watch now

Author Topic: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT  (Read 111758 times)

stormy

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #320 on: April 16, 2012, 09:11:49 pm »
Wall na ang blog. Pwede na ulit makabingwit ng bagong biktima.

Sa mga biktima, d na kailangan na may kundisyones yun Tao na nanloko sa inyo para bayaran kayo. Ang kundisyon Lang dyan e d kayo magsasampa ng kaso.


Takutan pala nangyayari e, gawa ng blog para kayo ang unang bayaran.



rianne_mallows

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #321 on: April 16, 2012, 09:24:15 pm »
ay ganun? wala na yung blog? whatever happened to "inform everyone about this pp?" :o

mauinhibitors08

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #322 on: April 16, 2012, 11:17:42 pm »
i just want everybody to know that i did not remove the blog. it is still there and in fact, its one of the suggested sites of google when you type her name. pwedeng pwede nyong bisitahin anytime..

sis stormy, i removed my previous message kasi, ang nakipagusap saakin is the relative.. not emie, nag so sorry ng paulit ulit and humihingi ng pasensya saakin.. out of respect para sa kanila, i did it kasi hindi sila ang may atraso saakin, c emie, yet sila ang nagtext saakin out of nowhere na babayaran ako.. hindi ito takutan..dahil hindi ko ito gagawin lahat, kung sa banding huli matatakot lang din ako..

sana po maintindihan nyo na wala na po ako sa lugar na magsalita pa ng kung ano anong negative pa dito dahil nabigay na po yung dapat para saakin, ang akin lang, sana magamit nyo ng maayus ang ginawa kong thread, and blog, lahat po tayo ng tulungan para malaman ang mga atraso ni emie.. ngbigay ako ng infos na alam ko, and i think nagawa ko naman yung part ko makatulong din sa iba..

swiTsuplada

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #323 on: April 17, 2012, 05:29:06 am »
I just checked it and the blog is still there.

http://emiedizer.blogspot.com/2012/04/emie-dizer-co-dynamic-impact-events.html

Or baka me iba pang blog? 'Yung FB niya wala na talaga after niya makalabas.

Question lang, nagpunta ba kayo sa Pasay CID nung nakakulong si Emie? Kasi like for me and sis Maui-- personal namin talaga kinausap si Emie kaya nagkataon na nakausap din namin 'yung mga relatives niya. Mas madali talaga if nakakulong pa kasi napupuntahan pa siya. Ngayon talagang mahirap na siya i-track. In fairness to them, they're trying their best na makipag-settle hanggang kaya nila 'yung amount. I don't have their numbers anymore. But I remember I got the number through FB ni Emie (nung me FB pa siya).

evilwoman

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #324 on: April 17, 2012, 08:34:01 am »
saan kaya nakakuha ng pambayad sina emie? baka naman nakakuha lang ng bagong bibiktimahin at yun ang pinambayad sa mga naloko ngayon.  ::) swerte din naman ng kriminal na yan ha.. nakakapagset pa ng kondisyon once mabayaran ang mga naloko.

stormy

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #325 on: April 17, 2012, 08:57:33 am »
Talaga? Kagabi wala ang blog putol. Edited din ang post dito tungkol sa blog.

Possible ba na lahat ng victims makapunta agad sa kulungan ni bluekaren that time?

Dun sa mga d may alam or d na inalam, bago pumutok yun issue kay bluekaren sa suppliers who broke our hearts thread meron na rin mga nega na comments kaso as mentioned din nun mga gters na nagshare ang laging sinasabi sa kanila e babayaran sila basta alisin nila yun post.


Try to imagine if d nila inalis, may makakabasa may maiinform kahit pa marami syang fans. Fact na kasi, sa forum kumukuha ng kliyente kaya iba sa forum nagpapasikat.

Nangyari yun suppliers who broke our hearts thread kaso daming style para maisara.


Tapos itong thread na ito na dapat maingat kada post or else mawarningan ka kasi may rules syempre ang forum. Napunta na nga dito sa scam alert. Pag ba ikaw magprepare ng party (at sobrang excited ka) uunahin mo pa ba magpunta sa scam alert?

And frankly wala akong makitang "in fairness" sa issue ng pagbabayad. Malinaw ang issue. May naloko, may dapat magbayad. Walang tao na pumilit para sila ang umako magbayad, ang mayroon ay sitwasyon na "mapilitan" sila na magbayad.

Ilagay sa tamang konteksto ang awa at pang-unawa. Mas bigyan ng allowance sa pangunawa ang biktima, hindi yun nanloko.

