watch now

Author Topic: HELP: My 13 yr old son has a GF!!  (Read 8353 times)

reese**

  • Guest
HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« on: March 29, 2012, 02:50:09 pm »
Hi mga sis. Ask ko lang advices nyo about my situation. Well, to give you a brief background, i got pregnant very early, like 19 so im still on my early thirties and my son is 13 yrs old. He grew up sa parents ko because i did not stop school until i graduated. Though i go home to be with them every weekend during college and even when i was working they live kasi outside metro manila. When he was 7 i decided to go abroad to give him a better future. But i go home often like 3 times a year and even on vacation for a month every summer to be with him.

Now, yung mama ko sobrang problematic kasi naging pasaway ang kid ko. Ewan ko ba pero lumaki naman kami na di pala sagot at may takot sa magulang ( except i got pregnant early, hehe) pero etong anak ko eh ang lakas magsasagot. Ngdadabog kapag napapagalitan at talagang matigas ulo. I dont know if it has something to do with our situation. But i always ask him to live with me and his dad and sister (baby pa) abroad but ayaw nya since he has friends here daw and all that. I dont want to ruin his life dito in PH so even if sad for me, nakahiwalay siya at andito nga. Though, again, we always go home for vacation to be with him.

So now, he has a gf. Classmate nya and at first ayaw talaga ng mama ko. Though my stand is let it be an inspiration. So dahil baka part lang ng pagbibinata eh hinayaan nalang namin.  Though bahay at school lang naman kid ko. Di siya pinapayagan unless school outing at related sa school activities ang lakad. Recently sinabi ng mom ko na nalaman nya na pumupunta na ang gf dito sa bahay kapag umaalis mom ko. Parents ko lang kasi dito at kid ko so kapag wala parents ko eh magisa lang kid ko. At ayun, ilan beses na nadadatnan dito at nagsusumbong ang helpers na nakakakita. Nung nalaman ko yun sobrang galit ko. Gusto ko puntahan ang gf na huwag na huwag ko ng malalaman na tatapak siya dito sa bahay namin kungdi isususmbong ko siya sa parents niya  Gusto ko din kausapin kid ko ng masinsinan na kapag hindi nya tinigil eh sa ayaw at sa gusto nya ay isasama ko siya abroad para doon na for good. Gusto ko nga kunin ang cellphone ng kid ko dahil walang ginawa buong day kungdi mag text. I know its summer and walang pasok but gusto ko siya turuan ng lesson. Uso dito sa province ang maaga nag aasawa. And the last thing i want is maging lola in my early thirties! Lol. Seriously, of course i want him to finish his studies first and have a better life than me ( though im thankful i still have a good life, if not best dahil nga sa maagang pag aasawa). Im on vacation and will be here for a month so i think its the best time to try to change him for the better.

I know most of you are young moms din like me but your inputs will be much appreciated.

girl24

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #1 on: March 29, 2012, 03:13:26 pm »
sis, based on your post, you, your husband and your baby are all living together in another country while you son is here with your parents - parang dun pa lang makikita mo na me problem. how could he feel na part siya ng family niyo kahit na ba madalas kayo umuwi / magbakasyon? iba pa rin ang daily kasama mo sa bahay. yung nakikita mo ginagawa, naaalagaan, nalalambing, napapagalitan, etc.

he may not connect with you, his dad or sister because he doesn't live with all of you. so feeling outsider siya sa sarili niyang pamilya. same goes with his lolo and lola, he lives with them pero hindi niya mga magulang yung. iba pa rin ang aruga ng magulang.

malamang naghahanap ng atensiyon at pagmamahal ang anak mo kaya nag gf ng maaga.

reese**

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #2 on: March 29, 2012, 03:24:08 pm »
^ i know. But the thing is. Ive been trying to convince him since years ago to come with us and stay there na for good. Lalo na at I gave birth last year with his sister. Para nga sama sama kami. Pero siya ang may ayaw and i know he is not capable of making his own decisions but i believe he is at his vulnerable age and i dont want na pilitin siya sumama sa amin at ang ending is masira ang studies nya or ma depress at sisihin kami in the end. But im thinking if this gf thing dont stop then i might bring him with me kahit ayaw nya.

