12:18:23 pm »
Sis, pinapagawa ba talaga yung biophysical profile score or need ko ibring up sa OB? Parang gusto ko din magpa ganyan. 33 weeks palang naman ako..
« Last Edit: April 11, 2012, 01:42:38 pm by sweetkitten »

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #99 on: April 11, 2012, 01:42:18 pm »
thanks sis sofala,ask ko na lang si ob sa saturday..i remember kasi yung ate ko parang may ultrasound sya nun na maliit yung pelvic bone kaya ini-schedule na yung CS talaga..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close