maaga din ako nag asawa, 17 ako nun pero nagpakasal din kami agad ni hubby. now, 12yrs old na yung panganay ko, at may crush crush na din at muntik muntikan na din nagka bf.
nung 7yrs old siya, buntis naman ako sa bunso, nag abroad si hubby. kinuha niya lang kami after 3years. so 10yrs old ang panganay, and 2yrs old ang bunso nung sumunod kami dito.
yung 10yrs old na yan, siyempre may mga close friends na din yan, pero kahit ano pa ang maiiwan niya sa pilipinas, kailangan na namin umalis lahat dahil yun ang gusto ng daddy nila, magkakasama kami dito. sino ba may ayaw na kumpleto ang pamilya? kahit sinong bata gusto kasama niya ang daddy at mommy, ke saan pa kayo mapadpad.
tama ka, lumaki naman tayo ng maayos, except nga na maaga tayo nagsipag asawa. yung mommy ko 15 nung nanganak kay kuya, ako naman 17 nanganak, yung kapatid kong babae 18 nag asawa. puro kami maaga nag asawa. sana hanggang samin nalang. hehe. kaya pilit kong kinokontra yan ngayon sa anak ko.
TS yung anak mo, kung ako siguro pinagsasagot at pinagdabugan niyan, baka napanggigilan ko yan. bakit natutong sumagot ng ganun? hindi gaganyan yan, kung nun palang binawal na sa ganyang ugali.
yung panganay ko kasi nun, napagalitan ko, aba, tiningnan ako ng masama. sabi ko, wag siya tumitingin sakin ng ganun kundi tutusukin ko mata niya. ayun hindi na ako inirapan kahit kailan. at pag nakikita ko na parang tinataasan ako ng kilay pag napagsasabihan, pinupuna ko na agad, hoy kako, tinataasan mo ba ako ng kilay? hindi daw, sabay baba ng kilay sa first floor. haha.
dahil nga hindi pa naman ako ganun katanda (at palagi kami napagkakamalan na mag ate o mag tita), sinasabi ko palagi sa kanya na ituring niya ako na parang barkada din, ganun din ako sa mga friends niya, ke boys o girls, gusto ko close sila sakin para hindi sila magtatago ng kahit ano. lahat pwede niya sabihin sakin, kahit ano pa yun. pero kahit ganun, dapat matuto pa rin siya na irespeto ako.
TS tungkol naman dun sa ayaw sumama ng anak mo sa abroad, hindi na tinatanong yan. asikasuhin mo ang papers niya at isama mo dyan, ke ayaw niya o hindi. matuto siyang sumunod sa magulang. hindi kasi natatakot sayo, kaya yung sasabihin niya, yun dapat ang masusunod. isa pa, lumaki kasi yan na wala ka, kaya okay lang kahit tumanda siya ng wala ka sa tabi niya, kumbaga nasanay na.
yung pinsan ni hubby, simula baby naiwan na sa kanila yun kasi nag abroad yung mommy. broken family kasi yung pinsan niya. nung nag8yrs old yung bata, kinuha ng mommy, dinala sa abroad. wala naman magawa yung bata kahit ayaw niya, kahit mag iiyak siya, kahit nag away pa yung mommy niya at mommy ni hubby, kesyo siya nagpalaki at nag alaga tapos ngayong malaki na tsaka niya kukunin. nasanay naman yung bata at hindi nagrebelde. pero lately, dahil siguro iba talaga ang buhay sa states, kahit kasama mo magulang mo, ayun, naging pasaway din. nag bf, minsan hindi daw umuuwi sa bahay at nakikitulog sa mga friends or bf. yung mga ganyang bagay lang naman, 20yrs old naman na yan ngayon.
itong dalaga ko, simula nung napunta kami dito, palagi din sila may gimik ng mga classmates niya. sa school kasi nila, boys & girls pa din, pero hiwalay ang class ng girls sa boys. so minsan pag may gimik sila, may nakahalong boys, pero may mga kasama naman na mommies/daddies, bantay. hehe
pinapakilala namin samin at nagbebless pag kasama kami sa gimik.
hindi mahigpit si hubby sa ganyan, hatid sundo pa nga niya yung panganay namin kahit gabihin pa, kaya minsan naiinggit ako. ako kasi hindi ko naranasan yung ganyan, puro patakas, bawal kami gumimik nun. hehe. masaya naman ako dahil supportive naman si hubby sa ganyan. yun lang, bawal talaga ang crush at bf. tama lang yun.
TS dun sa nalaman mo na nagpupunta pala sa bahay niyo si gf pag wala si lola, kausapin mo nalang siguro anak mo, kung makukuha pa sa pakiusap. pag kasi pinagalitan mo agad yan, ala na, hindi na pakikinggan ang lahat ng susunod na sasabihin mo, sarado na utak niya sayo kasi galit siya. at lalong wag mong susugurin yung gf kasi, double trouble yun. yung anak mo ang asikasuhin mong patinuin.
yung anak ko pinagsabihan ko tungkol dyan, diniretsa ko talaga na wag muna siya magbi bf. crush crush okay pa kako, basta wag lang yung parang ang arte arte na ng dating niya na nagpapacute siya sa boy, wag kako ganun. kaya palagi ko din siya tinatanong, pabiro, o wala bang bagong crush, o may crush sa kanya. yung mga ganyan na hirit. mapagkakatiwalaan niya kako ako sa ganyan, basta wag lang siya magsisinungaling sakin. effective naman.
inexplain ko din sa kanya yung naging lagay ko nun. sabi ko, maaga kami nag asawa, imbis na nageenjoy ako, pag aalaga ng bata inaasikaso ko. ayoko kako mangyari sa kanya yun, gusto ko mag enjoy siya hanggang sa magsawa siya, sa pagiging single. naintindihan naman ako.
naku! wag mo kukunin ang cellphone niyan kung ayaw mo ng gulo. hehe. yung anak ko, may usapan na kami. kukunin ko lang ang cellphone niya, kapag bumaba ang grades niya. may password pa, nako.
ayan napahaba tuloy post ko.