whitelady17

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #3 on: March 29, 2012, 04:07:37 pm »
sis, vacation na dito sa Pinas, so why not invite him for a short vacation kung nasaan man kayo? Of course takot siya to go outside of his zone. Para mas ma persuade mo siya na sumama na diyan for good, dapat ma experience muna niya in a short time ang mga magagandang puwedeng mangyari sa kaniya diyan.

tashasabs

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #4 on: April 22, 2012, 06:47:49 pm »
@reese** Hi sis. Naku, ganyan na ang inaasahan naming mag-asawa kapag binata at mga dalaga na ang anak namin. Sa ngayon may ilang years pa kami para paghandaan yan. Hehe.

You mentioned you are a young mom. So am I. I got pregnant at 15, and now I'm turning 21 this year, with three kids (4 yrs old, 3 yrs old and an 8 month old) and I'm currently 4 months pregnant. I understand our apprehension na siyempre, gusto natin na maging okay ang buhay ng kids natin at as much as possible, wag silang magagaya sa atin. Sa situation mo, don't go on the offensive agad, like kukunin mo ang phone and threatening to bring him with you sa ayaw at sa gusto niya. Lalaki pa naman yan, baka lalong magrebelde, mas mahirap kapag ginawa niya yun tapos wala ka na ulit dito.

Better talk to him this vacation. Open up on relationship matters, lalo na sa sex. Tell him na okay naman sana ang may gf, but not the going to the house kapag sila lang thing. This is the time to be frank about teenage pregnancy. Since he thinks he's mature enough to handle relationships, sex education coming directly from you is part of it. Ang sa akin, better na sa akin unang matutunan ng mga anak ko ang sex kesa sa porn or sa kaibigan, o mamaya madala sila ng karelasyon niya at may mangyari na agad. Ganyan kasi plano naming mag-asawa, we'll talk to them about it kapag nag-teenager na sila.

Hopefully maging okay kayo. Balita ha?

design21

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #5 on: June 03, 2012, 10:23:34 pm »
maghahanap talaga ng love yan sa labas ng bahay. Hindi talaga sasama ang teenager sayo if hindi naman lumaki sayo ang bata. Buti nga girlfriend lang (puppy love lang yan). He has someone to channel his frustrations in life. Mga tatlo na din kilala ko na nagpakamatay na ganyan na ganyan ang situation. Kaya wag mo pigilan, malaki tendency magpakamatay son mo.

mdy

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #6 on: June 08, 2012, 09:12:51 pm »
I am a young mom as well. Had my firstborn at 19. Pero hands on kasi ako so sana walang maging ganyan problem. 3 years nalang teenager na din ang anak ko :( anyway, yung age na kasi na yan dapat ng guidance. Guidance na magulang lang ang makakapagbigay. Grandparents tend to be spoilers kasi so most likely kahit ayaw nila, unconciously matotolerate nila yun mga bagay-bagay. What I can suggest you do is take your son with you. Kahit sinasabi nya na ayaw nya. 1st of all, ikaw ang magulang kaya may right ka sa anak mo. Hindi naman masama ang intention mo diba. 2nd, pwedeng sinasabi nya na ayaw nya pero gusto nya. He has been away from his family for a long time, pride and siguro naiilang na din yan. 3rd, ngayon yung time na sobrang kailangan nya ng family. Nasa stage sya ng identity vs. Role confusion, pano nya malalaman yung identity nya kung hindi nya kayo kasama? Andun na sya sa role confusion and it all points out dun sa naging setup nyo from the start. Its not too late to have him back in your family and makes up for the lost time. Ibigay mo sa kanya yung love at attention na hinahanap nya sa iba, kasi ikaw ang magulang. Wag mo na intayin na mas lumala pa yung situation.

xenos54

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #7 on: July 12, 2012, 07:08:26 pm »
sis baket pala siya naiwan sa parents mo?

