watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)  (Read 123735 times)

sofala

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #60 on: April 09, 2012, 07:02:15 pm »
^ bukas din ang check up ko sis. sa friday din ang 37th week ko. Hindi naman saktong 37th week hehe pero gusto ko sana lumabas sya nextweek, lampas ng ilang days hehe. Pero ok lang rin naman sakin kahit 38 or 39th week sya lumabas. pero ayoko sana magtagal sya sa loob kasi sabi mas prone sa meconium aspiration ang baby pag nagtagal.

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #61 on: April 09, 2012, 08:43:45 pm »
Hello sisses, im back! :)

mga sis ano ba dapat ipack na gamit ni baby na dadalhin sa hospital?

Ito mga dala ko when I gave birth last week

For Mommy muna:

Must-bring:
3 pcs adult diapers
1 pack maternity pads
3 pcs duster
3 sets pyjamas
2 pcs nursing bra
bedroom slipper
betadine feminine wash
alcohol
toiletries for me & hubby
going-home outfit
underwear

optional:
disposable underwears (useful din ito for me)
pillows
blanket
laptop
digital camera
video recorder

For Baby:
3 pcs bonnets
3 pairs mittens
3 pairs booties
4 pcs burp cloths
3 short-sleeve tiesides
3 pajamas
3 recieving blankets
1 towelette
1 set going home outfit
feeding bottles


Pero ako I did not bring feeding bottles. Para di ako matukso. hehe
Toiletries, nasal aspirator, thermometer and diapers are provided by the hospital na yun pero it's up to you naman kung gusto mo pa rin magdala.

Para kay hubby naman:

clothes
pampawala inip like:
magazines
laptop
radio

* Good luck to all mommies! Have a safe delivery :)

« Last Edit: April 09, 2012, 08:49:06 pm by slovy »

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #62 on: April 09, 2012, 09:02:33 pm »
^thanks sis slovy, need ko din ng list hehe.

@sis sofala, ah ganun pala yun hehe di ko alam eh. pero tama ka sana nga wag na sila masyado magtagal sa mga tummy natin :)

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #63 on: April 09, 2012, 09:10:40 pm »
congrats sis slovy! :)

Praying for your baby's speedy recovery.

congrats slovy! amputiiiii!!!! ^_^
hope madischarge na si baby soon.

ang cute talaga ng baby ni slovy. Sana maputi din baby ko hindi mana sa tatay niya.


sis slovy ang cute ng baby mo.. ;)
congrats on your new baby!!! galing ng work of hands ni papa god!! very healthy and very beautiful!!

thank you sisses.. hindi ko alam kung saan sya mana, hindi naman kasi ako maputi. lol!

anyway update lang kay baby, ok naman sya so far, everyday ko sya visit sa hospital. and according to her pedia, she's doing fine naman. May pagka OC lang kasi pedia nya eh, actually lahat ng hawak nyang mga babies, naka 7-day under observation. In my case kasi, matagal lumabas si baby mga 15 hrs pa after my waterbag broke plus may uti pa ko.. kaya she decides na paiwanan muna. Naka antibiotics baby ko now. By friday daw maiuwi na namin sya.

Good luck sa inyo mga sis ha? Kaya nyo yan.
Sis dada, wag kang nerbiyusin. CS ka naman diba? madali lang yan sis.. at least di ka na dadaan sa labor. just pray :)


^your welcome sis.

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #64 on: April 09, 2012, 09:43:19 pm »
nagpacheckup ako sa OB ko kanina..35 and 3 days ako today, and may slight contractions nako and 2 cm nako.. ilang cm nga ba bago lumabas tuluyan si baby? sabi ni OB wag daw muna ako manganak this week, pero next week pwede na naman daw.. pero mas pinaka best na by next next week , gusto ko mga april 28 ako manganak.. kaya this week, complete bed rest lang muna.. wag muna magpakatagtag heheeh.. active parin kasi ako sa office and sa daily activities ko lalo na wala naman yaya ang daughter ko.. anyway, atleast more time for me to prepare my list of things to bring.  ;)

mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #65 on: April 09, 2012, 10:50:02 pm »
Mga sis ilang weeks ba dapat magpakatagtag para mabilis lumabas si baby. 29 weeks kami now.

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #66 on: April 09, 2012, 10:56:00 pm »
^^ sis dapat mareach mo ang 10 cm para lumabas si baby. pero pag maliit naman baby kakayanin na ang 8cm. active/true labor starts at 6cm.


^at 37 weeks, pwede ka na magpakatagtag.

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #67 on: April 09, 2012, 11:13:17 pm »
Ako naman going 38 wks this friday. Kanina dapat check up ko pina moved ko sa wed kasi bukas ko pa lang papagawa yung lab test na fbs and urinalysis.

