watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)  (Read 123685 times)

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #40 on: April 07, 2012, 03:39:31 pm »
^ un nga sis ang prob ko.. ngayon nagsisimula na ko magpumping kaya lang wala pa masyado milk nakukuha ko eh, patak patak pa lang, nung nandun pa kasi ako hospital every 15 minutes ko pinapalatch baby, sumasakit nga nips ko eh. I'm taking 3caps of Natalac na rin at fenugreek para magkaron na ko BM. Ngayon hanap ako nagbebenta BM, nagtanong ako dun hospital wala daw sila. Ayoko sana iformula si baby. Sana makahanap ako. :(

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #41 on: April 07, 2012, 03:49:39 pm »
ang secret daw ata dyan is ipa latch ng ipa latch kay baby di ba para dumami supply ng milk. yun nga lang need mo mag stay sa hospital if ever  :-\. saka kumain daw ng mga masabaw na pagkain.

sofala

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #42 on: April 07, 2012, 05:05:20 pm »
UPDATED! (BOLD fonts have delivered already)

justineo               -      April 8 - 1st baby - boy
rhosan                -      April 10 baby boy
Slovy                  -     April 11- Delivered: April 5
GeRi Sp!cE          -     April 17 1st baby -  Delivered: March 28

Dada08               -     April 21 - 1st baby - girl
Mikaela325          -     April 27 - 2nd baby - girl this time
Sweetsorrow        -    April 28
Sether                 -    May 4 - 2nd baby - boy
sofala                  -    May 5 - 1st baby - girl
sardonyx              -    May 6 - 1st baby - boy
cassiopeia            -   May 7 - 2nd baby- boy
mommyleigh        -    May 15 - 1st baby - girl
ela1ne_r              -    May 23 - 2nd baby - both boys
micci                   -    May 25 - 1st baby - boy
blue_angel           -    May 31
mjotero29            -    June 4 - 3rd princess
Mom.of.inchikoy   -    June 12 - 3rd son - CS w/ target date on May 31
Faithfaith             -    June 15 - 1st baby - boy
mbeeyap             -    June 17 - 2nd baby - boy
mommyniuja        - June 26 - 3rd boy

^ Sis Sether, hopefully NSD ako. so far wala naman sinasabi si OB na CS. Hopefully lang magturn si baby kasi last time naka breech sya.

^^sis slovy, alam ko may nagdodonate ng BM dito eh. hmm..teka hanap ko.. ahhh eto : http://www.facebook.com/HM4HBPhilippines
« Last Edit: April 07, 2012, 05:08:24 pm by sofala »

dada08

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #43 on: April 07, 2012, 09:41:18 pm »
hay! 7 days na lang CS time na.  :)

mommyleigh

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #44 on: April 07, 2012, 10:57:11 pm »
haistt..feeling ko end of april manganganak na ko...

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #45 on: April 07, 2012, 11:40:03 pm »
thanks sis sofala! I checked na the site. kaya lang last March pa huling na update yata. kakahiya din manghingi e hehe.  :)  try ko na lang sa PGH at Human Milk bank sa Q.Ave
« Last Edit: April 08, 2012, 10:04:34 am by slovy »

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #46 on: April 08, 2012, 12:52:25 am »
mukhang effective talaga ang paglalakad para mapabilis ang panganganak :D likot ni baby ngayon, pagod ata sa byahe hahaha

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #47 on: April 08, 2012, 10:47:01 am »
sis slovy, punta ka sa hospital palagi. Para ipalatch mo ang baby mo para mag ka milk ka.

Akala ko manganganak na ko kanina, panic mode si hubby at nanay niya. Kasi naman sinikmura ako. Ganoon ang feeling tapos sobrang tigas ng tiyan ko at ang likot pa ni baby na ang sakit ng pakiramdam kahit anong kilos ko sobrang sakit pa din.

Buti nalang nawala din kaagad.

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #48 on: April 08, 2012, 01:08:48 pm »
congrats slovy! amputiiiii!!!! ^_^
hope madischarge na si baby soon.

dada08

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #49 on: April 08, 2012, 01:26:18 pm »
congrats sis slovy! :)

Praying for your baby's speedy recovery.

6 days na lang mga sis, ako naman.

medyo ilang days na din akong hindi makatulog at super aga magising.. sabi ni hubby wag nerbiyosin at ilang days na lang dadating na si "kulit" yun na lang din iniisip ko.


seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #50 on: April 08, 2012, 03:36:17 pm »
hindi pala ako pwede magpa CS sa May 1 kasi civil wedding/birthday celebration ng SIL ko sa Manila. Gusto ko pa man din sana isabay sa birthday nya kaso maghahanda pala sya. Ayoko namang nasa party sila tapos kaming mag asawa nasa hospital :D

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #51 on: April 08, 2012, 04:00:34 pm »
ang cute talaga ng baby ni slovy. Sana maputi din baby ko hindi mana sa tatay niya.

buti ka pa sis dada nakaschedule na ako waiting mode at hindi ko alam kung kailan lalabas ang baby ko. Nakakaramdam na ko ng discomfort down there at contractions pero wala pa. Kailangan ko pa pacheck sa midwife dito. Namimiss ko tuloy OB ko sa antipolo.