Purple_Power

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #8 on: July 14, 2012, 01:43:51 pm »
I could sense na baka rin na-spoil nang husto ng parents mo yung kid na hinayaang maging palasagot kaya nasanay anak mo maging ganyan. If you really want your kid to be a better person who values good character and respect to elders then you must be really a parent who will guide him to the right path with your presence. Tama yung sinabi ng ibang sis rito baka feeling rin niya he is outsider kahit na literally alam niyang part siya ng family niyo na ikaw yung Nanay at may Tatay pala siya.

In regards of having a girlfriend at age of 13, don't be that strict kasi lalong magrerebelde yan at kapag nagrebelde yan hindi rin malabong makakabuntis yan kaagad kasi sa malamang yan para marelease ang depression niya siempre makikipag make love na yan. At para rin maiwasan ang ganyang instances as a parent you must educate your kid lalo na in terms of sex education na kung ano ang magiging consequence kapag nainvolve sila earlier. Kahit na he is into current relationship then educate him as well yung regarding sa falling in love if he is matured enough for commitment. Kausapin mo rin siya kung paano na nagwowork ang relationship nila. I don't think ang pagbawalan ang gf na magpunta sa bahay is a good idea. Instead tell your kid na she can visit your house pero siempre dapat hindi makalimutan na magkaroon pa rin sila ng sense of decency and the gf must be respectful to elders as well. Sana your mother should understand this matter as well. Kasi the more na pinagbabawalan lalong gagawin lalo na kapag wala ang lola. I could imagine na it will provoke him na maging sinungaling at hindi mag-oopen up kung ano ang situation at nararamdaman niya. Kita mo ngayon he didn't value his family but then yung friends niya ang mas pinahahalagahan niya lalo na siempre yung girlfriend niya. Remember totoo rin yung kasabihan na masarap ang bawal.

Sana as a parent iparamdam mo rin yung pagiging interesado mo sa anak mo lalo na sa girlfriend niya kasi from that baka maiba rin ang pananaw sayo ng bata at maging open na siya. Kasi at times nagiging feeling ng bata is mashadong superior yung magulang na parang boss nila hindi magulang nila na taga gabay sa kanila.

khriseeee

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #9 on: August 05, 2012, 08:21:24 pm »
Hmm why are you allowing your 13 year old to make the decision whether to live with you or not? You're the parent, shouldn't what you decide be the rule? Obviously your parents could not manage your son anymore and honestly they shouldn't have to, they already raised their kids. If your hubby decided to have another baby why did you not bring your son to live with you a long time ago? You need to step up and take responsibility for your kid. He needs to know that you are in charge and if that means moving him with you, then so be it. Kids are resilient, he can make new friends. By allowing him to choose staying to be with his friends, the message to him is that his friends are more important than family.

k_heart

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #10 on: August 12, 2012, 12:18:22 am »
Oh tricky! But it's a sign talaga of rebellion. I think the kid feels na hindi sya mahal ng parents nya kasi sa grandparents sya lumaki. Yes, the TS feels na she is doung her best and wants to give  a good future to her son.
Pero based sa mga friends ko at kakilala na nasa similar situation, yung nagkaroon ng anak, out of wedlock, then nakahanap ng ibang partner and started a family with them, yung naiwang son or daughter really feels left out. ganyang ganyan yung son nung isa kong officemate. 3 silang magkakapatid at 3 different fathers also.
 Yung officemate ko is now living with her current partner  and their baby. Si son na panganay,
ayun naglayas na sa house (teen-ager) at yes may GF na also.
Madami kasing kids or teeners na mas nararamdaman nila ang sense of belonging sa gf or bf nila rather than sa bahay.
What the TS can do is to reach out more pa sa kid nya. I think hindi pa huli ang lahat at dapat yung step father nung kid should really make the kid feel ba part sya nung family.
Sa ganitong situation talaga na naging preggy ng maaga tapos di nagpakasal, its best pa rin for the mom na palakihin na malapit sa knya ang kid nya.
Good luck sis and pray for your kid and the proper way to solve your dilemma!