Sis slovy how was your hemorrhoid pala? Invalid ring pala tawag dun sa sinabi ni sis inchikoy na salbabida for hemo.

gusto ko na din manganak para makaraos na. safe delivery to us all. :)

honeyz4028

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #68 on: April 09, 2012, 11:37:22 pm »
sis sether I feel pains na pero nawawala din. Masakit mawalan balakang ko and puson. Yung pains mas nararamdaman ko at night time kung kelan mas active si baby.

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #69 on: April 09, 2012, 11:46:37 pm »
Sis slovy wag ka muna mag pump. Baka ma frustrate ka lang konti pa lumalabas? Pwede mo naman i formula si baby, thru cup feeding or dropper muna.. Good to hear baby's okay sana mauwi mo na soon!!

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #70 on: April 09, 2012, 11:47:26 pm »
^^ sis dapat mareach mo ang 10 cm para lumabas si baby. pero pag maliit naman baby kakayanin na ang 8cm. active/true labor starts at 6cm.


thanks sis..
ang prob ko lang now is the other day na pwersa ata paglabas ng poop ko.. ngayon may nafefeel akong parang slight pantal or maga dun mismo.. ano ba yun? kainis kasi feeling...

sis sether I feel pains na pero nawawala din. Masakit mawalan balakang ko and puson. Yung pains mas nararamdaman ko at night time kung kelan mas active si baby.

sis 39 weeks ka na diba? you're defintely on labor.. better call your OB right away.. tignan mo kung ilang minutes interval ang pagsakit.. pag sunod sunod na yan.. kahit kaya mo pa.. it means on labor ka na..

mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #71 on: April 09, 2012, 11:51:33 pm »

^at 37 weeks, pwede ka na magpakatagtag.
Thanks sis slovy. Tatandaan ko yan, nainggit ako sa ibang mommy na parang ang bilis lumabas ng baby kasi tagtag sila.

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #72 on: April 10, 2012, 08:44:13 am »
Magkaaway na naman kami ni hubby. As usual tungkol sa panganganak ko na naman. Nagpacheck ako kahapon sa Midwife sa lying-in. As usual bad vibes ako kasi ang layo sa nakasanayan kong OB na may ultrasound at talagang machika.

Kinapa kapa si baby sabi maliit. At ang due date ko april 30 sa kanya. Hanggang May 10 daw. Kamusta naman at walang aircon ang delivery room! Good luck talaga sa akin kapag manganganak na ako. Lahat ng gamit ni baby bago at medyo mamahalin, tapos pagdating sa paglabas, doon kami titipirin. No IE, no medicines/vitamins na binigay.

Kahit na ayokong isipin na baka mapano ako during delivery, hindi ko maalis sa isip ko, expect the worst nga diba. Para tuloy ako nawawalan ng gana manganak.

Breastfeeding-pinapabili ng MIL ko si hubby ng milk kahapon sabi wala pa naman daw ako gatas paglabas at kawawa daw ang baby kapag nagutom. Siyempre gustong gusto ko nga magBF tapos may feeding bottles at formula milk nalalaman.

Sobrang miss ko na OB ko, hindi na nga kami nagpaalam na sa lying in ako dito sa laguna manganganak basta ang palabasin daw namin Emergency. Hay. Parang awang awa ako sa sarili ko, deactivated na nga Facebook ko. Parang wala na akong gana sa lahat.

Buti pa nga ibang asawa ipipilit nila na safe at hospital talaga kahit na walang wala. Eh kami naman nakapagadvance pa ng bonuses sa office. May 80-100k kami dito. Pero mas gusto pa din niya sa mura. Dahil lang sa successful ang panganganak ng bilas ko doon.

Worry ko pa, never nawala UTI ko kahit before pa ko mabuntis. Paano pedia kapag nanganak ako? Paano kung may mangyari sa baby ko? Sana huwag niya pagsisihan lahat ng decisions ng asawa ko sa bandang dulo.

Nakakawalan gana talaga. Parang ayoko na manganak. Ayoko na ng baby.

honeyz4028

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #73 on: April 10, 2012, 03:14:11 pm »
sis sweetsorrow - hangga't maaari, wag kang malulungkot and don't tell na you don't want to have your baby. Nararamdaman yan ni baby eh. Baka mahirapan ka when it's time to deliver na.

Hindi mo na ba mapipilit ang hubby mo na sa hospital ka manganak? Or kahit yung weekly check up mo na lang, kahit sa hospital sana para guided ka pa rin ng OB. Ang hirap nyan kung yung UTI mo eh mapasa kay baby :(

Ganun ba talaga kakitid utak ng asawa mo? Masyado naman siyang sunod sa gusto ng parents niya. Hindi ba nakita ng husband mo yung lying in?

I am worried for you sis. I pray your husband will see the possible consequences pag hindi kayo nagpatingin sa OB at wala kayong pedia for your baby.

re: mommies na may konting milk but want to BF their babies
Sinabi sa akin ng OB ko kanina nung nagpa-check up ako, kelangan kumain ng malunggay at least 2 times a day kasi it aids mommies to lactate. Nung sinabi sa akin yan ng OB ko, naalala ko tuloy kung bakit ako pinagmamalunggay ng mama ko at ng MIL ko. So starting tonight (dinner), ang tinola namin, may papaya at malunggay na. Hindi na talbos ng sili.