Wala naman kasing argumento, para d uminit yun thread. Pero if meron naghahanap dun sa nang-swindle at d mahanap yun tao, d nakakabawas ng frustration sa nabiktima yun d pagsuporta sa kanila.

At d rin lahat ng nabiktima kayang iexpress yun gusto nila sabihin. Kaya nga mga nagpi-pm yun iba para humingi ng tulong paano ipaabot dito sa forum ano agam-agam nila.



chic_clothes

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #326 on: April 17, 2012, 12:02:59 pm »
for me di ako naniniwala na pera ng relatives yung pinambayad sa iba..kay emie din na pera yun kase kung ako relative bakit ko babayaran ang perang di ko naman winaldas, ang hirap na ata pumulot ng piso ngayon..at kaya pinalabas na relatives ang nagbayad para maawa ang mga victims kay emie at isipin na wala na talagang pera yun tao..at hindi na siya ipakulong once na nabayaran na sila..strategy lang siya dahil sanay na sila manloko ng tao..sad but its true..nakakaawa lang yung ibang nagpopost dito na tinatanong ang contact number ni emie dahil wala ng magbigay..

swiTsuplada

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #327 on: April 17, 2012, 02:52:02 pm »
@Stormy you can't tell me what to post or what I should not post. At hindi din lahat ng tao pare-pareho ng diskarte.

Anyway, I'm just thankful to sis Maui and all the other GTs na nagpasimula ng thread na 'to & nag-share ng experiences nila about Emie. Malaki ang naitulong ng mga naipayo nyo sa 'kin. :) At duon sa mga naghahabol pa kay Emie till now, i-file nyo na lang po sa NBI 'yung case niya as suggested by Rquelly's bro.

stormy

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #328 on: April 17, 2012, 03:05:39 pm »
@switsuplada, yup I'm aware of that. You'll feel differently I'm sure if d ka pa nabayaran. Newbies mga ibang biktima kaya walang boses dito sa forum binibigyan boses ko lang. Nagiging spokesperson ka na unconsciously ng taong maraming naloko. May right rin ako na suportahan yun mga walang boses pa sa ngayon sa forum.

*mods d ako sumagot para maging maanghang yun thread. Baka maging rason para maisara thread, kaya kalma na lang.
« Last Edit: April 17, 2012, 03:09:35 pm by stormy »

swiTsuplada

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #329 on: April 17, 2012, 03:36:16 pm »
May nasabi ba akong masama sa kapwa ko nabiktima? Di ko lang maintindihan kung bakit kami na nabiktima din ang pinag-iinitan mo? Wala ka naman dun nung kami mismo ang umaasikaso ng mga personal issue namin kay Emie. Di ko naman alam na kasalanan na pala namin kung naareglo 'yung case namin. At di ko inaalis ang right mo magpaka-hero but not at my expense.
« Last Edit: April 17, 2012, 03:42:26 pm by swiTsuplada »

evilwoman

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #330 on: April 17, 2012, 03:52:18 pm »
^ i get your point sis but ang nagiging dating kasi e parang ganito:

nung di pa nakakasingil: "sa lahat ng mga nabiktima ni emie, magtulong-tulong tayo!"

nung nakasingil na: "o sige, bahala na kayo dyan ha. quiet na ako, kakahiya naman kasi sa mga kamaganak ni emie, nagkusa pa talagang bayaran ako. talagang nageffort pa sila. kudos to them!"

syempre exaggeration lang ang drama na sinabi ko but i hope you also get our point.  ;)

i'm sure tuwang-tuwa si emie nyan. nadedelete/naeedit na yung mga negative na sinabi about her. konting oras na lang, pwede na uli makapagstart uli (ng pangungulimbat).  :P

cherrhys

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #331 on: April 17, 2012, 04:01:22 pm »
Relax lang kayo.  Baka maclose pa ang thread na ito eh di mas lalong walang mangyayari.  Ganun na talaga siguro ang mga Pinoy, sadyang mapagpatawad.  Siguro the best we all could do is to keep this thread alive, maybe post updates or the likes. 

^Good illustration.  But again, wala na tayong magagawa if yung threadstarter and the other "victims" here eh ayaw ng magpursigi sa kaso.  The best we could ask for is huwag naman na sana iedit pa yung mga previous posts nila or even delete the blogs about them.  Ok lang huwag ng magupdate or makisali sa mga magtutuloy ng kaso (kung meron pa), basta huwag naman yung tipong sila na rin naglinis nung record ni Emie.

swiTsuplada

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #332 on: April 17, 2012, 04:29:37 pm »
 Pasensya na if ganun ang interpretasyon nyo sa mga nasabi ko, but I'm just speaking based from experience. At hindi naman dahil naaawa ako sa kamag-anak niya e ibig sabihin na nun eh di ako nakikisimpatya sa mga naloko ni Emie. At hindi dahil sa natapos na 'yung kaso ng sa akin eh wala na akong pakialam sa mga current na biktima. Sana lang mag-ingat 'yung iba sa pananalita nila na direktang nakaka-offend na. I don't have any intention of intentionally offending anyone with my comments.