marssie

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #11 on: October 08, 2012, 07:25:16 pm »
Sis TS, kung ako nasa sitwasyon mo,iinsist ko na sa akin na tumira ang son ko, whether he likes it or not,ako ang masusunod, pag nasa poder ko na siya,mas magkakaroon ang ng chance na mapakita sa kanya kung gaano siya kaimportante sa akin.. Pwedeng madepress siya sa umpisa or magrebelde, pero naniniwala ako na mas mangingibabaw yung gagawin kong pag aalaga sa kanya para mas maintindihan niya at marealize na mas masarap at mas masaya pala pag buo ang pamilya :)

muy003

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #12 on: November 04, 2012, 07:37:20 pm »
TS, ikaw lang kilala kong mom na natakot masira ang future ng anak nya dahil dadalhin abroad, and ikaw lang din ang sumunod sa anak na umayaw. I feel that you are so disconnected from your son. Im in no place to judge you pero parang iba yung pagmamahal mo sa kanya. Something is not right. When he didnt want to live with you, ano sabi ng dad nya? Dad nya nga ba yan or step dad na?

Mukhang may resentment yung bata sayo for him to choose his friends over you his family. And teenager pa lang yan, trese anyos. When he was younger, di mo na macontrol, pano pa ngayon? Napabayaan ba? Nung title lang ng nakita ko, unang sagot ko is, get over yourself, puppy love lang yan. Pero nung nabasa ko the situation, naghahanap ng pansin at pagmamahal yang batang yan. Iba ang pagpapalaki ng lolo at lola sa sariling magulang. Kung ikaw nga na napalakig maayos, eh tumagilid, what more yang anak mo? We cant judge the fiuture pero preventn is always better than the cure.  Eh ano nga ba preventive measure in this case, have a relationship with your son. Help him open up to you and talk to him, more importantly oisten to what he has to say. Still, you have to set boundaries. If as a parent you decide that he should have a future abroad, with you, his family, you have to be stern about this.

Marami akong kilala at friends na nagmigrate, even my nieces and nephews. Lahat ng anak, nalungkot, umayaw, nagtampo. Pero lahat yun natuloy, and i mean lahat, wala akong kilala na di natuloy- kasi nga family yun eh. Lahat sila maganda naman ang buhay abroad. Andun pa din yung problema ng teenage pregnancy, bulakbol dahil sa barkada, pero kahit san mo naman lupalop dalhin ang bata, proper guidance would have prevented such things. If masaya ng bata sa bahay, masaya buhay nyan. Pero kung puro galit, sermon, sama ng loob, mas gugustuhin nyan sa labas ng bahay. Andun [textspeak!] masamang elemento.

As for the gf, i hope di mo ginawa yung gusto mong gawin na pupuntahan yung batang babae, kasi kung ako nanay nung babae, idedemanda kita. Sisirain mo utak ng anak ko dahil lang nagpunta sya sa bahay nyo. Oo peedeng naglandian sila, pero if you confront the female kid, naku! Lalo mo sinira relasyon mo sa anak mo.

Its not too late, build a loving relationship with your son. He might just want to be with you then. Tsaka, utang na loob, ikaw ang lalapit. Ilapit mo sya sayo. Thats not going to happen kung di sya masaya sayo.