Ihalo lang ang malunggay leaves sa mga ulam just before serving. Ulam like nilaga, anything na may sabaw, anything na may tomato sauce, ginisang munggo, etc. Half-cook is the best.

I am not sure how effective the malunggay supplements are, pero I am sticking to the leaves. Madali lang naman pitasin sa bakuran ng kapitbahay namin yan. hehe.
« Last Edit: April 10, 2012, 03:26:06 pm by honeyz4028 »

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #74 on: April 10, 2012, 03:53:42 pm »
Pinipilit ko siya. Nag-away kami kanina at hindi ko siya mapapatawad sa mga sinabi niya. Kaya after ko manganak, maghihiwalay na kami. Stress ako sa kanya. At hindi ko siya mapapatawad.

Sinusugal niya ang buhay ka at anak niya. Wala siyang kwenta...

honeyz4028

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #75 on: April 10, 2012, 04:01:48 pm »
Grabe naman yang husband mo. Nakakalungkot naman. He should be the most supportive person now. Sorry sis, but I must say he has no balls.

First baby ninyo yan, di ba? Dapat yan ang talagang inaalagaan kasi unang angel yan.

Faithfaith

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #76 on: April 10, 2012, 05:26:51 pm »
@sweetsorrow:  oo nga sis.. kung first baby nyo yan, dapat lahat gagawin para lang senyo ni baby.. and sabi mo nga.. may pera naman pala kayo naka save for that... yung iba lang na alam kong magla lying in ehh.. yung mga gipit at walang choice kundi dun lang.. lalo na may UTI ka pala sis.. but aniway, wag ka magpaka stress.. makaka affect sa baby mo yan.. ma absorb nya yan..

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #77 on: April 10, 2012, 05:43:59 pm »
Kaloka asawa mo sis. Mabait ka na nga kasi tumutulong kayo sa bil at sil mo na walang work, payag kang makitira sa house ng in laws mo then pumayag ka na din na sa lying in manganak. Kahit ako maaawa sa sarili ko at baby esp i came from a family na inalagaan ako. Kung wala kang work mas possible pa na wala kang magawa but you earn eh. And kung tutuusin kahit nga wala ka pa work may right ka to decide kasi ano man ang meron si hubby sayo din yun. Since he married you, ikaw na ang priority at ang anak nyo. If may extra, then pwede nyo pagkasunduan if gusto nyo tumulong. Sana maenlighten yung asawa mo. He should show his love and support sayo and sa baby nyo esp sa ganitong pagkakataon.

Check up - namoved ako sa friday. Saktong 38 wks ako nun.
« Last Edit: April 10, 2012, 05:46:04 pm by mikaela325 »

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #78 on: April 10, 2012, 07:01:25 pm »
hi mga sis. Buti nalang talaga at may GT kahit papano nalalabas natin mga rants natin. Kung wala siguro nito baka nabaliw na ako.

Iuuwi na ako ng asawa ko ngayon sa antipolo or siguro bukas na kasi wala pa siya hanggang ngayon.

Masisiraan din ako ng bait sa asawa ko kasi hindi ko talaga makuha ang point niya kakapilit sa lying-in. Umabot pa sa point na nagsumbatan na kami at nakikipaghiwalay na ako.

Sino nga ba masusunod sa panganganak ko diba. Dapat ako kasi ako naman ang iire. Parang doble sakit naman, labor pains na nga doon pa sa hindi ako masaya. Baka kung mapano pa ako at si baby.

Sana pagdating ko sa antipolo manganak na ako. Para tapos na ang issue nato. Nakakastress kasi sobra..

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #79 on: April 10, 2012, 07:17:32 pm »
Magkaaway na naman kami ni hubby. As usual tungkol sa panganganak ko na naman. Nagpacheck ako kahapon sa Midwife sa lying-in.

Nakakapundi si hubby mo. Maging ako, naiinis ako sa kanya. Meron naman pala kayo pera, bakit ka nya pinipilit manganak sa lying-in? Tas meron ka pa uti. Pag ganun sis, kelangan talaga macheck agad sa pedia ang baby. Kasi maaari nya makuha yung uti mo, believe me. yun ang dahilan kaya under observation si baby ko sa ngayon sa nicu, dahil sa uti ko sabi ng pedia nya. sabihin mo yan sa asawa mo. may pera naman kayo e. Tsaka please, pakisabi din sa hubby mo wag na wag ka icompare sa bilas mo.. bawat babae, iba-iba ang pagbubuntis at pagdating sa panganganak. Bakit ka nya niri-risk. Ang hirap kaya manganak. kala nya siguro madali lang, na basta sasakit lang tas lalabas din.. grabe sya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close