Sis sether gabi nalang ng May 1 ka magpaschedule :) para makakain ka pa sa handaan ng SIL mo. :)

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #52 on: April 08, 2012, 05:11:00 pm »
sis slovy ang cute ng baby mo.. ;)
congrats on your new baby!!! galing ng work of hands ni papa god!! very healthy and very beautiful!!

ako tomorrow check up, feeling ko malayo pa due ko pero mukang manganganak na ata ako this week, dami ko kasi activities, kagagaling lang namin today sa family outing sa batangas.. lakad lakad and nagswimming pool pako.. ang likot ni baby and sakit nya kumilos kanina..baka may false contractions lang.. ayaw ko pa manganak this early.. atleast end of april ok nako.. may meeting pako this week, and di pako nakakapag file ng ML ko..

godbless to all ,
ang init today grabe!!

mommyleigh

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #53 on: April 08, 2012, 09:16:09 pm »
tomorrow check up ko din..haiisst..nakakatakot mga sisess dalawang mommies na kakilala ko ang namatay sa binat after manganak..natatakot  tuloy ako kaya lgi ako ngppray kay Lord...Pano ba ngyayari ang binat sa mga bagong panganak?ano ang cause nito?At pano maiiwasan?

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #54 on: April 08, 2012, 10:17:59 pm »
@sis sweet, di ako pwede magpaconfine sa gabi kasi manila pa yun tapos sa bataan ako naka plan manganak  ;D

plan ko mag walking na by next week para matagtag. gusto ko mag normal delivery eh if possible kasi bitin sa funds hahaha pero if talagang CS baka magpasked ako ng mas maaga like april 23+ na date. excited na nga anak ko lumabas to saka yung pinsan nyang dalawa hahaha. mas excited pa ata sila sa akin  ;D


sofala

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #55 on: April 08, 2012, 10:55:41 pm »
^sis how long (how many hours) do you plan to walk in a day starting nextweek? Is there an unsafe number of hours kaya?
 
gusto ko sana na manganak ako before 19, para aries yung horoscope ng baby girl ko. haha! yan kasi ang sign ng mom ko at bestfriend ko. Pero ayaw ko naman mag start mag lakad lakad ngayon kasi ayoko manganak sa friday the 13th!

Siguro after 13th, saka nako todo lakad ng lakad. Effective kaya yun? if i walk the entire length of megamall from 1st floor to 5th floor, mas malaki kaya ang chance manganak nako?

blue_angel

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #56 on: April 09, 2012, 10:24:32 am »
mga sis ano ba dapat ipack na gamit ni baby na dadalhin sa hospital?

honeyz4028

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #57 on: April 09, 2012, 11:12:07 am »
Edd ko is April 13. 39 weeks na ako ngayon and feeling ko isang taon na akong buntis :D

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #58 on: April 09, 2012, 12:31:43 pm »
hello mga sis,pa-join ulit :)

33weeks nakami & medyo praning nako,worry ko is baka wala dito si hubby kapag sumakit ang tyan ko,kaya kinakausap namin si baby na sana andito sya pag sumakit ang tyan ko at sana hindi madaling araw :)

congrats sa mga new moms!sunod na kami nyan :P kitakits na lang sa ibang threads..hehe

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #59 on: April 09, 2012, 03:43:17 pm »
@sis sofala, naku sis di ko alam if ilang hours ba talaga hehe although may nabasa ako na brisk walk lang daw 3 days a week. Here's the link pero need pa din natin mag research at saka syempre e-ask sa OB kung ano ba ang advisable dahil sila ang mas nakakaalam :)
http://kidshealth.org/parent/pregnancy_center/your_pregnancy/exercising_pregnancy.html#
 parang saktong 37 weeks palang si baby mo gusto mo na ilabas? hahaha ako papasobra pa ng 37 weeks if possible gusto ko nasa line of 20+, wag mo masyado madaliin sis unless naka schedule ka for CS talaga :) hindi tayo halatang excited ano hehe

@sis blue_angel, ako sis wala pa napapack hahaha! try mo ask OB mo baka may list sya kasi sa doctor na pinapacheck upan ko sa hospital meron sila nakapaskil na list dun di ko nga lang nalista hehe. Heto baka makatulong, post yan ng isang mommy sa smart parenting thread naman kaso for CS sya. Para magka idea ka lang at ako din since di pa ako nakakapag pack :D
3 pairs of mittens
3 pairs of booties
2 pairs of socks
4 pairs of Tie Side
4 pairs of PJs
1 Going home outfit
3 bonnets
3 receivers
3 burp pads
Feeding bottles
Pack of Small Diapers (I chose Huggies)


@sis honeyz, wow sis anytime soon lalabas na pala yan :D wala ka pa bang nararamdamang labor pains hehe

^medyo ilang weeks pa yan sis pero mabilis lang ang mga araw. sana nga eh maging masunurin ang mga babies natin kahit nasa tummy palang hahaha.

Bukas check up ko, I'm not sure kung may IE session na ako o ano. Pero maraming nagsasabi na mababa na yung tyan ko eh talaga namang mababa ang pwesto ng tyan ko ever since lumaki tong tummy ko hehe. Much better nga if e IE na ako para magkaalaman na kahit sa 13 pa ang 37th week ko :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close