Sis, baket? Bakit ka pumayag na di mo sya kasama, yung totoo, why you decided that it was his choice and not yours to live with the grannies?

j27

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #13 on: November 04, 2012, 09:32:52 pm »
maaga din ako nag asawa, 17 ako nun pero nagpakasal din kami agad ni hubby. now, 12yrs old na yung panganay ko, at may crush crush na din at muntik muntikan na din nagka bf.

nung 7yrs old siya, buntis naman ako sa bunso, nag abroad si hubby. kinuha niya lang kami after 3years. so 10yrs old ang panganay, and 2yrs old ang bunso nung sumunod kami dito.

yung 10yrs old na yan, siyempre may mga close friends na din yan, pero kahit ano pa ang maiiwan niya sa pilipinas, kailangan na namin umalis lahat dahil yun ang gusto ng daddy nila, magkakasama kami dito. sino ba may ayaw na kumpleto ang pamilya? kahit sinong bata gusto kasama niya ang daddy at mommy, ke saan pa kayo mapadpad.

tama ka, lumaki naman tayo ng maayos, except nga na maaga tayo nagsipag asawa. yung mommy ko 15 nung nanganak kay kuya, ako naman 17 nanganak, yung kapatid kong babae 18 nag asawa. puro kami maaga nag asawa. sana hanggang samin nalang. hehe. kaya pilit kong kinokontra yan ngayon sa anak ko.

TS yung anak mo, kung ako siguro pinagsasagot at pinagdabugan niyan, baka napanggigilan ko yan. bakit natutong sumagot ng ganun? hindi gaganyan yan, kung nun palang binawal na sa ganyang ugali.
yung panganay ko kasi nun, napagalitan ko, aba, tiningnan ako ng masama. sabi ko,  wag siya tumitingin sakin ng ganun kundi tutusukin ko mata niya. ayun hindi na ako inirapan kahit kailan. at pag nakikita ko na parang tinataasan ako ng kilay pag napagsasabihan, pinupuna ko na agad, hoy kako, tinataasan mo ba ako ng kilay? hindi daw, sabay baba ng kilay sa first floor. haha.

dahil nga hindi pa naman ako ganun katanda (at palagi kami napagkakamalan na mag ate o mag tita), sinasabi ko palagi sa kanya na ituring niya ako na parang barkada din, ganun din ako sa mga friends niya, ke boys o girls, gusto ko close sila sakin para hindi sila magtatago ng kahit ano. lahat pwede niya sabihin sakin, kahit ano pa yun. pero kahit ganun, dapat matuto pa rin siya na irespeto ako.

TS tungkol naman dun sa ayaw sumama ng anak mo sa abroad, hindi na tinatanong yan. asikasuhin mo ang papers niya at isama mo dyan, ke ayaw niya o hindi. matuto siyang sumunod sa magulang. hindi kasi natatakot sayo, kaya yung sasabihin niya, yun dapat ang masusunod. isa pa, lumaki kasi yan na wala ka, kaya okay lang kahit tumanda siya ng wala ka sa tabi niya, kumbaga nasanay na.

yung pinsan ni hubby, simula baby naiwan na sa kanila yun kasi nag abroad yung mommy. broken family kasi yung pinsan niya. nung nag8yrs old yung bata, kinuha ng mommy, dinala sa abroad. wala naman magawa yung bata kahit ayaw niya, kahit mag iiyak siya, kahit nag away pa yung mommy niya at mommy ni hubby, kesyo siya nagpalaki at nag alaga tapos ngayong malaki na tsaka niya kukunin. nasanay naman yung bata at hindi nagrebelde. pero lately, dahil siguro iba talaga ang buhay sa states, kahit kasama mo magulang mo, ayun, naging pasaway din. nag bf, minsan hindi daw umuuwi sa bahay at nakikitulog sa mga friends or bf. yung mga ganyang bagay lang naman, 20yrs old naman na yan  ngayon.

itong dalaga ko, simula nung napunta kami dito, palagi din sila may gimik ng mga classmates niya. sa school kasi nila, boys & girls pa din, pero hiwalay ang class ng girls sa boys. so minsan pag may gimik sila, may nakahalong boys, pero may mga kasama naman na mommies/daddies, bantay. hehe
pinapakilala namin samin at nagbebless pag kasama kami sa gimik.

hindi mahigpit si hubby sa ganyan, hatid sundo pa nga niya yung panganay namin kahit gabihin pa, kaya minsan naiinggit ako. ako kasi hindi ko naranasan yung ganyan, puro patakas, bawal kami gumimik nun. hehe. masaya naman ako dahil supportive naman si hubby sa ganyan. yun lang, bawal talaga ang crush at bf. tama lang yun.