Thanks evilwoman for sharing your thoughts.

happyfemme

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #333 on: April 17, 2012, 04:40:30 pm »
To those na na-settle na ni ms emie, help others nalang by giving them information or contact numbers on how to get in touch with her.

Sayang ang thread, baka mag close ulit. Malaking tulong ang dating thread (suppliers who broke our hearts), kasi parang naging warning thread talaga sa mga mommies. Kaso dahil sa mga hindi ma-control na emotions ng mga victims plus mga supporters ni ms emie, eh nag bangayan na.

Lets keep this thread alive, protect this as much as possible. Kawawa ang mga victims, especially those from abroad pa, parang nangangapa sa dilim coz hindi nila alam kung paano hahagilapin o makakausap manlang si ms emie. Itong thread lang na ito ang nakakapag-update sa kanila on what is happening kay ms. emie

May mga lurkers dito sa thread na pwedeng "eyes" ni ms emie. Kung sino man sila, we dont really know. But i think she's aware of this thread, siyempre inaalam din niya ang mga kilos ng mga nabibiktima niya so that she can make actions ahead.


kimdimatulac

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #334 on: April 17, 2012, 04:55:04 pm »
^Good illustration.  But again, wala na tayong magagawa if yung threadstarter and the other "victims" here eh ayaw ng magpursigi sa kaso.  The best we could ask for is huwag naman na sana iedit pa yung mga previous posts nila or even delete the blogs about them.  Ok lang huwag ng magupdate or makisali sa mga magtutuloy ng kaso (kung meron pa), basta huwag naman yung tipong sila na rin naglinis nung record ni Emie.

I second the motion.

mitchbox

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #335 on: April 17, 2012, 05:08:56 pm »
mga mommies help po... san ko po kaya pwd makontak c ms. emmie
my baby's b-day is fast approachng n po.. this coming MAY 06 na po. gusto ko [textspeak!] mabawi yun pera  :'(

hunny_ally

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #336 on: April 17, 2012, 05:32:52 pm »
^incommunicado na na is emie. Iim 99.9% hindi siya sisipot sa party. Better make plans now. Kasi if she indeed has plans, dapat siya na ang magkusang mag contact sa yo and allay your fears.

For those na naka-singil na Kay emie, if siya man ang nagbayad directly or courtesy of the kamaagnak incorporated,  maybe this is the time to pay it forward and help mitchbox

FOURever

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #337 on: April 17, 2012, 06:02:08 pm »
Agree ako sa iba dito.. Kaya nga gumawa ng thread para magtulong tulong lahat ng nabiktima.. Paano na yung mga ibang di pa nababayaran, nakapagbail na yan.. Magfile man siguro sa nbi ng case, paano pa mahahabol yan kung magtatago na.. Kaya sana tulungan niyo po yung iba pang nabiktima para KATULAD NINYO, makausap nila yung mga relatives nyang si EMIE DIZER para mabayaran sila (yung mga tinakbuhan nya/di pa natatapos event). Pero as much as possible, magfile ng kaso para sa kanya. Wag na po mag edit ng mga posts.. Thanks po!

mommy_cel

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #338 on: April 17, 2012, 06:27:11 pm »
oh my gosh.  ang lapit na ng may06.  pano party ng baby mo?  :(

mitchbox

  • Guest
Re: beware of EMIE DIZER C/O DYNAMIC IMPACT EVENTS MANAGEMENT
« Reply #339 on: April 17, 2012, 06:40:06 pm »
ok na po... ngawan ko n ng paraan khit pa2no good thing nlng nai-booked ako ni emmie sa party host n ping-usapan nmen kxe tnwgan ko agad yun host, kxo  ba2yaran ko pa dn yun host ng 12t kxe 50% [textspeak!] yun bngay n d.payment ni emmie kay party host. eh full paid nko kay emmie para dun sa host pati yun 60% naideposit ko para sa venue set-up and face painter.  :( yun [textspeak!] sana gusto kong mabawi kxe malaking halaga dn yun....

 

Latest Stories

Load More Stories
Close