TS dun sa nalaman mo na nagpupunta pala sa bahay niyo si gf pag wala si lola, kausapin mo nalang siguro anak mo, kung makukuha pa sa pakiusap. pag kasi pinagalitan mo agad yan, ala na, hindi na pakikinggan ang lahat ng susunod na sasabihin mo, sarado na utak niya sayo kasi galit siya. at lalong wag mong susugurin yung gf kasi, double trouble yun. yung anak mo ang asikasuhin mong patinuin.

yung anak ko pinagsabihan ko tungkol dyan, diniretsa ko talaga na wag muna siya magbi bf. crush crush okay pa kako, basta wag lang yung parang ang arte arte na ng dating niya na nagpapacute siya sa boy, wag kako ganun. kaya palagi ko din siya tinatanong, pabiro, o wala bang bagong crush, o may crush sa kanya. yung mga ganyan na hirit. mapagkakatiwalaan niya kako ako sa ganyan, basta wag lang siya magsisinungaling sakin. effective naman.

inexplain ko din sa kanya yung naging lagay ko nun. sabi ko, maaga kami nag asawa, imbis na nageenjoy ako, pag aalaga ng bata inaasikaso ko. ayoko kako mangyari sa kanya yun, gusto ko mag enjoy siya hanggang sa magsawa siya, sa pagiging single. naintindihan naman ako.

naku! wag mo kukunin ang cellphone niyan kung ayaw mo ng gulo. hehe. yung anak ko, may usapan na kami. kukunin ko lang ang cellphone niya, kapag bumaba ang grades niya. may password pa, nako.

ayan napahaba tuloy post ko.

aquacharly

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #14 on: November 04, 2012, 09:39:35 pm »
REESE, I wish to know how you handled it & what the results are.  No judgment. 

k_heart

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #15 on: November 07, 2012, 02:39:41 am »
Ano na nga ba ang update?

reese**

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #16 on: November 09, 2012, 02:57:19 pm »
hi mga sis, nakalimutan ko na i-update ang thread na ito, nung mga time kasi na aligaga ako sa issue eh kokonti pa nag popost.


« Last Edit: November 09, 2012, 04:33:37 pm by reese** »

reese**

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #17 on: November 09, 2012, 04:18:49 pm »
for a brief background:

the husband, is his real dad, not a step-father. when i had my son, i was still in school and dahil ang parents ko eh typical strict parents, they insisted na pakasal kami ni bf (that time) so we got married. but we remained bf-gf (we did not live together)to be able to finish school. yes, weird, i know. its like pinakasal kami because i go to a catholic uni and the school will kick me out unless i give them a marriage cert if i want to continue school while preggy and of course my parents also want it. my mom took care of my baby because my hubby and i go to school. after 2 years, my hubby left and so naghiwalay kami. i graduated and then found a job here abroad without hubby in my life. i cant bring my son here kasi how can i go to work and i was just starting then. i can bring him but i will need to hire a helper na hindi naman yata feasible for a starter like me. for a couple of years its just me here abroad, so what i did was i always go home sa 'pinas to be with my son. then my hubby and i got back together. then that was the time na i considered bringing my son with us. but the problem is everyone in our family thinks (especially my mom) na hindi ko dapat pilitin ang anak ko kung ayaw. it is indeed very easy to say - 'you are the parent, ikaw ang masusunod.. and all that' but for reasons na only myself knows, mahirap for me. if i do that i feel like mapapabilis ang pagtanda ng parents ko dahil sobra sila malulungkot, may sakit mom ko and i just cant let her miss my son so much to the point na malungkot sila sobra. im even scared na my son will not take it easy. yes all of us seen same scenarios na sa ayaw at sa gusto ng bata sinasama sila wherever ng parents. but ive seen some, here, close friends, na ang ending inuwi nalang ang bata sa pinas because they cant cope up with the life here. lastly, it is never my plan to stay here for good, infact im always looking out for opportunities na makabalik ng 'pinas. like always. you see, these reasons may seem trivial sa ibang tao but they are not for me.

with regards naman to my relationship with my son. we have a very good relationship. i remember nung mga times he's younger i have to like literally google lahat ng mga anime, movies, etc na sinasabi nya just so i can relate to him and may mapag usapan kami na matutuwa siya. i even had to learn how to play chess and other stuff so we can play together. i call him everyday, then whenever im home sa pinas we always have a bonding time na para sa amin talaga. and i often tell him na i just have to work thats why im abroad and i cant be with him to take care of him. he tells me about the girls he likes. he is like my bestfriend, i share with him mga experiences ko sa crush, sa love, etc. he tells me things as if im just his friend EXCEPT that scenario na sinama nya sa bahay ang gf. actually aware ako sa mga crush nya and yung gf nya na yun and i always tell him to just be inspired and happy and study harder and dont ever get married early like me :-) and i believe yung 'line' and hindi ko masyado na define kaya akala yata nya friend lang nya ako at nagagawa akong dabugan at sagutin paminsan minsan. ang mali ko is wala akong ginawa about it. hindi ko siya pinapagalitan. kaya it could be he thinks im fine with that.

reese**

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #18 on: November 09, 2012, 04:19:41 pm »
anyways, to  be specific na sa topic, what i did was i talked to him. it was a heart to heart talk. i told him how i felt about what he did, i made it clear na NO GF's allowed in the bedroom - EVER. like EVER. wife pwede na, but GF - NO. unless 30 yrs old na [textspeak!] siya. lol i told him paulit ulit na if he can, just be friends nalang with girls he likes. or maybe just be 'special friends'. i explained to him what might happen kapag naging aggressive and all the teen age pregnancy stuff. then i included nadin in our talk yung behavior nya, how it makes me feel, or elders feel when he does that ( sumagot at magdabog). instead of treating him like a baby ( which I always do) i told him that its time for him to grow up, be responsible and be smart. tutal ayaw nya na tinatawag siya na bata pa then I made him understand that if you want to be a grown up then act like one - be responsible. lastly, i made a compromise na if in 2 years Im still here abroad, then he has to be the one to go here and dito mag college. i never said na sa ayaw at sa gusto nya, i did not made him feel na im the parent and i should be driving and all that. what i told him was that its time for him to consider what I really want, what will make me happy, what will make the family happy. and yes he aggreed on that, it made him think [textspeak!] and until now kapag remind ko siya, he is still decided to go to college dito.

and about the gf, nope hindi ko siya kinausap. i had to let my emotions pass bago ko kinausap yung son ko to have a clear mind. and i guess im just sooo worried kaya ko naisip puntahan or iharass ang gf, she is somebody's child still , so hindi ko siya dapat pakialaman. its my son na dapat kong i deal with.

its been months and i can say na malaki ang pinagbago ng son ko. i dont know but it seems just a phase sa teenage life nowadays? sakristan siya and active sa church and bahay school padin. mga one month after nangyari nag break sila nung gf and now he tells me na he likes his bestfriend. im not sure kung phase na napagdadaanan or that heart to heart talk made a lot of difference.but i guess even if i thought na im doing so much for us to have a good relationship, i should still do more.

bettyboop1322

  • Guest
Re: HELP: My 13 yr old son has a GF!!
« Reply #19 on: November 09, 2012, 04:36:12 pm »
^hi sis, you did not mention anything about your son & his dad relationship. Kaya siguro nagconclude ang ibang sis natin dito na di sya ang real dad kasi wala kang nabanggit na effort naman from your hubby to reach out for your son. Minsan kasi di sapat na mom lang ang nag eeffort syempre iba pa din ang father figure lalo na at boy ang eldest nyo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close